Oh gosh, what happened? Why does my head hurt so much?
Mariin kong ipinikit ang mata ko at inilagay ang kamay sa ulo at bahagya pang pinisil iyon sa pag-asa na mababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Ilang segundo pa ay dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Pero mas sumakit lang ang ulo ko sa sobrang liwanag na sumalubong sa akin. Pag-adjust ng mga mata ko ay napatitig ako sa kisame. Hindi ito ang itsura ng ceiling sa room ko. Isinawalang-bahala ko iyon nang maalalang nag-stay nga pala kami ni Sol sa hotel. Bumangon ako at napaupo sa gilid ng higaan at itinapak ang mga paa ko sa sahig. Bahagya ko pang itinaas ang magkabilang kamay para mag-unat. Oh gosh, I feel so relieved, lalo na at pakiramdam ko parang binugbog ang katawan ko. Suddenly, a cold breeze from the aircon made me feel so cold, kaya wala sa oras na napayakap ako sa sarili. Napakunot ang noo ko ng maramdaman ang skin ko. Hindi ba dapat ang damit ko ang makakapa ko? Bumaba ang tingin ko sa katawan ko, “Sh*t. I’m naked?” mahinang tanong ko sa sarili at hinila ang kumot na nakapa ko. “It’s too cold.” Nanlaki ang mata ko at hindi nakagalaw matapos marinig ang baritono pero inaantok na boses sa likod ko. Naramdaman ko itong gumalaw kaya dahan-dahan akong napalingon. He’s naked too! Nakatalikod siya sa akin at nakadapa. Kitang-kita ko ang maskuladong katawan niya. Napatalikod ako nang unti-unti nang dumapo ang tingin ko sa pang-ibaba niya. Napakuyom ako ng kamao at tahimik na sumigaw. Gosh, calm down, Amelia. Think. I have to think! Hindi ko na kailangan pang tanungin kung may nangyari sa amin when I already feel sore down there! Malalim na paghinga ang ginawa ko. Unti-unti ay naalala ko ang mga nangyari kahapon, kung paano ako tumakas sa kasal ko hanggang sa mapadpad ako sa bar, and someone probably put dr*gs in my drink. I am so mad right now at myself for letting something like this happen! Inis kong muling nilingon ang lalaking iyon. Panic is all over me now. This is the first time I’ve had a one-night stand. This man is the one who took my virginity, something I always dreamed of giving to my special someone! And I just… argh!I looked for my clothes. Kailangan kong umalis dito bago pa magising ang lalaking ito.
Pagkatapos kong magbihis, hinanap ko naman ang mga gamit ko. “D*mn it,” sabi ko nang maalalang wala akong kahit anong dala dahil noong tumakbo ako paalis ng simbahan, walang kahit anong naiwan sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nakita ko. My dress is too short, and what?? May bahagyang punit na pala ‘to. Tiningnan ko ang may gawa non, mahimbing lang siyang natutulog. Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito!" Naghanap ako ng pwedeng masuot. Nadako ang mata ko sa jacket na nakapatong sa lamesa. Inamoy ko iyon and it smells good naman. Pwede na ‘to. What? How tall is he? Bakit nagmukhang dress na sa akin ‘tong jacket niya? Tatalikod na sana ako ng may mahagip ang mata ko. Isang vault iyon na medyo nakabukas pa. Napanganga ako sa dami ng blue bills na andon. “Oh my gosh,” Mahinang bulong ko. Nilingon ko ang lalaking nakahiga sa kama. Sa himbing ng tulog niya ay mukhang mamaya pa naman siya magigising. Nagpalinga-linga ako sa paligid para maghanap ng malalagyan. Dumako ang mata ko sa isa pang lamesa na narito. May paper bag doon. Nilapitan ko iyon at binuksan ang laman. Eggs? At may ibang mga ingredients pang naroon. This man, I’m pretty sure na may room service ‘tong five star hotel na ‘to at hindi niya na kailangan magluto. Kinuha ko ang towel na nakita ko at inilatag iyon sa lamesa, pagkatapos ay iniligay ko ang itlog para hindi gumulong at iba pang mga laman ng paper bag. Bumalik ako sa vault at inilagay sa paper bag na bitbit ko ang lahat ng laman non. Gosh, sa tingin ko nasa 200k lahat ng ‘to. Oh my gosh, Amelia. I never thought I’d end up taking someone else’s money! I’m sorry, but I really need this money. Naghanap ako ng papel na pwedeng masulatan. May nakita akong mga nakapatong na business card. Kinuha ko ang isa at binasa ‘Liam Sinclair’ siya siguro ‘to? May nakita kong ballpen katabi ng mga business card. Kinuha ko iyon. Naghanap pa ako ng pwede kong masulatan, nadako ang mata ko sa resibong andon. Kinuha ko ‘yon. ‘I’m sorry!’ sinulat ko iyon sa likod ng resibo at iniwan sa vault. I’m sorry talaga. But I really need this money! Kinuha ko ang paper bag na may lamang pera at umalis sa hotel na ‘yon. Palabas na ako ng makonsensya ako. Kainis! Alangan naman ibalik ko ‘to? Nadako ang tingin ko sa mga ingredients na galing sa paper bag na ‘to. Dali-dali ko iyong kinuha. Nilutuan ko siya ng egg drop soup bago lumabas.***
“What now, Amelia?” Tanong ko sarili pagkalabas ko ng hotel. Gosh, ang init pa!
And why does this place seem so unfamiliar? Parang masyadong malayo ito sa hotel namin ni Sol na hindi ko alam kung saan. Why is this happening to me? This is so annoying. Nadako ang mata ko sa isang sikat na store na nadaanan ko. Mula rito sa labas, natatanaw ko ang mga branded bags na naka-display. Kuminang ang mata ko nang makita ko ang bagong display nila ng handbag na matagal ko ng hinihintay. Napatingin ako sa presyo nito, Php 200,000. Nadako ang mata ko sa paperbag na bitbit ko. I hate this! “I’m sorry, miss, but you can’t stay here,” wika ng isang guard. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “Excuse me, what did you say? Do you know who I am?” iritang tanong ko." Tiningnan din ako nito mula ulo hanggang paa na parang hinuhusgahan ako habang mapanuyang nakatingin sa paper bag na bitbit ko. The audacity of this man! Aminado akong wala pa akong ligo, pero maganda pa rin naman ako. At itong paper bag na hawak ko? May pera ‘to na paniguradong mas malaki pa yata sa savings niya! “Makakaistorbo po kayo sa ibang customer. Umalis na po kayo,” halatang inis na wika nito. “Don’t touch me!” sigaw ko matapos niyang tangkain na itulak ako. Porke’t hindi ako mukhang mayaman ngayon, gaganituhin niyo na ako! Gosh, the amount of discrimination in this society! Natahimik ako ng mapagtanto kong ganoon din ako. Minamaliit ko ang mga taong mababa sa akin. Oh gosh, is this karma? Hindi na ako nakipagtalo. Isang masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya bago ako umalis.As much as I want to contact Sol, I can’t. Nakakahiya kung hihingi ako ng tulong sa kanya! At mas nakakahiya pang makita niya kung paano ako naghihirap ngayon! My ego and pride are the only things left to me! But gosh, this ego and pride won’t provide food for me! Still, no. I will never ask for their help. I will start on my own.
I need to find a place to stay.***
Inikot ko ang mata ko sa maliit na apartment na inuupahan ko. This is so small! Malaki pa ang dating wardrobe ko rito eh!
***
“Hi, beautiful. Want to join us?”
“Leave me alone,” walang ganang wika. “One more shot, please.” Muling sabi ko sa bartender na nasa harap ko. “Come on, miss. It’s so lonely here.” Saan nanggagaling ang lakas ng loob ng lalaking ito? Masyado niyang nilalambing ang boses niya. Akala niya ba bagay sa kanya? Hindi ako pumapatol sa mga maasim na katulad niya. Inis ko siyang hinarap. “I’d rather be alone here than be accompanied by someone as ugly as you.” Umasim ang mukha niya. “You b*tch!” sigaw niya at aabutin na sana ako, pero mabilis siyang nahawakan ng mga bouncer na kanina ko pa nakikita na nakabantay sa kanya. Ininom ko ang alak na muling inorder ko. Gosh, this is not even my favorite alcohol, but I have no choice since this is the only drink na afford kong bilhin ngayon. Halos magdadalawang buwan na ang nakalipas at ganito lang ang naging lifestyle ko, bar, inom, uuwing lasing, gigising, tapos bar ulit. I’m starting to hate this kind of life! Parang gusto ko na lang umuwi kila Mommy at Daddy! But no! Hindi ako papayag na ibenta lang nila ako! So annoying! I feel like crying again! I ordered another shot, bago pumunta sa dance floor at makipag-sayaw sa kung sinong lalaking makita ko. This time, ang lalaking kanina ko pa nakikita na nakatingin sa akin ang naging target ko na sayawan. Ito ang palagi kong ginagawa tuwing nakakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Imbes na umiyak, magpapakalasing na lang ako at makikipagsayaw sa kung sinong lalaki kaysa kaawaan ang sarili ko. “Sl*t,” sigaw ng isang babae at naramdaman ko na lang na may humila sa buhok ko. “You b*tch!” sigaw ko pabalik sa kanya. Nakakapit siya sa braso ng lalaking sinasayawan ko na ngayon ay nakangisi lang sa akin. This guy! May girlfriend naman pala siya! Tinalikuran ko sila. They’re not worth it. “Where do you think you’re going?” hinabol ako nito at muling sinabunutan. Hindi na ako nagpigil at nakipagsabunutan na rin ako. Maya-maya, ang isang humihila sa buhok ko ay naging dalawa, hanggang sa naging tatlo. Talagang pinagtulungan nila ako! Ilang segundo pa ay dumating ang mga bouncer at inawat ang mga babaeng iyon. “B*tch!” sigaw ko at nilapitan siya, pagkatapos ay sinampal ko siya ng malakas pati na rin ang boyfriend niya, bago ako agad na umalis. Pag-uwi ko sa apartment ko, hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Hindi ko alam kung dahil pa ba ito sa sakit ng ulo at mga kalmot ng mga babae o dahil sa awa sa sarili. Naupo ako sa sahig at napasandal sa kama ko. I feel so hopeless at sobra-sobra na rin akong naaawa sa sarili ko. Niyakap ko ang sarili ko habang umiiyak. At habang umiiyak, napansin ko ang mga perang nagkalat sa lamesa ko. 20k na lang ang natitira sa pera ko. Hindi ko alam kung paano ko pa iyon pagkakasyahin sa susunod na mga araw. Kailangan ko na ata maghanap ng trabaho. Pero ano? Nakapagtapos ako sa mamahaling university pero never pa ako nagkaroon ng experience. The better option is to go back to my parents now! Pero paano kung pare-pareho lang kami ng sitwasyon na naghihirap ngayon lalo na at hindi natuloy ang deal na kasal?Nagising ako na pawis na pawis at hinihingal. Nakaramdam ako ng kirot sa parte ng tiyan ko. Tiningnan ko ang oras at 3 AM pa lang. Napahawak ako sa tiyan ko nang mas lumala ang sakit, kumalat iyon sa buong tiyan ko papunta sa likod ko. What is happening?! Why do I feel so much pain? Sinubukan kong bumangon para abutin ang phone ko na nasa lamesa, pero biglang mas lumala ang nararamdaman ko. Para akong paulit-ulit na sinusuntok sa tiyan, dahilan para mamilipit ako sa sakit. Bawat segundong dumadaan, parang pinapatay ako sa sakit. Nahihilo na rin ako at parang masusuka. Pinilit kong tumayo. Sumigaw ako, para salubungin ang sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko na may ingay sa labas ng apartment ko—parang may mga nakatambay pa roon. Help, I need help! Pinilit kong maglakad papunta sa pinto. Nagmadali ako nang maramdaman ko na ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay dahil nanlalabo na ang paningin ko. Is this because of alcohol? Gosh, this is the first time I’ve felt this! Nang
“Can you please let me go!” iritadong sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay ng lalaking ‘to sa wrist ko. Is he insane? Bigla na lang siyang dumating, claiming he’s the father of my twins, and now kakaladkarin niya ako somewhere after niyang ipakaladkad ang mga magulang ko palabas ng building na ‘to. CONFERENCE ROOM—iyon ang nabasa ko bago niya ako hinila papasok. “Ouch! How dare you!” nakaduro kong sabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Nilagpasan niya lang ako at naglakad sa harapan, umupo sa gitna. He just looked at me with his cold stare, and signaling me to sit near him. The audacity of this man to ignore me! Wala pang sinumang gumawa niyon sa akin! All men do their best just to get a little attention from me! Sinalubong ko ang tingin niya. Kung malamig ang tingin niya, nagbabaga naman ang mata ko sa galit habang nakatingin sa kanya. May kinuha siya mula sa bulsa ng suit niya. May inihagis siyang mga litrato sa harap ko. “Is that you?” tanong niya. Nakakunot-noo kong
"Come here." I swear, kapag magpapatimpla lang siya ng kape, humanda talaga siya sa akin! "What?" tanong ko habang naka-cross arm pagpasok sa office niya. Ang aga-aga, pinapainit niya ulo ko. "Don’t you think you’re a little bossier than me?" naka-cross arm din niyang sagot. Inirapan ko lang siya. I don’t care. "I need a copy of this," sabi niya habang may iniaabot na papel. "And call this number, follow up on my accommodations," dagdag niya habang nag-aabot ng isa pang papel. Kinuha ko ang mga iyon at tumalikod. "Also," dagdag niya kaya iritado akong napalingon ulit, "I’ll need an assistant. You think you can manage?" "Of course." "Good." "But you have to double my salary," sabi ko. "You’re the bossiest and most demanding personal assistant I’ve ever known." "So, deal? Hindi ka na lugi, skills and looks din naman ang binabayaran mo sa akin," kibit-balikat kong sagot at confident pa. It’s true though. "I don’t have anything to say about your looks, Ms. Hayes. But if we’re
Is he crazy? He’s literally the one who said before that if ever these babies are his, he wants me to get rid of them! “I’m sorry, but I can’t,” malamig kong sagot. Nakita kong dumilim ang ekspresyon ng mukha niya. “You still owe me 200,000 pesos, Ms. Hayes. I can even sue you for stealing.” Nagpanting ang tenga ko sa narinig. “Are you blackmailing me?!” hindi makapaniwalang tanong ko. “No. What I am trying to say is that if you agree to my deal, I will forget about those things you did. I will also pay you 100 million. Just disappear after you give birth.” Sinabi niya ang mga iyon nang walang emosyon. Napaawang ang bibig ko sa mga pinagsasabi niya. I can’t believe he thought of those things! So gusto niyang lumayo ako sa mga anak ko?! I admit, willing akong ipaampon ang mga anak ko kapag lumabas na sila, pero hindi ko sila binebenta katulad ng gusto niya ngayon! “I can’t believe you!” sagot ko, hindi makapaniwala. “There’s no need to answer me now. When you are open to mak
"I... I... I agree to your deal." Hindi ko alam kung bakit ang hirap sabihin ang mga salitang iyon. Siguro dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang desisyon ko. I saw him smirk. Naglakad siya papunta sa closet niya. May kinuha siyang white t-shirt at pajama. Ibinato niya iyon sa kama bago tumingin sa akin. "Wear those. Stop going around wearing that seductive dress of yours." I'm not seducing anyone! "What? Hindi ako bababa sa party mo nang suot 'yan! Kailangan ko namang magmukhang maganda!" reklamo ko, na ikinadilim ng ekspresyon niya. "Who told you you can go out there and party? You're pregnant and you can't drink." I wanted to shout dahil sa realization. Gosh! I miss drinking, pero ayaw ko na rin sa amoy ng alak ngayon. "Stay here. I'm gonna ask someone to send you food. Is there anything specific you want to eat?" "I want steak." "Okay. Give me 30 minutes," sagot niya at tatalikod na sana. "No, 15 minutes," sabi ko. Nakipagtitigan siya sa akin ng ilang segundo bago nag
“You look so beautiful, honey. I knew this dress would fit you perfectly,” mom said, standing behind me and holding both my arms. There's a huge mirror in front of us where we can see each other. May malapad na ngiti sa mukha niya, isang ngiti na ngayon ko lang nakita. I don’t know if she’s smiling like that because her unica hija is getting married, or if it’s because our family will finally be free from this mess. “You like it?” mom asked while smiling. I tried to fake a smile and nodded. “Yeah, I like it, mom.” “We’ll take this,” sabi niya sa babaeng nag-a-assist sa amin. ***Ibinagsak ko ang katawan sa higaan. I am just tired. It’s been a week, and all we’ve done is prepare for this wedding. This time, mas bongga ang plano nila. Kung dati kami lang ang invited, this time, almost everyone is invited. I am so embarrassed—my friends surely know about this by now. They might be calling me desperate or a gold digger now. “Gosh, Lia! Why do you even care?!” panenermon ko sa sari
“What is the meaning of this, Liam?” tanong ko sa kanya sa kabilang linya. Hindi ako mapakali na hindi malaman kung bakit niya sa akin pinadala ang mga ito. “It sucks to make something for your family who did nothing but lie to you,” malamig niyang sagot. “Ang kapal ng mukha nila para lokohin ako. Kaya pala ang dali para sa kanila na ipagawa sa akin ‘to! Argh! I hate them!” ginulo-gulo ko ang buhok sa galit. “What should I do?” problemadong tanong ko habang nakatingin sa bintana kung saan kita ang mga nakakalat na security guard ni Dad sa labas. How can they even afford to hire those men? Unless pakana 'yan ng matandang bilyonaryo na ‘yon! “It’s not my problem, Amelia.” Ramdam ko ang kawalan niya ng pakialam. “What?! Ikaw ang nagbigay ng mga ‘to sa akin tapos sasabihin mo na it’s not your problem?!” “The truth will set you free,” walang paki niyang sabi. “Curse you!” sigaw ko sa kanya. “Tutulungan mo ba ako o hindi?!” “Papunta na d'yan ang mga tauhan ko. Tutulungan ka ng kasam
“Where’s Liam?” tanong ko sa kasambahay na nakasalubong ko. “Nasa labas pa po si Sir, nagjo-jogging po,” nakangiting sagot niya. Uso sa mga tao rito ang tumango at ngumiti, and it annoys me. Ang hirap nilang sungitan. Magmumukha lang akong masama. Dumiretso ako sa lamesa. Ang daming pagkain na nakahanda. Ganito ba talaga sila maghanda? Lalo na kung si Liam lang naman mag-isa rito. At kahit dalawa pa kami, sobra-sobra pa rin 'to. “You’re awake,” sabi ni Liam na kakapasok lang at nagpupunas ng pawis. Naka-black na short siya at puting sando. “You can eat. Magsho-shower lang muna ako,” sabi niya. “I’ll wait for you. I’m not hungry yet.” Napatingin siya sa'kin. Mukhang tinitingnan niya kung nagsasabi ako ng totoo. “Okay,” sagot niya at umalis. Nagising lang talaga ako ng maaga para maglibot dito sa mansion niya. “Miss Lia, may garden po si Sir Liam. Baka po doon niyo muna gustong magpahinga,” nakangiting sabi ng kasambahay niya. Tinanguan ko lang ito. Pagkatapos ay sumunod ako s
“Hindi po kayo dapat na andito, Miss Amelia,” sabi ng kasambahay.Kilala ko ang boses na ‘yon—si Mary. Isa sa matagal nang kasambahay ni Raven. Dalawampung taon na itong nagtatrabaho rito. Lola niya ang mayordoma ni Raven na kasama na nito mula pagkabata, noon pa man sa Pilipinas.Kung may kahit papaanong puwede kong matanungan tungkol kay Raven, sa tingin ko, si Mary na ‘yon.Napapikit ako sandali, pinipigilan ang panginginig ng tuhod habang unti-unting bumalik ang bigat ng katawan ko sa mga talampakan.“What is the meaning of this, Mary?”Napahawak ako sa dibdib, parang may mga drum doon na tumutugtog. Ramdam ko rin ang panlalamig sa katawan ko, pati ang mga balahibo kong nagtatayuan na.“Hindi ko po masasagot ang tanong mo, Miss Amelia,” bahagya pang nanginginig ang boses nito.Hinawakan ko ang kamay niya—tila mga yelo iyon sa lamig.Napatingin ako sa mga mata niya at bakas ko roon ang matinding takot. Para bang may kinakatukan siya, at alam na niya ang masamang puwedeng mangyari k
“Kumusta flight niyo? Nakapagpahinga ka na ba?” tanong ni Raven. Naka-video call kami. Nakarating na kami ng Australia, habang siya ay nasa business trip pa rin.“Nagpapahinga na sila. Nagpapahangin naman ako rito saglit sa veranda,” sabi ko at ngumiti.Dito kami sa mansion niya dumiretso. Dito niya kami gustong mag-stay muna habang wala pa siya para samahan kami sa apartment. Kaya naman namin na kami lang, kaso hindi raw siya mapapanatag, nasanay na kasi siya na palaging andiyan para sa amin.“Nagpapahinga ka na rin dapat,” sabi niya.“Ikaw ba, nakakapagpahinga ka ba nang maayos diyan? Kumain ka rin sa oras ha, baka mamaya nalilipasan ka na,” pagpapaalala ko.Totoo ang pag-aalala kong iyon. Kahit paano concern din naman ako sa kanya.Nag-salute ito na parang sundalo at inalis din agad.Lumapad ang ngiti niya.“Asahan mo na kapag tumatawag ako, nagpapahinga na ‘ko. Ikaw kasi ang pahinga ko.”Gusto ko siyang tawanan, kasi akala ko biro lang ang mga iyon, pero hindi—natakot ako at nagu
“What’s wrong with you?”Naramdaman ko ang likod ng palad ni Liam sa noo ko.Tamad akong napatingin dito.Nakaupo ako sa bench sa garden habang nakatayo naman siya sa harapan ko at walang emosyong tiningnan ako.“You don’t have a fever,” sabi niya at nagsimula nang kumunot ang noo.Inalis niya na ang kamay sa noo ko at inilagay ang mga iyon sa bulsa. “Hangover?” tanong niya habang papaupo.Anong hangover, nawala nga ang tama ko kagabi dahil sa mga nalaman ko. Kaya wala rin akong ganang makipag-away o sungitan siya ngayon kasi napuyat ako kakaisip at kakaresearch tungkol kay Raven. Pero hirap akong makahanap ng article about him.Napapikit ako to clear my mind again. Ganyan din naman ako kay Liam dati, wala ako masyadong mahanap na article about him. Siguro ganyan nga talaga kapag mayayaman at private ang buhay. Kaya mukhang wala akong dapat ipag-alala.Pero napamulat agad ako nang maisip na nagawa nga ni Liam magloko. Tss.Nilingon ko ito at masamang tiningnan.“Why are you looking at
“I will attend our high school reunion later. Medyo malayo ’yon rito kaya iiwan ko na muna sa’yo ang mga bata,” sabi ko kay Liam.Nasa dining table kami at kumakain ng breakfast. Abala siya sa pagpapakain sa dalawa.“Okay,” simpleng sagot niya.Tiningnan ko lang ito. Tapos na siyang subuan si Koa at ngayon ay inihahanda na niya ang isusubo kay Liana.“My gosh, Liam. Malalaki na ang mga anak mo. They can eat on their own,” sabi ko at napairap.Hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya dahil sa pagpo-focus sa mga bata.“Mommy, you feed daddy,” sabi ni Koa.Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Liam.Nakangiting binuksan nito ang bibig at parang batang naghihintay na masubuan.Nakatingin sa akin ang kambal kaya napilitan akong ngumiti at kunin ang kutsara sa harapan ko.Kumuha ako ng maraming kanin at napakaliit na slice ng bacon. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Liam.Napaangat ang labi ko at may nang-aasar na matang tiningnan ito. Pasalamat ka nga at binigyan pa kita ng ulam.“Open your
Namilog ang mata ko. Para akong nilagnat bigla—mainit ang pisngi, at malamig ang palad. Mukhang ako pa ’yung nasurpresa sa surprise na sinabi ko sa kambal kanina.Alam kong hindi naririnig ni Liam ang kambal dahil sa AirPods na suot niya, pero hindi ko na rin naman pwedeng sundan at pigilan ang dalawa dahil harapan na nila mismong nakita ang daddy nila. Kaya naman nanatili na lang ako sa pwesto ko at naghintay sa paghaharap nila.Naghalo ang kaba, lungkot, at kirot. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung makita mong magkakasamang muli ang mag-aama mo.Mukhang napansin ni Liam sa peripheral vision niya na may tumatakbo papalapit sa kanya, kaya kunot-noo itong napalingon. Pero nang makita ang kambal, unti-unting kumalma ang ekspresyon sa mukha nito, at sandaling nagkaroon roon ng tila pangamba—marahil ay nagtaka siya bakit andoon ang dalawa. Napatingin ito agad sa paligid, na parang may hinahanap—hanggang sa magtama ang mga mata namin.Parang nagtatanong ang mga mata niya—tanging tipid
“Pero hindi pa ako handa,” naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niya sa akin.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.“What do you mean, Amelia?” bagsak ang mukha nito, at nakikita ko ang naghahalong lungkot at nagtatanong na mga mata niya.Nagsimula na ring magtubig ang mga mata nito. Ako naman ay tila nagsimula nang mataranta nang may isang luhang kumawala roon.Parang may pumiga sa puso ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha niya.“Calm down,” malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay nito.Tiningnan ko ito sa mata at tipid na nginitian.“Pakakasalan naman kita… huwag lang muna ngayon,” sabi ko, at bahagyang nabawasan naman ang lungkot sa mga mata niya, bahagya pa itong napatango. “Maybe next year o sa mga susunod.”Napangiti na ito.“Naiintindihan ko. Handa akong maghintay. Ang mahalaga, sigurado ka na pakasalan ako.”Naging maaliwal
“Where do you want to go next?” tanong ni Raven sa kambal.Napahawak naman si Koa sa chin na para bang nag-iisip. Nagpalinga-linga na rin ito sa paligid.Namilog ang mga mata nito sa excitement nang may makita.“There,” masiglang sabi niya habang may tinuturo.Napatingin kami roon at nakita namin ang isang malaking giant trampoline kung saan may mga batang nagsisigaw sa tuwa habang tumatalon.Kukunin na sana ni Raven ang kamay ko nang bigla siyang hilahin ng dalawa papalayo.“Susunod ako,” sabi ko na lang, at pareho kaming natawa dahil sa pagiging excited ng dalawa.Tiningnan ko sila hanggang sa unti-unti silang lumayo sa paningin ko.Napatingin ako sa likod ni Raven.Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.Flashback“What the hell is he doing?!” sabi ko sa sarili ko nang makita kong muli na susuntukin ni Liam si Raven.Gustohin ko man na sumigaw para pigilan sila, wala pa ring saysay dahil sa layo nila sa pwesto ko, idagdag pa ang maingay na musika.Dali-dali akong bumaba ng hagdan na
Wala ‘to sa plano. Ang akala ko ay yayayain niya pa lang ako maging girlfriend. Pero bakit biglang napunta kami sa kasalan?Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot, naghihintay ng magandang balita. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pressure na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mahilo at himatayin. Or magpanggap na lang kaya akong mahihimatay? Gosh!Anong gagawin ko? Hindi ko kayang ipahiya si Raven sa harap ng mga kakilala niyang may malaking respeto sa kanya.Bukod sa tingin ng mga taong andito, may isang matang nararamdaman kong mainit at tumatagos ang tingin sa akin.Pasimple kong tinapunan ng tingin ang taong iyon—si Liam. Binibigyan niya ako ng madilim na tingin, at parang ang mga mata niya ay nagsasabing huwag akong pumayag. Kasabay no’n ay ang pagkakita ko kung paano ipulupot ni Limaire ang mga kamay nito sa braso niya, may mapanuksong tingin pa ito sa akin.Naghahalo ang emosyon sa puso ko k
Gusto kong sumimangot habang nakikita ang dami ng taong invited sa party ni Raven. Iniisip ko pa lang na kailangan kong makisalamuha sa kanila mamaya, napapagod na ako.Sa garden ng mansion niya ginanap ang birthday niya ngayon.Mahilig ako sa mga ganitong party noon at nakikipag-socialize ako, pero ewan ko ba, sa paglipas ng panahon, ayoko na talagang makipag-socialize—lalo na noong ma-bankrupt ang pamilya namin at nakita ko kung gaano kaplastik ang mga taong nasa paligid ko.May dumaan na naman sa harap ko at nginitian ako kaya napilitan na rin akong ngumiti.Nakatayo lang ako rito sa cocktail table habang hinihintay magsimula ang party. Si Raven naman ay nasa loob pa at inaayusan. Wala rin naman akong maitutulong kaya naisipan ko na dito na lang maghintay. At saka baka mamaya andon pa ang parents niya—nahihiya pa ako.“Drink, Miss?” alok ng waiter na may bitbit na wine.“Thank you,” sabi ko at tinanggap ang isang baso ng wine na binigay niya.Walang pagdadalawang-isip ko iyong agad