"Ilang office meron ka?" Tanong ko pagkapasok ko ng office niya. Parang nasa kabilang side kami ng building na ito pero makikita mo pa rin 'yung beach at mga sasakyan kapag tumingin ka mula sa glass window.
"I own this." Tipid na sagot niya at may kinuha sa isang rock ng drawer.
Tinignan ko ang paligid. Ang nag iba lang ay nawala 'yung drawer. Ang bilis naman tanggalin nu'n.
Naka amoy ako ng alak.
"Pwede ba uminom dito?" Tanong ko nang kumuha siya ng baso.
"Makiki-upo na ako, ah." Paalam ko at umupo sa sofa.
He poured the glass.
"A lot of women are chasing me and giving me a motive. So, I can sue you for claiming that you are my wife." Binigay niya sa akin ang isang glass na may naglalaman ng alak at ngumiti sa akin ng nakakatakot.
"Sue? Ikaw suepot." Hanas ko. "Bahala ka nga 'kung ayaw mong maniwala." Inirapan ko siya at tinanggap ko ang baso na inalok niya. "At saka aalis na niyan ako kapag okay na mga papers natin para naman may maisampal ako sa amahin na kasal na ako." Ininom ko ang binigay niya sa akin at napangiwi ako sa pait.
"Isa pa!" Demand ko. He poured my glass without any second thought.
"What's with your father?" Usisa niya at umupo sa harapan ko.
Pinag cross niya ang dalawang legs at intimidating na nakatingin sa akin.
"I won't repeat myself. Sinabi ko na sa'yo iyan." Inisang lagok ko ulit ang baso na hawak ko. Napapikit ako sa pait.
"When did we get married?" Usisa niya.
"Kahapon lang." Sagot ko at napatigil siya sa pag inom ng alak.
Hindi ko alam 'kung anong nangyari at anong pina-inom niya sa akin basta nakalipas ang isang oras wala na ako sa sarili ko.
Lumapit ako sa kanya at kumapit ako sa braso niya. "Kiss mo na ako. Basta mo lang akong pinapirma sa papel pero wala man lang kiss." Reklamo ko at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.
Hinawakan niya ako sa braso para mapigilan.
"Kiss mo ako dali. Mwa mwa! Mwaaa! tsup! tsup! Kiss mo ako 'yung may sound." Demand ko.
Pinikit ko ang mata ko.
Nahihilo na ako at inaantok na ako.
"Kuya!" I heard someone shouted at hindi ko na magawang lingunin 'yon nang makatulog na ako.
Gago ang lalaking 'yon. Pinapa init niya ang dugo at ulo, at katawan ko.
Nilasing niya ako tapos hindi niya naman ako kayang panindigan.
Nagising akong nasa kama na. Natutulog kasi ako sa sala, sa sofa.
Pagkagising ko wala na naman siya. Hindi ko na naabutan.
"Ano? G ka letah? May alam akong rocket." Sabi sa akin ni Bolat.
Nakangalumbaba ako.
"Nasisante na naman ako." Sabi ko sa kanya. Pang-ilang beses na akong nasisante dahil hindi ako pumapasok.
"Sabi mo nga kanina." Attitude na sagot sa akin ni Bakla."Wala na akong pera. Hindi ko na rin kayang bayaran lahat ng mga utang ko." Pag amin ko sa kanya.
Tumatawag na sa akin ang bank of the universe tapos marami na rin ang naghahanap sa akin.
Paano ba naman ako 'di magkaka-utang sa pagiging TNT. Hindi 'yan, talk n text. It's tago ng tago.
"Kaya nga gaga. Ewan 'ko sa'yo para kang isang criminal na may tinaakasan at palagi ka din absent. Paanong may tatanggap pa sa'yo, eh, ang pangit na ng record mo. Mga karinderya na lang ang tatanggap sa'yo."
Nandito kami sa BGC.
Uminom ako sa lemon juice na nilibre niya sa akin.
"May alam akong rocket mamaya. Nangangailangan doon sa bar. Baka gusto mo. Sayang 'din 'yung isang gabi.
Kapag nagustuhan nu'ng manager ang performance mo, puwede ka mag full time." Sabi niya sa akin.Tinitignan ko lang mga sasakyan dumadaan dito sa BGC, puro lahat naka sports car.
"Kahit na marami akong utang hindi ako magpopokpok, nuh." Inirapan ko siya.
Nandiyan naman si Atty. Susulitin ko na ang pagtulong niya sa akin. Joke! Baka bigla akong hiwalayan kapag nalaman niya na marami akong utang.
Uutang na lang ulit ako kay Weltry.
"Ang advance mo naman! Need ng waitress doon. At saka," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "maganda naman katawan mo, need mo lang ng clear face. Sabagay, katawan lang naman ang tinitignan nila doon. Pwede na 'yan."
Hinampas ko siya sa d****b niya. "Aray ko naman! 'yung dede ko mars. Mashaket!" He moaned.
"Alam mo kapag itong mga friends ko," turo ko sa mukha ko, "kapag ito nawala sisiguraduhin ko na magiging tuwid ka at kakalimutan mo na isa kang bakla." Gigil na sabi ko.
Naglalakad na ako pauwi sa condo. Malapit lang naman ang condo sa BGC kaya keri bells nang lakarin.
Ayaw kong gumastos, pinanghihinayangan ko ang bawat scents.
Malalim ang iniisip ko habang naglalakad. I'm thinking about my life, about everyone's life and comparing my life to them.
Ang hirap maging broke.
Ang hirap maging tao. Minsan gusto ko na lang maging tweety bird.
Kahit maging bird lang ni kiki, para naman maranasan 'ko ang pag-aalaga niya.
Napahinto ako nang biglang may humintong kulay itim na van sa harapan ko.
Nakatayo lang ako dito at hinihintay na lumabas ang may-ari nu'n.
Nakita ko ang isang heels na umapak sa lupa at makinis na legs.
Unti-unti 'kong ini-angat ang tingin ko sa taong nasa harapan ko.
Meron isang bodyguard na nasa tabi niya.
Napangiti ako ng mapait. Lalo siyang gumanda at mukha na rin siyang mayaman. Mabuti pa siya swerte.
Nakasuot siya ng sexy na damit.My eyes move to her face.
Muntik ko na siyang hindi mamukhaan. Ang tagal ko na siyang hindi nakita.
"H-huan." Banggit ko sa pangalan niya.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"My dear sister." Sarkastikong banggit niya.
Ang kapal ng lipstick niya, parang naipit sa pintuan ang kanyang labi. Ang hahaba 'din ng mga hikaw niya. Para siyang p****k sa kanto pero maganda siya.
"Huana." Masayang banggit ko sa pangalan niya, "kamusta ka na? Ang tagal na kitang hindi nakita. Lalo kang gumanda." Feeling close na sabi ko.
Matanda ako sa kanya at siya ang bilogical sister ko pero hindi kami ganoon ka-close.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nang mapunta sa mukha ko ang tingin niya ay mukha siyang nandidiri.
"Mukha kang pulubi sa suot mo." Puna niya. Suot ko ang lumang damit ko na may punit sa bandang kili-kili at tsinelas na luma na, "at saka iww. Ang pangit mo. Kadiri naman 'yang mukha mo, daming pimples." Maarteng sabi niya at para akong isang mangkukulam sa harapan.
Nawala ang matamis na ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Okay lang, masakit lang ng konti at saka hindi naman siya ang nagsabi na pangit ang mukha ko. Maraming nagsasabi na ang dami 'kong pimples.
"Ang ganda mo sana kaso ang dami 'mong pimples." 'yan ang palaging 'kong naririnig.
At least maganda pa rin ako kahit maraming pimples. Kapag nawala ito baka makalimutan niyo mga pangalan niyo.
"Sabagay kailan ka pa gumanda?" Puno ng panlalait ang boses niya.
"At least ako maganda kahit may pimples ikaw maganda ka pa rin ba kapag nawala na 'yang make up?" Pabiro na sabi ko at tumawa ng pilit.
Hindi yata siya natuwa sa sinabi ko dahil umasim ang mukha niya at masama na ang tingin sa akin.
"Alam mo kaya ang pangit ng mga binibigay na lalaki sa'yo ni amahin? Kasi ang pangit mo. Duh, tignan mo naman ako. Nakapag-asawa ng mayaman na businessman. Eh, ikaw? Ano? Mukha ka ng pulubi." Panlalait niya.
Oo, binenta din siya sa isang matandang businessman at ang swerte niya doon dahil mabait. Samantalang ako, gusto nila akong pakinabangan.
"Ah, sige Huan. Mauuna na ako, ah. Galing kasi akong work. Medyo pagod ako." Pagpaalaam ko dahil nararamdaman ko na umiinit na ang pisngi ko.
"Not so fast." Ngumisi siya sa akin.
"H-huan." Natatakot na tawag ko sa pangalan niya.
Tinignan niya ng makahulugan ang bodyguard niya.
Hinawakan ako nang bodyguard niya at sapilitan akong pinasakay sa van.
"H-huana, ano ito? Saan mo ako dadalhin?" Kasama ko siya sa loob ng van at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang umandar na ang van.
"Relax, mag jo-joy ride lang tayo." Ngumisi siya sa akin.
Ayaw ko 'yung aura niya. Nagiging kamukha niya si madam Auring.
"Hindi, Huanan bababa na ako." Sinubukan 'kong makalabas kahit umaandar pa ang van.
Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Nakaharang siya sa pinto ng van. Doon siya nakaupo, sa tabi ng pinto.
Sinipa niya ako sa sa paa at sinuntok niya ako sa mukha.
Para akong nahilo sa suntok niya. Ang lakas niyang manuntok, para siyang lalaki.
"Manahimik ka diyan! Ihahatid kita pauwi." Mataray na sabi niya sa akin.
Ilang minuto ang naging biyahe at nahihilo pa rin ako. Ang sakit ng paa ko.
Naramdaman ko na lang na huminto na kami. "Diyan ka na lang pala! Out of the way ka kasi." Binuksan niya ang pinto at sapilitan niya akong pinalabas.
Tinulak niya ako kaya nahulog ako sa sahig.
"Ingat ka pauwi ah, masagasa ka sana!" Galit na sabi niya at isinara ang pinto.
Tumingin ako sa paligid at mga nakasarang gusali ang nakita ko. Tanging poste ang nagsisilbing ilaw sa kalsada at wala nang tao.
Niyakap ko ang sarili ko sa takot.
Doon ko lang napantanto na nasa ibang lugar ako. Wala na ako sa Muntinlupa City.
--
"Manong Rodger, didn't I tell you to look at Claire?" Kalmadong tanong ni Kienzo sa matanda.Nakasalubong ang mga kilay ni Kienzo at hindi na maipinta ang mukha sa pag-aalala.
Nakayukom ang kamao niya habang nakatingin sa kawalan. Nakabukas ang laptop niya at nang makita ang oras ay tumigil siya sa pag ta-trabaho dahil wala pa ang kanyang asawa.
Hindi na maganda ang kutob niya.
"Sir, nagpahatid ka po sa akin diba?" Tanong ng matanda, "at saka. Sir, nasa parking lot po ako ng firm. Paano 'ko po siya mababantayan?" Rason ng matanda sa kanya.
Lalong napahigpit ang pagkakayukom ng kamao niya. Lumabas na rin ang mga ugat niya doon sa leeg dahil sa pwersang ginagamit niya.
"Sige, Manong, You can leave na po." Magalang na utos niya sa matanda.
"Hahanapin ko na lang po siya, Sir." Sabi ng matanda sa kanya at lumabas na ng kanyang condo.
Napahilamos siya sa mukha dahil sa inis.
Nangailangan siya ng driver kanina dahil may inaasikaso siya at ang daming kliyente na tumatawag sa kanya. He needs Manong Roger to help him.
Anong oras na wala pa rin ang asawa niya.
He grabs his phone na nasa lamesa lang din. Bakit ngayon niya lang naisip si, Kyran.
Ano pa ba ang pakinabang ng kaibigan niya 'kung hindi niya tatawagan ito.
A few rings later, his friend answered his call. "Hello? Sinong shokoy 'to?" Kyran asked.
Hindi niya pinansin ang tanong nito.
"Ky, can you track where my wife is?" Tanong niya sa mahinang boses. Halos bulong na lang 'yon.
Kaya pala kanina pa siya hindi mapakali. Hindi siya makapag focus sa trabaho niya. Malapit na mag ala dose at wala pa rin ito.
Baka tinotoo talaga nito na hindi na ito magpapakita sa kanya? Damn! That woman! Kahit kailan palaging pinapasakit ang kanyang ulo.
"Ah? Wifi? Oo, naka wifi ako, bakit?"
Kienzo closes his eyes. Tangina, kailan niya ba makaka-usap ito nang nasa katinuan.
"Ky." Nagtitimping banggit niya sa pangalan ng kaibigan.
"Enzo?" Banggit din nito sa pangalan niya na patanong.
"Track my wife, now. Hindi pa rin siya umuuwi sa'kin." Sumbong niya.
Nanaghihina siya at natatakot.
"Bibili ka ng truck? Bakit? Nakapagpatayo ka na ng hollow blocks business mo?"
"Ky." Banggit niya sa pangalan nito sa kalmadong boses, "tangina mo ka, umayos ka!" He burst out.
Kanina pa siya nagtitimpi. Maraming pagtitimpi na ang ginawa niya.
Nawawala na nga ang asawa niya wala pang kwenta ang kausap niya.
"Ah? Hotdog?" Naguguluhang tanong ni Kyran.
He ended the call at napahilamos sa mukha. He sighed.
Gusto niyang magwala sa mga oras na ito.
He threw his laptop in annoyance. Mabigat na rin ang bawat paghinga niya.
Nandidilim ang paningin niya.
"Fvck!" He gets up from his chair.
He will go to Quezon City.
He opened the door of his condo and was about to go when he was still.
He couldn't move and his breath took away.
“Governor.” I got surprise nang si Governor ang client ko ngayon. My secretary didn’t inform me, this is weird. I left my child with their nanny. “Attorney Kienzo nice to meet you again.” Nakipagkamayan siya sa akin. “I personally came here kung kaya mo ba hawakan ang kaso ng anak ko.” Napakunot ako ng noo, si Poques lang naman ang kilala kong anak niya. “Poques?” Paninigurado ko sa kanya. “She encountered a problem. She kill someone accidentally and she is using drugs and it will use against her.” He is the Governor. was bumped too. I am not feeling okay with this Governor. Pakiramdam ko palagi siyang may hakbang na gagawin. “Had you heard about Dosenian Lu?” Ngisi niya sa akin. I nodded as a answer. “He is a lawyer but he’s in jail now.” I haven’t check about that case of attorney Dosenian. “Governor, I am busy with my children and as of now I am not accepting any case, but I ca
Tinignan ko lang siya at hindi ako sumagot. “I’m tired” He’s shutting me down. “Uuwi na lang ako kay Keran!” “Okay.” Balewalang sagot niya. Mas nagalit ako sa isinagot niya sa akin. Hindi ko na mapigilan na mapaiyak, “ang sama-sama mo! Hinahayana mo na lang ako! Malapit na akong manganak pero wala ka naman pake! Sana hindi na lang ikaw ang naging ama ng anak ko!” Di ko alam kung saan ko galing ang mga salitang iyon. “Yeah, I wish too,” pilit siyang ngumiti sa akin, “para hindi na rin kami nag-aaway ni Keran. You haven't visit him.” Walang emosyong sabi niya. Ako ang hindi nakasagot sa sinabi niya. “I already told you Chandria, if you want annulment I can give it to you right away just don't slap in my face that you really love Keran. Please at least respect our marriage.” Malamig na sabi niya sa akin. “I’m sorry.” Iyak ko. “Don’t be, I know you love him.” Bahagya siyang ngumiti sa akin. Mapait si
Si Huan na nakiki-epal ay nandito na naman sa tindahan ko. “Ano na naman ang kailangan mong epal ka? Bawal ang mga witch dito!” Mataray na sabi ko sa kanya. “Ang aga naman ng halloween sa’yo.” Lait ko sa kanya at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. All in black, kagaya ng ugali niya. Pina-abot niya ang tubig sa assistant niyang malaki ang nguso. “Do you want me to turn down your business?” Pananakot niya sa akin. “Do you want me na kasuhan ka?” Mataray na balik tanong ko sa kanya. “Lawyer ang asawa ko.” Paalala ko sa kanya. Umagang-umaga sinisira niya ang araw ko. “Baka nakakalimutan mo na mayaman ang asawa ko at may sarili siyang kumpanya.” Pagmamayabang din niya. “Sabihin mo iyan sa pagong dahil wala akong pake.” I replied at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit dito. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko na sagutin siya, siguro dahil nandiyan si Kienzo na alam ko na naman n
“Attorney Kienzo Vladimir Velasco, right?” The senador asked Kienzo.“Yes, I’m Atty Kienzo.” Seryosong sagot ni Kienzo at nakipag kamayan sa governor na dati niyang napakulong.Masyadong makapangyarihan ang mga nasa itaas para mabili ang hustisya.Kienzo is not agree to have a death penalty. Masyadong mahina ang justice system sa Pilipinas, baka ang mga mahihirap na inosente ang makakawawa kapag nagkaroon ng death penalty. Kayang-kaya ng mga mayayaman na baliktarin ang sitwasyon at bilhin ang hustisya.Lawyer na siya at hirap rin siyang mapabagsak ang taong nanakit sa asawa niya, paano pa kaya ang mga mahihirap?A mayor pushes him to be part of the politics but he rufesus dahil masyadong madumi sa politika. He’s a liar pero hindi na niya na dadagdagan ang mga kasalanan niya.Kahit labag sa loob niyang huwag ituloy ang pagbibigay hustisya sa nangyari sa asawa niya ay nakinig na lang siya kay Claire. Tama na
“Kailan pa kita iniwan dito sa bahay? Sinusundo kita sa trabaho kahit na may dapat akong gawin. I do not want to leave you alone here kaya kita sinusundo. Kaya tayo sabay umaalis ng at umuuwi ng bahay.” “O, tapos ngayon sinusumbat mo sa akin na kahit may trabaho kang dapat tapusin ay sinusundo mo ako!” “C’mon. Let’s stop fighting, babe. Makinig ka na lang sa akin, please.” Hinawakan niya ako sa kamay pero piniksi ko iyon. “Sige iwan mo na lang ako dito!” Galit na sabi ko at iniwan siya. “Baka pati pag late mo sa trabaho isisi mo pa sa akin, nakakahiya naman sa’yo!” Habol ko bago isara ang pinto. Ilang beses na siyang na-late sa trabaho at wala akong narinig na kahit ano sa kanya. “I’LL FETCH you later lunch.” Sabi niya at hinalikan ako sa labi. Masaya akong tumango sa kanya at lumabas ng kotse niya. Humahagikgik ako habang papasok ng trabaho, wala siyang nagawa sa akin. “Pupusta ako si sir Enzo ang naghatid sa kanya.”
“Ikaw Enzo, ano na naman ang nabalitaan ko kay Marites na nag-away kayo ni Chandria at umuwi siya ng madaling araw?! Si Keran ka rin ba na pabaya?!” Himutok sa kanya ng mom niya. Dis-oras ng gabi lumayas si Chandri at hindi madaling araw, nag-iba na ang kwento. Pinapunta siya sa bahay para lang sermunan. “Nambababe ka ba, huh? At bakit hindi mo daw siya kinakausap.” He’s drinking. “Ikaw lalaki ka,” kinurot siya ng nanay niya sa tagiliran at hindi siya nag react, “palagi mo na lang pinapa-iyak si Chandria! Kapag iyon dinugo na naman pwedeng mawala ang anak niyo! Sinabi ko ng huwag mong ini-stress si Chandria!” Kanina pa siya pinapagalitan ng nanay niya at ulit-ulit na lang ang sinasabi nito. “Pumunta si Marites kanina dito at sinabi niya sa akin ang nangyari. Nag parlor pa nga kami. Nag shopping kami kanina.” He’s just drinking and not minding his mom. “Bagong kasal lang kayong dalawa pero away kayo ng away!”