THE TYCOON'S REBEL

THE TYCOON'S REBEL

last updateLast Updated : 2025-08-18
By:  RosenPenUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isla Navarro never belonged in the glittering world of the rich, but a job at Hale International Hotels changes everything. Fierce and outspoken, she has no patience for entitled men — especially not Sebastian Hale, the ruthless billionaire CEO who rules New York’s hospitality empire, which has expanded to Asian countries. From the moment they meet, sparks fly. He calls her trouble. She calls him arrogant. But when a dangerous corporate rival puts Isla in danger, Sebastian offers her a deal: “Stay close to me, and I’ll keep you safe.” What starts as protection turns into something neither of them planned — nights tangled in silk sheets, stolen touches in shadowed hallways, and a connection that threatens to shatter his iron control. In a world where power is currency and trust is rare, Isla must decide — is she just another move in his game, or the one woman who can bring the tycoon to his knees?

View More

Chapter 1

Champagne Collision

Isla' POV

Hindi ko alam kung masuwerte ako o minamalas. Tatlong oras na akong paikot-ikot sa grand ballroom ng Hale International Hotel, naka-high heels na parang ipinako sa paa ko habang hawak ang clipboard na puno ng checklist. VIP Gala for Charity ang event at sa dami ng mayayamang bisita na dapat i-please, ramdam ko nang mababali ang leeg ko sa kakayuko’t kakangiti.

“Navarro! ‘Yong centerpiece sa mesa ng table five, mali! Bakit Lilies ang naroon? You should've checked it bago ilagay doon, ano ba?” sigaw ng floor manager sa earpiece ko.

“Yes po, on it!” mabilis kong sagot, bago ako nagmamadaling tumakbo papunta sa mesa. Halos mapatid pa ako sa mahahabang gown ng mga bisita. Napabuntong-hininga na lang ako habang sinasabi sa sariling, 'Kaya ko ‘to' kahit pa nagmumukha na akong takbo-boy sa sariling event.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapalit ng flowers nang maramdaman kong may sumagi sa gilid ko. Mabilis akong napaatras, pero huli na. Isang tray ng champagne flutes ang dumulas mula sa kamay ng waiter, at ang buong laman nito ay tumama sa dibdib ng isang lalaki.

"Sh*t!"

Ang puting polo niya ay agad nagkaroon ng gintong mantsa ng mamahaling champagne. At hindi lang basta polo — three-piece suit! Mahal. Malinis. At ngayon ay basa.

“Oh, my god! Sir, I am so, so—”

Ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nag-angat na siya ng tingin. Nakita ko kung paano umigting ang mga panga niya na para bang mapipigilan no'n ang galit niya.

Muntik na akong mapaatras.

Tall. Sharp jawline. Deep set of hazel brown eyes, na parang nakikita ang lahat ng iniisip mo kahit hindi ka magsalita... and that suit tailored to perfection. Higit sa lahat, may aura siyang hindi basta businessman… kundi tipong lalaking sanay utusan ang buong mundo at susunod ang lahat.

'Oh no!'

“I just got in the building,” aniya, mababa at kalmado ang boses. “And you decided to baptize me with champagne?”

Napakagat ako sa labi, sinusubukang huwag kabahan. “It was an accident. And technically, it was the waiter.”

“That you bumped into,” dagdag niya, tumaas ang isang kilay.

“Yes, but—”

He smirked, a faint curve of lips na parang may alam siyang hindi ko alam. “You just made my night interesting.”

Hindi ko alam kung insulto ‘yon o compliment.

“Kung gano’n, you’re welcome?” tugon ko na kunwaring may kumpiyansa, kahit pa ang totoo ay gusto ko nang magtago sa ilalim ng cocktail table.

Bago pa lumalim ang usapan ay dumating na ang floor manager slash boss ko, hingal at halatang balisa. “Sir Hale! My apologies, sir, we—”

Wait. Sir Hale?

As in Hale International? As in Sebastian Hale? The ruthless, billionaire CEO na kilala sa pagiging cold at walang pasensya sa incompetent staff?

Oh, fantastic. Hindi lang basta bisita ang nabuhusan ko. Boss mismo ng boss ko!

Tinapunan ako ng floor manager ng tingin na parang gusto na niya akong itapon sa basement. Pero si Sebastian, hayun, kalmado lang na parang walang nangyari.

“It’s fine,” sabi niya, sabay punas ng suit. “She was… keeping things lively.”

Napasinghap ang floor manager, halatang hindi makapaniwala. “Still, we’ll have housekeeping bring you a fresh—”

“No need. I’ll manage,” sagot ni Sebastian, hindi inaalis ang tingin sa akin. “What’s your name?”

Nag-aatubili akong sumagot. “Isla. Isla Navarro.”

“Hmm,” tila nilalasap niya ang pangalan ko. “I’ll remember that.”

At sa halip na mag-walk out, dumiretso siya sa VIP lounge, iniwan akong nakatayo roon na parang nakapako.

Two hours later, akala ko ay tapos na ang bangungot ko. Akala ko lalabas lang siya saglit para magpakita sa event at aalis na pero mali ako. Nasa dulo ako ng ballroom, inaayos ang isang table setting, nang maramdaman ko na naman ang presensya niya. Hindi ko alam kung bakit, pero para siyang may gravitational pull. Kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nandoon siya.

“You missed a spot,” sabi niya mula sa likod ko.

Napalingon ako. “Excuse me?”

Tinuro niya ang isang baso na may fingerprint mark. “Attention to detail is important, Miss Navarro.”

Hindi ko alam kung dapat akong mapahiya o mainis. “I’ll take note of that, Mr. Hale.”

“Good,” aniya, may bahagyang ngiti. “Because I might need you for something in the near future.”

“Need me?” kunot-noo kong tanong. “I’m just an event coordinator.”

“Exactly,” sagot niya, parang may ibig sabihin na mas malalim.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa trabaho ko noon at pilit na iwinaksi sa isip ko ang imahe ni Sir Hale. Pagkatapos ng mga speeches, photo ops, at endless champagne toasts, halos bumagsak na ang paa ko sa pagod. Mabuti na lang at nang magpaalam ako sa boss ko na magpapahinga saglit ay pinayagan niya naman ako. Nang nasa gilid na ako ng ballroom at umiinom ng tubig ay bigla na lang may mga flash ng camera.

“What the—?” Napalingon ako at nakita si Sebastian na papalapit, hawak ang isang wine glass, diretso sa akin.

At bago ko pa magawang umiwas, may photographer na nakakuha ng shot — si Sebastian, nakatayo sa tabi ko, nakatingin sa akin na parang ako lang ang tao sa kuwarto.

Hindi iyon staged, at lalong hindi iyon scripted. Pero hindi ko maiwasang magtaka kung para saan ang ginawa niyang 'yon. Para ba asarin ako dahil sa aksidenteng pagtabig ko ng tray na may lamang champagne na natapon sa kaniya? Mas lalo pang napakunot ang noo ko nang magsimula siyang maglakad palayo at iniwan akong nakatulala.

"Ano na naman kayang topak ng lalaking 'yon? Hay, naku! Kung puwede lang talaga manapak ng big boss eh."

Akala ko ay matatapos na ang kalbaryo ko nang gabing 'yon. Hindi na kasi kami magkikita ni Sebastian dahil hindi naman ako direktang nagtatrabaho sa kaniya. Ngunit kinabukasan, nabulabog agad ang umaga ko nang tumawag sa akin ang kaibigan ko.

"Girl, you're doomed! Check the headlines! It's better if you see it yourself," nahihintakutang untag sa akin ni Lara.

At dahil nga bagong gising ay pipikit-pikit pa akong nag-scroll sa cellphone ko. Ngunit halos mapatalon ako sa kama nang makita ang picture ko roon... or should I say, picture namin ni Sir Hale. Nasa front page kami ng isang society blog at may caption na, "Who’s the Mystery Woman with Sebastian Hale?

Spotted at last night’s gala, the billionaire CEO seems to have found a new interest.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status