JENNIFER POV "SINABI ko naman kasi sa iyo diba? Mali itong ginagawa natin! Mali na nakipagtulungan ka pa sa Ethel na iyun para lang sirain ang buhay ng half sister mo?" una kong naulinigan ang galit na boses ng isang lalaki sa pagmulat pa lang ng aking mga mata. Sobrang bigat ng ulo ko, masakit at nahihilo ako. "Pwede ba Robin. Magconcentrate ka na nga lang sa pagda-drive! Ngayun mo pa ba ako sisisihin gayung alam mo naman na kahit na ano pa ang gawin natin, hindi na maibabailk ang mga nangyari na." naulinigan kong sagot naman ni madelyn. Kahit na masakit ang ulo ko, pilit ko pa ring iminumulat ang mga mata ko at doon ko lang din napagtanto na nasa loob ako ng sasakyan. Tinatahak namin ang isang madilim na kalsada at hindi ko alam kung saang lugar na kami ngayun. Wala sa sariling napakapa ako sa aking ulo at impit akong napadaing nang maramdaman ko na masakit iyun. Kaya pala nahihilo ako at may sakit akong nararamdaman dahil may sugat ako sa bahaging iyun. "KUng nakinig
ELIJAH POV "ANONG BALITA? Nahanap na ba si Jennifer? Natagpuan na ba siya?" excited kong tanong sa pinsan kong si Christopher. Kakauwi ko lang galing sa labas dahil sinuyod ko ang lahat ng hospital dito sa Manila at kalapit na probensya para mahanap lang si Jennifer. Tatlong araw ang mabilis na lumipas simula noong nakipagkita kami sa mga kidnappers at nakuha ko nga si Baby Alexa pero si Jennifer naman ang bihag nila ngayun. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ng mga kidnappers na iyun dahil hangang ngayun, hindi pa rin sila tumatawag at sobrang nag-aalala na ako sa kalagayan ni Jennifer. Hindi man kami in good terms sa ngayun pero Ina pa rin siya ng anak ko. Hindi naman ako papayag na lumaki ang bata na hindi niya kasama ang Ina niya. Isa pa, nagbi-breast feed sa kanya si Baby Alexa at hinahanap na siya ng bata. "Iyan ang dahilan kaya nandito ako ngayun dahil may importante akong sasabihin sa iyo na hindi pwedeng sabihin sa phone.'' seryosong sagot nya sa akin. Puno n
ELIJAH POV BANTULOT akong napasunod sa pinsan kong si Christopher pagkadating namin sa isang police station. Dito daw muna kami dadaan bago kami didirecho sa morgue para icheck ang bangkay ng taong kasama sa sumabog na sasakyan. Sobrang bigat nang pakiramdam ko at hindi ko pa man nakikita ang nasabing bangkay, halos dumagdagundong na sa kaba ang puso ko. Natatakot akong isipin na paano kung si Jennifer nga ng tinutukoy nila? "Sir, ito po iyung mga gamit na nakita namin sa katawan ng biktima. Check niyo po muna." narinig ko pang wika ng isa sa mga police sabay latag ng mga gamit sa ibabaw ng mesa. Wala sa sariling napatitig ako doon at ganoon na lang ang gulat ko nang tumamapad sa paningin ko ang mga kagamitan. Wala sa sariling dinampot akong ang relo pati na din ang hikaw at hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang mapagtanto ko na kay Jennifer nga ito Hindi ako maaring magkamali. Gamit ni Jennifer ang nakikita ko kaya hindi ko na mapigilan pa
THIRD PERSON POV "KUYA....nakapaskil ang mukha niya sa mga pahayagan at kasalukuyan siyang pinaghahanap ng kanyang mga kapamilya. Hindi siya si Mia kaya maghunos dili ka! Kailangan natin siyang ibalik sa pamilyang naghananap sa kanya." nakikiusap na bigkas ng dalagang si Amery Delgado sa kanyang kapatid na si Luis Delgado! Pareho silang nakatitig sa babaeng nakahiga sa kama na may nakakabit na iilang tubo sa katawan. Maliban sa benda sa ulo at paa, may mga galos din ito sa katawan dulot ng pagkaka-aksidente. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa iyo ng makailang ulit? Buhay si Mia! Buhay ang asawa ko!" seryosong sagot naman ni Luis sa kapatid niya habang titig na titig siya babaeng walang malay. Kahit saang angulo tingnan, nakikita niya talaga ang kanyang asawa sa babaeng na-rescue nila limang gabi na ang nakalipas noong pabalik sila ng Manila. Binabaybay nila ang madilim na kalsada ng San Jose nang masaksihan nila ang kadumal-dumal na aksidente. Sumalpok sa malaking puno
JENNIFER POV (MIA) Sa totoo lang, sobrang naguguluhan ako! Wala akong maalala at lahat ng mga nakikita ng mga mata ko ay hindi familiar sa akin. Lalo na si Luis! Hindi ko alam kung epekto lang ba ng pagkakaaksidente ko ang lahat pero wala talaga akong mararamdaman na kahit na ano sa kanya! Clueless at feeling ko isa siyang istranghero sa paningin ko. Gayunpaman, patuloy niyang sinasabi sa akin na asawa ko daw siya. Nadamay daw ako sa isang car accident na siyang dahilan kaya nawalan ako ng memorya. Halos isang buwan din akong nanatili sa hospital at pagkatapos noon, umuwi na kami ng bahay na feeling ko first time kong tumira. Ewan, naguguluhan ako. Iniisip ko na baka naman epekto lang ito ng kasalukuyan kong sitwasyon kaya may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko na hindi ko mawari. Mabait naman si Luis kahit na nakaupo lang ito sa wheelchair. Kagaya ko aksidente din daw ang naging dahillan kaya siya nalumpo. Kailangan niyang sumailalim sa mahaba-habang gamutan para muli
JENNIFER POV (MIA) "ANO ba ang nangyari sa kanya? Bakit siya nahimatay?" unang katagang sumalubong sa pandinig ko nang muli akong bumalik sa ulirat. Nag-aalalang boses ni Luis na tinatanong niya si Doctora Amery tungkol sa nangyari sa akin. "She's pregnant Kuya!" narinig kong sagot naman ni Ate Amery kay Luis. Gulat naman ako sa narinig. Pregnant? Buntis daw ako? Ilang buwan? Paanong nabuntis ako gayung hindi naman kami nagtatabi sa higaan ni Luis at sa sitwasyon ng kalusugan ni Luis, imposbleng mabubuntis niya ako. May nangyayari ba sa amin ni Luis bago ako naaksidente? Pero paano? Ah ewan. SAbagay, mahalaga pa bang alamin ko iyun? Mag-asawa kami at kung may nangyayari man sa amin bago ng aksidente normal lang talaga na mabubuntis ako. "Pregnant? Buntis si Mia? Are you sure?" narinig kong tanong ng gulat na boses ni Luis. "Yes Kuya! She's pregnant!" pagkumpirma naman kaagad ni Ate Amery! Ramdam ko sa boses niya nag tuwa kaya naman hindi ko na din mapigilan ang mapangi
JENNIFER POV (MIA) Sobrang nag-enjoy ako sa pagsa-shopping naming dalawa ni Amery. Lahat ng gusto ko ay ni-add to cart ko na ayun na din sa kagustuhan nito. Ang ganda naman dito Ate Amery!" nakangiti ko pang paulit-ulit na bigkas. Basta, sa sobrang ganda ng mall na ito, ganado akong naglakad kahit na malaki na ang tiyan ko. Ewan ko ba, parang sanay na sanay akong gawin ito dati. Kusang humahakbang ang mga paa ko sa boutique na may mga paninda na gustong gusto kong bilihin. Napansin ko din kung paano ako titigan ng ilan sa mga staff! Feeling ko tuloy, kilala nila ako or baka naman regular costumer nila ako dito dati? "Mam Jen? Kumusta po? Ang tagal niyo pong hindi nakabalik dito ah?" abala ako sa kakapili ng mga items na nasa harapan ko nang bigla akong lapitan ng isa sa mga sales lady. Nagpalinga-linga pa nga ako sa isiping baka hindi ako ang kinakausap niya pero nang mapagtanto ko na ako nga, nakangiti kong itinuro ang sarili ko. "Sorry, ako ba ang kinakausap mo?" nakangit
ELIJAH VILARAMA VALDEZ POV KASALUKUYAN akong abala sa mga pinipirmahan kong mga papeles nang bigla akong natigilan. Muli na namang sinalakay ng lungkot ang puso ko nang maalala ko si Jennifer. Hangang ngayun hindi pa rin matangap ng puso at isipan ko na wala na siya. Imposible! Feeling ko talaga buhay pa siya at galit lang siya sa akin kaya ayaw niyang magpakita. Hindi maganda ang huling kumprontasyon sa pagitan naming dalawa bago kami bumyahe para ibigay ang ransom sa mga kidnappers. Kahit na may narecover na sunog na mga bangkay hindi pa rin kayang tangapin ng puso at isipan ko na kasama siya doon. Wala sa sariling binuksan ko ang drawer ng mesa ko! MUla sa loob, may kinuha akong kapirasong papel at binasa iyun kasabay ng pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Ito iyung sulat na nakuha ko sa isa sa mga paboritong bag ni Jennifer. Nakasaad dito ang mga nangyari noong araw na iyun na pinagbintangan ko siya na may lalaki siya. Wala siyang kasalanan. Talagang sarado ang
AMERY HEART POV "Amery, nakausap ko si Tita kahapon. Kinumusta niya sa akin kung ano na ang balita sa paghahanap sa iyo." seryosong wika sa akin ni Christopher habang nandito kami sa isang coffee shop. Sila Katrina at Elizabeth ay nasa kids zone kasama si Oliver dahil nagpahayag itong si Christopher sa akin na gusto niya daw akong kausapin ng masinsinan. "Kumusta siya?" seryosong tanong ko "Ayun, malungkot lalo na at ang apo niya kay Elias at Rebecca ay mas sakit na leukemia." seryoso nitong sambit. Hindi ko naman maiwasan na magulat. "A-ano? Anong sabi mo? May sakit na leukemia ang anak ni Elias at Rebecca?" gulat kong bigkas. Kaagad naman siyang tumango. "Yes...at Isa din sa dahilan ang bagay na iyan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang plano nilang pagpapakasal." seryosong sambit nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Amery, hangang kailan mo sila iiwasan? Masyado na silang nag-aalala sa iyo. Gusto ka na nilang makita." seryosong muli niyang bigkas. Hindi ko na
AMERY HEART POV '"Ano ang gusto niyo? Shopping muna or kain muna?" nakangiting tanong ni Oliver sa amin. Nandito na kami sa loob ng mall habang as usual nasa bisig niya na naman si Baby Elizabeth. Ang hilig magpakarga ng anak kong ito. Habang nagtatagal, napapansin ko na palambing nang palambing siya kay Oliver. "Elizabeth, nakakahiya na si Tito mo....bumaba ka na diyan anak. Big girl ka na eh." nakangiti kong sambit. Imbes na sagutin ko ang tanong ni Oliver kanina, ang anak ko muna ang uunahin ko. Nakakahiya na kasi dito kay Oliver. Gusto lang naman niyang ipasyal kami pero hindi naman kasama sa usapan na maging kargador siya ng anak ko. "Mommy, Tito Oliver said na ayos lang daw po." nakagiting wika ni Elizabeth. "No! Not okay baby. Malaki ka na at iwasan mo nang magpabuhat kay Tito. Tsaka, tingnan mo ang ibang mga bata...ayaw nga din nilang magpakarga oh?" seryosong sambit ko. Ilang beses ko nang pinakiusapan itong si Oliver na huwag niya masyadong i-spoild itong si El
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV KAKATAPOS lang namin mag-usap ni Christopher nang dumating naman si Rebecca at ang anak namin na si Liam. Mahigit dalawang taon pa lang si Liam at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng habag dito nang mapansin ko kung gaano ito pinapahirapan ng sakit ng Leukemia. Yes...sa batang edad nito tinamaan ito ng ganoon kalubhang sakit. HIndi ko alam kung paanong nangyari pero simula noong ipinanganak ito mahina na talaga ang bata at three months ago, lumabas sa pagsusuri ng doctor na may sakit ngang leukemia ang anak ko. Masakit para sa akin. May ari ako ng isa sa pinakamalaking hospital ng bansa pero wala akong magawa para magamot ang anak ko. Wala akong magawa para maibsan ang paghihirap ng sarili kong anak. "Elias, gusto ka daw makita ni Liam." nakangiting wika ni Rebecca sa akin.. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, mabilis akong tumayo at nilapitan ang anak ko na nakaupo sa kanyang troller. "Da-ddy!" narinig kong tawag sa akin ng anak ko. HIndi k
ELIAS POV "I HATE YOU! Pinabayaan mo kami at hinding hindi kita mapapatawad!" umiiyak na bigkas ng isang babae na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa magkabilaan kong tainga dahil doon. Pakiramdan ko, parang hinihiwa ng libo-libong karayom ang puso ko habang pinapakingan ko ang panaghoy niya. Ramdam ko sa bawat pag-iyak niya ng sakit na para bang ako na yata ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng lupa. "Bakit...sino ka? Kilala ba kita?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Akmang hahawakan ko sana siya kaya lang mabilis na siyang lumayo sa akin. Wala akong ibang nariring mula sa kanyan bibig kundi ang salitang galit siya sa akin. "Miss, saglit! Hintayin mo ako! Miss!" tawag ko sa babaeng unti-unting naglalaho na sa paningin ko. Gusto ko siyang habulin kaya lang wala sa sarilng napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa balikat ko "Elias...cous! nightmare?" seryosong tanong ng taong nasa harapan ko. Kunot noo kong inili
AMERY HEART POV PAGKALABAS namin ng hospital, direcho kami sa bahay na sinasabi ni Christopher. Tama siya...mas magiging kumportable kami sa sinasabi niyang bahay kaya pumayag na din ako. Sa bawat desisyon na gagawin ko, itinatak ko sa isipan ko na palagi kong isaalang-alang sila Katrina at Baby Elizabeth. Sakto naman dahil ang bahay na ito ay halos kalapit lang ng isang private School kung saan balak kong i-enroll si Baby Elizabeth sa susunod na pasukan. Ilang araw lang din ang lumipas, dumating ng bansa si Kuya Luis. Muling bumaha ng luha sa pagitan naming dalawa nang magkita kami. Kahit na pareho kaming umiiyak, hindi pa rin nawala ang sermon niya sa akin. Kagaya lang din naman sa mga tanong sa akin ni Christopher ang mga tanong ni Kuya Luis kaya pahapyaw ko na ding kinwento sa kanya kung anong naging buhay ko sa gubat. "I am totally healed pero wala akong balak na mag stay dito sa Pinas ng matagal. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo." seryosong wika nito sa akin per
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang itong nagpakandong kay Oliver. Napansin ko na simula noong nailigtas nila kami sa gubat, nagiging malapit si Elizabeth kay Oliver since ito ang may karga noon sa kanya noong nillisan na namin ang gubat. "Okay...pero bago iyan, pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone mo? Gusto kong tawagan ang kapatid ko. Si Kuya Luis." seryonsong bigkas ko. Kaagad niya namang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. "Si Luis Delgado?" seryosong tanong niya. Kaagad namana kong tumango "Kilala mo siya?" tanong ko "Yes, of course...ka tandem ko siya sa paghahanap sa iyo at sa paghuli sa mga kidnappers." seryosong sagot niya sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. "Bumalik ng bansa si Kuya? I mean,
AMERY HEART POV Parang panaginip lang ang lahat dahil namalayan ko na lang na walang pag-aalinlangan na pinagtulungan nila akong buhatin palabas ng gubat. Tahimik lang din na nakasunod si Katrina habang karga naman ng isa pang lalaki ang anak kong si Elizabeth. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon lalabas ako ng gubat at aminado ako sa sarili ko na masaya ako. Siguro tama na ang pagtatago at kailangan ko nang harapin ang totoo kong buhay na naghihintay sa akin sa kabihasnan Alam kong mabigat ako. Nararamdaman ko iyan dahil salit-salitan nila akong binubuhat nila Christopher at tatlo niya pang mga kaibigan. Nahihiya man ako pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Tsaka na lang siguro ako babawi sa kanila kapag magaling na ako. Pagkatapos ng halos tatlong oras na paglalakad sa wakas narating din namin ang pinaka-bukana ng gubat kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila. Dalawang sasakyan kaya kaagad nila kaming isinakay at itinkabo nila ako sa pinakamalapit n
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at imbes na gumaling ako, lalo akong inapoy ng lagnat. Sobrang naaawa ako kay Katrina dahil alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Ilang beses na din ako nitong kinulit at nagpaalam na lalabas daw ng gubat para mabilhan ako ng gamot pero hindi ako pumapayag. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Katrina. Hindi siya sanay sa kabihasnan at baka mapahamak lang siya. Nagising ako na tanging si Eliazabeth lang ang nasa tabi ko. Wala si Katrina kaya hindi ko maiwasan na makaramdan ng takot. Baka kasi hindi ito nagpapigil at lumabas na ng gubat eh. "Nasaan ang Ate Katrina mo, anak?" malumanay kong tanong sa anak kong si Elizabeth. "Lumabas po Nanay! Sabi po niya, kukuha lang daw siya ng pagkain." bibong sagot naman ng anak ko. Malungkot naman akong napangiti. Kung hindi sana ako nagkasakit, dalawa sana kami ni Katrina ngayun ang naghahanap ng pagkain namin. "Kanina pa ba siya umalis?" muli kong tano
THIRD PERSON POV "Talaga bang tutulungan mo kami? Hi-hindi ba kayo masamang tao?" seryosong tanong ni Katrina sa mga kaharap niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Gustuhin man niyang umiwas sa mga lalaking nasa paligid niya pero natatakot naman siya sa kalagayan ng Ate Amery niya ngayun. Kasalukuyan itong nagdedeliryo sa taas ng lagnat at sa mga sandaling ito, kailangan niyang sumugal para sa kapakanan nito. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang taong naging kasama niya na sa loob ng tatlong taon. "Oo naman! Mababait kaming tao at pwede mo kaming pagkatiwalaan." seryosong sagot ng lalaking kaharap niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mpatitig dito. Unang kita pa lang niya sa lalaking ito kanina, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao, Kinakabahan niya at the same time hindi niya maiwasan na makaramdam ng kung anong istrangherong damdamin sa puso niya. "Wala na akong ibang maasahan kundi kayo lang. Ay