Maling kwarto ang napasukan ni Gwen Sison. Kung saan ay naroroon si Seth Montealto, na humihingi ng saklolo para sa nararamdaman niyang buong init sa katawan. Dahil sa sugat na natamo ni Gwen sa kaniyang paa. Hindi inaasahan na matumba na lamang siya sa tabi ni Seth Montealto sa ibabaw ng kama. Nagulat na lamang si Gwen sa pagyakap ng lalaki sa kaniya. Akmang aalis na sana siya. Ngunit, bigla siyang nahawaan ni Seth. Kaya naman, nagkaroon din nang pang-iinit sa buong katawan ni Gwen. Kinaumagahan, nadatnan sila ng fiancee ni Seth na si Stella Guades na magkasama sa kama. Sa galit nito. Mahigpit niyang sinabunutan si Gwen. Walang magawa si Seth. Dahil, siya rin ay nagulat sa nangyari. Hanggang sa binitbit ni Stella si Gwen papalabas ng kwarto at ipinahiya ito sa lahat.
View MoreGWEN SISON POINT OF VIEW
Wala akong tigil sa pagtakbo mula pa kanina sa bahay. Gusto ko lang naman ang mamasyal, kaya nagawa kong tumakas sa bahay. Pero, hindi ko inaasahan na ipapasunod ni mom sa akin ang mga tauhan niya. Natatakot ako, saan ba ako pwedeng magpunta ngayong gabi?
Nang marinig ko ang mga bses nila papalapit sa akin. Agad akong nagtago sa mga kotse sa paligid. Tahimik pa naman ang lugar at medyo madilim. Nakakatakot naman kung magtagal pa ako dito. Gabing-gabi na rin. Uuwi na lang ba ako? Hayts, kainis naman, ayaw ko nga. Bahala na si mommy mamaay sa galit. Total, palagi naman niya akong pinapagalitan.
"Hanapin niyo! Isang babae lang naman ang hinahabol niyo pero natakasan pa kayo! Ano ba kayo! Ang hihina niyo! Magagalit nito sa atin si madam!" sigaw ng boss nila, habnag lumilingon-lingon ito sa paligid. Samantalang ako naman ay nakasilip lamang sa mga ginagawa nila.
"Boss, wala po talaga dito."
"Ano ba naman 'yan! Kailangan natin siyang mahanap. Lalo na't may kailanagn pa siyang gawin bukas! Alam niyo naman na siya ang tutugtog ng kanta para sa lolo niya, kaya hindi siya pwedeng mawala! Hanapin niyo pa rin. Nandiyan lang ang pasaway na babaeng 'yon sa paligid," muling sigaw pa nito. Grabe naman siya ang sungit-sungit niya talaga, kaya ayaw ko sa kaniya ehh
Kalaunan, napansin ko ang kanilang pag-alis, dahilan ng pagngiti ko. Sa wakas, makaka-alis na rin ako dito sa pinagtataguan ko. Pupunta na ako kahit saan ko pa gusto. Yes! It's a big Yes!
Nagawa ko ang maglakad-lakad. Upang malibot ang lugar na napuntahan ko. Hanggang sa, isang tila bahay na may pasindi-sindi ang ilaw at may malakas na tugtog ang pumukaw ng atensyon ko. Gusto kong subukan pumasok. Nang sa ganun ay malaman ko kung ano ang meron doon.
"Boss, nandito po siya!" rinig kong sigaw ng humahabol sa akin. Mukhang wala na talaga akong ibang pagpipilian pa, kundi ang pumasok sa loob. Kaya naman, mabilis akong napatakbo patungo sa loob nito.
Bigla akong naguluhan. Dahil, ang daming tao dito. Sumasayaw, at sumisigaw pa sa tuwa ng mga ito. Gayunpaman, ay wala sa isipan ko ang pagtuunan sila nang pansin. Lalo na't gusto ko lang anman ang makatas, mula sa mga naghahabol sa akin. Kaya naman, mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Habang nakasunod sila sa akin. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hanggang sa makakita na lamang ako ng isang daan. Pansin kong tahimik dito. At naisip kong, safe lang ako dito. Kaya, hidni na ako nag-alinlanagn pang dumaan. Gayunpaman, naririnig ko na anman ang mga tumatakbong mga yapak ng mga sumusunod sa akin. Dahilan ng aking pagtaranta. Dahil, tila wala na akong ibang madadaanan pa. Hanggang sa, isang kwarto na lamang ang aking nabuksan.
Upang hindi nila ako mapansin. Agad na akong pumasok sa kwarto. Hindi ko inaasahan na ang dilim nito. Hindi naman ako takot sa dilim. Kaya, nagawa kong lumakad. Upang, hanapin ang switch ng ilaw. Ngunit sa hindi inaasahan. Bigla na lamang akong, natumba sa malambot na kama.
"Ano ba 'to? Kama? Ang dilim dilim naman dito," reklamo ko pa. Kinapa-kapa ko ang kina-uupuan ko. Hayts, hindi nga ako nagkakamali kama nga 'to.
Akmang tatayo na sana ako upang umalis. Ngunit, isang mainit na kamay ang biglang pumulupot sa akin. Sinubukan ko itong tanggalin. Subalit, mas lalo niya itong hinigpitan. Hanggang sa maramdman ko na ang kaniyang katawan.
Ang init naman niya. May sakit kaya siya? Pero, teka nga lang, bakit niya ako niyayakap? Babae ba siya o lalaki?
"Help me, please, help me..." What??? Isang lalaki!
Please, help me." Muling wika nito. Naramdaman ko ang pagsusumamo niya. Dahil sa kabutihan kong taglay. Syempre, hinarap ko na lamang ang lalaking to.
"Anong tulong ba ang gusto mo?" deretsahang tanong ko. Kahit hindi ko siya makita sa sobrang dilim.
"Help me, baby, help me," dagdag pa niya. Baby??? Ano akala niya sa akin?
Sorry, kailangan kitang iwanan dito. Hidni ko alam kung ano ang sinasabi mo diyan.
Akmang tatanggalin ko na nasa ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Ngunit, bigla na lang niya akong hinila, dahilan na mas napalapit ako sa kaniya. Na amoy ko ang amoy alak niyang hininga. Kaya naman pala, ganito siya gumalaw. Dahil, lasing siya.
Tatayo na sana ako. Subalit, tila may kung anong init akong naramdman. Init sa buo kong katawan. Na tila, ba ahindi ako mapakali. Hindi din naman ako lasing kaya bakit nagkaganito? Sa mainit na haplos ng lalaking 'to. Tila nadadala na rin ang buong katawan ko. Hanggang sa hindi ko na ma control ang katawan ko at bumigay na sa nais ng lalaki.
..... F A S T F O R W A R D
Habang, dahan-dahan na bumubuka ang mata ko. Hindi ko maisip kung bakit sorang sakit ng ulo ko. Mukha akong sabog na ewan. Bigla kong naramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong sa katawan ko. Hanggang sa, laking gulat kong braso ito ng isang lalaki. Napabalikwas na lamang ako at napasigaw. Dahil sa nagawa ko, tuluyan ko nang nakita ang itsura ng lalaki. Nakahawak siya sa ulo niya at dahan-dahan na bumangon habang nakapikit pa ito.
"Baby? What's wrong? Bakit ka sumisigaw? Ang aga-aga sumisigaw ka na diyan." Sa bosess niya tila wala siyang lakas. Ano ang gagawin ko? Dapat ba akong magsalita? Hindi pa man niya tuluyan na binubuka ang mga mata niya. Baka pwede pa akong tumakas.
Napalingon ako sa sahig. Kalat na kalat ang damit ko. Paano ako makakatas, kung indi ako magbibihis? Hubad na hubad ako at kailanagn kong magdamit. Bago pa man niya ako tuluyan na makita. Marahan kong inabot ang mga damit ko. Nang tuluyan ko itong makuha. Agad ko itong sinuot.
"Baby, why you're still quiet? Kanina lang naman sumisigaw ka diyan," tila pagrereklamo nito. Hindi ako natutuwa sa ginagawa niya.
"Pwede ba, hindi kita kilala. Kaya, huwag mo akong tawagin na baby. Isang, pagkakamali lang ang nagawa natin. Pero, ibaon na lang natin sa limot, okay?" reklmao ko pabalik sa kaniya. Kita ko ang gulat niyang pagharap sa akin.
"Who are you? Where is my Fiance! At sino ka!" sigaw nito sa akin.
"Malay ko, hindi ko alam. Baka nasa labas lang. Isa pa, hindi na mahalaga ang pangalan ko," tanging sagot ko naman. Akmang tatayo na sana ako. Ngunit, bigla na lang bumukas ang pintuan. Hanggang sa, iniluwa nito ang isang babae.
Mukhang itong babaeng to ang tinatawag niyang Baby. Gayunpaman, nakaramdam ako ng takot lalo na biglang nanlisik ang paningin niya sa akin.
"Who the hell is she, babe!" biglang malakas niyang sigaw. Mas malakas pa ang tinig niya kaysa sa akin.
“Lolo, kahit gustuhin ko man ikasal. Tama pa rin po ang sinabi mo, magiging mahirap pag-abot kay mommy. Hindi po siya papaya. Kilala ko po siya. Hahadlangan niya lang po ang lahat. Sinabi niya na rin na hindi ako pwedeng makisama sa kanila ehh. Tapos, kasal pa? Sobrang Malabo naman ‘yon lolo. Isa pa, isang beses lang po may nangyari sa amin ni Seth. Wala na pong magiging kasunos doon. Hindi na po mauulit ‘yon. Hindi ako pwedeng magkagusto din sa isang sikat na artist dito. Hindi naman ako masyadong kilala dito. Iisipin lang ng iba na nilandi ko lang siya. Katulad na lang din ng mga sinabi sa akin ng fiancée niya. Hindi po talaga kami para sa isa’t isa ni Seth. Hayts, sa dami-daming nagkakagusto sa kaniya. Ipapakasal lang siya sa tulad kong walang ipagmamalaki. Masisira ko lang ang image niya.” Inilapat ko ang ulo ko sa kamay ni lolo. Sa malamig na hatid ng aircon ng bahay, mas lumamig naman ang nararamdaman ko.“Gwen, anong ba ang sinasabi mong wala kang maipagmamalaki sa kaniya? Kung
SETH MONTEALTO POINT OF VIEWBumalik agad ako sa loob ng bahay matapos kong ihatid palabas sina Stella at ang mommy niya. Samantalang sina mom at dad ay parang hinihintay pa rin ako. Gayunpaman, ay pinili ko pa rin ang lumapit sa kanila.“Dad, Mom, bakit po nandito pa rin kayo?” deretsahang tanong ko. Nagkatitigan naman silang dalawa. Mukhang may gusto silang sabihin sa akin.“Why Mom and Dad? May sasabihin po ba kayo?” I asked again.“Seth, alam namin ng mommy mo na labag sa kalooban mo ang sasabihin namin. Pero, ito ang nararapat mong gawin. Alam mo kasi son. Ang babaeng nagalaw mo ay anak ng matalik kong kaibigan. At kahit sino pa man siya. Mas gusto naming ng mommy mo ang panagutan siya. Dahil, hindi biro ang nangyari sa inyong dalawa. Kailangan mo siyang pakasalan kaysa kay Stella.” Hindi ko inaasahan nag anito ang sasabihin sa akin ni Dad. Hindi na lang nila kanina deneretso nang kasama pa namin sina Stella. Labag na labag talaga sa loob ko ang sinasabi niya. Hindi ko kaya, mawa
GWEN SISON POINT OF VIEW"Mommy, tama na po, hindi ko namn po sinasadya na makatabi si Seth. Humingi po kasi siya nang tulong. Kung hindi po nanagyari sa amin kagabi ang bagay na 'yon. Baka patay na po siya ngayon dahil sa sobrang init ng katawan niya. Nagawa ko lang naman po 'yon. Para, tulungan siya. Huwag na po kayong magalit. Hindi na po 'yon mauulit." Hindi pa rin tumitila ang galit sa akin ni Mom. Pagod na pagod na akong lumuhod sa harapan niya. Sana patawarin na ako ni mommy, palagi na lang siya galit sa akin. Nakaka-awa naman ako."Gwen, walang pwedeng mamagitan sa inyo ni Seth, ang anak ni Nelia at Anderson. Alam mo naman na sila ang dahilan, kung bakit hindi pa rin nagigising ngayon ang Daddy mo. Kaya, layuan mo ang lalaking 'yon. Lalo na ang mga magulang niya, maliwanag ba?" paulit-ulit na lang si Mommy. Kanina ko pa naman naririnig."Masakit na po ang tuhod ko. Pwede na po ba akong tumayo, mommy?" pinahina ko ang boses ko. Awa effect, kung maawa nga siya."Gwen! Nakikinig
"Sino naman ang maduming babae ang naging bisita ng Montealto? Ano ba ang nangyari darling? May problema ba?" Mukhang sa kaniya nagmana si Stella."Mommy, nilandi niya po asi Seth. Huwag naman po kayong pumayag. Paalisin niyo po siya dito sa lugar natin." Hindi talaga tumitigil si Stella, gusto niya talaga akong paalisin."Stella, it's okay. Mukhang, wala naman siyang kasalanan. Isa pa, hindi din naman papayag sina Anderson at Nelia na hindi matuloy ang kasal niyo ni Seth. Dahil, nakita naman namin, kung gaano niyo ka mahal ang isa't isa." Mahinahon na tinig nito. Laking gulat ko na lang nang lumapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo. Habang, may matamis siyang ngiti sa labi. Samantalang, inis na inis na nalkatingin sa akin si Stella. Mali yata ako, akala ko, masama ang mommy niya. Mukhang mabait naman."Mommy... no ang ginagawa mo? Nilandi nga niya si Seth.""Enough darling. Mabait naman ang batang 'to. Isa pa, alam ko na hindi ka ipagpapalit ni Seth sa ibang babae Kaya, just c
"Stop that Stella, ako ang nahihiya sa ginagawa mo! Sinabi ko naman sa 'yo na hindi kami magkakilala! Bakit ba ang kulit mo? Kung ano man ang nangyari sa aming dalawa. Wala na 'yon para sa akin. Dahil, parho naman namin' hindi ginusto ang nangyari. Kaya, pwede ba, tama na, Bitawan mo na siya!" Naramdaman ko ang galit ng lalaking 'to --- si Seth.Binitawan naman ako ng fiancee niya. Ngunit, marahan itong lumapit kay Seth."Hindi ko alam, kung mahal mo ba talaga ako o hindi. Pero, hindi ako papayag, na hindi matuloy ang kasal natin. Dahil lang sa babaeng 'to! Hindi ako papayag, na sirain niya tayo! Huwag mo akong pagalitan, dahil, kasalan mo 'to Seth! Kaya, kung ano man ang gusto kong gawin sa kaniya, wala ka nang magagawa sa bagay na 'yon! Kaya, mas mabuti pang, manahimik ka na lang diyan. Kung ayaw mong mas gumulo pa ang ginawa mo sa akin!" Nag-aaway sila, dahil sa akin. Muling lumapit sa akin ang babae. Hinawakan niya ulit ako nang mahigpit habang galit na galit ang mga ata niyang n
"Ang kapal ng mukha mong babae ka! Sino ka para tabihan ang fiance ko!" Muling sigaw niya. Luampit sia sa akin at bigla na lamang akong sinabunutan. Sa higpit niro, kulang na lang ay makalbo niya ako. "Bitawan mo ako! Ano ba, bitiwanan mo ako!" paulit-ulit kong sigaw, habang pilit na hinahawakan ang kamay niya. Nang sa ganun ay mabawasan man lang ang sakit. "Enough Stella!""What? Why should I? Nilandi ka niya! Kaya ba, hindi mo na ako binalikan kagabi, dahil may iba ak nang kasama? What the hell Seth! Ipagpapalit o ba ako sa isang babaeng mukhang basura at mabaho, huh!" ramdam na ramdam ko ang pandidiri at pang mamaliit niya sa akin. Hindi ko rin naman 'to ginusto at mas lalong wala akong kasalanan!"Huwag mong sabihin na kinakampihan mo pa ang babae mo! Mas gusto mo ba siya kaysa sa akin na fiancee mo at matagal mo nang nakasama huh!" gigil na gigil at galit na galit niyang tinig."I don't know her. I don't know, kung paano siya napunta sa kama ko at katabi ko. I don't know what h
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments