เข้าสู่ระบบJACQUELINE POV Masasanay? Parang hindi yata. Malabong mangyari iyun lalo at ang kasal na ito ay hindi ko naman inaasahan na magtatagal. Maghihiwalay din kami sa takdang oras kaya naman dapat hindi ako nasanay sa ganitong buhay. Oo, pwede kong i-enjoy for experience na din pero hindi ko pwedeng asahan na palagi itong mangyayari sa buhay ko. Dahil naniniwala pa rin ako na ang lahat ay may katapusan. Muli akong napatitig kay Russell at nang mapansin ko ang kakaibang pagkakatitig niya sa akin kaagad din akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang mas nakakabigla, ang yaman niya, o ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Ramdam ko din tuloy ang kakaibang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ako sanay na ganito. Hindi ako sanay na titigan niya ako ng ganito na para bang may something sa akin? Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa nang lumapit ang isang flight attendant at magalang kaming tinanong kung may gusto ba kaming inumin. Hindi ko na alam kung paano
JACQUELINE POV NAGPAHINGA lang ako ng halos isang oras at muli akong kinatok ni Manang Esther sa kwarto. Nasa ibaba na daw si Russell, hinihintay daw ako. Oras na kasi para bumiyahe patungo sa airport kaya kahit na nag-aalangan kaagad na din akong nag-ayos. Pagkatapos kong mag-ayos, kaagad na din akong bumaba. Awkward kasi ngayun ko lang din tuluyang naisip na wala pala akong gamit na dala. Ni cellphone, wala at kung ano lang ang damit na suot ko ngayun, iyun lang talaga Imagine, ako lang yata ang magta-travel sa ibang bansa na walang bitbit na kahit ano. At ngayun ko lang din naisip na kapag magtravel, kailangan din ng passport. "Hayssst, ano ba iyan, Jackie. Paano ka makakaalis ng airport niyan?" mahina kong usal sa aking sarili Hindi ko alam kung aware din ba si Russell sa problemang kinakaharap ko ngayun. Pero, sana aware siya. Sayang naman ang ticket. Nauna ang excitement ko tapos wala naman pala akong passpart na hawak At habang pababa ako ng hagdan, natanaw ko
JACQUELINE POV “Huh?” “Let’s go. Nasa second floor ang kwarto mo,” muli niyang wika sabay talikod sa akin. Naglakad siya papunta sa hagdan nang hindi na lumilingon. Saglit akong natigilan bago sumunod. Habang paakyat kami, wala akong ibang naririnig kundi ang mahina naming yapak. Tahimik kaming dalawa pero hindi ko mapigilan ang pakatitigan siya mula sa kanyang likod. Malaking tao si Russell, matangkad, malapad ang balikat at higit sa lahat gwapo. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong-hininga. Sa pagkakataon na ito, ayaw ko nang humiling pa pero parang gusto kong tanungin ang sarili ko kung ano kaya ang feeling kapag mahalin ng isang lalaking kagaya ni Russell Nagkaroon na ako ng nobyo sa katauhan ni Romnick Martin na hiniwalayan ako dahil ipinagpalit ako kay Aimee. Pero, hindi masakit ang paghihiwalay namin. Oo, nanghihinayang ako sa halos dalawang taon na din naming relasyon pero dapat ko nang ibaon sa limot ang lahat. Lalo na at ayaw ko sa lalaking manluluko.
JACQUELINE POV "So, dito na tayo titira? Totoo ba?" wala sa sariing tanong ko. Hindi ako materialistic na tao pero ang tumira sa ganito kagandang bahay ay parang dream come true para sa akin. Feeling ko tuloy, nang sandaling ito, nasa loob ako ng isang fairy tale. Na si Russell ang aking prince charming na kaya niyang ibigay lahat ng nais ko Hindi ko na nga namalayan ang tuluyang paghinto ng sasakyan at pagbaba ni Russell. eh. Nakatitig pa rin ako sa napakagandang bahay na nakikita ko sa may unahan ko lang "Hey, don't tell me na uupo ka na lang diyan? Let's go?" nakangiti niyang wika. Napakurap ako ng makailang ulit bago dahan-dahan na tumango. Pagkababa ko ng kotse, magkaagapay kaming dalawa ni Russell na naglakad papasok sa bahay.. Pagkapasok namin sa loob, mas lalo akong humanga sa aking mga nakikita. ****** “Wow… grabe, ang ganda,” hindi ko mapigilang bulong habang nakatingala sa napakalaking chandelier na nakasabit sa kisame. Kumikinang iyon sa bawat galaw ng il
JACQUELINE POV 'IHA, MAG-INGAT KAYO!" maluha-luhang wika ni Daddy habang pasakay ako sa kotse ni Russell. Si Manang, nasa loob na ng sasakyan. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Hindi din naman ako sigurado kung bukal ba sa kalooban ang katagang binitiwan niya eh. Siguro naman, hindi ako maging masamang anak kung ayaw kong paniwalaan ang mga sinasabi niya ngayun eh. Baka nga pakitang tao lang lalo na at kasama ko si Russell. At kung gusto niya mang maging mabuting ama sa akin, mukhang huli na yata. Gayunpaman, ayaw ko nang pagtoonan ng pansin ang lahat ng iyun. Nandito na ako sa sandaling malaya na ako. At kahit papaano, masaya na ako dahil ito na ang umpisa nang pagbabago ng buhay ko. Hindi na ako gigising sa umaga na bunganga ni Tita Norma ang palagi kong naririnig. Malayo na din ako sa pambubully ni Aimee. "Salamat, kayo din po, mag-ingat!" seryoso kong sagot at pagkatapos noon, tuluyan na din akong sumakay ng sasakyan. Naupo ako sa tabi ng driver's seat. Katab
JACQUELINE POV Ayaw pa sanang umalis nina Tita Norma at Aimee, pero nang muling tingnan sila ni Daddy nang masama, wala silang nagawa kundi sumunod. Sumunod din si Daddy palabas, kaya’t naiwan ako sa silid kasama si Manang Esther. Agad namang lumapit si Manang Esther sa akin. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko, may ngiti sa labi ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. “Mukhang mabait ang asawa mo. Masaya ako para sa iyo. Sa wakas, makakaalis ka na rin sa poder nila.” Nakangiti niyang wika sa akin. “Manang…” napangiti ako kahit may luha sa mga mata. “Salamat po. Simula bata pa ako, nandiyan na kayo. Kayo ang nag-alaga sa akin kahit pakiramdam ko, iniwan na ako ng lahat.” “Naku, wala iyon. Hindi ka na iba sa akin. At ngayong may sarili ka nang pamilya, panatag na rin ang loob ko.” Nakangiti niyang sambit. “Manang, basta, kayo pa rin po ang palagi kong tagapagtanggol at kahit na wala na akong balak na umapak ulit sa bahay na ito, magkikita pa rin tayo. Promise
JENNIFER POV HINDI naman naglaon, naging okay din naman si Veronica. Kumalas sa pagkakayakap sa asawa niyang si Rafael at naghanap na din ng makakain. Ginutom daw kasi siya. Mukhang kalmado na din at nagawa na din nitong ngumiti. Mukhang yakap lang ng asawa ang kailangan para mawala ang takot
AMERY HEART POV Makailang beses pang naglabas pasok si Elias sa madulas kong kweba bago ko naramdaman na para bang may kung anong bagay ang biglang namuo sa puson ko. Malapit na naman akong labasan. Halos tumirik na ang aking mga mata sa sunod niyang ginawa. Lalo niyang sinagad ang kanyang sand
AMERY HEART POV "Amery, napadalaw ka?" nakangiting tanong sa akin ni Elias nang mapansin niya ang presensya ko. Nakasunod kasi ang paningin ko sa kakalabas lang ng babae dito sa kanyang opisina habang naglalakad na ito palayo kaya hindi ko napasin ang paglabas nitong si Elias mula sa loob ng opis
AMERY HEART POV "Teka lang! La-lasing ka na yata kayo eh!" mahina kong sambit at mabilis na napaatras palayo sa kanya! Medyo marami din akong nainom ng alak pero nasa matinong pag-iisip pa naman ako. Aware pa naman ako sa mga nangyayari sa paligid ko. "Lasing? Yeah...maybe!" narinig kong mahina







