LOGINELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV
"EZEKIEL...NO! No! Hindi totoo ito! Nandito na ako anak! Hindi ko na hahayaan pa na may manakit ulit sa iyo! Idilat mo ang mga mata mo! Idilat mo ang mga mata mo, anak!" paulit-ulit kong sigaw na para bang nasisiraan ng bait! Muli kong dinaluhan ang wala nang buhay nitong katawan! Hinaplos ko ang pisngi nito kasabay ng pag-agos ng masaganang luha sa aking mga mata! Ano ba! Kung kailan natagpuan ko na siya tsaka naman ito nangyari Walong taon! Walong taon ko silang hinanap ni Ethel pero huli na! May asawa nang iba si Ethel at tangap ko na sana iyun dahil wala naman na akong magagawa pa tungkol sa bagay na iyun! May minamahal nang iba ang babaeng mahal ko at kahit na masakit kailangan kong magmoved-on basta mapunta lang sa akin ang kustudiya ng anak namin! Napagkasunduan naming dalawa na bibigyan ko siya ng dalawampung milyong peso at ready na ang pera! Kaya lang ito naman ang sumalubong sa akin sa pagbalik ko dito sa Villarama-Santillan Beach Resort! Wala na ang anak ko! Patay na si Ezekiel! May dugo akong Villarama at hindi ako basta-basta mapapaiyak pero sa nakikita kong sitwasyon ngayun ng kaawa-awa kong anak biglang dagsa ang galit sa puso ko! Mula sa pagkakaupo sa buhanginan dahan-danan akong tumayo nanlilisik ang mga matang tinitigan si Ethel! "Hindi ako papayag na walang managot sa pagkamatay ng anak ko! Pabaya kang Ina kaya dapat lang na pagbayaran mo ito!" galit kong sigaw sabay duro dito! Sa kabila ng kanyang pagluha, kitang kita ko ang takot na kaagad na rumihistro sa mga mata niya! Napaatras pa siya ng makailang ulit habang patuloy siya sa kanyang pagtangis! "Elijah...maniwala ka sa akin! Ginawa ko ang lahat para alagaan ang anak natin! Siyam na buwan sa sinapupunan ko at mahigit pitong taon ko siyang inalagaan! Huwag mo naman ibunton sa akin ang lahat ng sisi!" umiiyak niyang bigkas! "At sino ang sisisihin ko sa pagkawala ng anak ko? Sino, Ethel?" galit kong sigaw "Siya....siya! Ang lifeguard na iyan! Siya ang sisisihin mo dahil hindi niya nabantayan si Ezekiel! HIndi niya ginawa ng maayos ang trabaho niya kaya napahamak ang anak ko!" umiiyak niyang bigkas kasabay ng pagturo niya sa isang babae! "Bakit ako? Aba't Ethel, huwag mong isisisi sa akin iyang pagiging pabaya mong Ina ha? Iiyak ka ngayun dahil patay na si Ezekiel eh noong nabubuhay pa ang bata hindi mo nga siya halos maalagaan eh!:" kaagad namang sagot ng babaeng lifeguard! Wala sa sariling napatitig ako dito! Kung hindi ako maaring magkamali, nasa edad 20s pa lang ang babae! "Pinabayaan mo ang anak ko?" galit kong tanong sa kanya habang naglalakad palapit dito! Kung sa ibang pagkakataon baka humanga pa ako sa babaeng ito eh! NI Wala man lang akong nakikitang takot sa mga mata niya habang direkta din siyang nakatitig sa akin! "Ikaw pala ang ama ni Ezekiel? Huwag mo akong sisisihin kung bakit napahamak ang anak mo! HIndi ako tagapag-alaga ng anak mo na twenty four seven kaya ko siyang bantayan!" seryoso niyang bigkas! Napatigil naman ako sa paghakbang palapit sa kanya habang hindi ko inaalis ang pakakatitig sa kanyang mukha! "Sa presinto ka nalang magpaliwanag! Wala akong ibang gusto ngayun kundi ang mabigyang ng hustisya ang pagkawala ng anak ko! Makukulong ang dapat makulong at managot sa batas ang dapat managot!" nanlilisik ang mga matang bigkas ko at mabilis na sininyasan ang mga tauhan ko na kanina pa nakamasid! "Tumawag kayo ng mga pulis! Gusto kong makulong ang lahat nang sangkot dahil sa pagpapabaya kaya napahamak ang anak ko!'' galit kong bigkas! Muli kong binalikan ang anak kong wala nang buhay! May mga luha sa mga mata na masuyo kong hinaplos ang mukha nito! Kung paano ako naghirap na matagpuan siya, ganito lang din kadali na nawalay siya sa akin! "Teka lang, wala akong kasalanan! Ethel...umayos ka ha? Huwag mo akong idamay dito!" narinig ko pang sambit nang babaeng lifeguard pero hindi ko na pinagtoonan pa ng pansin! Galit ako at hindi ako papayag na walang managot sa batas dahil sa pagkamatay ng anak ko! "Elijah, hindi mo ito pwedeng gawin sa akin! Kahit na pagababalik-baliktarin pa ang mundo, ina ako ni Ezekiel at hindi mo ako pwedeng ipakulong!" narinig ko ding sambit ni Ethel! Matalim ang mga matang tinitigan ko ito habang hawak-hawak na siya ng mga tauhan ngayun! "Makukulong ka sa pagiging pabaya mo! Mabubulok ka sa kulungan! Iyan ang tandaan mo Ethel!" galit kong sigaw! "Wala akong kasalanan! Walang Ina na may gusto na mapahamak ang anak! Elijah naman, hindi mo pwedeng gawin ito sa akin! Hayaan mo naman sana akong magluksa sa pagkawala ng anak ko! Huwag ka naman sanang maging unfair sa akin!" umiiyak niyang bigkas! "Huwag akong maging unfair sa iyo? Bakit, noong mga panahon na inilihim mo sa akin ang tungkol sa anak natin, hind ba lumalabas na naging unfair ka sa akin, Ethel? Hindi ba?" galit kong sigaw sa kanya! Ilang beses naman itong napailing habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata! "Naging unfair ka sa akin! Walong taon kitang hinanap! Walong taon na halos halughugin ko ang mundo tapos nandito ka lang pala! Nagtatago kasama ng anak ko? Ngayun, pagsisisihan mo ang lahat! Hinding hindi kita mapapatawd sa ginawa mong kapabayaan! Hinding hindi ko mapapalagpas ang ginawa mong pagpapabaya sa anak natin!" galit kong bigkas! Hindi naman na siya nakaimik! Ilang saglit lang, dumating na din ang mga kapulisan at tuluyan na siyang hinuli kasama ang babaeng itinuro niya na sangkot daw sa pagkamatay ng anak namin dahil daw sa kapabayaan nito pagdating sa trabaho! "Hayy naku! Ano ba iyan Ethel, nakakainis ka! Ang sarap mong kalbuhin!" narinig ko pang reklamo ng life guard! Napansin kong pinukol pa ako nito ng masamang tingin bago tuluyang sumama sa mga kapulisan!CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV “Bakit hindi pa ba kayo na-inform ni Joseph na hiwalay na kami? Tsaka, wala na kayong pakialam pa kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa lahat ng mga gusto kong bilihin dito noh.” Nakangising sagot ko. Saktong kakatapos ko lang sabihin ang katagang iyun, lumapit naman ang isa pang staff at iniabot nito sa akin ang white dress na pinag-agawan pala namin kanina ni Krisitina. Nagpakuha pala ako ng bagong stocks which is muntik ko nang nakalimutan dahil nabayaran ko na ang mga pinamili ni Amy. “Mam, ito na po. Size medium po.” Nakangiting wika ng staff pero nagulat na lang ako nang bigla na lang agawin iyun ng current jowa ni Joseph. “Ayyy, gusto ko ito. What do you think, Tita?” nakangiting wika nito na halatang pilit na pinapabebe ang tono ng boses. “Gusto mo iyan…wow, bagay sa iyo iyan, Ate Glenda.” Nakangiting sagot naman ni Thalia sabay agaw din ng dress mula sa kamay ni Glenda. “Excuse me..akin iyan. Hindi niyo ba narinig, ako ang nauna
CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA “Mukha din siyang mabait. Sayang nga lang at magmamadali. Pero at least nag nice to meet you naman sa akin.” Narinig kong muling wika ni Amy. "Mabait iyun kagaya ko. By the way, tapos ka na bang mamili?” tanong ko dito. Nakangiti naman itong tumango “OO..tapos na. Kaya lang, hindi ba nakakahiya, Cassandra? Baka sabihin mo, abusado ako ha?” tanong nito sa akin “Anong abosado…naku, gift ko sa iyo lahat iyan. Huwag kang mag-aalala, sagot ko lahat ito.” Nakangiting sagot ko dito at pagkatapos noon, mabilis na kaming naglakad patungo sa counter para makapagbayad na. Habang hinihintay ko matapos i-punch lahat ng pinamili namin ni Amy, nagulat na lang ako nang mapansin ko ang isang pamilya na papasok naman dito sa loob ng shop. Walang iba kundi ang mga Nanay at kapatid ni Joseph. Kilala ko na ang mga ito dahil minsan na akong ipinakilala ni Joseph sa mga ito at kagaya ng mga kontrabidang hilaw na biyanan, ganoon at ganoon ang ugali ng Nanay nitong si J
CASSANDRA ‘CASSY’ VILLARAMA “Fake news? I don't know if what I heard about you is fake news, but...whatever….basta ang mahalaga nagkita tayo ngayun…” nakangiting wika ng pinsan kong si Krisitina. Lumitaw tuloy ang biloy nito sa magkabilaan nitong pisngi. Well, ang ganda talaga ng pinsan ko. Super ganda kagaya ko-- “Fake news nga iyun..teka lang, gusto mo ba Itong dress na ito? Mine ko na sana itong color white eh…and sana, iyo na lang iyang pink.” Nakangiting wika ko. Hawak pa rin naming dalawa ang color white dress na akala mo walang gustong bumitaw eh. “Well, dahil pinsan kita, handa naman akong mag give-way. Hindi din naman ako sure kung masusuot ko ba itong color white pero sige, akin na lang itong pink. Elegant din naman ang cut niya at parang bagay naman sa akin.” sang-ayon nito. Oh diba…talagang pinagdiinan pa na magpinsan kami kaya ayos lang na pagbigyan ako. Pero kung ibang tao siguro, duda ako kung mag-give way ba itong si Krisitina. Sabagay, kung brat ako dahil
CASSANDRA ‘CASSY’ VILLARAMA POV “Wow, Cassandra Villarama, para sa akin lahat ito?” namimilog ang mga matang tanong sa akin ng kaibigan kong si Amy. Hindi na talaga ito nakontento na tawagin ako sa pangalan kong ‘Cassy’. Hindi daw ako si Cassy, ako daw si Cassandra Villarama kaya dapat lang daw na i-address ako nito sa tunay kong pangalan Kaya lang, gusto din nitong isama pati apelyedo ko eh. Naiilang tuloy ako lalo na at ang ilan sa mga shoppers ay napapatingin sa amin. “Amy, pwede bang Cassy na lang? Hindi mo na kailangan bangitin ang apelyedo ko. Baka mamaya, may masamang loob diyan at kapag marinig nilang tunog mayaman ang apelyedo ko, ma-kidnap pa tayong dalawa. Paano na ang mga pinang-shopping nating iyan?” nakangiting wika ko dito “Ha? Ah, ganoon ba iyun? Sorry, my mistakes. Nakaka – overwhelmed kasi na ang anak ng isang bilyonaryo ay bestfriend ko pala.” Nakangiting sagot nito sa akin “Susss, may nalalaman ka pang ganiyan eh. Sige na, dagdagan mo pa iyang mga napili
CASSANDRA ‘CASSY’ VILLARAMA Paalis na ako ng mansion Bracken nang siyang pagdating naman ni Lolo Marco galing sa monthly check-up nito. Napansin marahil na paalis ako kaya naman bigla nitong inoffer sa akin na pwede daw akong gumamit na sasakyan kung nais ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang mabilis na mapa-oo. “Ayos lang po ba, Lolo? I mean…magkikita kasi kami ngayung ng friend ko at mas convenient nga po kung gagamit ako ng sariling sasakayan.” Nakangiting sagot ko dito. Medyo kinapalan ko na ang mukha ko dahil kailangan talaga eh. “Oo naman, iha. Pwede talaga! Sige na, mamili ka na kung alin diyan ang gusto mong gamitin. Pero mag-ingat ka ha? Doble ingat lalo na sa pagmamaneho.” Nakangiting sagot nito sa akin. Kaagad naman akong tumango “Thank you, Lolo. The best po talaga kayo.” Sambit ko at pagkatapos sabihin ang katagang iyun, nagpaalam na ako. Dinala ako ng driver ni Lolo sa garage kung saan makikita ang iba’t-ibang klaseng mamahaling sasakyan. Siyempre, pinili ko
CASSANDRA ‘CASSY’ POV PAGKATAPOS naming nag-usap ni Lolo Marco ngingiti-ngiti ako ngayung binabaybay ang way patungo sa silid na gagamitin ko. Sabi ni Lolo Marco, dumating na daw kanina pa ang mga items na mga shinapping ko at nandoon na daw sa silid Talaga naman…talagang sobrang bait ni Lolo sa akin. Imagine, lahat ng pabor, ibinibigay nito sa akin. Feeling ko nga, mas mahal pa ako nito kumpara sa apo nitong si Neilson eh. “Cassandra, let’s talk.” Wala sa sariling automatiko na namang napahinto ako sa aking paghakbang nang marinig ko na naman ang seryosong boses ni Neilson. Akala ko tapos na ang mga batuhan ng mga dialogue namin pero heto na naman ito ngayun. Gusto na naman daw akong makausap “Hmm, ano na naman ba iyan? Ikaw Neilson ha, nakakasawa na iyang pagmumukha mo. Pwede bang tigil-tigilan mo muna ako? Hindi pa man tayo ikinakasal, pero nauumay na ako diyan sa ugali mo.” Yamot kong bigkas. “Ikaw lang ba? Ikaw lang ba ang nagsasawa sa sitwasyon na ito, Cassandra?” ya







