Habang nasa kumpanya si Sebastian hindi nawala sa isipan niya ang babae kanina. Tila may connection silang dalawa na hindi niya maipaliwanag at ang nakakatawa pa nga roon ay pinagkamalan siya nitong construction worker.. Pangiti ngiti siya ng makita siya ni Perry ang kanyang katiwala. "In-love?" biro nito. Natigil ang iba niyang iniisip ng marinig ang sinabi ni Perry. "I think, meron na akong napupusuang maging Mommy ni Evan. Did you remember the girl in UDM?" tanong niya kay Perry. "Yeah! What about her, Seb?" tanong nito sa kanya. Sa palagay naman niya e, iyon naman talaga ang babae kanina. "I'm gonna marry her, Perry. What do you think? She's not a gold digger. Actually kanina napagkamalan niya akong construction worker." aniya. "Hahahaha! Bakit naman, Seb? Gwapo ka naman ah." tanong ni Perry pero natatawa. "I don't know, Perry. Ang mahalaga nakita ko na gusto siya ni Evan." "Ikaw ang bahala at buhay mo naman yan. Ako payong kaibigan lang ha. Guard your heart hin
Last Updated : 2026-09-19 Read more