เข้าสู่ระบบCASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV HNDI ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero nang muli kong imulat ang aking mga mata, unang sumalubong sa paningin ko ang puting kisame ng kwarto kung saan man ako naroroon. Akmang babangon sana ako mula sa pagkakahiga sa higaan pero muli ko na namang naramdaman ang isang familiar na pakiramdam. Nahihilo na naman ako! "ano ba? ano ang nangyayari sa akin? May sakit ba ako? Mamamatay na ba ako?" mahina kong bulong sa aking sarili. Makilang ulit kong ipinikit at idinilat ang aking mga mata pero ganoon pa rin. Hangang sa maramdaman ko na lang na para bang may nakahawak sa isa kong kamay at nang ibaling ko ang aking paningin, sumalubong sa akin ang natutulog na si Neilson Nakayukyok ito sa higaan habang mahimbing na natutulog. Wala sa sariling napatitig ako dito. Kung ganoon, nandito nga pala ako sa hospital. Ang huli kong naalala, sobrang nagsuka ako at nahilo. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng panghihinayang. Nandoon na
CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV "OKAY, kung ano ang gusto ng mahal kong asawa, masusunod. Palit na muna tayo ng cellphone kung iyan ang gusto mo pero kapag may importanteng tawag lalo na at tungkol sa kumpanya, sabihin mo sa akin ha?" nakangiting sagot naman ni Neilson sa akin Papayag din naman pala ng walang kahirap-hirap kaya hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti. Ito ang gusto ko sa lalaking ito eh, masyadong mapagbigay. Siguro nga, wala naman talaga itong ginagawang kabulastugan. Sadyang nabiktima lang yata ito ng malanding babae na habang maaga pa dapat ko nang pigilan. Sa sobrang tuwa ko tuloy dahil sa pagpayag nito, walang pagdadalawang isip na bumaba ako ng kama at mahigpit itong niyakap "Thank you! Ang bait mo talaga! The best ka talaga, asawa ko!" malambing kong bigkas. Natawa naman nito at hindi ko mapigilan ang mapatili nang iangat ako nito sa iri at inikot-ikot. Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa balikat nito habang malakas na tumatawa. "Ahyy, ahyy, teka lang,
CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA HINDI ko pala kayang tiisin talaga itong si Neilson kaya naman, bati na ulit kami. Magkaakbay pa nga kaming naglakad pabalik ng bahay eh pero bago pa man kami nakarating, nakasalubong ulit namin ang magkapatid na si Ava, Moira Kristina at Ralph Alexander. Mukhang pabalik ang mga ito doon sa may dalampasigan. "Bakit? Tapos na ba? Aba't mahaba pa ang gabi, cous! Remember, hindi pa nabubuksan ang alak na dala natin kanina doon." wika kaagad ni Moira Kristina. Nagpalinga-linga ako at hinanap ng mga mata ko si Jillian "Eh si Jillian, nasaan na?" nagtatakang tanong ko. "Susunod na lang daw. Sige na, balik tayo sa may bonfire at sayang naman ang gabi. Kay sarap ng hangin sa dalampasigan at parang kay sarap mag-bonding." sagot ni Moria Kristina. Napatingin naman ako sa kakambal nitong si Ralph Alexander na noon ay ngingiti-ngiti lang. Pasimple pa litong nag thumbs-up sa akin kaya naman, napanagiti na lang ako. "Ayos na ba ang asawa mo, Kuya Neison? Bati
CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA "Kung ayaw mong sabihin eh di huwag! Hindi kita pipilitin pero huwag mo din na i-expect na makikipagbati ako sa iyo. No way!" yamot kong wika kay Neilson. Talagang sinadya pa nitong sundan ako dito sa bahay bakasyonan ng Uncle Rafael ko tapos kung tatanungin naman kung saan galing ang kissmark nito, ayaw pa rin sabihin. Sino ba ang matutuwa kapag ganoon? Kung gusto talaga nitong muling makuha ang loob ko, dapat lang na sagutin nito lahat ng tanong ko diba? Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan nito bago ko naramdaman ang pag-akbay nito sa akin. Muli na naman akong pumiksi sabay tayo. "Gabi na! Inaantok na ako. Gusto ko nang matulog." walang gana kong wika. Wala namang kwenta na patagalin pa ang pag-uusap na ito eh. Wala din naman yatang balak na sabihin sa akin kung sino ang kinatagpo nitong babae kagabi. "Uuwi na tayo?" narinig kong tanong nito. Kaagad din namang napataas ang kilay ko. "Umuwi kang mag-isa mo!" yamot kong sagot at ak
CASSANDRA CASSY VILLARAMA POV 'GRABE, ang sarap talagang kumai! " nakangiting wika ni Moira Kristina. Tama nga ang sinabi nito. Nasa beach front ang bahay bakasyonan ng pamilya dito sa Cebu at kasalukuyan kaming nandito sa may dalampasigan. May bonfire sa harapan namin habang kinakain namin ang mga pagkain na tinake out namin kanina sa restaurant bago kami bumiyahe pauwi kanina. Maliban sa mag-asawang caretaker, kaming apat lang kasama ang kapatid ni Moira Kristina na si Ava ang nandirito. Pero parating naman daw si Ralph Alexandrer ngayung gabi. Sobrang tahimik ng buong paligid at tanging tawa lang naming apat ang maririnig sa buong paligid. "Ate, masarap ba ang buhay may asawa?" nakangiting tanong ni Moira Krisitina sa akin. Saglit akong nag-isip bago ako alanganing tumango "Ahmmm, yes, ayos naman. Masarap naman, lalo na kapag nagkakasundo kayo ng asawa mo." nakangiting sagot ko. Hanga't maaari, ayaw kong ipaalam sa mga ito na may problema kami ni Neilson ngayun. Baka kasi
NEILSON BRACKEN POV KANINA pa ako paroon at parito. Tagaktak na ang pawis sa aking noo at naikot ko na yata ang buong paligid ng mansion para lang malibang sa paghihintay sa pag-uwi ni Cassandra pero wala talaga! Dumilim na lang ang buong paligid at sure akong sarado na ang mga malls ng oras na ito pero hindi pa rin ito umuuwi Tinangka ko itong tawagan pero naka-off na yata ang cellphone nito. HIndi ko na tuloy maiwasan pa ang mag-aalala. "Nasaan na ba ang babaeng iyun? Akala ko ba magsa-shopping lang?" mahina kong bulong sa aking sarili. Pagkatapos noon, muli kong tinawagan ang numero nito pero wala eh. Naka-off talaga yata ang cellphone nito "Manang, wala pa rin ba? Hindi pa ba umuuwi ang Madam mo?" seryosong tanong ko kay Manang nang mapadaan ito malapit sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong natanong tungkol sa bagay na ito pero paulit-ulit din ang naging sagot nito. Wala pa si Cassandra, hindi pa umuuwi at mukhang matindi tlaaga ng galit sa akin,. "W







