JENNIFER POV
PAGKATAPOS ng mainit na kumprontasyon sa pagitan naming tatlo mabilis na akong naglakad paalis! Didirecho sana ako ng kwarto pero natigil din ako sa paghakbang nang makasubong ko ang aking stepmother! Ang Nanay ni Madelyn! "Nakalabas ka na pala ng kulungan? Ano ang ginagawa mo sa dito sa pamamahay ko? Alam mo bang isa kang malaking kahihiyan ng pamilya?" galit niyang bulyaw sa akin! Hindi naman ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya! Imagine..nakaya niya akong pagsalitaan ng ganito gayung kung totoosin ni hindi man lang nila ako dinalaw sa kulungan! Kung hindi pa sa HR ng Villarama-Santillan Beach Resort, malabo talaga siguro akong makalabas ng kulungan! "Hindi niyo po ito bahay! Pamamahay ito ng mga magulang ko kaya wala kang karapatan na magsalita sa akin ng ganiyan at kwestiyunin ako kung ano ang ginagawa ko dito!" seryoso kong sagot sa kanya! "Aba at marunong ka na ngayung lumaban ah? Bakit, sino ba ang pinagmamalaki mo ha? Sino?" galit niyang bigkas sabay duro sa akin! Lalo namang nag-alab ang galit sa puso ko dahil sa sinabi niya! Pambihira talaga! Niluko na nga ako ng boyfriend ko tapos bubungangaan pa ako ng home wrecker na ito! Kainis! Mag-ina nga silang dalawa ni Madelyn dahil pareho silang mang-aagaw! "Nagsasabi lang po ako ng totoo, Tiya! Kayo po ang nagtulak sa akin para lumaban dahil sa sama ng tabas ng dila niyo!" pagalit kong ding sagot sa kanya! Akmang maglalakad na sana ako paalis nang maramdaman ko ang mariin na paghawak niya sa braso ko! "At saan ka pupunta? M*****a ka talaga! Bakit ba kasi umuwi ka pa dito sa bahay at hindi ka pa nabulok sa kulungan? Tutal naman isa kang salot at walang kwenta!:" galit niyang bigkas! Hindi ko na napgilan pa ang sarili ko! Galit kong hinaklit ang kamay niya na nakahawak sa braso ko na siyang dahilan kaya lalong nag-apoy sa galit ang mga mata niya! "Huwag niyo akong pilitin na labanan ka Tiya! Ang kapal din naman ng apog niyo para pagsalitaan ako ng ganito gayung kung totoosin, isa lamang kayong kabit sa pamilyang ito!" galit kong bigkas! "Jennifer!" akmang sasagot pa sana si Tiya Martina nang mula sa kung saan biglang sumulot naman ang ama kong si Papa Bonifacio! Galit ito base na din sa tono ng boses na ginamit niya nang tawagin niya ang pangalan ko! "Bonifacio! Wala na talaga! Wala nang galang ang anak mo sa akin!" kaagad namang sagot ni Tiya Martina! Umiiiyak na ang atribida kong stepmother na akala mo inaapi ko siya na naglakad palapit kay Papa! "Ano na naman ito Jennifer? Kakauwi mo nga lang, gulo na kaagad ang dala mo? Wala ka na bang matinong kayang gawin sa pamilya na ito?" sa sobrang lakas ng boses ni Papa halos halos mag-echo na ang boses niya sa buong paligid! HIndi na ako nagulat sa ganitong kumprontasyon! Noon pa man, kinakampihan niya na ang kabit niyang si Martina kumpara sa akin na anak niya! "Pa...hindi ako ang nag-umpisa ng gulo para kwestiyunin mo ng ganito! Masyado lang talagang madrama iyang kabit niyo na akala mo naman inaapi ko sila!" pagalit ko ding bigkas! Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni Papa! Naramdaman ko na lang kasi ang pagsayad ng palad niya sa pisngi ko "Walang hiya ka! Wala kang kwentang anak! Sakit ka talaga ng ulo kaya mabuti pang lumayas ka na sa pamamahay na ito!' galit na sigaw ni Papa sa akin! Wala sa sariing napahawak ako sa nasaktan kong pisngi kasabay ng pagpatak ng luha mula sa aking mga mata! Masakit ang masampal pero mas masakit yata ang katagang binitiwan niya ngayun lang sa akin! Imagine, mas kinakampihan niya pa ang kabit niya kumpara sa akin na anak niya? Nasaan ang hustisya? "Pa...wala na ba talaga kayong natitira na kahit na katiting na pagmamahal sa akin? Ako ang anak niyo! Sana makinig naman kayo sa akin!" umiiyak kong bigkas! "Wala nang dapat pang pag-usapan, Jennifer! Isang linggo kang nawala sa bahay na ito at sa loob ng isang linggong iyun naging tahimik ang pamamahay ko! Mas masaya pa siguro ako kung nabulok ka na lang sa kulungan kaysa naman umuwi ka dito sa bahay na ito at manggulo!" muli niyang bigkas! Wala sa sariling napaatras ako dahil sa sakit ng mga katagang binitiwa niya! Shit....anak ba talaga ako ng taong ito? Bakit ang sama niya? Bakit ang sama ng ugali nila! Dahil sa sobrang sakit ng mga katagang binitiwan ng sarili kong ama sa akin wala sa sariilng naihakbang ko ang aking paa paalis! Hindi patungo sa kwarto kundi palabas ng bahay! Siguro nga tama si Papa! Wala na akong lugar sa pamamahay na ito! Isa lamang akong sakit ng kanilang ulo ng kaniyang kerida! Wala na akong lugar sa puso niya kaya nagawa niya akong tiisin at mas kinampihan niya pa ang kabit niya kumpara sa akin na dugo't laman niya!“Bakit ayaw mo? Teka lang, bakit ka namumula? Shit, ang cute mo talaga!” sagot naman nito kaya hindi niya mapigilan ang mapalunok ng sarili niyang laway. Ano ba itong mga sinasabi ni Sir Kiel? Nakakkahiya. “Huhh? Ahmmm, Akala ko ba uuwi na tayo?” sagot niya dito. Ayaw niya nang isipin ang sinabi nitong si Sir Kiel. Nahihiya siya at naaasiwa siya. “Ahh, yeah, sure!’ nakangiting sagot nito sa kanya sabay bukas nito ng pintuan ng kotse. Akmang alalayan pa nga sana siya nito papasok ng kotse pero sinabi niyang--- “Sir, kaya ko na po.” Pagkasakay niya ng kotse, buong pag-iingat na isinara ni Sir Kiel ang pintuan ng sasakyan. Umikot ito patungo sa kabilang side ng pintuan at bago ito nakasakay, nagsalita na naman si Mona. “Barbara, narinig ko iyun. Gusto kang ligawan ni Sir Kiel?” wika nito pero hindi niya na nasagot pa dahil sumakay na si Sir Kiel ng kotse. Pumwesto ito sa harap ng manibela sabay titig na naman sa kanya. “Well, kailangan na nating bumiyahe. For your safety, c
“Barbara? Si Barbara na ba siya?” nakangiting tanong ni Sir Kiel kaya hindi tuloy mapigilang mapangiti ang magkaibigang Barbara at Mona. Patawa itong si Sir Kiel eh. Gulat na gulat sa bagong transformation ni Barbara. “Sir naman! Nagpapatawa, hindi naman kalbo! Alam niyo po kasi Sir, alam kong maganda ang kaibigan ko kaya huwag masyadong pahalata na crush mo na siguro siya.” Nakangiting wika ni Mona. Ang kaninang ngiti na nakaguhit sa labi ni Barbara, biglang naglaho. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya sa sinabi ni Mona. Oo, nakakakahiya. Napaka- bulgar naman kasi ng babaeng ito eh “Hala, Mona…parang sira! Nakakahiya kay Sir Kiel.” Pabulong niyang wika pero tinawanan lang siya ni Mona samanatalang si Sir Kiel naman, nakatitig pa rin sa kanya. “Yeah, I think crush ko na si Barbara. Grabe, ang ganda mo!” nakangiting wika ni Sir Kiel kaya naman hindi na siya nakapagpigil pa. Kaagad niya nang niyaya si Mona na uuwi na sila. Baka kasi kung saan-saan pa mapunta ang usapan nila eh.
“Ha? Talaga? Gusto niyong kunin na model ang kaibigan ko?” gulat na tanong ni Mona. Samantalang hindi naman makapaniwala si Barbara sa narinig. Ni sa hinagap kasi, hindi niya inaasahan na may mag-aalok sa kanya ng mga ganitong bagay eh. “Parang ganoon na nga! Tumpak, girl! Pero siyempre, may kapalit ang pagkuha ko bilang model sa kanya! Iyung serbisyo namin sa inyo ngayun, free na!” nakangiti nitong sagot. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Mona sabay ngiti “Ano, Barbara? Palagay mo?” tanong ni Mona. “Hindi ko alam. Ano ba ang ginagawa ng isang model?” nagtataka niya ding tanong “Madali lang! Ayusan ka lang namin ng kaunti, tapos pipicturan ka namin. Tapos ang larawan mo, ididikit namin dito sa salon. Bumagay kasi sa iyo ang gupit mo at baka sa pamamagitan ng larawan mo, makahiyakayat kami ng maraming costumer. Ano, payag ka?” nakangiti nitong tanong sa kanya. Muli siyang napatingin kay Mona. Hindi kasi siya talaga makapagdesisyon eh. “Huhh! Ahhh, sige…pero—pero matagal ba
BARBARA NAGING maayos ang mga sumunod na oras nilang dalawa ni Mona. Siyempre, ganado silang nagtrabaho pagkatapos nilang matangap ang bonus mula kay Sir Charles at lalong mas naging ganado sila nang matangap nila ang isang kinsenas nilang sahod galing naman kay Madam Carmela. Hindi makapaniwala si Barbara. Labinlimang araw pa lang siyang nagtatrabaho sa mga Villarama pero ang sahod na natangap niya ay pang isang buwan at kalahati na. Mabuti na lang talaga at mabait si Sir Charles at nagbigay ng pang-isang buwan na sahod na bonus daw nila at kahit baguhan siya, kasama pa rin siya sa nakatangap. “Hayyy grabe! Ang daming nangyari ngayung araw.” Nakangiting wika ni Mona sa kanya! Nandito na sila ngayun sa kwarto nila. Kakatapos lang nilang kumain ng dinner at oras na nang pahinga nilang dalawa. Nabangit din ni Mona sa kanya kanina na pumayag daw si Madam Carmela na mag day-off sila kinabukasan kaya naman, balak nilang matulog ng maaga ngayung araw. “Oo nga eh! Pero kahit na mar
“Ehh, sorry po Sir. Hindi ko po sinasadya. Ku—kumatok po kasi ako ng maraming beses kanina pero hindi po kayo sumasagot eh. A-akala ko po kasi, walang taon dito sa kwarto niyo kaya---kaya---” “Kaya pumasok ka at dumirecho ka ng banyo? Tsk!” yamot nitong sagot sa kanya. Kaagad naman siyang napayuko. “Sorry po, Sir! Hi-hindi na po mauulit!” mahinang wika niya. Sa totoo lang, nahihiya talaga siya eh. Hindi niya talaga alam kung paano ito pakiharapan. Baka wala na siyang aasahan na bonus mula dito dahil sa ginawa niya kanina eh. Tsaka, bago pa lang siyang kasambahay ng mansion na ito tapos umaasa na kaagad siya sa bonus? Haysst, dapat pala, hindi na lang siya pumunta kung ganito man lang na para bang sasabunin siya ni Sir Charles. Samantalang si Charles naman, pigil niya ang sarili niya na matawa sa nagiging reaction ni Barbara ngayun. Namumula ang pisngi nito habang nakayuko kaya naman mabilis siyang bumaba ng kama at naglakad palapit dito “Okay, pinapatawd na kita..pero sa isa
BARBARA HANGANG sa makabalik siya sa laundry area, ramdam niya pa rin ang malakas na kabog ng dibdib niya. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niya kanina lang. Gusto niyang pagsisihan kung bakit nagpadalos-dalos siyang pumasok ng kwarto ni Sir Charles kanina. “Hyasst, ano ba itong katangahan na nagawa ko ngayun araw? Wala pa akong isang buwan sa bahay na ito pero may kapalpakan na kaagad akong ginawa. Lagot talaga ako nito kay Sir Charles. Nakita ko pa naman na parang nagalit siya sa akin dahil naabutan ko siyang nakaupo siya sa iniduro.” Mahina niyang sambit. Maayos niyang nailapag ang laundry basket na dala niya at para siyang nanghihinang napaupo. Pakiramdam niya, bigla siyang nawalan ng lakas. Nag-aalala din siya. “Barbara? Nasaan si Mona?” nasa ganoon siyang sitwasyon nang biglang dumating si Manang. Wala sa sariling mabilis siyang napatayo at hilaw na napangiti dito “Manang…ka-kayo po pala.” Nakangit niyang wika. “Nasaan si Mona? Teka lang, ano ang nangyari? Baki