Mag-log inJENNIFER POV
WALA akong choice kundi ang umalis ng bahay! Nakaka-suffocate at feeling ko wala akong kakampi sa buhay! Kung bakit naman kasi ang agang namatay ng Nanay ko! Heto tuloy ako ngayun, mula pagkabata, wala nang ibang ginawa ang stepmother ko kundi ang i-bully ako! Kung totoosin, maayos naman sana ang buhay ko! May malawak kaming lupain sa probensyang ito na minana pa ng sarili kong Ina sa aking Lolo at Lola kaya lang walang ibang nakikinabang kundi ang pangalawang asawa ni Papa pati na din ang anak nilang si Madelyn! Gusto ko sanang maging nurse pero kailangan kong huminto sa pag-aaral dahil walang kahit na isang suporta akong nakukuha sa kanila at wala akong choice kundi ang mamasukan ng trabaho at naging lifeguard nga ako sa isang beach resort! Malas nga lang dahil natangal ako sa trabahong iyun! Kung saan naman nag-eenjoy na sana ako sa trabaho kong iyun nadamay pa ako sa kabobohan at kapayabaan ng ibang tao! Ni Ethel! Pisteng buhay talaga ito oo! Parang gusto ko nang sumuko ah? Pati boyfriend kong si Robin na akala ko kakampi ko sa lahat ng bagay tinalikuran na din ako! Ayun, nalason sa kamadag ng half sister kong si Madelyn at tuluyan akong tinalikuran! Saan na ako ngayun pupunta? Saan ako pupulutin? Walang pamilya, walang trabaho at may kaso pa! As in wala! HIndi ko na alam ang gagawin ko! Sa isiping iyun hindi ko na mapigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata! Sa totoo lang nakakapagod na! Ang akala ng nakakarami wala akong problema pero ang hindi lang nila alam pasan ko ang mundo! Naglalakad ako ngayun sa kalsada na walang kasiguraduhan kung saan ako pupunta! Liban sa ama ko wala na akong maiuturing na mga kamag-anak! Mukhang sa kangkungan pa yata ako pupulutin! Nasa ganoo akong sitwasyon nang maramdaman ko ang patak ng ulan sa aking balat! Wala sa sariling napatingala ako sa kalangitan at hindi ko maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya nang mapansin ko kung gaano kadilim ng kalangitan! Ano ba? Pati ba ang langit ayaw makiayon sa sitwasyon ko ngayun? Sabagay, masarap mag-emote at umiyak sa gitna ng ulan! Mas maigi nga nag ganoon, walang makakapansin kung gaano ako ka-miserable ngayun! Nasa ganoon akong sitwasyon nang mapansin ko ang paghinto ng isang itim ng sasakyan sa harapan ko! Noong una ayaw ko pa nga sanang pansinin pero nang mapansin ko ang pagbaba ng ilang mga kalalakihan na nakasuot ng kulay itim na kasuotan doon na ako naalarma! Wala sa sariiling napaatras ako at nang mapansin koong itinuro ako ng isa sa kanila wala na akong choice pa kundi ang tumakbo nang palayo! Shit...malas na nga ako sa buhay, makikidnap pa yata ako eh! Pambihiria! Anong araw ba ngayun? Bakit parang ang dami naman yatang hindi kanas-nais na nangyari sa buhay ko? Tuluyan na nga akong napatakbo pero hinabol naman nila ako! Narinig ko pa nga nag pagigaw ng ilan sa kanila na pinapahinto ako pero hindi ko pinakingan! Kidnap ba ito? Pero bakit...ano ang kailangan nila sa akin? "Miss,, tumigil ka! Hindi ka naman makakalayo sa amin dahil kahit saan ka magpunta susundan ka namin!" narinig kong sigaw ng isa sa kanila! Nakakatakot ang boses nito dahil puno iyun ng pagbabanta! God! Patuloy ako sa mabilis kong pagtakbo! Mabuti na lang at wala akong bitbit na kahit ano kaya nakakakilos ako ng maayos! kaya lang sa hindi inaasahan na pagkakataon, napatid ako sa isang maliit na bato at nadapa ako! BAgo pa ako nakabangon , tuluyan na silang nakalapit sa akin at nahawakan na ako ng dalawa sa kanila! "Hindi! Please...maawa kayo sa akin! Pakawalan niyo ako!" naghihistirikal kong bigkas! Kasabay ng lamig na naramdaman ko sa buo kong sistema dulot ng pagkabasa ng ulan ay ang takot sa puso ko! Sino sila? Ano ang kailangan nila sa akin? "Sumama ka na lang ng matiwasay sa amin, Miss!" narinig kong sambit ng isa sa kanila! Sino bang tanga ang basta na lang sasama ng matiwasay sa kanila gayung kidnapping itong ginagawa nila sa akin! Sabagay, may choice ba ako? Wala eh...kasi naman hawak na nila ako! Walang kahirap hirap na nadalala nila ako sa itim ng sasakyan at mabilis na isinakay sa loob! Paano ako makakas sa kanila gayung ang laki ng mga pangangatawan nila? Katapusan ko na ba? Huwag naman sana! Kahit naman malungkot ang buhay ko, ayaw ko pang mamatay! Bata pa ako at marami pa akong gustong gawin! Babalikan ko pa sila Tiya Martina at Madelyn dahil gusto kong bawiin sa kanila ang kung ano ang pag-aari ko! "Pasensya na Boss! Ang bilis niya kasing tumakbo eh!" naringi ko pang hinging paumanhin ng isa sa kanila! Wala sa sariling napabaling ang tingin ko sa lalaking naabutan kong prenteng nakaupo dito sa loob ng sasakyan! Direcho ang kanyang tingin sa unahang bahagi ng sasakyan habang wala akong nakitang kahit na anong reaction sa kanyang mukha! "Sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?" nahinatakutan kong tanong sa kanya! Kakaiba siya sa mga lalaking humuli sa akin kanina! Feeling ko siya ang leader pero bakit familiar sa akin ang pagmumukha niya? Saan ko nga ba siya unang nakita?JILLIAN SANTILLAN POV "So, ready ka na? Sabay na tayong pumunta doon, Tita." nakangiting namang tanong ni Russell sa akin. Tita kasi talaga ang tawag nito sa akin kahit na mas matanda ito sa akin eh. Hindi na talaga siguro maiko-correct iyun kaya hayaan na lang. "Okay, wait for me here. Maglalagay lang ako ng moisturizing cream and sunblock and ready na ako." nakangiting sagot ko dito at muli akong pumasok sa loob ng kwarto. Pagkapasok ko, kaagad na din akong naglagay ng moisturizing cream sa aking mukha. Nag lotion na din ako tapos nag spray ng pabango at pagkatapos noon, dinampot ko ang aking cellphone at nagpasya nang lumabas ng silid kung saan, nadatnan ko din sin Russell na matiyagang naghihintay pa rin sa akin. Maasahan din talaga ang pamangkin kong ito. Nagawa kasi ako nitong hintayin eh. "Ready?" nakangiting tanong nito sa akin. Tumango naman ako. "Yes, well, let's go!"excited kong sagot at nagpatiuna na akong naglakad palabas ng bahay. Mukhang nasa labas na ang
JILLIAN SANTILLAN POV "Tsk, okay, apology accepted, but next time, mag-ingat ha? Ayaw ko nang maulit ito." serysong bigkas nito at wala sa sariling tumango ako. "Thank you, Kuya. Mabuti na lang talaga nandiyan ka. Sorry, kung--kung pati po kayo, na hassle ko." Nginitian lang din naman ako nito at akmang magsasalita sana ito pero dumating na si Manang. Bitbit nito ang first aide kit na hihihingi dito ni Kuya Ralph. Ginamot na nga ako ni Kuya Ralph. Nilinis nito ang sugat ko bago nito nilagyan ng band aide. Okay naman, hindi naman masakit masyado lalo na at gentle lang naman ang pagamot nitong si Kuya. Na para bang ingat na ingat din ito na masaktan ako. Mabait naman pala talaga sa kung mabait at feeling ko itong si Kuya Ralph na ang favorite kong pinsan. Charr! Ngayun ko lang napatunayan sa sarili ko na masarap pala itong mag-alaga. Istrikto pero maalalahanin naman pala. "It's done. You can rest now. Kung masakit talaga,.sabihin mo sa akin para madala kita sa hospital
JILLIAN POV Nakahawak pa rin sa kamay ko si Kuya Ralph hangang sa nakarating kami ng bahay. Ewan ko ba, naging kumportable na ako sa presensya nito at wala din akong lakas ng loob para pigilan ito Sabagay, pinsan ko naman ito kaya walang problema. Siguro, naninibago lang ako dito kasi nga, hindi naman kami nagpapansinan noon. eh. Pero sa mga ipinapakita nitong pag-uugali sa akin ngayun, feeling ko magkakasundo kami. Mainit na ang sikat ng araw kaya direcho kami ng kusina para sana uminom ng tubig. Kaya lang pagkadating namin ng kusina, nadatnan namin ang mag-asawang caretaker na abala sa pagluluto ng mga seafoods? Bigla tuloy akong natakam at nakaramdam ng pagkagutom. "Wow, ang sarap niyan." nakangiti kong wika at pasimpleng bumitaw sa pagkakahawak ni Kuya Ralph sa kamay ko. Lumapit ako sa mesa kung saan nakapatong ang mga sari-saring hilaw na seafoods. May shrimp, crabs,. lobster at iba't -ibang klaseng laman dagat. Dahil nga sa curiousity, dinampot ko ang isang crabs at
JILLIAN SANTILLAN POV "Ha, Ah, thank you, Kuya. Ang---ang bait mo naman pala eh." hilaw ang ngiti sa labi na bigkas ko. Ano ba ang nangyayari dito kay Kuya Ralph? Bakit parang bigla yatang naging maalalahanin sa akin ngayun? Hindi naman ito dating ganito eh. May lagnat ba ito or baka naman may nararamdaman na kakaiba sa sarili? "Yeah, mabait talaga ako hindi lang masyadong halata. By the way, give me your phone." Seryosong wika nito. Wala sa sariling napatingin ako sa hawak kong cellphone bago ko ito sinagot "Bakit? " Basta, akin na iyang cellphone mo.".muli nitong wika sabay lahad ng kamay nito sa harap ko. Nag-aalangan man, wala na akong nagawa pa kundi ang ibigay dito ang hawak kong cellphone. Kaya lang nagulat na lang ako sa sunod nitong ginawa. "Selfie, smile, Jillian." Nakangiting wika nito sa akin.. Awtomatiko naman akong napangiti. Hindi lang isang selfie, dalawang selfie or tatlong selfie ang ginawa nito. Gamit ang camera ng phone ko, wala itong ginawa kundi
Jillian POV Sa pagdating namin ng beach resort, kaagad na bumungad sa paningin ko ang napaka-aliwalas na kapaligiran. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng masayang ngiti sa labi ko. Ito ang dahilan kung bakit sa tuwing niyaya ako ni Moira Kristina na magbakasyonn sa lugar na ito hindi talaga ako makatanggi. "Tita Jillian, hello po!" Halos magkapanabay na bati sa akin nila Penelope, Donnabelle at Ava. Sa kabilang sasakyan kasi sumakay ang mga ito na ang driver ay si Russell. Hi, kumusta kayo? By the way, pasok na tayo sa loob at nang makapag -pahinga na." nakangiting sagot ko at sabay-sabay na nga kaming pumasok sa loob Kagaya ng nakagawian, magkasama kami sa iisang silid ni Moira Kristina. Ang iba pang mga kasama namin ay nagkanya-kanya na din ng pili ng silid na mapagpahingahan. "Grabe, super inaantok ako. Parang gusto ko na munang makatulog at nang makabawi man lang sa ilang oras ko lang na tulog kagabi." wika ni Moira Kristina. "Sure, matulog ka lang. Ako naman, parang
JILLIAN SANTILLAN POV Gaano ka ka-kalapit sa mga iyun?" seryosong tanong sa akin ni Kuya Ralph. Hindi ko tuloy maiwasan na magtaka. Itong si Kuya Ralph ang magda-drive sa kotse na ito at dito ako nakaupo sa tabi nito. Nasaan na kasi talaga si Moira Kristina? Bakit kaya wala siya dito? "Jillian, I'm asking-- gaano ka ka-kalapit sa dalawang iyun?" muling tanong nito sa akin. Kaagad din namang napabaling ang aking paningin dito at kitang kita ko kung gaano ito ka-seryoso ngayun. "Ahmm, ano ang ibig mong sabihin? I mean, sino ang tinutukoy mo? Sila Kent at Russell ba?" "Sino pa ba ang kausap mo kanina? Hindi ba't sila lang?" pabalang din naman nitong sagot sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiwi Ang sungit talaga gayung kung totoosin, siya nga itong malabo kung magtanong eh. "Ah, kung sila Kent at Russell ang ibig mong sabihin, oo naman, closed ako sa kanila. Mga pamangkin ko kaya sila." sagot ko din dito. "Pamangkin daw? Tsk, mga lalaki pa rin sila kaya dapat lang







