CHRISTOPHER KANINA pa siya hindi mapalagay. Abot-abot ang kaba sa dibdib niya habang palapit nang palapit ang oras ng kasal nilang dalawa ni Katrina. Feeling niya, pawis na pawis na nga siya dahil sa kaba eh. Ewan niya ba, minuto na lang ang hinihintay niya para makasama ang babaeng mahal niya na humarap sa dambana, palakas naman nang palakas ang tensiyon na nararamdaman niya sa puso niya. “Relax lang brother-in-law! Parang kabado ka masyado ah?” hindi na yata nakayanan ng Best man niyang si Jullius na kapatid din ni Katrina at kinausap na siya nito. “I can’ help it! Ewan ko ba kung normal pa ba itong nararamdaman ko but I think, simula bukas kailangan ko na yatang umiwas sa kape. Grabe talaga ang nerbiyos ko eh.” Sagot din naman kaagad niya dito. Tapik sa balikat ang naging tugon nito sabay turo sa balcony ng Villa. Napatingala siya at parang huminto ang oras niya nang makita niya si Katrina doon. Suot na nito ang traje de boda at nakangiting nakatitig din sa kanya. Napaganda
KATRINA/JULLIANNE “Oh, thank you, Katrina! Promise, hindi ka magsisisi! Sa pagkakataon na ito, sisiguraduhin kong magiging mabuti akong asawa sa iyo at ama ng mga anak natin.” Nakangiting wika ni Christpher sa kanya. Hindi na siya nakahuma pa nang mahigpit siya nitong niyakap at hinalikan sa labi. Hindi din siya makapaniwala. Sumuko na siya dati. Ang akala niya wala naman talagang forever pero heto siya. Muling nanumbalik ang masaya at genuine na ngiti sa labi niya. Mabilis ang paglipas ng mga araw. Sa wakas, natapos din ang pelikula na ginawa niya. Kumita iyun sa takilya kaya naman sobrang tuwa niya at feeling niya, sulit lahat ng effort na binigay niya sa nasabing pelikula. Lahat ng pagod, puyat ay nasuklian dahil kahit na first time at kaagad na tinangkilik iyun ng mga manood! Kabi-kabilaang offer ang dumating sa kanya pero lahat iyun ay tinanggihan niya. Nakakapanghinayang tangihan ang isang pambihirang opportunity na dumating sa buhay niya pero, ayaw niya nang magpaka-b
KATRINA/JULLIANNE “Yes, they are! My Grandpapa and Grandmama!” nakangiti nitong wika pero halata sa boses nito ang lungkot. Hindi niya naman mapigilan na mapatitig sa nasabing larawan. “Ang ganda ng Lola mo tsaka ang gwapo ng Lolo mo! Kamukha siya ng Daddy at Uncle Rafael mo.” Nakangiti niyang wika. Totoo naman kasi eh. Ang ganda ng Lola nitong si Chrstopher. Para itong isang anghel. Napakganda ng mukha nito at parang napakabait din tingnan. “Yes…talagang sobrang ganda niyang si Grandmama, gwapo si Grandpapa, but you know what! I miss them both. Namimiss ko na silang dalawa. Halos sabay silang nagpaalam dito sa mundong ibabaw. Halos hindi namin matangap iyun at ilang buwan din kaming nagluksa sa pagpanaw nila. Iniisip na lang namin na hangang sa kabilang buhay, masaya pa rin silang magkasama at kailangan naming tangapin ang katotohanan na wala na sila.” Sa pagkakataon na ito, mas naramdaman niya ang lungkot sa boses ni Christopher. Wala sa sariling napahawak siya sa braso nit
KATRINA/JULLIANNE “Teka lang, Christopher, saan tayo pupunta? Akala ko ba uuwi na tayo pero bakit parang ibang way naman itong dinadaanan natin?” seryosong tanong niya kay Christopher. Natupad nga ang nais nito kaya lang, hindi niya naman alam kung saan sila patutungo. Kanina pa tumatakbo ang sasakyan pero feeling niya walang katapusang biyahe ang nangyayari sa kanila ngayun. “Relax ka lang diyan. Kung pagod ka, matulog ka. Makakarating din tayo sa patutunguhan natin.” Nakangiting sagot nito. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapasimangot. Grabe kasi talaga ang tupak ng lalaking ito eh. Kagaya ng dati, bigla-biglang nagdedesisyon ng mga bagay-bagay na hindi man lang pinapaalam sa kanya. Wala sa sariling napatitig siya sa labas ng sasakyan. Nasa expressway sila at feeling niya patungo sila sa Batangas eh. Hmmp, ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito? Imbes na patuloy na makipag-usap siya dito kay Christopher at ma-stress lang siya, pinagkasya niya ang sarili niya
KATRINA/JULLIANNE “Christopher, teka lang naman! Baka naman may makakita sa atin niyan ha?” angal niya dito. Paano ba naman kasi, basta na lang siya nito gustong balatan este, hubaran ng kanyang kasuotan. Eh, nandito nga sila sa loob ng ginawang dressing room na tent lang eh. Nakakahiya kung may makahuli sa kanila. “Sshhh, kapag patuloy kang mag-iingay diyan talagang mahuhuli tayo.” Nakangisi nitong sagot sa kanya. Nakasimangot naman kaagad niya itong itinulak. Siya ay tigilan ng taong ito eh. Basta gustong umiskor, wala talagang makakapigil kahit nasa alanganing lugar pa. “Huwag dito! Hindi pwede!” angal niya. Nakawala naman siya dito kaya naman mabilis niyang inayos ang kanyang mga kasuotan. Pambihira, pahamak talaga eh. “Tsk! Tsk! Kakasupin ko iyang director niyo. Kapag hindi ka payagan na umuwi ngayung araw, hindi ko papayagan na ipalabas iyang pelikula niyo sa lahat ng mall na pag-aari ng Villarama Clan. Bahala kayo kung malugi kayo.” Seryoso nitong wika at akmang maglal
“IHA, Naku, ang maganda kong manugang. Kumusta ka?” nakangiting bati sa kanya ni Tita Carmela. Awtomatiko siyang napangiti. Grabe naman si Tita Carmela. Manugang kaagad ang turing sa kanya gayung wala pa namang proposal ng kasal na nagaganap sa pagitan nilang dalawa ni Christopher. “Mabuti po, Tita! Tsaka thank you po dahil dinalaw niyo po ang mga apo niyo.” Nakangiting sagot niya dito. Kung hindi pa ibinalita ng isa sa mga Yaya’s na dumating na daw ang mga magulang ni Christopher, wala pa silang balak na lumabas ni Christopher ng kwarto eh. Paano ba naman kasi, mas gusto niya sanang magpahinga pagkatapos kumain ng breakfast. Gusto niyang matulog nang matulog buong maghapon. “Oo naman! Asahan mo na sa mga susunod na araw, palagi kaming laman ng bahay mo. Hindi ko matiis ang mga cute kong mga apo. Gusto namin silang palaging nakikita.” Nakangiting sagot nito. Doble-dobleng tuwa naman ang nararamdaman ng puso niya. Ang bait kasi talaga ni Tita Carmela sa kanya eh. Pati na din si