MasukIsang linggo na ang nakakalipas ng palayasin si Vanessa sa bahay nila ng kuya Marcus niya. Alam naman niyang may karapatan siya roon dahil pundar iyon ng kanyang mga magulang kaso ng namatay ang dad niya naging mas malaking kalbaryo ang tinamo niya. Noong buhay ito sinasaktan na siya ng kanyang madrasta pero never siyang nagsumbong sa dad niya dahil tinatakot siya nito palagi na papatayin silang mag-ama kapag nag sumbong siya.
Kaya expected na talaga niya na masasaktan siya rito. Hindi na nga siya nagkamali at nangyari nga. Kaya ayaw na niyang maalala pa. Mabuti nga ay naka alis na siya sa poder ng mga masasamang tao na iyon at malaya na siya. Kahit sa school lang siya natutulog ay ayos lang basta masaya siya. Kinabukasan panibagong araw na naman. Masaya siya sa buhay niya ngayon dahil wala siyang kailangang pakisamahan. Kagaya ng mga step siblings niya na ginawa na siyang alila sa bahay niya. Lumabas siya ng school suot ang kanyang uniporme. Nagpara ang isang sasakyan sa harapan niya. Nang magbaba ito ng bintana bumati ito at ngumiti sa kanya. "Hello, ate ganda. Good Morning." "Good Morning too, pogi Evab." ganting bati naman niya sa bata. Sa totoo lang talaga unang beses pa lang nakita ni Vanessa si Evan. May kakaiba na siyang naramdaman para sa bata. Noong nakita niya na sinasaktan ito ng ibang bata. Hindi siya nag atubiling lumapit at sinaway ang mga bata. Masyadong mga bully kababata pa. Iyak ng iyak si Evan dahil marami siyang sugat sa kamay at paa nang itulak siya ng paulit ulit ng mga batang iyon. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Vanessa. Hindi nagsalita si Evan at nakatingin lamang sa kanya. Marahil nagtataka ang bata kung bakit siya nito pinagtanggol. Maya maya lang nagpaalam na si Evan kaya nagbalik na siya sa reyalidad ng buhay. "Bye ate ganda. See you around." wika ni Evan. "Bye, pogi Evan. I will wait for you." ngiting sagot ni Vanessa habang paalis ang sasakyan ng bata. Nang maka alis ang kotse nila Evan. Nagsimula ng maglinis si Vanessa sa labas. Habang si Seb at Evan naman ay patungo na sa school ng bata. Pagkahatid ni Seb kay Evan. Bumalik siya sa lugar kung saan nila nakita si Vanessa. Hindi siya mapakali at iniisip niya na aalis siya ng ilang buwan. Naghahanap siya ng magiging nanny ni Evan pansamantalang wala siya sa bahay na kaya niyang maapagkatiwalaan. Nakita naman niya kung gaano ka kumportable si Evan sa tao kaya sa palagay niya magiging maayos ang lahat sa pagitan nila at isa pa sure naman siya na hindi siya ma-i-inlove sa nanny ng kanyang anak. Pinasibat na niya ang kanyang sasakyan patungo sa lugar kung saan nila ito nakita kaso wala na ito..Nilibot niya ang lahat ng pwede niyang daanan para makita ito kaso lang wala talaga ang babae kaya naman umalis na lang siya. Habang patungo siya sa kumpanya. Hindi talaga mawala wala ang kaba niya. Paano kung di pumayag ang babae sa offer niya? Paano kung---" sinaway niya ang kanyang sarili sa mga negative thoughts na pumapasok sa kanyang isipan. "Hmmmmp! Sebastian napaka nega mo na naman. Hindi mo pa nga nakakausap ang tao." Habang nagda drive siya patungo sa kanyang kumpanya. Hindi talaga mawala wala ang itsura ng babae sa kanya. Masyado kasing mala anghel ang mukha ng babae kaya naman kuhang kuha nito siya pero--- "No! Ayan ka na naman Seb. Ganyan na ganyan ka rin kay Chariz. Pero kinatagalan e, nagbago ang babae hanggang sa naabutan niya ang panloloko nito sa kanya. Hindi niya akalain na kayang gawin nito ang panloloko sa kanya sa mahabang panahon. May babae talaga na kahit binigay mo na lahat hindi pa rin kayang makuntento sayo. Kaya naman never na siya nafall sa mga babaeng lumalapit sa kanya. He dated but hanggang doon na lang iyon. In 7 years hindi na siya muling pumasok sa pakikipag relasyon. Hindi niya hinahayaang mafall siya sa maling tao na naman. Pagkarating niya sa kumpanya. Inayos lang niya ang mga kailangan niyang gawin para sa pagbabalik niya ay maayos na ang lahat. Nakita siya ni Perry na malayo ang tingin kaya naman binato siya nito na hawak na mani. Tinaasan niya ito ng dalawang kilay. "What??" patay malisyang tanong nito sa kanya. "What? What ka dyan! Anong problema mo na naman Perry. Bakit nangbabato ka dyan? Huh!?" "Wala naman. Kanina ka pa kasi seryoso dyan." sagot nito na natatawa at tumabi sa kanya. "Wala lang. Iniisip ko kasi ang sinabi ng anak ko." sagot niya kay Perry na kitang kita ang pagiging tsismoso. "Ano na naman bang gusto ng anak mo? Balikan ang Mommy niya?" "Baliw! Hindi, hindi niya nga kilala pa ang Mommy niya. Alam mo naman maliit pa si Evan nang ilayo ni Chariz sa akin si Eva kaya tiyak ko na hindi na talaga matatandaan ni Evan ang mukha ng Mommy niya. Lahat ng bakas ni Chariz ay binura ko na sa anak ko. Kaya malabong makilala niya ito kahit na magkita pa sila. "Oh! Kung hindi si Chariz. Sino naman---" "Balak ko kasi kuning Nanny iyong babae na gusto ni Evan." "Sino? Iyong kinukwento mo?" "Oo." "Hahahaha! Si Evan ba ang may gusto o ikaw??" natatawang sagot ni Perry. "Siraulo ka talaga! Umalis ka na nga bago pa kita masakal." taboy niya rito. Tumayo siya sabay tulak palabas rito. "Wait! Kaya ako pumunta dito para papirmahan tong documents." giit ni Perry habang nakikipag tulakan pa sa kanya. Agad kinuha ni Seb ang hawak nitong folder at tinulak palabas ng tuluyan si Perry. Bumalik siya ng kanyang table at nilapag ang folder nito. Huminga siya ng malalim at pinag isipang mabuti ang kanyang plano. --- Samantalang si Vanessa naman ay hindi malaman ang kanyang gagawin dahil nalaman na ng principal ang lihim niyang pagtulog sa school na walang paalam kaya naman walang nagawa si Ate Una kundi paalisin na siya kung saan siya ngayon natuloy. Kinuha ni Vanessa ang kanyang gamit at niyakap si ate Una. Sinabihan niya rin ito. "Okay lang ate Una hwag mong sisihin ang iyong sarili. Kayo naman ang aking sarili." pagpapabigay lubag loob nito sa matanda. "Sorry talaga Vanessa kung hindi lang nalaman nila baka wala naman maging problema." sagot ni ate Una. "Okay lang talaga ate." sagot ni Vanessa. Bitbit ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang mga gamit. Naglalakad siya palabas ng gate ng school ng di niya mapansin ang sasakyan na paparating at siya ay nasagasaan. Habang pauwi na si Seb galing sa kumpanya. Susunduin na niya si Evan. Gulat na gulat siya sa nagkakagulo na mga tao. At nang ibaba niya ang kanyang window. Kita niya ang nakahandusay na babaeng pinagkaka abalahan ng lahat. "Vane?" gulat na wika niya..Agad siyang bumaba ng sasakyan. Gusto niyang makasigurado kung si Vanessa nga ang nakita niyang na hit and run ng walang pusong tao na bumangga dito. Habang palapit siya ng palapit sa babaeng nakahandusay bigla siyang kinabahan. Nang dumating ang medic at ambulance. Binuhat na nila ang babae at doon na niya nakumpirmang si Vanessa nga iyon. Lumapit siya para magtanong kung saang ospital ito dadalhin dahil magsusundo pa siya sa kanyang anak at susunod na lang siya roon pagtapos niyang masundo si Evan sa school. "Hello, ma'am. Pwede bang magtanong kung saang ospital niyo dadalhin si Vanessa?" "Kilala niyo po ang biktima? Sa St. Jude Hospital po." sagot ng nagrescue rito. Thank you." sagot naman niya. Naka alis na ang ambulance at sumunod na lang ang babaeng napagtanungan niya. Bumalik na siya sa sasakyan para masundo ang kanyang anak na si Evan. Pero hindi pa rin talaga mawala wala sa kanyang isipan ang nangyari kay Vanessa. Nang masundo niya si Evan sa school at maihati
Isang linggo na ang nakakalipas ng palayasin si Vanessa sa bahay nila ng kuya Marcus niya. Alam naman niyang may karapatan siya roon dahil pundar iyon ng kanyang mga magulang kaso ng namatay ang dad niya naging mas malaking kalbaryo ang tinamo niya. Noong buhay ito sinasaktan na siya ng kanyang madrasta pero never siyang nagsumbong sa dad niya dahil tinatakot siya nito palagi na papatayin silang mag-ama kapag nag sumbong siya. Kaya expected na talaga niya na masasaktan siya rito. Hindi na nga siya nagkamali at nangyari nga. Kaya ayaw na niyang maalala pa. Mabuti nga ay naka alis na siya sa poder ng mga masasamang tao na iyon at malaya na siya. Kahit sa school lang siya natutulog ay ayos lang basta masaya siya. Kinabukasan panibagong araw na naman. Masaya siya sa buhay niya ngayon dahil wala siyang kailangang pakisamahan. Kagaya ng mga step siblings niya na ginawa na siyang alila sa bahay niya. Lumabas siya ng school suot ang kanyang uniporme. Nagpara ang isang sasakyan sa har
Habang nasa kumpanya si Sebastian hindi nawala sa isipan niya ang babae kanina. Tila may connection silang dalawa na hindi niya maipaliwanag at ang nakakatawa pa nga roon ay pinagkamalan siya nitong construction worker.. Pangiti ngiti siya ng makita siya ni Perry ang kanyang katiwala. "In-love?" biro nito. Natigil ang iba niyang iniisip ng marinig ang sinabi ni Perry. "I think, meron na akong napupusuang maging Mommy ni Evan. Did you remember the girl in UDM?" tanong niya kay Perry. "Yeah! What about her, Seb?" tanong nito sa kanya. Sa palagay naman niya e, iyon naman talaga ang babae kanina. "I'm gonna marry her, Perry. What do you think? She's not a gold digger. Actually kanina napagkamalan niya akong construction worker." aniya. "Hahahaha! Bakit naman, Seb? Gwapo ka naman ah." tanong ni Perry pero natatawa. "I don't know, Perry. Ang mahalaga nakita ko na gusto siya ni Evan." "Ikaw ang bahala at buhay mo naman yan. Ako payong kaibigan lang ha. Guard your heart hin
Pagdating niya ng kanilang bahay. Nagkalat na ang kanyang mga gamit sa labas. "Marcus, anong ibig sabihin nito?" tanong niya na nagtataka. "Tanga ka ba o sadyang boba ka!! Pinapalayas na kita sa bahay." asik nito. "Wait, bahay 'to ng Papa ko. Bakit ako ang papalayasin mo???" "Aba! Sumasagot ka pa talaga. Halika dito makikita mo ang hinahanap mo." singhal nito sa kanya. Kasabay ng paghila ni Marcus ng kanyang buhok. "Aray! Nasasaktan ako kuya Marcus." nagmamakaawa niyang sambit at baka sakaling tablan ito ng awa ngunit sagad sa buto ang kasamaan ng kanyang step-brother. Tinulak siya nito at natumba siya. Pinagsarhan siya nito ng pintuan. Wala siyang nagawa kundi pulutin isa-isa ang kanyang gamit. Habang pinupulot niya ito bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya basang basa siya ng ulan. Halos mabasa na rin ang kanyang mga gamit. Miski ang kanyang mga libro. Sobrang sama ng loob niya ngayon. Napalayas siya mismo sa sarili niyang pamamahay. Lamig na lamig na s
Habang kumukulog ng malakas sa labas at pag bagsak ng ulan. Hindi maawat ang pagsabay ng mga luha na rumaragasa sa mga mata ni Vanessa. Nasa clinic kasi siya ngayon kasama ang kanyang evil witch step-mother. Nakahiga siya sa isang malamig na higaan katatapos lang siyang pag eksperimentuhan ng mga walang pusong tao sa paligid niya. At the age of 15 years old naranasan na niya ang pait ng mundo. Nakita niyang nagbabayad na sa step-mom niya ang di niya pa makilalang tao. Her devil step-mom. Hinding hindi niya ito mapapatawad kahit na siya ay mamatay. Lumipas ang ang bawat mga araw. Naging ganap na dalaga si Vanessa pero never siyang nag entertain ng lalaki sa buhay niya dahil natatakot siya. May malaking sekreto sa kanyang buhay na kahit na sino maliban sa namayapa niyang step-mom ang tanging nakaka alam. Heto katatapos lang ng kanilang klase sa Professional Education . Graduating students na siya sa kursong Elementary Education. Mahilig kasi siya sa mga bata. Palagi siyang







