Home / Romance / Billionaire's Diary Carousel / Chap. 6 "First Family"

Share

Chap. 6 "First Family"

last update Last Updated: 2025-12-04 02:53:29

Napagpasyahan ng isang masaya, buo, at halos perpektong pamilyang balik-bayan na magbakasyon sa kanilang probinsya sa Zambales ngayong tag-init. Ilang taon din silang hindi nakauwi, kaya parang biglang bumalik ang lahat ng childhood memories ni Liezel nang maramdaman niya ang amoy ng dagat, ang ihip ng hangin, at ang init ng araw na iba ang haplos kumpara sa Europa. Kaya naman, nang magpasya ang asawa niyang si Evor na dito magdiwang ng birthday ng kanilang anak, pakiramdam niya ay may kung anong puwersa na nagtulak sa kanila pabalik sa pinanggalingan niya. Parang may kulang na sa buhay nila na ngayon lang muling nabuo.

Hindi lang basta bakasyon ang plano. Gusto nilang maranasan ni Ednel Hernandez Marseille, ang kaisa-isa nilang anak, ang tunay na kultura ng Pilipinas. And what better way than to spend it sa Zambales, lugar na puno ng beaches, tubig na parang salamin, at mga resort na hindi pa nababahiran ng sobrang komersiyalismo.

Sa edad na limang taon, si Ednel ay may mundo nang ibang-iba kaysa sa ordinaryong batang Pinoy. Lumaki siya sa buhay na puro luho, puro alaga, at puro pagmamahal. Pero dama pa rin ng pamilya na kailangan pa rin niyang makita ang mundo sa labas ng pagiging “anak ng tycoon.”

Noong birthday niya, halos buong angkan nila ang nagtipon. May sumasayaw sa gitna ng kubong gawa sa nipa, may mga pinsang nagtatampisaw sa tubig habang sumisigaw ng “Habulin mo ako!”, at may mga tiyuhin na nag-iihaw ng isda, pusit, at hotdog para sa bata. Tawanan. Musika. Amoy ng usok at dagat. Lahat iyon, sabay-sabay na yumakap sa batang si Ednel.

At dahil sagad sa yaman ang pamilya, courtesy of Evor, ang French business tycoon ay nilibre nila ang buong angkan. Wala ni isang naglabas ng piso. Kaya naman mahal na mahal sila ng lahat dito. Hindi dahil sa pera lang. kundi dahil hindi sila nakalimot. Hindi sila yumabang. Hindi sila nagbago, kahit ilang bansa na ang nalibot nila.


Gabi na, pero masaya pa rin ang bata.

Pabalik na silang Maynila nang sumapit ang hatinggabi. Tahimik ang national road, at ang kulay lilac na kalangitan ay unti-unti nang kinakain ng dilim.

“Ednel,” tanong ni Evor habang nakahawak sa manibela, “are you happy that you've seen the best beaches here in the Philippines and met all of your Filipino cousins?”

Hindi makabitaw sa tanawin sa labas si Liezel at nakatingala sa kalangitang mala-lila habang napapangiti dahil ramdam niya ang saya ng anak.

“Yes, Dad!” sagot ni Ednel nang may konting lungkot. “Are we going to leave now, Dad?”

“Oo, anak,” sagot ni Liezel, hinagod ng kamay ang likod ng anak. “Look at the purple sky. It indicates na kailangan na nating umuwi. Pero nag-enjoy ka ba? Nagustuhan mo ba ang Filipino culture?”

“Yes naman po!” sagot ni Ednel, masigla pa rin kahit inaantok na.

“Haay… ang suwerte ko sa ’yo, anak,” bulong ni Liezel, puno ng lambing at pagmamalaki. “Ang bilis mo matuto. Napakatalino mo. We’re so lucky to have him, hon.”

Ngumiti si Evor. “Oh, hon. Look, there's an ATM over there. I’ll just park. I need to withdraw. We're running out of pocket money.”

Agad nanlaki ang mata ni Liezel.

“Hon… hindi ba delikado diyan? Wala nang tao. 1 AM na. It's still Dim out there. Nakakatakot.”

Tumawa si Evor, confident. “Don’t worry, hon. I can handle myself.”

“Mom! Dad is Superman!” sigaw ni Ednel, sabay tawa habang ginagaya ang flying pose.

Hinalikan siya ni Liezel sa noo. “Naku, ikaw talaga.”


Pero sa isang iglap, gumuho ang mundo.

Pagkababa ni Evor, naglakad siya papunta sa ATM. Mula sa kinauupuan ni Liezel, kita niya ang bawat hakbang ng asawa. Kita niya pati ang lamig ng haligi ng ilaw na parang nanginginig din.

At doon na nangyari ang hindi niya inaasahan.

May tatlong lalaking biglang lumabas mula sa dilim... Tatlong anino na parang sumulpot mula sa lupa.

May tumutok ng matigas, malamig, nakakatigagal na bagay sa leeg ni Evor.

“Holdup ‘to! Akin na ang pera!”

Napasinghap si Liezel. Hindi basta paghinga, kundi ‘yung uri ng hangin na parang ang buong kaluluwa niya ay biglang lumubog.

Umakyat ang lamig mula paa niya hanggang ulo.

Nagsimulang mamawis ang palad niya.

Nanikip ang dibdib niya.

At unti-unting lumabo ang paningin.

Hindi niya alam kung iiyak ba siya, sisigaw, o tatakbo.

“Mom? Why are you crying?” tanong ni Ednel, kitang-kita ang pag-aalala sa inosente niyang mukha. “You’re trembling. Is Dad okay?”

Para siyang natauhan. Napatingin siya sa anak at saka suminghot nang madalian, pilit hinihila ang sarili pabalik sa katinuan.

“Sshh… don’t make noise, anak.”

Nanginginig ang kamay niyang tumakip sa bibig ng bata.

“Promise me… okay? Don’t say anything.”

Tumango si Ednel, kahit halatang nanginginig din.

Habang yakap-yakap niya ang anak, may naramdaman siyang matigas sa paanan.

It's like an instinct kaya binaba niya ang tingin.

Lunch box ni Ednel.

Dahan-dahan niyang binuksan iyon.

“Mom? What’s that?” mahina at takot na tanong ni Ednel.

Kinuha ni Liezel ang stainless na tinidor.

Pigil ang luha, humigpit ang hawak niya rito.

Tumingin siya sa anak.

Parang pinipilit niyang maging matapang para kay Ednel...

kahit wasak na wasak na ang loob niya.

“Anak…”

Hinawakan niya ang kamay nito.

“…kapag sinubukan ka nilang kunin… don’t ever go with them.”

Inilagay niya ang tinidor sa maliit na palad ng bata.

Mainit ang kamay ni Ednel, malamig ang kamay niya.

“If they come near you, use this. Run. Tumakbo ka. Huwag kang titingin. Huwag kang hihinto.”

Nanginginig ang tinig ni Liezel habang nangingilid ang luha.

“Anak… pag wala na si Mommy at Daddy…”

Napakagat siya sa labi niya para hindi humagulgol.

“…mahal na mahal ka namin. Ikaw ang buhay namin. Gusto naming makaligtas ka.”

Huminga siya nang malalim, parang hinihigop ang huling lakas.

“You will be the new superhero, anak.

Kami ng Papa mo… manonood sa ’yo.

Kahit hindi mo kami makita. Like you're in those movies and we are the viewers.”

Naluha si Ednel, hindi dahil naiintindihan niya ang lahat...

kundi dahil ramdam niya ang takot ng mommy niya.

Ramdam niya ang panginginig nito.

Ramdam niya ang bigat ng salita.

At doon bumuhos ang luha ng bata.

Mahina pero masakit pakinggan.

Parang pakiusap na sana hindi totoo ang nangyayari.

Niyakap siya ni Liezel, mahigpit, parang huling yakap.

Hinalikan sa noo.

Pinunasan ang luha niya habang ginagabayan ang paghinga.

Sa labas, patuloy ang komosyon.

Sigaw.

Pagmamadali.

Tunog ng away.

At sa loob ng sasakyan, ang mag-ina ay kapwa nakapikit, parehong nagdarasal, parehong umaasang mali ang lahat ng ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 69 "Side of Story"

    Saglit siyang huminto at umayos ng upo.Parang may malamig na kamay na dahan-dahang humahaplos sa batok niya habang inaalala iyon.Ramdam niya kung paanong bumibigat ang hangin sa pagitan nila ni Ednel, parang ang bawat alaala ay may sariling bigat na pumapatong sa dibdib niya.“Noong una, hindi ako naniwala,” patuloy niya.Bahagyang nanginginig ang tinig niya.“Hanggang ipinakita niya sa akin ang sinasabing ‘tatlong ulo’ ng mga kaibigan ni Kuya Neil.”Bahagya siyang napalunok.Nagtagpo ang mga daliri niya sa dibdib niya na para bang may biglang kirot na umakyat mula sa puso hanggang lalamunan.“Hindi naman literal,” dagdag niya, pilit kinakalma ang sarili.“Pero doon sa bodega nila, inihilera niya iyong tatlong lumang manika na tinanggalan niya ng katawan, puro ulo na lang. Nilagyan niya ng damit ng mga kaibigan ni Kuya Neil. Nakangiti.”Napasinghap siya nang mahina.“‘Yong ngiti na parang alam nila kung anong puwedeng mangyari sa akin kapag nagsalita ako.”Napatungo siya, hinihigpit

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 68 "The Chase"

    Una niyang pinuntahan ni Edwin ang gusali ng kumpanya ni Ednel Wilson, dala ang magkahalong kaba at determinasyon sa dibdib niya na parang naglalaban ang dalawang tibok ng puso. Bawat hakbang niya papasok ng lobby ay mabigat, halos parang hinihila siya ng sahig pababa, pero pilit pa rin niyang itinatag ang sarili. Hindi niya kayang magpakita ng kahinaan. Hindi ngayon. Hindi sa araw na ito.Pagpasok niya, agad siyang nagtungo sa reception desk, hawak ang bag strap niya nang mahigpit. “Miss, puwede ko po bang malaman kung nasa opisina si Elise?” tanong niya, pilit kinokontrol ang kaba sa kanyang tinig kahit nanginginig na ang loob niya.Ngunit tumigil siya sa pagkakamang nang marinig ang sagot. “Ah, sir, wala po siya ngayon. Kasama po niya si Sir Ednel sa isang business trip.”“Business trip?” Naupos ang hininga niya at bahagya siyang napasandal sa desk. Biglang parang bumigay ang mga tuhod niya. Hindi niya maintindihan. Paano nangyari iyon? Kailan? Bakit hindi niya alam? Para bang big

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 67 "He knows"

    Kinakabahan na si Edwin. Halos isang buong araw na rin mula nang mawala si Elise, at bawat oras ay parang nagiging habambuhay sa kanya. Kahit anong pilit niyang kalmahin ang sarili ay hindi niya maiwasang mangamba. Ang mga tawag sa telepono ay hindi sapat. Gusto niyang makita, maramdaman, at siguraduhing ligtas siya. Hindi niya na kayang maghintay, kaya kusa niyang sinuot ang kanyang paboritong suit at sumakay sa kotse. Pinaharurot niya ito, bawat segundo ay tila nagiging mabigat habang papalapit siya sa squatter’s area kung saan naninirahan ang pamilya ni Elise.Tumunog ang kanyang kamao sa pinto. “Tao po,” mahinang sabi niya.Hindi nagtagal, lumapit ang maliit na anino ng bata na si Julius, anak ni Elise. “Tito Edwin, kumusta po? Tuloy po kayo.” Agad niya itong pinagbuksan ng pinto, sabay nagmano at pinatuloy sa loob.Napangiti siya sa simpleng galaw ng bata. Napakabait, napakasipag na tila’y isang batang kahanga-hanga kahit sa murang edad. Ngunit hindi niya maiwasang mairita ng ka

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 66 "Failed Plan"

    Ayoko na siyang makausap, inis na sambit ni Ednel sa sarili habang pinipilit pigilan ang pintig ng dibdib na parang gusto na lang sumabog sa galit at sama ng loob. Hindi niya akalain na ganito kasama ang pakiramdam na dulot ng ginawa ni Jessa. Unforgivable.“Paano na lang engagement ninyo?” tanong ng pinsan niya na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa reaksyon niya.Napahawak si Ednel sa ulo, halatang nag-iisip. “Dude, are you stupid? Gano’n ko na lang ba ibababa ang sarili ko? Nabastos ako sa mga kakilala ko dahil sa ginawa niyang pakikipaglampungan sa ibang lalaki tapos gusto mo ituloy ko pa ang wedding namin ni Jessa?” Halos sumabog ang boses niya sa inis.“Dude… tumatanda ka nang walang pamilya. You are in your thirties. Dapat may mapasahan ka na rin ng mana mo,” sagot ng pinsan na halatang pilit nagmamalasakit pero nai-irita rin.Ngumisi si Ednel na may halong pang-aasar. “‘Wag kang mag-alala. May anak na ako sa pagkabinata kung iyon lang ang problema mo. Sige na, busy pa ako.” K

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 65 "Uncontrolled Temptation"

    Maingat na binuhat ni Ednel si Elise matapos itong himatayin. Ramdam niya ang bigat ng takot sa dibdib niya habang nakasubsob ang ulo ng dalaga sa balikat niya na parang takot siyang iwan ulit ito ng kahit isang segundo. Mula sa parking lot hanggang sa elevator, hindi niya binitiwan si Elise, tila ba kapag basta niya itong pinabayaan ay babalik ang mga aninong pilit na gumigising sa trauma nito.Pagkapasok nila sa loob ng condo, diretso siyang lumapit sa kama at marahang inihiga ang dalaga. Kumalat ang buhok ni Elise sa mga unan, bumagay sa maputi nitong mukha na parang sinuklay ng hangin. Ilang saglit pa ay napatingin si Ednel at halos mapatigil ang paghinga niya. Para itong prinsesa sa isang lumang fairy tale ang mala-rosas na pisngi, ang maputing balat, at ang mahimbing na pagtulog na tila may sariling ningning.“Sleeping Beauty,” mahina niyang bulong. “O baka Snow White.”Pero hindi ito pantasya. Hindi ito kathang-isip. Si Elise ito. Ang Elise na nakababata babaeng kapatid sa pili

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 64 "Saved her again"

    Hindi na niya kaya...Hindi na niya talaga kaya ang panghuhusga ng mga ito sa kanya. Ang bawat salitang ibinabato sa kanya ay parang matutulis na bato na sabay-sabay dumadagundong sa dibdib niya. Masakit. Nakakapagod. Nakakapanghina.Lalo na’t alam na niya ang balita tungkol kay Jessa.Alam niya na ngayon kung bakit hindi natuloy ang pagpapakasal ni Ednel. Alam na ng halos buong kumpanya ang tungkol sa viral video at mga larawan na may kahalikang ibang lalaki si Jessa sa mismong engagement party nila ni Ednel.At ngayon, siya ang ginagawang masama.Hindi niya rin akalain na ganoon pala sila ka-interesado sa kanya. Na may mga matang nagmamatyag sa bawat galaw at kilos niya. Na may mga matang nagmamasid sa bawat hakbang niya. Lalo na ang pinsan ni Ednel na si Dick.Wala naman siyang ibang hangarin kundi buhayin ang anak at ang ina niya. Iyon lang. Iyon lang ang dahilan kung bakit siya nananatili sa kumpanyang iyon. Iyon lang ang dahilan kung bakit kinakaya niyang lunukin ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status