Christopher= Wala naman sigurong masama kung iiyak siya ngayun diba? Sino ba naman ang hindi magiging emotional na isang araw, bigla mo na lang nalaman na may triplets ka palang anak? Hindi ba’t nakakagulat iyun? Hindi ba’t nakakashock iyun Kung kanina nga, nagulat siyang malaman na may Carter na pala siyang anak, ngayung pa kayang may dalawa pa. God, paano nakaya ni Katrina na isilang ang tatlong bata sa isang buntisan lang? Ni wala siya sa tabi nito noong mga oras na iyun. Feeling niya, ang sapak na natamo niya mula sa Kuya nitong si Katrina ay kulang pa eh. Kulang pa bilang kabayaran noong mga panahon na naghirap si Katrina sa pagbubuntis, panganganak at pag-aalaga sa tatlo nilang anak What a strong woman! Parang gusto niya tuloy itong yakapin na mahigpit at iparamdam dito na hindi ito nag-iisa. Na nandito lang siya at matagal na itong hinahanap. “Diyos ko! Triplets? Walang duda, mga apo nga namin sila! Uso sa pamilya Villarama ang twins at triplets na panganganak! ” wala
“Katrina!” palabas na siya ng silid nang matigilan siya sa paghakbang. Paano ba naman kasi, bigla na lang tinawag ni Christopher ang pangalan niya. Sa labis na pag-aalala niya kay Crissandra, nakalimutan niyang nasa paligid lang pala ito. “Ano ang problema? Saan ka pupunta?” seryosong tanong nito sa kanya. Natigilan naman siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang lahat dahil sa totoo lang, hindi din niya alam kung ano pa ang mga nalalaman nitong si Christopher tungkol sa mga anak nila. Natatakot din naman kasi siyang magtanong dito eh. “Pwede bang dumito ka muna. Bantayan mo na muna si Carter. May pupuntahan lang ako.” Seryosong sagot niya dito “Katrina, sino si Crissandra?” seryosong tanong nito sa kanya. Kaagad namang namilog ang mga mata niya sa gulat. Kung ganoon, ang alam lang nito ni Christopher ay iisa lang ang anak nila? Hindi nito alam ang tungkol kina Crissandra and Calvin? Hindi pa ba nababangit ng Kuya niya? So ibig sabihin, pwede niyang isekreto dito a
“Wala! Wala naman siyang ibang sinabi sa akin liban lang na sana maging responsableng ama daw ako dahil may anak na tayo.” Seryosong sagot ni Christopher sa kanya. Pagkatapos sabihin ang katagang iyun, basta na lang itong naupo sa tabi niya at tiningnan ang mga pagkain na dala ng Kuya niya. Dinampot nito ang burger at walang sabi-sabing nag-umpisa na itong kumain. Hindi naman niya mapigilan ang mapailing sa isiping mukhang feeling closed na itong si Christpoher sa Kuya niya ah. Nagawa na kasi nitong kumain sa mga pagkain na hindi naman sana talaga para dito eh. “By the way…tinawagan ko na sila Mommy kanina. Instead na sa resort sila pupunta, dito na lang daw sa hospital. Gusto daw nilang makita ang apo nila.” Seryoso nitong muling bigkas. Kaagad namang namilog ang mga mata niya sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Nagawa kaagad nitong sabihin sa mga magulang nito ang tungkol sa mga bata? Gosh, ang bilis naman! “What? No! Hindi niyo pwedeng kunin sa akin ang mga anak k
NANG tuluyan nang nakalabas ng silid ang Kuya Julius niya at si Christopher, muling nanumbalik ang kaba sa puso ni Katrina . Nakikita niya kanina sa mga mata ni Christopher ang tuwa habang nakatitig sa anak nilang dalawa na si Carter at ngayung nalaman nito na may anak silang dalawa, tiyak siyang hindi na siya nito titigilan. God, abala siyang tao. Ang daming mga nakabinbin na mga projects sa kanya na dapat niyang tapusin kaya naman hindi niya na din alam kung paano i-handle ang ganitong bagay. Paano na lang kaya kung magdedemand si Christopher na makasama nito ang anak nito? Ano ang gagawin niya? Isa pa, kausap ngayun ng Kuya Julius niya si Christpoher. Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawa at bakit ang tagal nila? Haysst, kung bakit naman kasi pabigla-bigla siyang nagdesisyon na bumalik ng Manila tapos kasama niya pa si Christopher. Natural, mabubuko talaga siya nito at ngayun, hindi niya na alam kung paano lusutan ang problema na ito. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bi
"I love her! I really love her! Kung ano man ang mga pagkakamali na nagawa ko sa kanya, labis ko nang pinagsisisihan iyun. MAhigit dalawang taon din akong nagdusa at nangulila sa kapatid mo, Mr. San Juan.” Seryosong wika ni Christopher kay Julius San Juan. Ramdam niya pa ang sakit ng kanyang panga dahil sa malakas nitong pagsapak sa kanya kanina pero ayos lang. Deserved niya iyun at naiintindihan niya kung galit man sa kanya ngayun ang kapatid ni Katrina. “Mr. Villarama…ilang taon din naming hindi nakasama ang kapatid namin. Matagal siyang nawalay sa amin at aware din kami na marami na siyang napagdaanang hirap sa buhay niya. Wala kaming ibang hangad sa kanya ngayun kundi ang maging masaya siya.” Seryosong sagot naman ni Julius. Hindi naman nakapagsalita si Christopher. Sobrang nagulat din kasi siya sa mga nalaman eh. Kung ganoon, may mga kapatid pala si Katrina? Kaya pala bigla na lang itong naglaho na parang bula dahil ang akala niyang screen name na ginagamit nito ay iyun pal
CHRISTOPHER Gusto niyang magalit! Gusto niyang sumigaw! Gusto niyang umiyak, basta hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayung nalaman niyang may anak silang dalawa ni Katrina. Yes…kahit walang DNA, no questions, anak niya ang batang nakikita niya ngayun inihehele ni Katrina sa dibdib nito Hindi siya makapaniwala. Paano nagawang itago sa kanya ni Katrina ang lahat-lahat? Paano nito nagawang iskreto sa kanya ang pagkakaroon nila ng anak? Ganito na ba talaga kalaki ang galit sa kanya ng dalaga dahil nagawa nitong isekreto sa kanya ang kanyang sariling laman at dugo? Naputol lang ang katahimikan ng buong paligid nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Napatitig siya doon at sumalubong sa kanyang paningin ang pigura ng isang lalaki. May bitbit itong kung anu-ano. Magagalit na sana siya sa isiping may iba na si Katrina pero bigla na lang itong tinawag na ‘kuya’ ng dalaga. “Kuya Julius…nandito ka na pala. I think kailangan nating kausapin ang doctor ni Carter. Pwede