Mag-log inHabang patuloy siyang kumakain, unti-unting gumaan ang pakiramdam niya. Ang lungkot at kahungkagang bumalot sa kanya mula nang umalis si Jaelan ay tila napupunan ng mainit na pagkaing nasa harapan niya. Hindi niya inaasahang ang isang simpleng hapunan ay makapagbibigay sa kanya ng ganitong kapanatag
“Posibleng naroon din si Hailey mamayang gabi.”Lumingon nang tuluyan si Jaelan at ipinasok ang dalawang kamay sa mga bulsa ng pantalon. Nakatitig siya kay Fierra, seryoso ang ekspresyong mahirap basahin. Ilang saglit siyang naghintay bago muling nagsalita.“Hindi ba't ayaw mong magkasama kami ni Ha
Pagmulat ni Fierra, bahagya nang nakabukas ang mga kurtina sa silid. Sumisilip mula roon ang sinag ng araw sa hapon, na nag-iwan ng ginintuang liwanag sa sahig. Sandali siyang nanatiling nakahiga habang nag-aadjust ang kanyang mga mata sa liwanag, saka bahagyang lumingon sa may bintana.Doon niya na
Pagdating ng elevator sa kanilang palapag, maingat na binuhat ni Jaelan si Fierra at inilabas siya roon. Binuksan niya ang p***o ng apartment at dumiretso sa silid-tulugan, saka marahang inihiga ang babae sa kama upang hindi maapektuhan ang sugat nito.Pagkatapos, nagtungo siya sa kusina upang kumuh
Pagbukas ng elevator sa kanilang palapag, nagkataong naroon din ang kapitbahay nilang nakatira sa ibaba. Napatigil ang matanda nang mapansin ang cast sa kanang braso ni Fierra. Mabilis ding lumipat ang tingin nito kay Jaelan, na matangkad at maayos ang tindig habang buhat ang babae.Biglang nagliwan
Pagkalabas ng sasakyan sa tarangkahan ng ospital, matagal na nanatiling tahimik ang loob nito. Tanging mahinang ugong ng makina at ingay ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig habang patuloy silang naglalakbay palayo sa ospital.Nakasandal si Fierra sa upuan ng pasahero, bahagyang nakatagilid ang u
Pagkatapos ng mahabang pag-uusap sa loob ng bahay, nagpasya si Kienna na magpahangin muna sa hardin. Tahimik doon, malamig ang simoy ng hangin, at amoy na amoy ang halimuyak ng mga sampaguita at rosas na itinanim pa ng kanyang lola Anna. Ang paligid ay maliwanag dahil sa mga ilaw sa paligid ng mga h
Nanigas si Tina sa kinatatayuan niya matapos marinig ang sinabi ni Kienna.Parang may bombang sumabog sa loob ng CR. Saglit na natahimik ang paligid, tanging mahinang lagaslas ng tubig mula sa gripo lang ang naririnig. Unti-unting tumigas ang panga ni Tina, at sa isang iglap, nag-iba ang ekspresyon
Ngumiti si Vaiana. “You’re welcome anytime, hijo. Next time, you stay for dinner.”“Of course,” sabat ni Lola Anna. “At siguruhin mong kasama mo pa rin si Kienna ha? Hindi puwedeng mawala ‘yang tour guide mo.”Napangiti si Kienna, ngunit may halong hiya. “Lola…” reklamo niya, pero natawa lang ang mg
“Dad, no! Kaya ko naman po. At saka, gabi na rin po. Bukas po ay makakauwi na ako, magpahinga na po kayo. Hindi niyo na po kailangan akong samahan. Hindi ko rin po pwedeng iwanan si Oliver dito,” mahaba niyang paliwanag. Si Oliver naman ay tila naputol ang buntot, hindi niya alam ang sasabihin lalo







