JENNIFER POV 'HEY, bakit parang sobrang tahimik mo yata? Nahihilo ka pa rin ba? May gusto ka bang kainin?" narinig kong tanong sa akin ni Elijah! Kakagaling lang kami ng hospital at simula noong nalaman ko ang pagdadalang tao ko, aminado ako sa sarili ko na bigla akong natakot! Natatakot ako sa katotohanan na baka ayawan nya na ako kapag maibigay ko na ang anak na hinahanap niya sa akin! Ang tuwang nararamdaman ko sa tuwing kasama siya ay biglang naglaho! Bigla akong nagkaroon ng agam-agam at takot sa puso ko! Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mabuhay kung sakaling basta niya na lang akong talikuran! Nakita ko talaga sa mukha niya kanina ang tuwa nang malaman niya ang tungkol sa pagdadalang tao ko! "Hindi, ayos lang ako! Napagod lang siguro ako sa biyahe pero ayos lang ako!" pilit ang ngiting sagot ko sa kanya! "Humilig ka muna sa balikat ko! Sinabi naman ni Doc kanina na normal lang na makakaramdam ka ng hilo sa lahat ng oras! Don't worry, nandito lang ako sa tabi mo at
JENNIFER MADLANG-AWA POV MAAYOS naman akong nakarating malapit sa may living room kung saan nakita ko na seryosong nag-uusap ang mag-ina! Naghanap ako ng mapi-pwestuhan na hindi nila ako mapapansin para mapakingan ang kung ano man ang pinag-uusapan nila ngayun! Alam kong masama ang makinig sa pag-uusap ng ibang tao pero tuluyan na din akong kinain ng matinding curiosity! "Ano ba? Ano na lang ba ang gagawin ko sa inyong magkambal para tumino lang kayo pagdating sa pakikipag-relasyon sa mga babae?" katagang una kong narinig mula sa bibig ng Mommy ni Elijah kaya naman napahinto na ako! Dito sa pipwestuhan ko, mukhang sagap na sagap ko na ang kung ano man ang pinag-uusapa nila ngayun! "Mom, I am sorry pero buo na po ang desisyon ko! Sa mga nangyari sa buhay ko, anak na lang ang kailangan ko!" seryosong sagot naman ni Elijah! Bigla kong naramdaman ang pagkalabog ng puso ko dahil sa narinig ko sa kanya! KUng ganoon, confirm! Kung ano man ang pakay niya noon sa akin ganoon pa ri
JENNIFER MADALANG-AWA! PASIMPLE kong pinunasan ang luha mula sa aking mga mata nang maramdaman ko ang pagbukas-sara ng pintuan ng kwarto! Tapos na sigurong mag-usap si Elijah at ang Mommy niya dahil nagawa niya nang bumalik dito sa silid! Hindi niya ako pwedeng makita na umiiyak ako kaya kaagad ko na ding ipinikit ang aking mga mata at mas sinadya ko na lang ang matulog-tulugan! Ayaw ko muna siyang makausap sa ngayun at the same time ayaw ko ding makita niya ako sa ganitong sitwasyon! Tiyak ako na uulanin niya ako ng mga katanungan kapag mapansin nya ang namamaga kong mga mata dulot ng pag-iyak! Wala naman akong planong sumbatan siya at sabihin sa kanya na alam ko na ang totoo tungkol sa kung ano man ang plano niya sa akin at sa ipinagbubuntis ko ngayun! Alam ko sa sarili ko na hindi ako mananalo kung sakaling sumbatan ko man siya ngayun kaya mas mainam na magkunwari sa harapan niya na wala akong nalalaman! Para naman makakilos pa rin ako ng malaya dito sa bahay! Tam
JENNIFER MADLANG-AWA POV 'GOOD evening Mam! Ready na po ang dinner niyo! Gusto niyo po bang dalhan ko nalang kayo ng pagkain dito sa silid niyo po or bababa kayo ng dining area?" magalang na tanong ni Manang Salve sa akin! Nakahiga pa rin ako ngayun sa kama at sobrang tinatamad akong bumangon! Alam kong maga na din ang mga mata ko sa halos maghapon na pag-iyak pero kailangan ko ding bumaba ng dining area para makakain! Gutom na ako at kahit na nasasaktan ako ngayun kailangan kong isipin ang baby na nasa sinapupunan ko! "Sige po Manang! Bababa na po ako! Si Sir Elijah niyo nga po pala... nandiyan na ba siya?" mahinang tanong ko! Kapag nandito sa bahay si Elijah, dito siya palagi sa silid tumatambay! Inihatid niya lang naman ang mommy niya sa bahay nito kaya alam kong uuwi din siya dito! "Wala pa po Mam! Pero tumawag po siya na baka po gagabihin siya! Birthday daw po kasi ngayung ng isa niyang pinsan at kailangan niya pong umattend!" nakangiting sagot naman ni Manang Salve sa ak
JENNIFER MADLANG-AWA POV "NAMAMAGA ang ma mata mo? Ano ang nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?" muling tanong ni Elijah sa akin! Hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot ko! Sa totoo lang masama talaga ang loob ko sa kanya at hangang maari, iniiwasan kong magsalita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung ano pa ang masabi ko sa kanya! Buong gabi siyang hindi umuwi at nagawa niyang tumawag sa kasambahay samantalang sa akin hindi! Sabagay, sino ba naman ako sa buhay niya? I think, simula ngayung araw, hindi na ako aasa pa na magiging pareho ang pagtrato niya sa akin noon kumpara sa ngayun! "Pwede ko na ba siyang tingnan? Pwede ko na bang icheck ang heatlh conditions niya?" narinig ko namang tanong ni Doc Elias kaya wala sa sariling napatingin ako sa kanya! May ngiting nakaguhit sa labi nito habang nakatayo siya sa likuran ni Elijah at kanina pa yata nakikinig sa mga tanong ng kakambal niya sa akin! "Ayos lang po ako Doc! I think normal lang sa isang bab
JENNIFER MADLANG-AWA POV 'I HAVE TO GO! Tapos ko na siyang tingnan at maayos naman ang kalagayan niya! Pero siyempre, need niya ng pahinga at bigyan mo siya ng mga masusustansiyang pagkain! Need niya din ang makapag-relax at magpahinga at iwasan mo siyang ma-stress!'" kaagad na bigkas ni Doc Elias sabay tayo! Naglakad na ito patungo sa may pintuan ng silid at muling lumingon! "Jennifer...ang sinabi ko sa iyo kanina, tandaan mo!" pahabol nya pang bigkas bago tuluyang lumabas ng pintuan ng silid! Napansin ko pa ngang kunot noo itong nasundan ni Elijah ng tingin! Nagtataka marahli sa huling katagang binitiwan ng kakambal niya! "Anoa ng sabi niya? Ano ang ginawa sa iyo ng kapatid ko?" seryosong tanong niya sa akin! Ipinatong niya ang dala niyang tubig sa table at mabilis na naglakad palapit sa akin! Inayos ang unan pagkatapos inalalayan niya akong maisandal sa headboard ng kama! "Inexamine niya lang ako at maayos naman daw ang kalagayan ko! KUng ano man daw ang mga nararamdaman ko
JENNIFER MADLANG AWA POV "NAKAALIS na ba si Elijah, Manang?" nakangiting tanong ko kay Manang habang nakaupo pa rin ako dito sa dining area! Tinangal na nila ang mga pagkain na nasa harapan ko dahil ayaw kong kainin at nagdrama pa ako kanina na nasusuka! "Opo Mam! Kagaya po ng gusto niyo, siya po ang bibili ng gusto niyong fried chicken!" nakangiting sagot nito sa akin! Hindi ko na napigilan pa ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko! Hindi ko talaga akalain na susundin nil Elijah ang nais ko ngayung umaga! "Eh, nasaan na po ang sinangag, Manang?" tanong ko1 "Ha? Bakit po, kakainin niyo po?" nagtataka niyang tanong! "Opo! Para kasing masarap eh! Pakihain na lang po at kakain na po ako! Gutom na po talaga ako eh!" nakangiting sagot ko sa kanya! Napansin ko pa nga ang pag-aalangan sa mukha ni Manang habang muling ibinabalik sa harapan ko ang mga pagkain na niligpit na nila kanina! Hindi ko na lang pinansin pa bagkos mabilis na din akong kumain! Wala akong nararamdamang cr
JENNIFER MADLANG-AWA POV "SIGE, kung ayaw mo na nang mga pagkain na ito, ano na lang ang gusto mo?" malumanay na tanong niya sa akin Patuloy pa rin ako sa peke kong pag-iyak! WAlang luha kaya ayaw kong tangalin ang dalawa kong kamay na nakatakip sa aking mukha! Mahirap na at baka mahuli niya pa ako na nagda-drama lang eh! "Huwag na lang! Galit ka na eh!" bigkas ko na sinabayan ko pa ng paghikbi! Para mas epektibo! "Hindi pwedeng huwag nalang! Ano na lang ang mangyayari sa iyo at sa baby natin kung ganiyan ka? Well, ganito na lang...kung hindi ka makapagdecide kung ano ang gusto mong kainin....mabuti pang lumabas tayo!" bigkas niya kaya naman hindi ko maiwasan na magulat! Pigil ko din ang sarili ko na mag-angat ng tingin dahil baka mahuli niya ako na nagdadrama ako! "Lalabas? Saan?" mahiang tanong ko sa kanya! Talagang pinalungkot ko pa ang boses ko. "SA mall kung saan pwede kang makapamili ng mga pagkain na pwede mong kainin!" narinig kong sagot niya! Lalo akong nagulat!
AMERY HEART POV "Amery, nakausap ko si Tita kahapon. Kinumusta niya sa akin kung ano na ang balita sa paghahanap sa iyo." seryosong wika sa akin ni Christopher habang nandito kami sa isang coffee shop. Sila Katrina at Elizabeth ay nasa kids zone kasama si Oliver dahil nagpahayag itong si Christopher sa akin na gusto niya daw akong kausapin ng masinsinan. "Kumusta siya?" seryosong tanong ko "Ayun, malungkot lalo na at ang apo niya kay Elias at Rebecca ay mas sakit na leukemia." seryoso nitong sambit. Hindi ko naman maiwasan na magulat. "A-ano? Anong sabi mo? May sakit na leukemia ang anak ni Elias at Rebecca?" gulat kong bigkas. Kaagad naman siyang tumango. "Yes...at Isa din sa dahilan ang bagay na iyan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang plano nilang pagpapakasal." seryosong sambit nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Amery, hangang kailan mo sila iiwasan? Masyado na silang nag-aalala sa iyo. Gusto ka na nilang makita." seryosong muli niyang bigkas. Hindi ko na
AMERY HEART POV '"Ano ang gusto niyo? Shopping muna or kain muna?" nakangiting tanong ni Oliver sa amin. Nandito na kami sa loob ng mall habang as usual nasa bisig niya na naman si Baby Elizabeth. Ang hilig magpakarga ng anak kong ito. Habang nagtatagal, napapansin ko na palambing nang palambing siya kay Oliver. "Elizabeth, nakakahiya na si Tito mo....bumaba ka na diyan anak. Big girl ka na eh." nakangiti kong sambit. Imbes na sagutin ko ang tanong ni Oliver kanina, ang anak ko muna ang uunahin ko. Nakakahiya na kasi dito kay Oliver. Gusto lang naman niyang ipasyal kami pero hindi naman kasama sa usapan na maging kargador siya ng anak ko. "Mommy, Tito Oliver said na ayos lang daw po." nakagiting wika ni Elizabeth. "No! Not okay baby. Malaki ka na at iwasan mo nang magpabuhat kay Tito. Tsaka, tingnan mo ang ibang mga bata...ayaw nga din nilang magpakarga oh?" seryosong sambit ko. Ilang beses ko nang pinakiusapan itong si Oliver na huwag niya masyadong i-spoild itong si El
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV KAKATAPOS lang namin mag-usap ni Christopher nang dumating naman si Rebecca at ang anak namin na si Liam. Mahigit dalawang taon pa lang si Liam at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng habag dito nang mapansin ko kung gaano ito pinapahirapan ng sakit ng Leukemia. Yes...sa batang edad nito tinamaan ito ng ganoon kalubhang sakit. HIndi ko alam kung paanong nangyari pero simula noong ipinanganak ito mahina na talaga ang bata at three months ago, lumabas sa pagsusuri ng doctor na may sakit ngang leukemia ang anak ko. Masakit para sa akin. May ari ako ng isa sa pinakamalaking hospital ng bansa pero wala akong magawa para magamot ang anak ko. Wala akong magawa para maibsan ang paghihirap ng sarili kong anak. "Elias, gusto ka daw makita ni Liam." nakangiting wika ni Rebecca sa akin.. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, mabilis akong tumayo at nilapitan ang anak ko na nakaupo sa kanyang troller. "Da-ddy!" narinig kong tawag sa akin ng anak ko. HIndi k
ELIAS POV "I HATE YOU! Pinabayaan mo kami at hinding hindi kita mapapatawad!" umiiyak na bigkas ng isang babae na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa magkabilaan kong tainga dahil doon. Pakiramdan ko, parang hinihiwa ng libo-libong karayom ang puso ko habang pinapakingan ko ang panaghoy niya. Ramdam ko sa bawat pag-iyak niya ng sakit na para bang ako na yata ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng lupa. "Bakit...sino ka? Kilala ba kita?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Akmang hahawakan ko sana siya kaya lang mabilis na siyang lumayo sa akin. Wala akong ibang nariring mula sa kanyan bibig kundi ang salitang galit siya sa akin. "Miss, saglit! Hintayin mo ako! Miss!" tawag ko sa babaeng unti-unting naglalaho na sa paningin ko. Gusto ko siyang habulin kaya lang wala sa sarilng napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa balikat ko "Elias...cous! nightmare?" seryosong tanong ng taong nasa harapan ko. Kunot noo kong inili
AMERY HEART POV PAGKALABAS namin ng hospital, direcho kami sa bahay na sinasabi ni Christopher. Tama siya...mas magiging kumportable kami sa sinasabi niyang bahay kaya pumayag na din ako. Sa bawat desisyon na gagawin ko, itinatak ko sa isipan ko na palagi kong isaalang-alang sila Katrina at Baby Elizabeth. Sakto naman dahil ang bahay na ito ay halos kalapit lang ng isang private School kung saan balak kong i-enroll si Baby Elizabeth sa susunod na pasukan. Ilang araw lang din ang lumipas, dumating ng bansa si Kuya Luis. Muling bumaha ng luha sa pagitan naming dalawa nang magkita kami. Kahit na pareho kaming umiiyak, hindi pa rin nawala ang sermon niya sa akin. Kagaya lang din naman sa mga tanong sa akin ni Christopher ang mga tanong ni Kuya Luis kaya pahapyaw ko na ding kinwento sa kanya kung anong naging buhay ko sa gubat. "I am totally healed pero wala akong balak na mag stay dito sa Pinas ng matagal. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo." seryosong wika nito sa akin per
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang itong nagpakandong kay Oliver. Napansin ko na simula noong nailigtas nila kami sa gubat, nagiging malapit si Elizabeth kay Oliver since ito ang may karga noon sa kanya noong nillisan na namin ang gubat. "Okay...pero bago iyan, pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone mo? Gusto kong tawagan ang kapatid ko. Si Kuya Luis." seryonsong bigkas ko. Kaagad niya namang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. "Si Luis Delgado?" seryosong tanong niya. Kaagad namana kong tumango "Kilala mo siya?" tanong ko "Yes, of course...ka tandem ko siya sa paghahanap sa iyo at sa paghuli sa mga kidnappers." seryosong sagot niya sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. "Bumalik ng bansa si Kuya? I mean,
AMERY HEART POV Parang panaginip lang ang lahat dahil namalayan ko na lang na walang pag-aalinlangan na pinagtulungan nila akong buhatin palabas ng gubat. Tahimik lang din na nakasunod si Katrina habang karga naman ng isa pang lalaki ang anak kong si Elizabeth. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon lalabas ako ng gubat at aminado ako sa sarili ko na masaya ako. Siguro tama na ang pagtatago at kailangan ko nang harapin ang totoo kong buhay na naghihintay sa akin sa kabihasnan Alam kong mabigat ako. Nararamdaman ko iyan dahil salit-salitan nila akong binubuhat nila Christopher at tatlo niya pang mga kaibigan. Nahihiya man ako pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Tsaka na lang siguro ako babawi sa kanila kapag magaling na ako. Pagkatapos ng halos tatlong oras na paglalakad sa wakas narating din namin ang pinaka-bukana ng gubat kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila. Dalawang sasakyan kaya kaagad nila kaming isinakay at itinkabo nila ako sa pinakamalapit n
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at imbes na gumaling ako, lalo akong inapoy ng lagnat. Sobrang naaawa ako kay Katrina dahil alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Ilang beses na din ako nitong kinulit at nagpaalam na lalabas daw ng gubat para mabilhan ako ng gamot pero hindi ako pumapayag. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Katrina. Hindi siya sanay sa kabihasnan at baka mapahamak lang siya. Nagising ako na tanging si Eliazabeth lang ang nasa tabi ko. Wala si Katrina kaya hindi ko maiwasan na makaramdan ng takot. Baka kasi hindi ito nagpapigil at lumabas na ng gubat eh. "Nasaan ang Ate Katrina mo, anak?" malumanay kong tanong sa anak kong si Elizabeth. "Lumabas po Nanay! Sabi po niya, kukuha lang daw siya ng pagkain." bibong sagot naman ng anak ko. Malungkot naman akong napangiti. Kung hindi sana ako nagkasakit, dalawa sana kami ni Katrina ngayun ang naghahanap ng pagkain namin. "Kanina pa ba siya umalis?" muli kong tano
THIRD PERSON POV "Talaga bang tutulungan mo kami? Hi-hindi ba kayo masamang tao?" seryosong tanong ni Katrina sa mga kaharap niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Gustuhin man niyang umiwas sa mga lalaking nasa paligid niya pero natatakot naman siya sa kalagayan ng Ate Amery niya ngayun. Kasalukuyan itong nagdedeliryo sa taas ng lagnat at sa mga sandaling ito, kailangan niyang sumugal para sa kapakanan nito. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang taong naging kasama niya na sa loob ng tatlong taon. "Oo naman! Mababait kaming tao at pwede mo kaming pagkatiwalaan." seryosong sagot ng lalaking kaharap niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mpatitig dito. Unang kita pa lang niya sa lalaking ito kanina, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao, Kinakabahan niya at the same time hindi niya maiwasan na makaramdam ng kung anong istrangherong damdamin sa puso niya. "Wala na akong ibang maasahan kundi kayo lang. Ay