My aunt saw my kids Jela Kapag day off ko sa trabaho, ganito lang ang ginagawa naming apat ng mga anak ko. Lalabas at magtatambay sa park, kapag hapon, uuwi na lang kapag medyo gumabi na. Pinakabonding na namin ito. At masaya ako dahil kontento na sila sa ganitong set-up. Dahil nakikinig sila sa mga payo ko sa kanila. Patawid na kami sa kalsada patungong park. Walking distance lang, kaya hindi na namin kailangan sumakay pa ng tricycle. Ang cute nilang panoorin habang naglalakad kami. May kanya-kanya silang bag na dala. Ang laman ng bag nila ay towel at damit, isama pa ang water bottle. Ang bag na dala ko naman ay mga snacks namin at ang blanket na mauupuan namin mamaya. Nagtatawanan ang mga anak ko, hindi ako makarelate sa usapan nila. Napapangiti ako dahil sa malalakas nilang tawa. "Mama, alam mo ba 'yong klasmate namin? Hindi niya alam tunog ng pato," sabi ni Jon. "Ang tunog daw duck, duck, duck," sabi naman ni Jam. Sabay pa silang tatlo na humagalpak ng tawa. "Tinuruan ko
Suspicious Jela Break time ko at nagtungo ako sa mga tambayan dito sa mall. May maganda rin kasing tambayan dito. Palaruan ng mga bata at tambayan na rin. Gusto ko dalhin dito ang mga anak ko kaso ayokong mai-chismis ako at gawan ng kung ano-anong kwento. Baka mapapaaway ako ng bongga. Saka na lang kapag okay na ang lahat. Naibibigay ko naman ang mga gusto nila pero hindi ko naman sila na-spoiled. Habang lumalaki sila, nagiging madaldal at makulit pa sila lalo. Hindi ko rin maiwasan na sumagi sa isipan ko ang lalaking ama ng mga anak ko. Hanggang ngayon, ginugulo pa rin niya ang isipan ko. Sana pala talaga, tinignan ko muna ang mukha niya o kumuha ako ng bagay na palatandaan sa lalaking iyon. Para alam ko ang ikukwento ko sa mga anak ko ng hindi ako gumagawa ng kasinungalingan para lang huwag nila hanapin ang ama nila. "Penny for your thoughts?" Napaigtad ako sa gulat. Nangunot ako dahil hindi ko kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Sorry?" Patanong kong pa
Change Department Jela "Oh, bruhela, 'yong pangarap mong department store natupad na. Huwag ka lang magsuot ng mga dress na 'yan ha, baka mahawaan ang mga gagamit na sikat at kilalang tao dito sa bansa ng kabaliwan mo," patutsada ni Wenneth, ang manager dito. Masaya ako para sa kanya dahil napromote ito last year. Tuwang-tuwa ito sa promotion na natanggap. Bwesit pa dahil gumulong-gulong pa talaga ito sa sahig. Tawanan na lang kami ni Rosey at ang boyfriend nito. Iniwan naming nagpagulong-gulong sa sahig. "Masaya ako na dito na-assign, Ma'am Wenneth... aray!" kinurot lang naman ako sa tagiliran. "Ate Wenneth kasi, hindi Ma'am!" inis na sambit niya. "Isa ka sa manager dito, e. Dapat lang na galangin kita. Kasi kung Ate Wenneth lang ang sasabihin ko, baka mahawa ako sa'yo at magpagulong-gulong rin ako dahil ang pangarap kong pwesto na ako naka-assign ngayon," hagikhik ko. "Loka-loka ka," natatawang hampas niya sa braso ko. "Pinaalala mo na naman 'yan!" nagkatawanan kamin
Taho Jela Umiiyak ang tatlo dahil hindi nila naabutan ang taho na dumaan dito kanina. Bingi yata ang tindero ng taho. Kaya bibili na nga lang ako ng portable microphone na gagamitin ng mga anak ko sa tuwing umaga para pagtawag sa taho para marinig niya. "Tahan na, mga anak. May bukas pa naman. Magluto na lang si Mama ng pancakes at gagawa ako ng chocolate milk," Niyakap ko na silang tatlo. Inutusan ko silang maghilamos at mag-toothbrush. "Huwag magtulakan, mga anak," awat ko sa kanila. Sumigla na naman sila. "Gusto kitang tulungan magluto ng pancakes, Mama," sabi ni Jam. "Kami rin po, Mama," duet ni Jan at Jon. "Okay, pero huwag magtulakan ha. Hihintayin ko kayo dito sa kusina," sabi ko bago ako umalis ng banyo. Nag-prepare na muna ako ng kailangan namin para hindi magulo. Makalat pa naman ang mga bata. "Tapos na kami, Mama," sigaw nila. "Tulong po kami ah?" tanong pa ni Jan. "Sure, mga anak. Okay na kayo ha?" paninigurado ko pa. "Opo!" sagot nilang tatlo. S
Coffee with Him Jela Sa dulo kami naupo sa harapan ng salamin. Gusto ko kasing panoorin ang mga sasakyan at mga taong dumadaan dito sa may café. Pinatong ni Jupiter sa lamesa ang gamit niyang bag, at sabay kaming nagtungo sa counter para bumili ng kape at slice ng cake. May dalawang babae na bumibili pa, at ang aarte nila. Mukhang binubully pa nila ang maliit pero napakacute na cashier. Kinalabit ko si Jupiter sabay turo sa dalawang babae. Gusto kong sitahin niya ang mga ito. Kapag ako kasi ang sisita, baka murahin at laitin pa nila ako. Baka masapak ko sila agad. Na-gets naman niya agad ang gusto kong mangyari, kaya tumango ito sabay tikhim. Napatigil ang dalawang babae na nasa harapan namin at napalingon sila sa likuran. Nagulat sila nang makita si Jupiter. Sabay takip pa sa mga bunganga nila. "Ang OA," sambit ko. "Kuya Jupiter? May iba ka na naman?" bulalas ng isa. "Iba na naman?" ulit ni Jupiter. "Nakita ko kayong nag-uusap ng pinsan kong si Marianne
His Sweet Gesture Jela May dalawang Amerikana na pumasok sa department store. "Hello, good afternoon! Welcome to Cromwell Mall." "Hi, good day too," bati ng isa sa Amerikana. "Let me know if you need any help," friendly kong sabi. "Sure," ngiti rin nila. Pero sinundan ko pa rin sila habang nagtitingin ng mga dress at mga trendy na damit. "Is there another size for this dress?" tanong ng mas matangkad. "It's a free size," sagot ko. "That's the only one left," sabi ko pa. Tumango-tango naman ito. Pero kinuha pa rin nito. 'Sure akong di kasya sa kanya dahil masikip iyon kapag isusuot niya,' sa loob-loob ko. May ilan pang damit ang kinuha at nagtungo na sila sa fitting room. Nasa gilid lang ako, just in case they need help. Maya't maya ay tinawag ako ng isa. Pinapasok nila ako sa fitting room, sabay pa talaga sila sa iisang cubicle nagsukat ng damit. "Please help me take off this dress," pakiusap ng mas matangkad. Hirap na hirap siyang tanggalin ang damit na