LOGINJACQUELINE POV “Pero, alam mo, sa kabila ng nagawa niyang kasalanan sa akin, hindi ko pa rin kayang magalit sa kanya. Russell, hindi ko kayang makita siyang nakakulong. Matanda na si Daddy at ayaw kong ako ang dahilan ng mabilis niyang paglisan sa mundo.” seryosong wika ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. “Jackie-----ano ang ibig mong sabihin?” seryosong tanong niya sa akin “Palayain mo na siya..bilang anak niya, iyun na lang ang huli kong magagawa sa kanya.” Seryosong sagot ko. Napansin kong ilang saglit din siyang natigilan. Pagkatapos noon, may ngiti sa labi na sunod-sunod siyang tumango “Okay, kung ano ang gusto mo, iyun ang masusunod.” sagot niya. Kaagad din naman akong nakahinga ng maluwag. “Alam mo ba kung bakit ito ang desisyon ko? Alam mo ba kung bakit sa kabila ng lahat, gagawin ko ito sa kanila?” muli kong wika. “NO! Hindi ko alam, pero kung sasabihin mo sa akin, makikinig ako.” seryosong sagot niya "Dahil pagod na akong balikan ang mga masasa
JACQEULINE POV "GRABE, sobrang na-miss ko ang kwartong ito." nakangiting wika ko kay Russell Kakarating lang namin dito sa bahay at pakiramdam ko ng sandaling ito, mas lalong lumuwang ang aking paghinga. Sa wakas, natapos din ang ilang linggo kong pagtitiis sa hospital. At least, sa ngayun, tuluyan na akong nakauwi at masasabi kong ligtas na kami ng baby na nasa sinapupunan ko "Mukhang namiss mo talaga itong bahay natin ah?" nakangiting tanong sa akin ni Russell "Hindi lang ang bahay kundi pati na din ang mga pagkain. Russell, parang gusto ko ng sinigang na sugpo." malambing kong wika sa kanya Mabilis naman siyang tumango "Sure, no problem. Ora mismo, palulutuan kita kina Manang ng mga pagkaing gusto mo." sagot niya naman sa akin Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng pagkatakam Ito ang gusto ko kapag dito sa bahay...nagagawa at nakakain ko lahat ng gusto ko at higit sa lahat, mas nakakapaglambing ako dito kay Russell ************** Mabilis pang lumipas ang m
JACQUELINE POV "Oo nga," singit ni Jezzie habang napapailing. "Tama lang talaga na ipakulong sila. Noon pa man, wala na silang ginawa kundi pahirapan ka." Napalunok ako. Parang may kung anong kumikirot sa loob ng aking dibdib. "Kung alam lang namin na balak mo palang umuwi sa inyo noong araw na iyon, sana sinamahan ka namin. Hindi sana nila nagawa ang maitim nilang balak sa iyo." sabat naman ni Ernesto. "Maitim na balak?" mahinang bulong ko. Pakiramdam ko, biglang umikot ang buong paligid. Sa isang iglap, bigla na lang may lumitaw ng mga larawan sa isipan ko. Kagaya ng eksena sa mga panaginip ko., Isang babaeng umiiyak, malungkot at tumatakbo. Hangang sa----- Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking sentido. Sunod-sunod na eksena ang biglang bumalik sa aking alaala. Napakalinaw. Parang kahapon lang nangyari. Nakita ko ang mukha ng aking ama. Ang malamig niyang tingin. Ang galit sa kanyang mga mata. Narinig ko ang masasakit na salitang binitiwan
JACQUELINE POV Sa paglipas ng mga araw, unti-unti ring bumabalik ang dati kong lakas. Dumaan ako sa iba't ibang pagsusuri at test na ipinagawa ng mga doktor. Mabuti na lamang at wala silang nakitang anumang komplikasyon sa aking kalagayan. Araw-araw ay may magandang balita silang ibinibigay sa akin, at dahil doon ay mas lalo akong nagkaroon ng pag-asang tuluyan nang makarekober. Sa lahat ng oras, hindi ako iniwan ni Russell. Halos siya na ang naging tagapag-alaga ko. Siya ang nag-aasikaso ng aking mga gamot, siya ang naghahanda ng pagkain ko, at siya rin ang unang bumabati sa akin tuwing nagigising ako sa umaga. Kapag sumasakit ang katawan ko, nandiyan siya. Kapag hindi ako makatulog sa gabi, nandiyan pa rin siya. Maging sa tuwing binabangungot ako, siya rin ang kasama ko. Madalas akong magising nang pawis na pawis at hinihingal. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, ngunit nitong mga nakaraang araw ay mas naging madalas ang mga panaginip ko. May mga mukhang hindi ko maaninag
JACQUELYN POV Nang muli kong ipikit ang aking mga mata para sana i-relax ang isipan ko, tila isang maaksiyong pelikula ang mga alaala na sunod-sunod na naglaro sa aking isipan. May isang babaeng desperadong tumatakbo sa madilim na daan habang may ilang taong humahabol sa kanya. Hindi ko man maaninag nang maayos ang kanilang mga mukha, ramdam ko ang matinding galit na nakaukit sa kanilang mga tinig at kilos. Paulit-ulit nilang tinatawag ang pangalan ko. At iyon ang mas lalong nagdulot ng matinding takot sa akin. " Jacqueline! Babae ka! Bumalik ka rito!" "Hindi ka makakatakas sa amin!" Iilan lamang iyon sa mga sigaw na narinig ko. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kong parang ako ang babaeng kanilang hinahabol. Hindi ko maintindihan kung bakit, ngunit pakiramdam ko ay ako mismo ang nakakaranas ng takot na nararamdaman niya. Patuloy na umikot sa aking isipan ang eksena. Ang tunog ng nagmamadaling mga yabag. Ang mabibigat na paghinga at ang malakas a
JACQUELYN POV NAGISING ako na pakiramdam ko ay galing ako sa isang napakahabang panaginip. Mabigat ang mga talukap ng aking mata habang dahan-dahan kong iminulat ang mga ito. Unang sumalubong sa paningin ko ang malamlam na puting liwanag mula sa kisame ng silid na kinaroroonan ko. Sandaling lumabo ang aking paningin bago unti-unting luminaw. Tahimik ang paligid. Tanging ang mahinang ugong ng air conditioner at ang paminsan-minsang tunog ng mga kagamitang medikal ang naririnig ko. Akmang babangon sana ako nang bigla akong napangiwi. Matalim na kirot ang dumaloy sa aking ulo dahilan upang mapahawak ako rito. Kasabay niyon ay ang matinding pagkauhaw na tila ilang araw akong hindi nakainom ng tubig. "Jackie... wifey?" Napakunot-noo ako nang marinig ang pamilyar ngunit nag-aalalang boses na iyon. Agad kong ibinaling ang aking paningin sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang nakatayo sa gilid ng kama. Magulo ang kanyang buhok. Halatang hindi siya nakatulog nang maay
“Christopher, ano ba? Bitiwan mo nga ako? Hindi mo ba nakikita? Ang daming tao oh?” seryosong wika naman niya kay Christopher. Hindi na siya nakatiis na pandilatan ito dahil ayaw talaga siya nitong bitiwan eh habang nakikita niya naman sa mga mata ng ka love team niyang si Dexter ang inis. Hindi la
“GOOD evening po!” mahinang bati niya kina tita Arabella at Tito Kurt. “Good evening din sa iyo, Iha. Upo ka na.” halos magkapanbay namang sagot ng dalawa sa kanya kaya mabilis na din siyang naupo. ‘So, let’s eat na! Teka lang, iha..na meet mo na ba si Christopher? Nandito siya kanina ah?” ani
JULLIANNE/KATRINA Nangyari nga ang gusto niyang mangyari. Si Christopher mismo ang nag facilitate para makabalik siya ng Manila as soon as possible. Kaya lang pagkalapag pa lang ng chopper na sinasakyan niya sa helipad ng Villarama Empire, nakatangap siya ng tawag mula sa kanyang Kuya Julius a
Katrina CHRISTOPHER, ano na naman bang drama ito? Kanina pa tayo paikot-ikot pero bakit feeling ko wala ka namang balak na dumirecho ng Villa.” Naiinis niyang tanong dito. Talaga naman kasi eh. Kanina pa sila paikot-ikot sa buong paligid ng beach resort, nakarating na nga yata sila sa pinakadulon







