Share

Kabanata 7

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-04-30 17:35:46

Matapos ang ilang araw sa ospital, nakalabas din si Vaiana, bagamat halatang hindi pa rin siya ganap na magaling. Hindi lang sugat ng katawan ang iniwan ng nangyari—pati damdamin niya ay sugatan.

"Vaiana!" tawag agad ni Liddy nang makita siya.

Nang salubungin ni Liddy si Vaiana, namutla siya sa nakita. Maputla ang mukha ng kaibigan, at may sugat ito sa ulo. Agad niya itong sinalo.

"Aba’t grabe naman 'to. Saan ka ba nasaktan?" agad na tanong ni Liddy.

Tahimik si Vaiana. Hindi siya sumagot.

“Ganitong oras, dapat nasa trabaho ka pa. That means it’s a work-related injury,” wika ni Liddy habang sinusuri ang sugat. “Eh nasaan si Kyro?”

“Hindi ko alam,” malamig na sagot ni Vaiana.

Napansin ni Liddy na hindi lang basta sugat ang problema ni Vaiana. Malinaw sa mukha nito ang lungkot at pagod, kaya’t sarkastiko siyang ngumiti.

“Grabe ka. Binuhos mo na lahat ng effort mo para sa kanya, nasugatan ka pa ng ganito. Tapos 'yong asawa mo, hindi ka man lang sinamahan? Useless. Parang wala rin siyang silbi kung ganyan.”

“Hindi rin magtatagal,” sagot ni Vaiana, mahina pero may bigat.

“Anong ibig mong sabihin? Magdi-divorce pa siya?!” gulat na gulat si Liddy.

“Hindi. Ako ang gustong makipaghiwalay,” seryosong tugon ni Vaiana.

“Ay naku, tama 'yan! Umalis ka na agad. Pero make sure, ha, hati kayo sa property. That’s step one of being a smart woman. Kung hindi mo man siya makuha, at least ‘yong pera makuha mo. At pag may pera ka, hindi ka mauubusan ng lalaki. You deserve better. Iyong marunong mag-alaga sa’yo, araw-araw ka pang pagsisilbihan.” Agad nag-iba ang tono ni Liddy.

Pero sa loob-loob ni Vaiana, alam niyang hindi niya makukuha kahit kalahati ng mga ari-arian. Matagal na nilang napagkasunduan ni Kyro—kapag naghiwalay sila, wala siyang makukuha.

“Vaiana,” muling tawag ni Liddy, seryoso na ngayon ang tono. “Bakit bigla mong naisip makipag-divorce? Matagal mo na siyang mahal, ‘di ba? Hindi ka basta-basta susuko… unless may ginawa siyang matindi. Nagloko ba siya?”

Nanlabo ang tingin ni Vaiana, at pilit siyang ngumiti kahit ramdam ang hapdi. “Hindi mo ba nabasa ‘yong balita? Bumalik na si Althea.”

“Ha?! Ang bilis naman! Tapos nagsama na agad sila?!” napalakas ang boses ni Liddy. Halata ang pagkainis. “That’s cheating! Kapag ginamit mo 'yan sa kaso, mas madami kang makukuhang property. Vaiana, sinasabi ko sa’yo, huwag sana lumampot ang puso mo sa kanya. Kasal pa kayo, may karapatan ka. At kung hindi siya pumayag, ipahiya mo. Ay naku,

“Desidido na ako,” kalma lang ang sagot ni Vaiana.

Alam ni Liddy, kapag sinabi ito ni Vaiana, totoo ito. Ibig sabihin, pagod na pagod na siya—hindi lang sa katawan kundi sa damdamin. Wala na siyang balak ituloy ang isang kasal na matagal nang walang saysay.

“Sa bahay mo muna ako mamaya. Ayokong makita siya.”

Basta naiisip pa lang ni Vaiana na si Kyro ay nagpalipas ng gabi kasama si Althea, parang sasabog na ang dibdib niya. At kapag nagkita pa sila, siguradong mag-aaway na naman sila. Sa panahong malapit na silang maghiwalay, ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit ng loob.

Wala na rin namang saysay na umuwi sa isang bahay na hindi na niya kayang tawaging “tahanan”.

“Sige, doon ka muna. Magluluto ako ng chicken soup para sa’yo. Diyos ko, anong klaseng pamilya ba ‘yang mga de Vera? Pinapabayaan ka, halos buto’t balat ka na! Walang konsensya, sobrang walang konsensya!” galit na bulalas ni Liddy habang inaalalayan si Vaiana. Halos maubos na niya ang mura para sa pamilya ni Kyro—mula sa mga magulang hanggang sa mga ninuno.

Kinabukasan, madaling-araw na nakauwi si Kyro. Pagpasok niya sa kwarto, wala siyang nadatnan. Maayos ang kama, nakatiklop pa ang kumot.

Karaniwan, sa oras na ito tulog pa si Vaiana. Kaya nagtanong siya, “Nasaan si Vaiana?”

Nag-aatubili ang katulong bago sumagot. “Hindi po siya umuwi kagabi, sir.”

Napakunot ang noo ni Kyro. Alam niyang tumawag si Vaiana sa kanya kahapon, at tila wala namang kakaiba sa tono nito. Kaya’t nagtaka siya kung bakit biglang hindi ito umuwi.

Pero pinilit niyang alisin si Vaiana sa isip niya. Hindi siya nagtanong pa. Naligo siya at pumasok na ulit sa opisina. Pagdating sa kompanya, saka lamang niya nalaman na may nangyaring aksidente sa construction site kahapon.

Dahil wala siya roon, si Vaiana ang pansamantalang responsable. Pero hindi rin ito nagpakita sa trabaho.

Napansin niyang ilang araw na rin itong hindi nagtatrabaho. Agad niyang tinawagan si Vaiana.

Katatapos lang ni Vaiana maligo nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang makita ang pangalan ni Kyro sa screen, saglit siyang natigilan. Kumunot ang kanyang noo, pero sinagot din niya.

“Ano ‘yon?” malamig ang boses niya.

“Nasaan ka kagabi?” tanong ni Kyro, walang emosyon sa tinig.

“Nasa kaibigan ko,” sagot ni Vaiana.

“There was a serious accident at the construction site. Why didn’t you tell me?” Muli siyang tinanong ni Kyro, ngayon mas seryoso na.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (32)
goodnovel comment avatar
Bernales Allyshakelly
Pwede po 390 episode na remove ko po kasi
goodnovel comment avatar
Donata Manalang
chapter 8 pls
goodnovel comment avatar
Honey Moscare Lopega
episode 8 to 10 please...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 638

    Sa huli, si Kian mismo ang nagbuhat kay Kerstyn pabalik sa kwarto. Marahan niya itong kinulit para maghugas kahit sandali, pinagbihis ng maluwang na pambahay, at saka maingat na inihiga sa kama. Pagkatapos ay inayos niya ang kumot, tinupi ang mga gilid para hindi ito malamigan.“Babalik ako bukas ng

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 637

    Sa ilalim ng mainit na ilaw, inayos niya ang kwelyo ni Kerstyn. “Pumasok ka na. Matulog ka nang maaga. Hindi ako makakasama ngayong gabi. If you need something, look for Malou or call me.”Simula nang magkasakit si Kerstyn, lagi silang magkasama matulog. Kaya kahit hiwalay ngayong gabi, natural lang

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 636

    Kian’s fingertips suddenly froze. Napatingin siya pabalik kay Kerstyn, ngunit bago pa man siya makapag-react, kinuha na nito ang pastry at tumingin sa kanya nang may halong antok at inosenteng pagtataka.“What’s wrong?” tanong niya, parang walang nangyari.Sandaling napaniwala si Kian na imahinasyon

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 635

    “Lolo, pinili ko po ang regalo. Sana magustuhan ninyo.”“Ay, like it, like it!” akmang sabi ng matanda, pero malinaw na hindi gifts ang mahalaga sa kanya. Tuwang-tuwa siyang nakatitig kay Kerstyn, punô ng pag-asa. “Basta magsama kayo nang maayos ni Kian, at bigyan n’yo ako ng apo sa loob ng ilang ta

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 634

    ‘Sa mismong birthday niya… makikilala ko ang magulang niya?’ isip ni Kerstyn.Napakapit si Kerstyn sa kamay na hawak ni Kian. Bahagyang nanginig ang mga daliri niya, at marahang kumunot ang labi. “K-kakagaling ko lang sa school… hindi pa ako nakaayos.”“It’s okay.” Yumuko si Kian papalapit, marahang

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   Kabanata 633

    Umiling ito. “Hindi, may kitaan pa kami ni Vina.” Napatingin siya sa gate, tapos sa bodyguard. “Wait… si Kian ba ’yan? Siya ba ang sumundo sayo? Pero… birthday niya ngayon. At kung hindi maganda ang temper niya tuwing birthday, bakit siya magpapakita sa’yo?”Napangiti si Kerstyn. “Hindi siya. Bodygu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status