JENNIFER POV DAHIL sa kaguluhang naganap, natigil ang kasiyahan at nag-umpisa nang nagsiuwian ang ibang mga guest. Dinala kami ng mga asa-asawa namin pabalik ng VIP room samantalang nagpaiwan naman ang mga bachelors na kasama namin na sila Elias, Charles at Christopher sa labas. Kausap nila ang mga bouncer at iba pang mga staff para ma-obserbahan din ang mga wala pang malay na nabugbog namin. Mabuti na lang at doctor si Elias at kaagad niyang sinuri ang mga ito kung napuruhan ba! Binigyan niya na din ito ng first aide at hinintay na lang na magkamalay. Nabugbog ba naman at napalo ng bote sa ulo eh. Hangang ngayun, wala pa yatang malay tao. ""Drake, ano ba? Akala ko safe itong bar na ito, paano nangyari ito?" narinig ko pang tanong ni Rafael kay Drake. Halata sa mga mata nito ang galit. '"Sorry Bro! Hindk ko din ito inaasahan. I think mukhang kailangan kong magdagdag ng mga bouncer para maiwasan ulit ang mga nangyari ngayun." kaagad namang sagot ni Drake. Nagtatanong ang
JENNIFER POV HINDI naman naglaon, naging okay din naman si Veronica. Kumalas sa pagkakayakap sa asawa niyang si Rafael at naghanap na din ng makakain. Ginutom daw kasi siya. Mukhang kalmado na din at nagawa na din nitong ngumiti. Mukhang yakap lang ng asawa ang kailangan para mawala ang takot eh. Hihihi! "Charlotte, thank you kanina ha? Haysst, sa makailang ulit na pagtambay natin dito sa bar, hindi ko akalain na mangyayari ito." wika pa nito. Nakabawi na nga sa takot at nakakapagsalita na din eh. Unlike kanina na kitang kita ko sa mga mata niya ang takot. "Ayos lang. Sino ba naman ang magkakampihan kundi tayo-tayo lang din naman! Cheers?" nakangiting sagot ni Charlotte. Itinaas pa nito ang hawak na kopita ng alak kaya kanya-kanya na din kami dampot ni Veronica ng kopita na may alak at itinaas na din iyun. Nakiki cheers na din kami habang nakamasid lang sa amin ang aming mga asa-asawa. Baliktad na ngayun. Kung kanina, sila iyung nag-iinuman kami naman ngayun. Tapos na yata
JENNIFER POV NAGPASYA na muna akong mag half bath para fresh ako mamaya sa pagtulog naming dalawa ni Elijah. Kahit na nakatatlo na kaming anak, ayaw ko pa rin naman na tumabi sa kanya na matulog sa ibabaw ng kama at hindi ako mabango. Sa sobrang gandang lalaki ng asawa ko, dapat din talaga na maganda ako palagi sa paningin niya. Para naman matuwa din siya sa akin. Pagkatapos kong mag half bath at gawin lahat ng mga dapat kong gawin dito sa loob ng banyo, kumuha lang ako ng isang malinis na bathrobe at iyun ang isinuot ko. Sa kwarto na ako magpapalit ng damit pantulog. May ilang beauty products pa kasi akong ilalagay sa mukha ko at gagawin ko iyun sa harap ng vanity mirror ko. Pagkalabas kong banyo, hindi ko pa nga mapigilan ang magtaka nang maabutan ko si Elijah. May hawak itong isang kopita na kung hindi ako maaaring magkamali, alak ang laman noon. Nakapwesto siya sa may sofa at napansin ko din na nakapatong doon ang isang bote ng alak at isa pang kopita. Hindi ko tuloy mapi
JENNIFER POV 'Sumayaw? Me? Of course, hindi ko pa nasubukan ang sumayaw. Although palagi akong laman sa mga disco bar before dahil nga kay Drake pero hindi ko pa na discover kung magaling ba akong gumiling. Ikaw na ang humusga, Sweetie." natatawa nitong sagot sa akin. Never pa siyang sumayaw sa tanang buhay niya? Hindi nga? Kung ganoon, ang swerte ko. Ako palang ang makakakita kung paano siya sumayaw. "Then, sayawan mo ako. Now na!" nakangiti kong sagot. Saktong nasa chorus na ang tugtugin eh. Napansin kong natigilan si Elijah sabay ngisi. "Bakit? Bakit gusto mo akong makita na sumayaw? Siguro may plano ka noh?" nakangisi niyang tanong. Hindi ko naman mapigilan ang mapahagikhik. "Ano ka ba? Sayaw na kasi sabi eh. Malapit nang matapos ang music oh?" kunwari naiinis kong bigkas. Isang malakas na tawa ang kumawala sa lalamunan niya bago niya tinungga ang lahat ng laman ng alak na nasa kopita niya pagkatapos inilapag niya iyun at nag-umpisa na nga siyang gumiling sa harapan ko.
JENNIFER POV "Yes Sweetie. Doon tayo sa kama." mahinang bigkas niya at naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa ere. Binuhat niya ako at mabilis ang hakbang na naglakad patungo sa kama. Pagkadating namin doon, buong ingat na inilapag niya ako habang hindi niya inaalis ang kanyang paningin sa kabuuan ko. "Huwag kang madaya. Maghubad ka na at samahan mo na ako dito. " nakangiti kong utos sa kanya. Natawa naman ito at dali-daling hinubad ang kanyang damit pang-itaas. Pagkatapos non, sunod niyang hinubad ang kanyang damit pang ibaba at hindi ko mapigilan ang lalong makaramdam ng pananabik nang tumampad sa mga mata ko ang matayog at dambuhala niyang alaga. "Like it?" nakangisi nyang tanong sa akin. Pagkatapos noon, sumampa na siya sa kama at kinubabawan niya ako. Muli niya akong hinalikan ng mapusok sa labi ko hangang sa maramdaman ko na lang ang pagkiskis ng alaga niya sa bukana ng aking pagkababae. "Ughhh! Elijah!:" malakas kong anas nang nag-umpisa na siyang gumalaw sa ibabaw
JENNIFER POV "Magpakasal ulit tayo, Jen!" pagkatapos ng mainit na sandali sa pagitan naming dalawa ni Elijah ang katagang iyun ang kaagad namang namutawi sa labi niya. Pagod na pagod pa nga ako at hindi pa ako nakakabawi ng lakas ko tapos bigla niya na lang akong isuprised sa alok na kasal niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang magulat. Hindi ko ito inaasahan dahil in the first place kakapakasal lang namin last year. "Ha? Anong sabi mo?" wala sa sariling tanong ko. Bago ako kiligin dapat lang na makasigurado ako na totoo ang sinasabi niya ngayun at kung tama ang narinig ko. "Magpakasal ulit tayo, Jen! Gusto kong magpakasal tayo sa theme na gusto natin." nakangiti niyang sagot sa akin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi ko na nga mapigilan pa ang mapabangon ng kama "A-anong sabi mo? Kasal? Magpakasal ulit tayo?" parang nasisisaraan kong tanong. Lahat ng sinasabi niya ay inuulit ko lang din yata eh! Sabagay, sino ba naman ang hindi magugulat gayung kas
JENNIFER POVMabilis na lumipas ang mga araw. Naging puspusan ang paghahanda naming dalawa ni Elijah sa muli naming pagpapakasal. Naging abala kaming dalawa. Kagaya na lang ngayun. May appointment kaming dalawa ni Elijah ngayun araw sa isang fashion designer na gagawa ng wedding gown ko kaya napag-usapan naming dalawa na pupuntahan ko na lang siya sa opisina niya kaysa naman sunduin niya pa ako dito bahay. Marunong na akong magdrive kaya sakay ng aking kotse, bumiyahe ako patungo sa opisina ni Elijah. Dahil hindi naman masyadong matraffic, kaagad din akong nakarating at ipinarada ko lang ng maayos ang aking kotse at direcho na ako sa opisina nito KIlala naman na ako ng halos lahat ng mga gwardiya at ilang empleyado kaya malaya akong nakakalabas-pasok sa building na ito na walang sumisita sa akin. May ilan pa nga sa mga empleyado na kilala ako na bumabati pa nga sa akin eh. Tanging ngiti at pagtango lang din naman ang naging sagot ko at direcho na ako sa elavator. Nasa pinakama
JENNIFER POV AKO na siguro ang pinakamasayang bride sa balat ng lupa. Pagkatapos lang ng halos dalawang buwan na paghahanda naming dalawa ni Elijyah sa aming kasal, nandito ako ngayun. Naglalakad sa gitna ng aisle habang nakahawak sa braso ni Papa. Kay bilis ng paglipas ng mga araw. Parang kailan lang noong mga oras na muli akong niyaya ni Elijah na magpakasal pagkatapos heto kami ngayun. Muling manumpa sa harap ng altar para lalong pagtibayin ang pagsasama naming dalawa. Kumpleto ang lahat ng miyembro ng Villarama Clan at dito mismo sa maputing baybayin ng Carissa Villarama Beach Resort ginaganap ang second wedding namin. Napaka-romantic na buong paligid dahil naghahalo na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Gayunpaman, walang dapat na ikabahala. nagkalat din naman kasi ang mga ilaw sa buong paligid. Nagmumukhang parang paraiso ang buong paligid at kay sarap sa mga mata. Habang kinakanta ang wedding march na Beautiful in White, hindi ko mapigilan ang pagpatak ang luha sa a
AMERY HEART POV "Amery, nakausap ko si Tita kahapon. Kinumusta niya sa akin kung ano na ang balita sa paghahanap sa iyo." seryosong wika sa akin ni Christopher habang nandito kami sa isang coffee shop. Sila Katrina at Elizabeth ay nasa kids zone kasama si Oliver dahil nagpahayag itong si Christopher sa akin na gusto niya daw akong kausapin ng masinsinan. "Kumusta siya?" seryosong tanong ko "Ayun, malungkot lalo na at ang apo niya kay Elias at Rebecca ay mas sakit na leukemia." seryoso nitong sambit. Hindi ko naman maiwasan na magulat. "A-ano? Anong sabi mo? May sakit na leukemia ang anak ni Elias at Rebecca?" gulat kong bigkas. Kaagad naman siyang tumango. "Yes...at Isa din sa dahilan ang bagay na iyan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang plano nilang pagpapakasal." seryosong sambit nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Amery, hangang kailan mo sila iiwasan? Masyado na silang nag-aalala sa iyo. Gusto ka na nilang makita." seryosong muli niyang bigkas. Hindi ko na
AMERY HEART POV '"Ano ang gusto niyo? Shopping muna or kain muna?" nakangiting tanong ni Oliver sa amin. Nandito na kami sa loob ng mall habang as usual nasa bisig niya na naman si Baby Elizabeth. Ang hilig magpakarga ng anak kong ito. Habang nagtatagal, napapansin ko na palambing nang palambing siya kay Oliver. "Elizabeth, nakakahiya na si Tito mo....bumaba ka na diyan anak. Big girl ka na eh." nakangiti kong sambit. Imbes na sagutin ko ang tanong ni Oliver kanina, ang anak ko muna ang uunahin ko. Nakakahiya na kasi dito kay Oliver. Gusto lang naman niyang ipasyal kami pero hindi naman kasama sa usapan na maging kargador siya ng anak ko. "Mommy, Tito Oliver said na ayos lang daw po." nakagiting wika ni Elizabeth. "No! Not okay baby. Malaki ka na at iwasan mo nang magpabuhat kay Tito. Tsaka, tingnan mo ang ibang mga bata...ayaw nga din nilang magpakarga oh?" seryosong sambit ko. Ilang beses ko nang pinakiusapan itong si Oliver na huwag niya masyadong i-spoild itong si El
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV KAKATAPOS lang namin mag-usap ni Christopher nang dumating naman si Rebecca at ang anak namin na si Liam. Mahigit dalawang taon pa lang si Liam at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng habag dito nang mapansin ko kung gaano ito pinapahirapan ng sakit ng Leukemia. Yes...sa batang edad nito tinamaan ito ng ganoon kalubhang sakit. HIndi ko alam kung paanong nangyari pero simula noong ipinanganak ito mahina na talaga ang bata at three months ago, lumabas sa pagsusuri ng doctor na may sakit ngang leukemia ang anak ko. Masakit para sa akin. May ari ako ng isa sa pinakamalaking hospital ng bansa pero wala akong magawa para magamot ang anak ko. Wala akong magawa para maibsan ang paghihirap ng sarili kong anak. "Elias, gusto ka daw makita ni Liam." nakangiting wika ni Rebecca sa akin.. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, mabilis akong tumayo at nilapitan ang anak ko na nakaupo sa kanyang troller. "Da-ddy!" narinig kong tawag sa akin ng anak ko. HIndi k
ELIAS POV "I HATE YOU! Pinabayaan mo kami at hinding hindi kita mapapatawad!" umiiyak na bigkas ng isang babae na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa magkabilaan kong tainga dahil doon. Pakiramdan ko, parang hinihiwa ng libo-libong karayom ang puso ko habang pinapakingan ko ang panaghoy niya. Ramdam ko sa bawat pag-iyak niya ng sakit na para bang ako na yata ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng lupa. "Bakit...sino ka? Kilala ba kita?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Akmang hahawakan ko sana siya kaya lang mabilis na siyang lumayo sa akin. Wala akong ibang nariring mula sa kanyan bibig kundi ang salitang galit siya sa akin. "Miss, saglit! Hintayin mo ako! Miss!" tawag ko sa babaeng unti-unting naglalaho na sa paningin ko. Gusto ko siyang habulin kaya lang wala sa sarilng napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa balikat ko "Elias...cous! nightmare?" seryosong tanong ng taong nasa harapan ko. Kunot noo kong inili
AMERY HEART POV PAGKALABAS namin ng hospital, direcho kami sa bahay na sinasabi ni Christopher. Tama siya...mas magiging kumportable kami sa sinasabi niyang bahay kaya pumayag na din ako. Sa bawat desisyon na gagawin ko, itinatak ko sa isipan ko na palagi kong isaalang-alang sila Katrina at Baby Elizabeth. Sakto naman dahil ang bahay na ito ay halos kalapit lang ng isang private School kung saan balak kong i-enroll si Baby Elizabeth sa susunod na pasukan. Ilang araw lang din ang lumipas, dumating ng bansa si Kuya Luis. Muling bumaha ng luha sa pagitan naming dalawa nang magkita kami. Kahit na pareho kaming umiiyak, hindi pa rin nawala ang sermon niya sa akin. Kagaya lang din naman sa mga tanong sa akin ni Christopher ang mga tanong ni Kuya Luis kaya pahapyaw ko na ding kinwento sa kanya kung anong naging buhay ko sa gubat. "I am totally healed pero wala akong balak na mag stay dito sa Pinas ng matagal. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo." seryosong wika nito sa akin per
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang itong nagpakandong kay Oliver. Napansin ko na simula noong nailigtas nila kami sa gubat, nagiging malapit si Elizabeth kay Oliver since ito ang may karga noon sa kanya noong nillisan na namin ang gubat. "Okay...pero bago iyan, pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone mo? Gusto kong tawagan ang kapatid ko. Si Kuya Luis." seryonsong bigkas ko. Kaagad niya namang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. "Si Luis Delgado?" seryosong tanong niya. Kaagad namana kong tumango "Kilala mo siya?" tanong ko "Yes, of course...ka tandem ko siya sa paghahanap sa iyo at sa paghuli sa mga kidnappers." seryosong sagot niya sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. "Bumalik ng bansa si Kuya? I mean,
AMERY HEART POV Parang panaginip lang ang lahat dahil namalayan ko na lang na walang pag-aalinlangan na pinagtulungan nila akong buhatin palabas ng gubat. Tahimik lang din na nakasunod si Katrina habang karga naman ng isa pang lalaki ang anak kong si Elizabeth. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon lalabas ako ng gubat at aminado ako sa sarili ko na masaya ako. Siguro tama na ang pagtatago at kailangan ko nang harapin ang totoo kong buhay na naghihintay sa akin sa kabihasnan Alam kong mabigat ako. Nararamdaman ko iyan dahil salit-salitan nila akong binubuhat nila Christopher at tatlo niya pang mga kaibigan. Nahihiya man ako pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Tsaka na lang siguro ako babawi sa kanila kapag magaling na ako. Pagkatapos ng halos tatlong oras na paglalakad sa wakas narating din namin ang pinaka-bukana ng gubat kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila. Dalawang sasakyan kaya kaagad nila kaming isinakay at itinkabo nila ako sa pinakamalapit n
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at imbes na gumaling ako, lalo akong inapoy ng lagnat. Sobrang naaawa ako kay Katrina dahil alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Ilang beses na din ako nitong kinulit at nagpaalam na lalabas daw ng gubat para mabilhan ako ng gamot pero hindi ako pumapayag. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Katrina. Hindi siya sanay sa kabihasnan at baka mapahamak lang siya. Nagising ako na tanging si Eliazabeth lang ang nasa tabi ko. Wala si Katrina kaya hindi ko maiwasan na makaramdan ng takot. Baka kasi hindi ito nagpapigil at lumabas na ng gubat eh. "Nasaan ang Ate Katrina mo, anak?" malumanay kong tanong sa anak kong si Elizabeth. "Lumabas po Nanay! Sabi po niya, kukuha lang daw siya ng pagkain." bibong sagot naman ng anak ko. Malungkot naman akong napangiti. Kung hindi sana ako nagkasakit, dalawa sana kami ni Katrina ngayun ang naghahanap ng pagkain namin. "Kanina pa ba siya umalis?" muli kong tano
THIRD PERSON POV "Talaga bang tutulungan mo kami? Hi-hindi ba kayo masamang tao?" seryosong tanong ni Katrina sa mga kaharap niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Gustuhin man niyang umiwas sa mga lalaking nasa paligid niya pero natatakot naman siya sa kalagayan ng Ate Amery niya ngayun. Kasalukuyan itong nagdedeliryo sa taas ng lagnat at sa mga sandaling ito, kailangan niyang sumugal para sa kapakanan nito. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang taong naging kasama niya na sa loob ng tatlong taon. "Oo naman! Mababait kaming tao at pwede mo kaming pagkatiwalaan." seryosong sagot ng lalaking kaharap niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mpatitig dito. Unang kita pa lang niya sa lalaking ito kanina, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao, Kinakabahan niya at the same time hindi niya maiwasan na makaramdam ng kung anong istrangherong damdamin sa puso niya. "Wala na akong ibang maasahan kundi kayo lang. Ay