"Damn! Ang sakit ng mga mata ko."Nagising si Samara na ramdam ang paghapdi ng mga mata nya at pakiramdam nya ay may malaking bagahe syang makikita sa ilalim ng mata nya once na tingnan nya ang kanyang sarili sa salamin. Tinatamad pa syang bumangon at parang wala sya sa huwisyong bumangon sa kama nya. Wala syang tulog buong gabi dahil hindi sya makatulog kakaisip ng nangyari sa pagitan nila ni Hale sa may pool area. Hindi sya nakagawa ng tulog dahil kada pikit nya ay ang paglapat ng labi ni Hale sa kanya ang nakikita nya, ang lambot ng labi nito at ang pakiramdam na nahalikan na sya dati pa ng mga labi ni Hale. Naiinis si Samara sa kanyang sarili dahil hinahayaan nyang maapektuhan sya ng halik na 'yun at ng presensya ni Hale, Higit sa lahat naiinis sya sa sarili nya dahil nagresponse sya sa halik na binigay ni Hale sa kanya, hindi tuloy sya makapag isip ng susunod na plano para magawa nya na ang misyon nya. Ayaw isipin ni Samara na nahuhulog sya kay Hale dahil sa reaksyon nya sa bina
Hindi mapakali si Samara sa kanyang kwarto dahil sa ikinilos nya sa harapan ng binata. Pabalik-balik ang paglalakad nya sa loob ng kanyang silid habang visible sa mukha nya ang pagkainis sa sarili dahil naging mahina sya sa harapan ni Hale. Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hindi maganda sa pakiramdam nya ang natamong sugat ni Hale, mas hindi nya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit umiyak sya sa harapan nito na kahit anong pagpipigil ang gawin nya ay patuloy sa paglabas sa kanyang mga mata ang luha na naguguluhan sya kung para saan ang luha na 'yun.Matapos ang eksena na 'yun ay sya ang kusang lumayo sa pagkakayakap ni Hale sa kanya, mabilis nyang pinahid ang mga luha nya at inayos amg sarili sa harapan ni Hale. Wala syang makuhang salita nun na pwedeng ibato kay Hale dahil sa pagyakap nito sa kanya. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa ng pumasok ang ina ni Hale na may dalang first aid kit kaya bahagya syang lumayo sa tabi ni Hale.Ilang oras din ng dumatin
(Co vás trvá tak dlouho, než dokončíte své poslání! Můžu vám poslat Gustavo, aby vám pomohl!)"Řekl jsem vám, musím to pečlivě naplánovat. Potřebuji více času Marić."(Zabij ho nebo nechám Gustavo, aby to udělal!)Pabagsak na umupo si Samara sa kama nya kararating nya lang sa mansyon ng mga Granzore at deresto syang nagtungo sa kwarto nya. Matapos ang pakikipag usap nya ay inihigas nya sa kama ang cellphone nya na tinatago nya para magkaroon siya ng contact kay Marić.Si Marić ay ang nag iisa nya nalang na kapatid, dalawa nalang silang natira sa pamilya nila dahil sila lang ang nakatakas ng patayin ito ni Hale. Ito ang misyon nya na kailangan nyang gawin, ang ipaghiganti ang magulang nila na pinatay ni Hale ng walang pag aalinlangan. Ang kwento sa kanya ng kapatid nya na si Marić ay si Hale ang dahilan kung bakit wala na silang magulang, nasabi pa nito sa kanya na kung hindi sya nailayo ng kapatid nya ay baka kasama syang napatay ng lalaking paghihigantihan nya. Gusto nyang ipaghigan
"Ano?!Hindi pa tayo babalik sa Croatia?"Napapakit si Hale sa malakas na pagkakabulyaw ni Samara sa kanya. Matapos ang kasal ni Paxton ng dumeretso na sila KIA para sa flight nila pa Czech Republic na ngayon lang nalaman ni Samara. Sa likuran ulit sila nakaupo ni Samara habang si Nile ay sa unahan at hindi sila pinapansin.Hindi inasahan ni Samara na dederetso sila sa Czech Republic at hindi sa Croatia, hindi pa nga nawawala ang inis nya kay Hale dahil sa pagsama nito sa kanya sa pilipinas tapos madadagdagan pa ang inis nya sa binata dahil sa plano ng magkapatid na wala naman syang alam. "Bakit kailangang sumama pa ako sa Czech Republic? Kaya ko namang bumiyahe pa uwi kaya mag hiwalay nalang tayo ng flight!" singhal pa ni Samara na ikinamulat ni Hale at nilingon ang nagrereklamong si Samara"My rule Samara remember?""The hell with your rule! Sumama na nga ako dito sa pilipinas kahit ayaw ko tapos ipipilit mo na naman sa akin na sumama ako sa inyo sa Czech Republic dahil sa rule mo?
"Malapit na tayong bumaba sa airport nakabusangot parin ang maganda mong mukha, ngumiti ka naman dyan Ijuvab."Matalim na titig ang ipinukol ni Samara sa katabing lalaki na may malawak na ngiti na kanina pa nya gustong saktan pero pinigilan nya lang ang kanyang sarili. Kanina pa nya ito gustong singhalan pero pinipigilan nya ang kanyang bibig dahil sa kapatid nitong malakas ang instinct na kailangan nyang ingatan.Hindi nagka-taon kung bakit nasa terirtoryo sya ni Hale, sinadya nya ang lahat mula sa pagkakabangga nya para magkita sila hanggang sa pag apply nito bilang P.A nya. Lahat ng ginagawa nya mula ng makita sya ng binata ay naka align sa misyon nya na unti-unti nyang gagawin. Kailan nyang magawa ang misyon nya hindi lang para sa kanya kundi para sa pamilya nya. Kaya kailangan nyang pag tiisan ang pagsunod at pagiging alalay ni Hale kahit naiinis sya sa mga pinapakita nito na parang matagal sya nitong kilala. Mas naiinis sya dahil alam nyang nakikita lang nito sa kanya ang asawa
*FLASHBACK*Masayang nagdidilig ng mga halaman sa garden si Samara, she can't explain her happiness dahil after a month ng panliligaw ni Hale sa kanya at nakita nyang totoo ito sa nararamdaman nya at sinagot nya na ito. Though, he requested to Hale na ilihim muna ang relasyon nila ayaw nyang biglain ang mga magulang ni Hale na isang personal servant ang minahal ng anak nila.Malayo-malayo ang agwat nila ni Hale at insecurities yun ni Samara, she was just a normal woman, nothing to be proud of kaya hindi nya magawang ipagsigawan na mahal na mahal nya ito. Hindi parin naman sya makapaniwala hanggang ngayon na sya ang nagustuhan nito dahil maraming babae ang nahuhumaling dito.All she can be proud of is her genuine love to Hale.Natigilan sa pagdidilig ng mga halaman si Samara ng may matitipunong braso ang yumakap sa bewang nya na ikinatulos nya ng maramdaman ang bahagyang paghalik nito sa bandang leeg nya."Hey Ijubav, wala naman sa description ng trabaho mo na magdilig ng halaman ah. Y