Share

Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!
Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!
Author: Cathy

PROLOGUE

Author: Cathy
last update Last Updated: 2025-02-10 19:49:54

BILLIONAIRES TRUE LOVE BOOK 2:

MINAMAHAL KITA

(ELIJAH VILLARAMA VALDEZ STORY)

"Ang anak ko! Tulungan niyo ang anak ko!" umiiyak na sigaw ni Ethel habang pilit na nire-revived ng isang life guard ang anak niyang si Ezekiel na nangingitim na dulot ng pagkalunod!

Kung kailan makikilala niya na ang tunay niyang ama tsaka naman nangyari ang trahedyang ito! Iniwan niya lang saglit ang anak niya dito sa gilid na dagat para bumalik sa trabaho pero pagbalik niya pinagkakaguluhan na siya ng mga tao habang pilit na isinasalba ng life guard sa pamamgitan ng pag CPR

"Iligtas niyo ang anak ko! Maawa kayo sa kanya! Iligtas niyo siya!" muling sigaw ni Ethel! Tigmak ang luha sa kanyang mga mata at para na siyang mababaliw sa sobrang sakit at pag-aalala para sa kaisa-isa niyang anak!

"Pasensya na Ethel pero wala na talaga eh! Wala na siyang pulso at nangingitim na siya!" walang pakundangan namang sagot ni Jennifer! isa siya sa mga life guard dito sa beach resort at siya din ang unang nakakita sa pagkalunod ng bata! Ni-rescue niya naman ito kaagad pero huli na! Nangingitim na ang bata dulot ng pagkalunod at kahit na ano ang gawin iya tuluyan na din itong nawalan ng pulso

Magkakilala silang dalawa ni Ethel dahil pareho silang nagtatrabaho sa naturang beach resort na pag-aari ng mga Villarama at Santillan!

"A-ano? Anong sabi mo? Hindi! Hindi totoo iyan! Hindi pa patay ang anak ko!" naghihinagpis na bigkas ni Ethel at mabilis na dinaluhan ang anak niyang wala nang buhay! Kaagad na umalingawngaw sa buong paligid ang kanyang pagtangis! Hindi niya akalain na isa isang iglap mawawala sa kanya ang anak niya!

"Hindi totoo ito! Eze, anak! Ezekiel!' palahaw na iyak ni Ethel!

Ramdam ng mga taong nakapaligid ang sakit na nararamdaman ng isang Ina na nawalan ng anak! Pero ano pa ba ang pwedeng gawin gayung tuluyan nang nalagutan ng hininga ang kaawa-awang bata!

"Ano ang nangyari dito?" nasa matinding pagluluksa na si Ethel nang marinig niya ang isang familiar na boses! Kaagad napaangat ang tingin niya at direktang tumitig sa paparating pa lang na si Elijah na kitang kita ang pagkagulat sa mga mata nito

"Ezekiel? A-ano ang nangyari sa anak ko?" galit na sigaw ni Elijah! Umalis lang siya saglit para kumuha ng pera para ibigay kay Ethel dahil iyun ang napagkasunduan nilang dalawa para tuluyang ibigay sa kanya ang kustudiya ng bata pero hindi niya akalain na sa pagbabalik niya ay madatnan niya ang anak nya sa kalunos-lunos na sitwasyon!

"Elijah...I am sorry! I am sorry, nalunod siya! Nalunod ang anak natin!" humahagulhol ng bikgas ni Ethel! Hilam ang luha sa mga matang tumitig siya kay Elijah at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagbalasik ng hitsura nito.

"No! Hindi totoo iyan! Hindi totoo iyan! Ezekiel!" galit at puno ng paghihinagpis na sigaw ni Elijah. Nanginginig ang mga kamay na akmang hahawakan niya sana ang wala nang buhay na katawan ng anak niya pero hindi niya kaya! Wala sariling bigla siyang napatayo habang nakakuyom ang kanyang mga kamao!

Hindi niya kayang makita ito sa hindi kaaya-ayang sitwasyon! Hindi pa nga sila masyadong nakakapag-bonding tapos malalaman niya na wala na ito? Ang saklap! Sobrang sakit!

"Ano ang ginawa mo? Bakit mo siya pinabayaan?" hindi na napigilan pa ang bugso ng kanyang damdamin. Mariin niyang hinawakan sa braso ang babaeng minsan niyang minahal at pilit na pinapatayo!

"Hindi ko alam kung paano nangyari! Wa-wala akong kasalanan! Hindi ko ginusto na mapahamak ang anak natin Elijah!" umiiyak na sagot ni Ethel! Hindi niya din maiwasan na makaramdam ng takot lalo na at nakikita niya sa mga mata ni Elijah ang galit at paghihinagpis! Alam niyang habang buhay siya nitong kamuhian dahil sa nangyari sa anak nilang dalawa

"Hindi mo kasalanan? PInabayan mo ang anak ko na mapahamak tapos sasabihin mo sa akin na wala kang kasalan? Fuck Ethel! Fuck you!" galit na sigaw ni Elijah! Wala na siyang pakialam pa sa mga taong nanonood sa kanila ngayun! Ang importante lang naman sa kanya ngayun ay ang mailabas ang sakit at paghihinagpis na nararamdaman ng puso niya!

"Elijah, hindi lang ang nasasaktan sa nangyari sa anak ko! Mas masakit sa akin ito dahil ako ang Ina at ako ang nagpalaki sa kanya!" umiiyak ni bigkas ni Ethel!

"Hindi mo siya kayang saktan? Wala kang kwenta...kung hindi dahil sa pagiging ganid at sigurista mo, hinayaan mo na lang sana na isama ko si Ezekiel sa Manila! Hindi sana siya napahamak ngayun!" galit na sigaw ni Elijah at hindi niya napigilan pa ang sarili niya! Malakas niyang itinulak si Ethel na siyang dahilan kaya ito natumba sa buhanginan! Sa mismong tabi ng wala nang buhay na katawan ng anak niya!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (13)
goodnovel comment avatar
Bollena Superales Che
kaya nga kakawalang gana magbasa excited pa man din ako sa kwento ni ethel at elijah...
goodnovel comment avatar
Melba Fabro
pangit Ng kwento nito naiba sa part 1 sayng ang kwento ni Ethel at elijah but ka jenefer napunta ang kwento
goodnovel comment avatar
Joy M Villacarlos
untill now binabasa q pa rin ang my possessive husband billioner ..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #7

    CHARLES “MOM, naman! Ano ito? Bakit nananakit kaagad?” reklamo ni Charles sa kanyang Ina. Hindi niya napaghandaan ang ginawa nitong pagmbabatok sa kanya dahil nakatoon ang buo niyang attention kay Miss Pedestrian lane. Paano ba naman kasi, hindi ba nito alam na masyado ngang masakit sa mga mata ang suot nito? “Hey! Tumigil ka! Walang pakialamanan sa hilig ng iba kaya manahimik ka diyan.” Singhal nito sa kanya kaya naman natameme na siya. Masama ang titig na ipinukol niya kay Barbara na noon ay todo yuko na din. Nahihiya siguro sa pagiging baduy nito Haysst, wala siyang pakialam kung ano man ang fashion style ng ibang tao pero ewan niya ba! Hindi niya talaga kayang pigilan ang sarili niya na punahin ang kasuotan nitong si Barbara eh. Napakapangit kasi talaga! Siguro dahil promdi ito? Ah, whatever pero sa susunod na makita niya pa itong naka stripe, iindorese niya na sa Mommy niya na palayasin na ito. “Ilang taon ka na, Barbara?” narinig niyang tanong ng Mommy niya sa dalaga. Pi

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #6

    BARBARA POV Ayun kay Manang Luring, umalis daw sila Sir Christian at Mam Carmela kaya naman hindi pa daw siya pwedeng mag-umpisang magtrabaho. Pangalawang araw niya na dito sa bahay ng mga Villarama pero wala pa siyang nauumpisahang trabaho. Hindi pa daw kasi sure kung talagang sa labahan ang bagsak niya lalo na at sinabi daw ni Sir Charles kahapon na baka hindi daw niya kaya ang trabaho doon. Maliit daw kasi siya eh. Nagdarasal siya na sana, matangap siya. Oo, nandito na siya sa loob ng bahay pero hindi pa rin pala sure kung makakapag-umpisa na siyang makapagtrabaho sa pamilyang ito. Mukhang mahigpit daw kasi si Mam Carmela pagdating sa mga kasambahay. “Ano ang iniisip mo?” kakarating lang ni Mona galing sa labas at naabutan siya nito dito sa loob ng kanilang kwarto na nakapangalumbaba. Kanina pa siya nag-iisip kung kumusta na kaya ang mga magulang niya sa probensya. Pangalawang araw pa lang ngayun na nawalay siya sa mga ito pero miss na miss niya na ang mga ito. Ito kasi talaga

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #5

    BARBARA ‘BUDANG’ SANTOS KUNG kanina habang nasa biyahe pa lang sila, manghang-mangha na si Barbara or Budang sa kanyang mga nakita pero mas lalo siyang namangha nang bigla na lang pumasok itong napakagandang sasakyan sa isang mataas na gate. Mula sa kanilang kinaroroonan, natatanaw niya ang isang malapalasyong bahay. Napakagandang bahay iyun at ngayun niya lang napagtanto kung gaano pala talaga kayaman ang magiging amo niya. “Budang, nandito na tayo. Simula ngayung araw, dito ka na titira.” Wika pa nga sa kanya ni Manang. Bumaba na ito ng kotse pero may problema siya. Kanina niya pa kasi itinutulak pabukas ang pintuan ng sasakyan pero hindi yun mabuksan-buksan. Siya na lang itong naiwan dito sa loob kaya naman hindi niya maiwasan na makaramdam ng pagpapanic. Pakiramdam niya kasi nakulong siya eh. Kaagad niyang kinalampag ang binatana ng nasabing sasakyan. Mabuti at napansin yata siya ng amo niyang lalaki na si Kuya Charles dahil kaagad nitong binuksan ang pintuan ng nasabing sas

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #4

    HABANG nasa loob sila ng kotse at patuloy na umuusad iyun sa abalang kalsada, hindi mapigilan ni Barbara Santos aka Budang na mamangha sa kanyang mga nasaksihan. Ang tataas kasi ng mga bahay ang kanyang mga nakikita. Mas mataas pa yata sa mga puno ng niyog na inaakyat niya sa probensya nila. Bago sa paningin niya ang kanyang mga nakikita kaya naman nagkakandahaba-haba din ang kanyang leeg sa kakatanaw. Grabe….sa wakas, natupad din ang matagal niya nang pangarap ng makaapak sa sinasabi ng mga kasing edad niyang Manila. SA lugar nila, siya na lang kasi itong napag-iwanan eh. Urong sulong kasi ang mga magulang niya sa pagpayag sa kanya na lumuwas dito sa Manila. Mabuti na lang talaga at umuwi itong si Manang sa probensya para maghanap daw ng magiging labandera sa pinapasukan nitong amo ngayun. Siyempre, nagpresenta kaagad siya. Bente anyos na siya at umikot lang ang buhay niya sa probensya samantalang mga kaedad niya, ilang beses nang nagpabalik-balik dito sa Manila. Inggit na in

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #3

    “Budang? Who’s Budang, Yaya?” kunot noo niyang tanong ni Christopher kay Yaya Luring “Siya po Sir. Ang kasama ko si Budang! Siya ang papalit sa umalis na labandera.” Nakangiting wika ni Manang. Hindi niya naman mapigilan ang mapatitig kay Ms. Pedestrian…este Budang. God, labandera? Hindi naman sa pang-aano pero kaya ba nitong maglaba sa sobrang liit ng katawan nito? Hindi nga? Siguro kung siya ang pagdedesisyonin, hindi niya ito iha-hire bilang labandera eh! “Ganoon ba? Sige po Yaya..I understand. Sa kotse na tayo.” Sagot niya na lang. Wala siya sa lugar para sabihin kay Manang na hindi qualified ang isinama nitong labandera. Bahala na ang Mommy niya magdesisyon. Tutal, iyun naman ang nasusunod sa loob ng bahay Pagkatapos sabihin ang katagang iyun, nagpaituna na siyang naglakad patungo sa parking area kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Tahimik na nakasunod sila Yaya sa kanya at nang muli niyang lingunin ang mga ito, hindi niya mapigilan ang magtaka lalo na nang mapans

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #2

    CHARLES VILLARAMA Sa kabila ng pagbubunganga ng Mommy niya, nairaos niya din naman ng maayos ang pagkain niya ng breakfast. Nabusog din naman siya kahit papaano lalo na at iba pa rin talaga ang feeling kapag kasama mo ang mga magulang mo sa hapag kainan eh. Nakakatuwa at the same time nakakataba pa rin ng puso. Pagkatapos kumain ng agahan, tinawagan niya ang personal secretary niya na si Banjo at sinabi niya dito na hindi na muna siya makakapasok ng trabaho. Binilinan niya din ito na iutos sa HR na maghanap ulit ng bagong secretary. Iyung may edad na para naman wala na siyang dahilan para sesantihin. Nitong mga nakaraang buwan kasi, puro mga batang secretary ang naha-hire eh. Kaya hindi nagtatagal dahil tinatangal niya kaagad lalo na kapag nakikitaan niya ito ng kalandian. Meaning, nilalandi siya which is ayaw niya. Oo, babaero siya pero siya din iyung tipo ng tao na hindi sinasama ang init ng katawan sa trabaho. Meaning para sa kanya, kung trabaho ay trabaho lang. Ang paglala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status