CHRISTOPHER “Ano ba? Ano ka ba? Hindi ka ba naaawa kay Miss Gonzales? Halos maihi na sa palda sa sobrang takot sa iyo kanina.” Nakangisi nitong tanong sa kanya. “Mind your own business! Kung pumunta ka lang dito para pagsabihAn ako sa naging pagtrato ko sa mga empleyado ko mabuti pang lumayas ka na.” seryosong sagot niya dito “Hey! Hey! Ito naman..ang sungit talaga! Kaya lang naman ako pumunta dito para sabihin sa iyo na umuwi ka ng maaga. Birthday ni Mommy mamaya at dapat kumpleto tayong magkapatid sa bahay.” Seryosong sagot nito sa kanya. " Hindi ko nakalimutan kaya lumayas ka na. Layas!” mainit ang ulo na sagot niya dito. Parang wala lang na muling natawa si Charles. Iiling iling na pinagmasdan niya ang kabuuan ng opisina ng kanyang kapatid at hindi niya mapigilan ang muling mapataas ng kilay nang mapansin niyang wala siyang ibang makita kundi puro pictures ni Katrina. Mapa-kwarto, opisina, penthouse pati na din bahay bakasyunan, hindi pwedeng walang litrato ni Katrina.
TWO YEARS LATER KATRINA “Jullianne (Katrina), are you sure na kaya mong bumalik ng bansa na hindi kasama ang mga bata? Pwede naman natin ilipat sa ibang araw ang schedule ng pictorial mo.” Seryosong wika ng Ate Jasmine niya sa kanya. Simula noong dumating sila dito sa bansang Japan, hindi na siya nakabalik pa ng Pinas. Dito na siya nanganak at dito na din niya balak palakahihin ang mga bata hangang sa dumating ang mga ito sa edad na pitong taong gulang. Unang apak pa lang ng mga paa niya dito sa bansang Japan, nagustuhan niya na eh. Wala na sana siyang balak pang bumalik ng Pinas sa ngayun kaya lang may schedule siyang pictorial ng produkto sa isa sa mga beach ng Pilipinas. Ito ang pangalawang pagkakataon na muli siyang sasalang sa pictorial mahigit isang taon pagkatapos niyang manganak. “Ate, kaya ko. Tsaka, mga limang araw lang naman ako sa Pinas eh. Babalik din naman kaagad ako dito sa Japan lalo na at alam niyo naman po na hindi ko kayang iwan ang triplets ng ganoon kat
“Nice shot! Grabe ang gaganda!” ilan lamang sa mga katagang narinig ni Jullianne (Katrina) habang isa-isang nirereview ang mga kuha niyang larawan. Aminado din siya sa kanyang sarili na sobrang nagandahan siya sa mga kuha sa kanya. Naka suot siya ng purple ng sleeveless dress na hangang hita lang ang haba. Kitang kita ang makinis niyang kutis na bagay lang sa ini-endorse niyang produkto ngayun. Isa iyung beauty soap at beauty lotion. Bagong produkto ng Unipak na mismong ang Ate Jasmine niya ang CEO. Kinunan din siya ng maiksing video clips para umano sa ipapalabas na commercial sa television. Hindi pa masyadong halata ang kanyang baby bump kaya nakakapag pose pa siya ng ganito. Pero baka sa mga susunod na lingo, tuluyan nang lalaki ang kanyang tiyan kaya naghahabol talaga sila ng mga shots. Sulit naman dahil nakisama ang panahon sa kanila. Umulan man ng yelo, sobrang lamig man ng buong paligid, kinaya niyang mag pose nang maayos para lang makakuha ng magandang shots. “Jullia
Nang muling mapag-isa sa loob ng kanyang silid si Christopher, dahan-dahhan niyang binuksan ang brown envelop na galing umano kay Katrina. Ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib niya lalo na at hindi niya alam kung ano ang nilalaman ng nasabing brown envelope. Ngunit, nang tuluyan niya nang mabuksana ng nasabing sobre, kaagad na nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang tumampad sa mga mata niya ang bracelet na iniregalo niya kay Katrina noon. Pakiramdam niya bigla siyang sinampal ng katotohanan kasabay ng pait na biglang gumuhit sa puso niya. Wala namang ibang laman ang nasabing brown envelop kundi bracelet lang. Walang kahit na anong note. Walang kahit na ano pa man. “Katrina..ano ang ibig nitong sabihin? Sumuko ka na ba? Kusa mo na ba akong sinukuan?” mahinang bulong niya sa kanyang sarili. Dinampot niya ang kanyang cellphone at walang pag-aatubili na idenial ang numero ng dalaga. Tapos na ang paninikis niya dito. Hindi niya na kaya. Kailangan niya si Katrina para may dahil
CHRISTOPHER SA loob ng kwato, wala nang ibang ginawa si Christopher kundi ang titigan ang mga larawan nilang dalawa ni Katrina na nasa gallery ng kanyang cellphone. Lalo siyang nakaramdam ng lungkot sa puso niya. Alam niya sa sarili niyang sobrang na miss niya na ang dalaga. Ito ang laman ng puso at isipan niya. Walang oras na hindi niya nababangit ang pangalan nito Ano ang nangyari sa kanila? Paanong napalitan ng luha ang dating masaya nilang relasyon? Nangako siya noon sa dalaga na mamahalin at aalagaan niya ito pero naging kabaliktaran ang lahat. Sinaktan niya ito. Pinaasa at pinaluha niya at ngayun mukhang wala nang pag-asa ang relasyon nilang dalawa. Siya na itong kusang sumuko. Siya na itong kusang nagtulak sa dalaga na layuan siya pero bakit ganoon? Bakit sobrang sakit pa rin? “Katrina? Mahal ko! Mahal na mahal kita” mahina niyang bulong sa kanyang sarili. Mariin siyang napapikit ng kanyang mga mata kasabay ng pagpatak ng lua sa kanyang mga mata. Miss na miss niya n
Mablis na lumipas ang mga araw. Matagumpay ang naging biyahe ni Katrina patungo sa Japan. Isang linggo lang silang namahinga at nag-umpisa na kaagad ang pictorial tungkol sa produkto na i-endorse niya. First time gawin ni Katrina ang ganitong bagay pero hindi naman siya nahirapan dahil palaging nakaalalay sa kanya ang Ate Jasmine niya. Palagi nitong sinisigurado na ayos lang siya kaya naman naging magaan lang sa kanya ang lahat-lahat. Feeling niya nga naglalaro lang siya eh. Samantalang si Christopher naman ay mas lalong naging mainitin ang ulo. Wala na itong ginagawa sa magahapon kundi ang magkulong sa kwarto. Ayaw din nitong makipag-usap kahit kanino na labis na nagbigay ng sakit ng ulo sa kanyang mga magulang. “Mom, baka naman nagpapakipot lang iyang si Christopher. Baka naman hinihintay lang niya na dalawin siya ni Katrina kaya siya nagkakaganiyan? Minsan kasi, pinapairal ang pride eh. Ni hindi man lang naiisip na masyado na palang nakakasakit sa damdamin ng iba.” Seryosong