Share

#70

Author: Cathy
last update Last Updated: 2025-10-17 20:10:20

BARBARA POV

“Barbara, alam mo feeling ko, may maganda din na kahinatnan yata ang paghihiwalay niyo ni Sir Charles.” Maya-maya bulong sa akin ni Mona. Wala sa sariling nasiko ko ito. Ang sama ng ugali eh..masaya pa yata itong kaibigan ko sa paghihirap ng kalooban ko ngayun

“haysst, huwag mo kasing bigyan ng masamang kahulugan. Ganito kasi iyun, naisip ko lang, kung hindi kayo naghiwalay ni Sir Charles, hindi ko ma-experience na matulog sa isang mamahaling hotel. Hindi din ako makakapunta ng Baguio na kagaya ngayun. Alam mo bang mas masarap tumira sa Baguio kumapara dito sa Manila at tiyak akong mag-eenjoy tayo doon.” Nakangiti nitong wika.

“Talaga?” sagot ko din naman kaagad dito. Ang kaninang nagsisente kong mood at walang ganang makipag-usap dito ay biglang naglaho. Bigla na naman akong kinain ng matinding kuryusidad.

“Oo nga! Hindi ako nagbibiro. Naku, tingnan mo, makikita mo, pagdating natin doon, ilang araw lang makakalimutan mo din iyang si Sir Charles. Dami kayang mga po
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (27)
goodnovel comment avatar
Emelda Laisac Alcalde
more updates po salamat
goodnovel comment avatar
Marilou Manzano - Llorin
tagal ng update
goodnovel comment avatar
Renerose Reyes
more updates po pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #78

    CHARLES Villarama POV TAHIMIK ako habang nasa biyahe kami patungo sa Carissa Villarama Beach Resort. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero kanina pa talaga ako hindi mapalagay. Kanina pa naglalaro sa isaipan ko ang mga katanungan kung nasaan na ba si Barbara? Hindi ko ito maalala pero sobrang namimiss ko na ang babaeng iyun. Gusto ko na ulit itong makita pero parang pinanindigan yata ng babaeng iyun ang paglalayas at wala na itong balak pang bumalik Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ni Mommy. Dali-dali naman nitong sinagot at ganoon na lang ang pagtataka ko nang bangitin nito ang pangalang Mona. “Mona, bakit, napatawag ka?” seryosong tanong ni Mommy. Wala sa sariling napatitig ako dito at feeling ko may pumitik na kung anong bagay sa puso ko. Kung si Mona ang kausap nitong si Mommy, tiyak akong alam nito kung nasaan si Barbara? Tama…. “Ano? Anong sabi nagsuka siya? Bakit, ano ba ang kinain niya kagabi at bakit siya nagsusuka?” seryos

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #77

    BARBARA POV NAGISING AKO na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero labis akong nakakaramdam ng panghihina. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ng kama pero muli ding napahiga nang nakaramdam ako ng matinding pagkahilo “Ahhh, ano ang nangyari? Bakit ako nagkakaganito?” wala sa sarili kong sambit. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata sa pag-aakala na baka epekto lang ito ng labis kong panonood ng mga kung anu-ano tuwing gabi at late na din na matulog pero wala pa ring epekto eh. Nahihilo pa rin talaga ako Nakahawak ang isa kong kamay sa aking ulo nang marinig ko na may kumatok sa aking silid. Alam kong si Mona iyun kaya naman kaagad akong nagsalita. “Mona, bukas iyan. Pasok ka muna.” Malakas ang boses na bigkas ko. Dahan-dahan naman na bumukas ang pintuan ng silid at kaagad na bumungad sa akin si Mona na noon ay mabilis na naglakad palapit sa akin. “Barbra,a no ang nangyari? Teka lang, may dinaramdam ka ba? Bakit nakahi

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #76

    CHARLES POV TAHIMIK ang buong bahay. Ilang araw ng ganito na feeling ko may malaking bahagi ng buhay ko ang nawala. May hinahanap ang puso ko na hindi ko matindihan Ilang linggo nang nawawala si Barbara at sa mga araw-araw na nagdaan, mas lalo kong naramdaman ang matinding lungkot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit dahil noong nandito lang sa tabi ko ang babaeng iyun, wala naman akong nararamdaman na kahit na anong special para dito Para sa akin, isa lamang siyang pangkaraniwang babae na nakakasalamuha ko araw-araw. Walang special dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito Nasa ganoon ako kalalim na pag-iisip nang bigla na lang tumunog ang aking cellphone. Dali-dali kong dinampot iyun nang mapansin ko na ang isa sa mga ka-triplets kong si Christopher ang tumatawag. “Hello?” walang gana kong wika “Charles..death anniversary nila Lola Carissa bukas. Kailangan tayong lahat sa Carissa Villarama Resort. Hindi pwedeng wala ka sa special na okasyon ng

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #75

    BARBARA POV Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng panlakad na damit. Nagpaganda na din ako at nang masigurado ko na okay na, lumabas na ako ng silid kung saan nadtanan ko si Mona sa sala na abala sa panonood ng palabas sa television. Nang maramdamam nito ang paglabas ko ng kwarto, napansin kong napalingon sa akin at kaagad na namilog ang mga mata. “Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong nito “Mamamasyal--------tayo? Teka lang, bakit hindi ka pa nakabihis? Akala ko ba aalis tayo?” kunwari kunot noo kong tanong. Eksakto alas kwatro ng hapon at sinadya ko talaga na huwag munang sabihin dito na lalabas kami para hindi na masyadong mainit sa labas mamaya paglabas namin. “Talaga? Naku, ang daya huhh? Akala ko pa naman hindi tayo aalis ngayun. Sandali-sandali, ano ba iyan, hindi pa ako nakaligo.” Reklamo nito at mabilis na napatayo. Halos takbuhin nito ang patungo sa kwarto kaya naman natatawa na lang akong nasundan ito ng tingin “Uyyyy, dahan-dahan lang. Wala naman akong choice k

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #74

    BARBARA POV PAGKATAPOS kumain ng lunch, nagpresenta ulit si Mona na ito na ang magliligpit sa mga pinagkainan namin. Ayaw ko pa nga sana dahil ito na nga ang nagluto, tapos ito pa ang magliligpit kaya lang naging mapilit ito. Sinabi nito sa akin na ayusin ko na daw ang mga gamit ko na pinamili namin kahapon “sigurado ka ba na ikaw na ang bahala dito? Baka mamaya sabihin mo, tatamad-tamad ako ha?” seryosong wika ko “Oo na! Sigurado na ako! Tsaka, hindi ko iisipin na tamad ka. Iisipin ko na lang na broken hearted ka kaya hindi ka pa pwedeng magtrabaho.” Nakangiti nitong wika. Hindi ko naman mapigilan ang matawa “Thank you, Mona!” bigkas ko at wala sa sariling napayakap ako dito. Nakatalikod ito sa akin at ramdam ko ang pagkagulat dito ang bigla nitong pagpiksi. “Hala! Ano ba naman iyan, Barbara! Ano ang palagay mo sa akin, tibo? May payakap-yakap ka pa diyan huhh?" “Bakit bawal ba? Susss, arte! Sige na…papasok na ako ng room. Sure na talaga na ikaw na ang bahala dito ha?” na

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #73

    BARBARA POV Kung hindi pa siguro ako kinatok ni Mona, hindi pa ako magigising. Paano ba naman kasi, alas kwatro na ng madaling araw ako nakatulog kagabi dahil napuyat ako sa panonood. Hindi ko namalayan ang oras kaya naman ang ending, tinanghali na ng gising. “Barbara, alas dose na! Grabe, anong oras ka bang natulog? Mukhang puyat na puyat pa rin ah? Tsaka, ano ito, hindi mo pa nauumpisahan ayusin ang mga gamit mo na binili natin kahapon?” nagtataka nitong wika. Hindi na yata nakatiis at bigla na lang pumasok dito sa loob ng aking kwarto. “Sorry naman! Napasarap ang tulog eh. Tsaka, hindi ba’t ikaw naman ang nagsabi kagabi na walang amo na sisita sa atin kaya malaya nating gawin lahat ng nais natin?” nakangiti kong sagot dito “Sabagay! Tama ka diyan, pero kailangan mo pa ring gumising ngayun para kumain. Uyyy, nagluto ako. Tikman mo. Feeling ko naka-tsamba ako sa recipe na niluto ko ngayun. Mukhang masarap eh.” Nakangiti nitong wika. Bilib din naman ako dito kay Mona. Mukhan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status