Share

#37

last update Dernière mise à jour: 2025-08-17 23:15:44

GWEN POINT OF VIEW

"Manang, asan po si Seth ngayon? Bakit parang wala siya dito?" deretsahang tanong ko sa katulong namin dito sa bahay. Yes, kakagising ko lang din ngayon. Wala si Seth sa tabi ko. Kaya hinahanap ko siya ngayon na mukha akong ewan. Hindi ko naman kasalanan na hanapin ko siya sa ganitong oras ehh.

"Wala po talaga dito si Sir Seth ma'am. Maaga po siyang umalis ng bahay. Hindi na nga rin po siya nakapag-almusal ehh. May importante daw siyang lakad. 'Yon po ang sabi niya," sagot naman niya habang nagwawalis siya ng kalat.

"Ganun po ba?" Bigla na lang akong nawalan ng lakas.

"Magandang umaga po pala ma'am. Nakahanda na po ang almusal. Sana po ay kumain po kayo ngayon. Bilin din po kasi ni Sir 'yon ehh," tugon naman niya sa akin. Hayts, kahit naman hindi na niya sabihin sa akin. Kakain pa rin ako lalo na gutom ako. kahit anong pagkain diyan kakainin ko ng walang arte, duh.

Hindi na ako sumagot pa sa kaniya. Kasabay nito ang pagpunta ko sa dining area. Kita ko nga, maramii
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Billionaire's Fate : The Voice of Love   #41

    STELLA POINT OF VIEW“Siguraduhin niyong lahat na magiging maayos ‘yan. Hindi dapat nila ma trace kung sino ang nagpost. Higit sa lahat hindi dapat madawit dito ang pangalan ko. Isa pa, siguraduhin niyo rin na kalat na kalat ang mga litrato ahh. Tingnan lang natin kung saan pupulutin ang Gwen na ‘yan. Hidni niya dapat ako inunahan ng away ehh. Ayan tuloy ang ganti ko sa kaniya. Kung tutuusin kulang pa nga ‘yan ehh. Tsk! Kulang na kulang ‘yan, kaya para sa akin patikim ko lang ‘yan sa kaniya.” Puno nang pangigigil ko itong binanggit sa mga kaibigan ko. Well, ito din naman ang katotohanan ehh. Kaya walang mali sa mga sinasabi ko at sa mga gusto ko pang sabihiin."Ano ka ba, masyado ka naman stress diyan. Huwag mo nang isipin pa ang mga bagay na 'yan. Ilang minuto nga lang sumikat agad ang Gwen na 'yan ehh. Sikat na sikat sa madumi niyang image. kaya, huwag kang mag-alala adhil mas lalala pa siya ngayon. Isa pa, hindi talaga nila tayo ma trace. Basta, ako na ang bahala sa bagay na 'yan.

  • Billionaire's Fate : The Voice of Love   #40

    SETH POINT OF VIEW“Hayts, muntik na tayo doon bro. Katakot si Manager, mukhang dragon. Mabuti na ang talaga at nakatakas pa tayo sa kaniya. Dahil, kung hindi, kawawa lang tayo sa kaniya. Pero, malamang sa malamang stress na naman ‘yon ngayon Hahaha, natatawa tuloy ako. Bakit ba naman kasi, kaya niyang magtiis sa atin ehh,” natatawan saad ni Marlon. Nasa loob na rin kami ng sasakyan ngayin at ako ang nagmamaneho. Ingay talaga, hindi na lang manahimik.“Bakit ka pa ba sumunod sa akin? Dapat ikaw ang na iwan doon at pumalit sa akin. Hindi ko naman sinabi na sumunod ka. Sinabi ko lang na tulungan mo ako,” reklamo ko sa kaniya.“Ayan ka na naman sa reklamo mo ehh. Hindi ko naman gugustuhin na maiwan sa kamay ng manager natin. Baka mamaya, bigla na lang niya akong landiin ehh. Tsaka, narinig mob a kanina ang sabi niya? Sa office niya daw? Aba, hindi naman pwede ‘yon.” Kaya hindi ko na kailangan pang magreklamo ulit, dahil mas nadadaig pa niya ako.“Ang advance mo naman. Gusto lang naman

  • Billionaire's Fate : The Voice of Love   #39

    SETH POINT OF VIEW"Marlon, baikita mo, busy ako. Pwede bang ikaw na na gumawa para sa akin na hanapin ang tang nagpost ng fake news. Sinisiraan nila si Gwen ehh. Hindi naman 'yon pwede. Anong mukha pa ang ihaharap ko kay Gwen? Ayaw ko siyang magalit sa akin. At ayaw kong lumalala pa ang issue na 'yan. Malamang nakarating na rin 'to kay Dad and Mom. So, please help me, Marlon." Ngayon ko lang magawang humigi ng tulong sa kaibigan ko. Bwesit naman kasi. kung kailan pa ako busy lumabas pa ang walang kwentang news na 'yan. Mabuti na lang nandito si Marlon."Masyado ka naman ocer kay Gwen. Pumunta dito si Stella kanina, tinaboy mo raw? Anyare sa 'yo Bro? Tuluyan mo na talaga pinagpalit si Stella kay Gwen? Nakikita mo naman ang caption ng post tapos mga comments pa nila. Kahit na mabura pa ang post na 'yan. Marami pa rin ang nakakita. Kalat na kalat na ohh. Kaya, wala pa rin magbabago. So, ang kailangan mong gawin ngayon. Ikaw ang magpaliwanag ng post. Kasi kung si Gwen naman ang gagawa. W

  • Billionaire's Fate : The Voice of Love   #38

    "Ewan ko ba, basta, hayaan niyo na lang muna 'yan. Tsyaka, gutom ako ohh, gusto kong kumain nang marami. Baka mamaya mawalan pa ako bigla nang gana nito sa kakulitan niyo ehh," reklamo ko naman ulit. wala naman talaga ako ibang magawa. Kundi ang magreklamo lang at kumain ehh. Gutom ako 'yon na 'yon."Hayts, kami nga dito nagpapanic na Para sa 'yo. Tapos, ikaw chilax ka pa rin ahh," boses ni Alexa. Na-iimagine ko mukhang tinatarayan niya yata ako ahh."Hindi natin kailangan mag panic. Hindi din naman ako guilty noh. Malinis kaya ang konsensya ko," aniya ko naman. Alam ko na maiinis lang sa akin ang mga protected kong kaibigan. "Sige na nga lang, wala din naman akong gagawin ngayong araw. Tulungan niyo na lang akong mag trace sa nagpost," seryosong tugon ko."Ayan, 'yan talaga ang hinihintay namin na sabihin mo Gwen. Sasabak na naman kami sa nakaka-excite na gawain," natutuwang wika pa ni Alexa."Oo na, oo na, sige na. Off ko na ang tawag ahh. Hintayin niyo lang ako at pupunta ako diya

  • Billionaire's Fate : The Voice of Love   #37

    GWEN POINT OF VIEW"Manang, asan po si Seth ngayon? Bakit parang wala siya dito?" deretsahang tanong ko sa katulong namin dito sa bahay. Yes, kakagising ko lang din ngayon. Wala si Seth sa tabi ko. Kaya hinahanap ko siya ngayon na mukha akong ewan. Hindi ko naman kasalanan na hanapin ko siya sa ganitong oras ehh."Wala po talaga dito si Sir Seth ma'am. Maaga po siyang umalis ng bahay. Hindi na nga rin po siya nakapag-almusal ehh. May importante daw siyang lakad. 'Yon po ang sabi niya," sagot naman niya habang nagwawalis siya ng kalat."Ganun po ba?" Bigla na lang akong nawalan ng lakas."Magandang umaga po pala ma'am. Nakahanda na po ang almusal. Sana po ay kumain po kayo ngayon. Bilin din po kasi ni Sir 'yon ehh," tugon naman niya sa akin. Hayts, kahit naman hindi na niya sabihin sa akin. Kakain pa rin ako lalo na gutom ako. kahit anong pagkain diyan kakainin ko ng walang arte, duh.Hindi na ako sumagot pa sa kaniya. Kasabay nito ang pagpunta ko sa dining area. Kita ko nga, maramii

  • Billionaire's Fate : The Voice of Love   #36

    Ilang minuto ang nakakaraan. Nagmaneho na ako ng motor ko ngayon. Upang makabalik na sa bahay namin ni Seth. Medyo malayo pa nga ako sa dako ng bahay. Natatanaw ko na siyang nakatayo sa labas. Mukhang meron yata siyang hinihintay. Sino naman kaya nohh? Hindi ba siya nilalamig dito sa labas ng bahay. Hay naku, mukha talaga siyang ewan. Nanatili pa rin siyang tahimik at nakatayo. Kahit nakalapit na ako sa kaniya. Ang gulo naman niya. Bahala na nga lang. --- Akmang lalagpasan ko na sana siya. Subalit."Gabi na, bakit ngayon ka lang umuwi?" sabay hawak niya sa braso ko. Masyado siyang strict magsalita ngayon. Parang pakiramdam ko tuloy. Ang laki ng kasalanan kong nagawa sa araw na 'to."Marami lang akong importanteng ginawa. Kaya, hindi mo na kailangan pang itanong 'yan. Isa pa, naka-uwi na ako ohh. Tsyaka, ano ba ang ginagawa mo dito sa labas? Nararamdaman mo naman siguro na masyadong malamig 'di ba?" Sana namna ay maiba ang usapan. Dahil, parang gusto namna niya akong pagalitan ehh."G

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status