ELIJAH POV BANTULOT akong napasunod sa pinsan kong si Christopher pagkadating namin sa isang police station. Dito daw muna kami dadaan bago kami didirecho sa morgue para icheck ang bangkay ng taong kasama sa sumabog na sasakyan. Sobrang bigat nang pakiramdam ko at hindi ko pa man nakikita ang nasabing bangkay, halos dumagdagundong na sa kaba ang puso ko. Natatakot akong isipin na paano kung si Jennifer nga ng tinutukoy nila? "Sir, ito po iyung mga gamit na nakita namin sa katawan ng biktima. Check niyo po muna." narinig ko pang wika ng isa sa mga police sabay latag ng mga gamit sa ibabaw ng mesa. Wala sa sariling napatitig ako doon at ganoon na lang ang gulat ko nang tumamapad sa paningin ko ang mga kagamitan. Wala sa sariling dinampot akong ang relo pati na din ang hikaw at hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang mapagtanto ko na kay Jennifer nga ito Hindi ako maaring magkamali. Gamit ni Jennifer ang nakikita ko kaya hindi ko na mapigilan pa
THIRD PERSON POV "KUYA....nakapaskil ang mukha niya sa mga pahayagan at kasalukuyan siyang pinaghahanap ng kanyang mga kapamilya. Hindi siya si Mia kaya maghunos dili ka! Kailangan natin siyang ibalik sa pamilyang naghananap sa kanya." nakikiusap na bigkas ng dalagang si Amery Delgado sa kanyang kapatid na si Luis Delgado! Pareho silang nakatitig sa babaeng nakahiga sa kama na may nakakabit na iilang tubo sa katawan. Maliban sa benda sa ulo at paa, may mga galos din ito sa katawan dulot ng pagkaka-aksidente. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa iyo ng makailang ulit? Buhay si Mia! Buhay ang asawa ko!" seryosong sagot naman ni Luis sa kapatid niya habang titig na titig siya babaeng walang malay. Kahit saang angulo tingnan, nakikita niya talaga ang kanyang asawa sa babaeng na-rescue nila limang gabi na ang nakalipas noong pabalik sila ng Manila. Binabaybay nila ang madilim na kalsada ng San Jose nang masaksihan nila ang kadumal-dumal na aksidente. Sumalpok sa malaking puno
JENNIFER POV (MIA) Sa totoo lang, sobrang naguguluhan ako! Wala akong maalala at lahat ng mga nakikita ng mga mata ko ay hindi familiar sa akin. Lalo na si Luis! Hindi ko alam kung epekto lang ba ng pagkakaaksidente ko ang lahat pero wala talaga akong mararamdaman na kahit na ano sa kanya! Clueless at feeling ko isa siyang istranghero sa paningin ko. Gayunpaman, patuloy niyang sinasabi sa akin na asawa ko daw siya. Nadamay daw ako sa isang car accident na siyang dahilan kaya nawalan ako ng memorya. Halos isang buwan din akong nanatili sa hospital at pagkatapos noon, umuwi na kami ng bahay na feeling ko first time kong tumira. Ewan, naguguluhan ako. Iniisip ko na baka naman epekto lang ito ng kasalukuyan kong sitwasyon kaya may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko na hindi ko mawari. Mabait naman si Luis kahit na nakaupo lang ito sa wheelchair. Kagaya ko aksidente din daw ang naging dahillan kaya siya nalumpo. Kailangan niyang sumailalim sa mahaba-habang gamutan para muli
JENNIFER POV (MIA) "ANO ba ang nangyari sa kanya? Bakit siya nahimatay?" unang katagang sumalubong sa pandinig ko nang muli akong bumalik sa ulirat. Nag-aalalang boses ni Luis na tinatanong niya si Doctora Amery tungkol sa nangyari sa akin. "She's pregnant Kuya!" narinig kong sagot naman ni Ate Amery kay Luis. Gulat naman ako sa narinig. Pregnant? Buntis daw ako? Ilang buwan? Paanong nabuntis ako gayung hindi naman kami nagtatabi sa higaan ni Luis at sa sitwasyon ng kalusugan ni Luis, imposbleng mabubuntis niya ako. May nangyayari ba sa amin ni Luis bago ako naaksidente? Pero paano? Ah ewan. SAbagay, mahalaga pa bang alamin ko iyun? Mag-asawa kami at kung may nangyayari man sa amin bago ng aksidente normal lang talaga na mabubuntis ako. "Pregnant? Buntis si Mia? Are you sure?" narinig kong tanong ng gulat na boses ni Luis. "Yes Kuya! She's pregnant!" pagkumpirma naman kaagad ni Ate Amery! Ramdam ko sa boses niya nag tuwa kaya naman hindi ko na din mapigilan ang mapangi
JENNIFER POV (MIA) Sobrang nag-enjoy ako sa pagsa-shopping naming dalawa ni Amery. Lahat ng gusto ko ay ni-add to cart ko na ayun na din sa kagustuhan nito. Ang ganda naman dito Ate Amery!" nakangiti ko pang paulit-ulit na bigkas. Basta, sa sobrang ganda ng mall na ito, ganado akong naglakad kahit na malaki na ang tiyan ko. Ewan ko ba, parang sanay na sanay akong gawin ito dati. Kusang humahakbang ang mga paa ko sa boutique na may mga paninda na gustong gusto kong bilihin. Napansin ko din kung paano ako titigan ng ilan sa mga staff! Feeling ko tuloy, kilala nila ako or baka naman regular costumer nila ako dito dati? "Mam Jen? Kumusta po? Ang tagal niyo pong hindi nakabalik dito ah?" abala ako sa kakapili ng mga items na nasa harapan ko nang bigla akong lapitan ng isa sa mga sales lady. Nagpalinga-linga pa nga ako sa isiping baka hindi ako ang kinakausap niya pero nang mapagtanto ko na ako nga, nakangiti kong itinuro ang sarili ko. "Sorry, ako ba ang kinakausap mo?" nakangit
ELIJAH VILARAMA VALDEZ POV KASALUKUYAN akong abala sa mga pinipirmahan kong mga papeles nang bigla akong natigilan. Muli na namang sinalakay ng lungkot ang puso ko nang maalala ko si Jennifer. Hangang ngayun hindi pa rin matangap ng puso at isipan ko na wala na siya. Imposible! Feeling ko talaga buhay pa siya at galit lang siya sa akin kaya ayaw niyang magpakita. Hindi maganda ang huling kumprontasyon sa pagitan naming dalawa bago kami bumyahe para ibigay ang ransom sa mga kidnappers. Kahit na may narecover na sunog na mga bangkay hindi pa rin kayang tangapin ng puso at isipan ko na kasama siya doon. Wala sa sariling binuksan ko ang drawer ng mesa ko! MUla sa loob, may kinuha akong kapirasong papel at binasa iyun kasabay ng pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Ito iyung sulat na nakuha ko sa isa sa mga paboritong bag ni Jennifer. Nakasaad dito ang mga nangyari noong araw na iyun na pinagbintangan ko siya na may lalaki siya. Wala siyang kasalanan. Talagang sarado ang
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV '"TINATANONG KITA ETHEL, saan mo nakuha ng imporamasyon na may lalaki ang asawa ko?" nanlilisik ang mga matang tanong ko sa kanya! Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya habang kitang kita ko naman sa mga mata nito ang takot habang napapaatras sa tuwing nilalapitan ko siya. "Elijah, ano ba? Huwag--huwag mo naman akong takutin ng ganiyan oh! Hi-hindi ka dapat magalit sa akin ng ganiyan dahil lang sa---" "May alam ka ba sa mga nangyari kay Jennifer? May ginawa ka bang mga bagay-bagay na dapat kong malaman?" seryosong tanong ko. Napansin kong halos magkulay papel na ito dahil sa matinding nerbiyos. "Wala! Wala akong ginawa at lalong wala akong alam! Kung a-ayaw mong maniwala, bahala ka!" halos maiyak na sagot nito at halos patakbong lumabas ng opisina! Naiwan naman akong punong puno ng galit sa puso ko Oras na malaman ko na isa si Ethel sa dahilan kaya napahamak si Jennifer ay hindi ako mangingimi na singilin siya sa mga pagkakamali niya. HIndi
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV "A-anong sabi mo? Si Jennifer----" mahinang tanong ko kay Elias mula sa kabilang linya. "Sabi ko na nga ba magugulat ka eh! Kahit ako nagulat din kanina noong nakita ko siya!" kaagad din nitong sagot sa akin. Pakiramdam ko ng mga sandaling ito, nakalutang ako sa alapaap. Hindi ko maramdaman ang sarili ko habang tulala akong nakatitig sa kawalan. Ni hindi ko na nga namalayan pa na tumutulo na pala ang luha mula sa aking mga mata. "Totoo ba? Hindi mo ba ako niluluko?" mahinang tanong ko kay Elias. "Sa palagay mo, pwede ko bang gawing biro ang lahat na ito? Pumunta ka kaagad dito kung gusto mo siyang makita!" seryosong sagot naman nito sa akin. "Paanong nandiyan siya sa hospital? Kumusta siya? Kumusata ang asawa ko?" emosyonal na tanong ko kay Elias! Wala na akong pakialam pa kung makita man ako ng mga empleyado ko sa hindi kanais-nais na sitwasyon. Wala na din akong pakialam pa na may ibang taong nakakita na lumuluha ako. "She's okay maliban lan
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at imbes na gumaling ako, lalo akong inapoy ng lagnat. Sobrang naaawa ako kay Katrina dahil alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Ilang beses na din ako nitong kinulit at nagpaalam na lalabas daw ng gubat para mabilhan ako ng gamot pero hindi ako pumapayag. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Katrina. Hindi siya sanay sa kabihasnan at baka mapahamak lang siya. Nagising ako na tanging si Eliazabeth lang ang nasa tabi ko. Wala si Katrina kaya hindi ko maiwasan na makaramdan ng takot. Baka kasi hindi ito nagpapigil at lumabas na ng gubat eh. "Nasaan ang Ate Katrina mo, anak?" malumanay kong tanong sa anak kong si Elizabeth. "Lumabas po Nanay! Sabi po niya, kukuha lang daw siya ng pagkain." bibong sagot naman ng anak ko. Malungkot naman akong napangiti. Kung hindi sana ako nagkasakit, dalawa sana kami ni Katrina ngayun ang naghahanap ng pagkain namin. "Kanina pa ba siya umalis?" muli kong tano
THIRD PERSON POV "Talaga bang tutulungan mo kami? Hi-hindi ba kayo masamang tao?" seryosong tanong ni Katrina sa mga kaharap niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Gustuhin man niyang umiwas sa mga lalaking nasa paligid niya pero natatakot naman siya sa kalagayan ng Ate Amery niya ngayun. Kasalukuyan itong nagdedeliryo sa taas ng lagnat at sa mga sandaling ito, kailangan niyang sumugal para sa kapakanan nito. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang taong naging kasama niya na sa loob ng tatlong taon. "Oo naman! Mababait kaming tao at pwede mo kaming pagkatiwalaan." seryosong sagot ng lalaking kaharap niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mpatitig dito. Unang kita pa lang niya sa lalaking ito kanina, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao, Kinakabahan niya at the same time hindi niya maiwasan na makaramdam ng kung anong istrangherong damdamin sa puso niya. "Wala na akong ibang maasahan kundi kayo lang. Ay
THIRD PARTY POV PATULOY sa paghabol si Christopher sa babaeng nakita niya. Hindi siya papayag na makawala ito sa paningin niya. Hindi siya papayag na basta na lang itong makalayo. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niya itong makaharap. Samantalang, takot na takot naman si Katrina habang patuloy siya sa pagtakto. Balak niyang pumunta sa siyudad para mama-limos at makabili ng gamot para sa Ate Amery niya. Naaawa kasi siya dito. May sakit ito at ayaw niya nang lumala pa iyun. Alam niyang matagal na siyang pinagbabawalan ng Ate niya na lumuwas ng siyudad pero sa sitwasyon ngayun, kailangan niya na talagang kumilos. Lalo na at hindi din talaga siya papayag na mapahamak ito. Simula nong dumating dito sa gubat si Ate Amery itinuring niya na itong hindi iba sa kanya. HIndi man niya ito kadugo pero napamahal na siya dito. Parang kapatid na nga din ang turing niya dito eh. Lalo na at hindi ito nagsasawa na turuan siyang magsulat at magbasa. "Wait! Who are you? Saan ka pupun
THIRD PERSON POV "SHIT, diwata ba iyun, Pare?" seryosong bigkas ng kasama ni Christopher sa pangangaso. "Yes...siya Christopher Villarama. Isa sa mga triplets na magkapatid na sila Charles at Charlotte. Anak ng mag-asawang Carmela at Charles Villarama. Isa sa mga apo ng namayapang mag-asawa na sila Gabriel Villarama at Carissa Perez. "Diwata? May diwata sa gubat na ito? Ano ka ba naman, walang diwata. Tao iyung nakita natin " seryosong sagot naman ni Christopher sa kaibigan niya. Kakabili lang niya sa nakabuyangyang na property na ito na matatagpuan sa Rizal. Actually, basta niya na lang binili pero wala pa naman siyang concret plan kung ano ang gagawin niya dito since gubat nga at maraming mga hayop ang nasa paligid Nanghihinayang din kasi siyang sirain ang gubat para lang tayuan ng mga istraktura. Hindi na kailangan. Talagang biniili niya lang ito sa dalawang may edad nang mag-asawa dahil hindi na daw nila ito maaasikaso.. Well, kitang kita naman ang ibedensya. Sobrang suk
AMERY HEART POV "ATE, umiiyak na naman po kayo." kasalukuyan akong nakaupo dito sa tabing ilog habang nakatitig sa kawalan. Mula sa aking kinauupuan, naririnig ko kanina ang tawanan nila Baby Elizabeth at Katrina. Kay bilis lumipas ng tatlong taon. Feeling ko natulog lang ako at nang magising ako, heto na. Malaki na ang anak ko. Hindi na siya baby at lumaki siya dito sa gubat na hindi man lang kami nahanap ng ama niya "Yes...kahit na nabasa ko noon sa isang magazine na engaged na si Elias kay Rebecca, umaasa pa rin ako na hindi siya titigil sa paghahanap sa amin. Na gagawa siya ng paraan para mahanap niya kaming mag-ina pero mukhang malabo na ang lahat. Sa takot ko noon, nawalan na din ako ng kumpyansa sa sarili ko na lumabas ng gubat. Hangang sa hindi ko na namalayan pa ang mga taon na lumipas. Na nandito pa rin pala ako habang unti-unti nang lumalaki ang anak ko. "limang buwan na lang ang bibilangin at magpo-four years old na si Baby Elizabeth. Ni sa hinagap, hindi ko akal
AMERY HEART POV SIX MONTHS LATER "KATRINA, saan ka galing? Ang tagal mong nawala ah?" seryoso kong tanong kay Katrina. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa gubat para hanapin ito pero hindi ko siya makita. Sa loob ng anim na buwan, medyo nakabisado ko na din ang buong paligid. Nasanay na din ako sa bagong kapaligiran. "ATE, tulog pa kasi kayo kanina ni Baby Elizabeth kaya hindi ko na kayo ginising. Minsan po kasi, lumalabas po talaga ako dito sa gubat para manghingi ng limos at makabili ng mga bagay na kailangan natin." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ng ako sa suot nitong sira-sirang damit. Madungis din siya at ang buhok niya akala mo isang bruha. Madumi din ang kanyang mukha. Sabog-sabog ang buhok at kung hindi ko lang kabisado itong si Katrina baka hindi ko siya makilala. "Galing kang siyudad at namalimos ka? Katrina, alam mo ba kung gaano kadelikado iyang ginagawa mo?" seryosong tanong sa kanya! Hindi siya sanay sa siyud
THIRD PERSON POV "THIS is very impossible! Unacceptable ! Elijah, do something! Hindi pwedeng basta na lang ibahay ng kakambal mong Elias na iyan ang babaeng iyan. Paano na si Amery?" seryosong wika ni Jennifer sa asawa niya habang nagtitipon sila dito sa mansion Villarama. Isang buwan na ng matulin na lumipas at hangang ngayun, wala pa ring Amery na natagpuan. Na para bang tuluyan na itong naglaho na parang bula. Lahat sila ay nag-aalala na sa posibleng nangyari kay Amery sa mga kamay ng mga kidnappers. Wala na din silang naging balita at wala ding ransom na nagaganap which is mas lalong nakakatakot. Ayaw nilang mag-isip ng kahit na anong masama. Pero parang iyun na nga. Mukhang napahamak na yata si Amery at ito ang dahlian kung bakit hindi nila maikwento kay Elias ang lahat-lahat. Naaksidente ito noon dahil sa paghahanap sa mag-ina niya at kapag malaman nito na may masamang nangyari sa mga ito, baka lalong lumala ang sitwasyon. Tiyak silang masasaktan si Elias at ayaw nil
REBECCA POV Ngayung umayon na sa akin ang kapalaran, kailangang kong sulitin ang pagkakataon. HIndi ako pwedeng patulog-tulog dahil kaunting kaunti na lang, mapapasa-akin na si Elias. Hyassst, nawalan siya ng alaala at mukhang hindi pa naikwento sa kanya ng kanyang pamilya ang nangyari kina Amery at sa anak niya. "So, bago ang aksidente, ikaw ang naging girlfriend ko?" seryosong tanong ni Elias sa akin. Naluluha naman akong tumango. "Yes...ako nga! Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa iyo, Elias? HIndi ko na alam kung ano ang gagawain ko kapag may masamang nangyari sa iyo. Alam kong ako ang dahilan kaya ka nagkakaganiyan dahil gusto kitang hiwalayan dahil ayaw nilang lahat sa akin, Elias. May iba silang babaeng gusto para sa iyo...'" umiiyak kong muling sambit. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay nito. Lalo namang nagdiwang ang kalooban ko. Alam kong maniniwala siya sa akin. Wala naman siyang choice kundi ang maniwala eh. Ang galing ko kayang umarte. Pang theatr
THIRD PERSON POV "Ano ang balita kina Amery? Kumusta sila? Nahanap na ba sila?" nag-aalalang tanong ni Miracle sa pamangkin niyang si Christopher. Mahigit isang linggo na ang lumipas simula noong nakidnap sila Amery at ang apo niya at hangang ngayun, wala pa ring balita sa mga ito Si Elias naman ay kasalukuyang nasa ICU. Hinihintay na magising ito dahil sa kinasangkutang aksidente. Doble-dobleng daguk ang nangyari sa pamilya nila at hindi na nga nila malaman pa kung ano ang uunahin. Masyado nang matagal ang isang linggo simula nang nakidnap sila Amery at hangang ngayun, wala pa ring naging balita sa kanila "Ginagawan na po namin ng paraan para mahanap sila, Tita. May man hunt operation na din po sa mga kumidnap kina Amery. Huwag po kayong mag-alalala, hindi po kami titigil hangat hindi sila mahanap." seryosong sagot naman ni Christopher sa tiyahin niya. Kung nag-aalala ito, ganoon din naman sila eh. Lalo na at hangang ngayun hindi pa rin nagigising si Elias. Kasalukuyan pa r