Tulala ako kinabukasan dahil sa totoo lang ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kagabi lalo na nang makita ko si Andrew. Paano nga kung nandito rin ang magaling kong asawa? Handa na ba talaga akong makipagkita muli sa kaniya?
"Ate, coffee?" pag-aalok sa akin ni Mitzy ng kape.
Nasa veranda nila ako ngayong umaga at doon ko napiling magmuni-muni dahil maaga akong nagising kahit na masakit pa ang ulo ko.
"Thanks, Mitz! Si Stella?" tanong ko sa kaniya.
Inabot naman niya muna sa akin ang tinimpla niyang iced coffee bago sumagot sa akin.
"She's still sleeping. Halatang sobrang dami na nainom niya kagabi," sagot nito sa akin pagkatapoas ay bahagyang natawa.
Natawa rin ako at napatango dahil marami ngang nainom ang babaeng iyon. Balak ko na rin sanang umalis dito kanina pa nang magising ako kaya lang ay alam kong matagal na ulit kami magkikita ni Stella dahil parehas kaming magiging busy na naman sa kaniya-kaniya naming trabaho. Kailangan ko rin siyang makausap dahil hindi ko alam kung paano siya napunta kay Andrew kagabi.
Nanatili lang ako sa veranda at nagmuni-muni roon kasama si Mitzy pagkatapos ay nagpaalam na rin siya na magluluto ng almusal naming tatlo. Gusto ko nga sanang tumulong kaya lang ay ayaw ni Mitzy dahil bisita raw ako roon kahit na madalas ko namang pakialamanan ang bahay ni Stella noon pa. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya dahil masakit pa rin ang ulo ko.
Hindi ko alam kung nakailang hikab na ako roon habang nakatulala at paminsan-minsan naman ay nagi-scroll ako sa social media ko. Sobrang daming notifications doon at may mga pictures ako gabi na naka-tag sa akin. Mayroon pa na kasama ko ang isang celebrity at halos i-ship na naman kami ng buong sambayanan. Ang iba naman ay nangba-bash kaya halos mapairap at matawa na lang ako roon.
"Hey, what are you doing here?" tanong ni Stella galing sa likuran ko.
Napataas naman ang kilay ko at agad kong binaba ang phone ko bago lumingon sa kaniya.
"At bakit mo tinatanong? Bawal na ba ako rito?" mataray na pagtatanong ko sa kaniya.
Namamaga ang mga mata ni Stella nang tignan ko siya dahil siguro sa kalasingan niya kagabi. Natawa naman siya at agad na kinusot ang dalawa niyang mga mata bago umiling at magsalita.
"Of course not! Dito ka ba natulog?" pagtatanong niyang muli.
"Ano bang nangyari kagabi? Wala na akong matandaan bukod sa pagsasayaw ko kagabi sa dance floor?" dagdag na tanong pa niya.
Nagtaas naman ako ng kilay sa kaniya pagkatapos ay humalukipkip ako. Hindi ako naniniwala na wala siyang matandaan.
"Dancing with?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
"With our friends! Duh?" sagot niya sa akin pagkatapos ay napairap pa.
Napangisi naman ako dahil nagpapalusot na naman ang isang ito. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka kanina pa ako naniwala na wala talaga siyang natatandaan tungkol sa mga nangyari kagabi.
"Did you asked him if he's here or you just invited him here?" tanong ko sa kaniya.
Napakunot naman agad ang noo ni Stella na para bang hindi alam ang sinasabi ko kaya naman napahugot ako nang malalim na hininga at tumayo.
"Oh come on, Stella. Hindi mo ako madadaan sa gan'yan mo. I know you still remember what happened last night," sabi ko sa kaniya.
Nakita ko ang pag-iwas ng tingin niya sa akin kaya alam ko na kaagad na nagsisinungaling siya.
"Don't tell me nahuhulog ka na naman sa matatamis na salita ng lalaking 'yon?" mapaghinalang tanong ko sa kaniya.
Kita ko naman kaagad ang gulat sa mukha niya kaya naman nagkibit ako ng balikat para ipakita sa kaniya na tama ako sa hinala ko sa kaniya.
"What?! No! Of course not! We just bumped to each other last night and he asked me for a drink. Kasama ko sila Marcus that time pero bigla silang nawala!" sunod-sunod na paliwanag sa akin ni Stella.
"Akala ko ba wala kang naaalala?" tanong ko muli sa kaniya.
Napapadyak na lang siya at napahilamos sa mukha kaya naman bahagya akong natawa dahil sa reaskyon niyang iyon.
"May gusto ka pa rin kay Andrew 'no?" pang-aasar na tanong ko sa kaniya.
"No way! At kahit kailan hindi ko nagustuhan ang lalaking 'yon. Naririnig mo ba ang sarili mo?" pagtatanggol niya sa sarili niya.
"Oh really huh? Kaya pala nahuli ko kayo noon na naghahalikan-"
"Oh my gosh, Lily! Stop it! Aksidente lang 'yon!" pagpipigil niya sa akin.
Hindi ko naman na napigilang matawa kaya napatango-tango na lang ako.
"Sumama lang ako sa kaniya kagabi to help you. Tapos aasarin mo lang ako ngayon?" sabi niya pagkatapos ay bumusangot pa.
Natawa naman ako dahil may point nga siya. Maaaring sumama nga lang siya kay Andrew para tulungan ako kay Cristiano.
"Yeah may point ka naman. So what's the update? Kasama niya ba ang magaling kong asawa?" tanong ko sa kaniya.
"He said no. Nagpunta lang siya rito for a congress meeting," sagot sa akin ni Stella.
"At kailan pa siya uma-attend sa ganoong meeting? I'm pretty sure he's with Cristiano!" sabi ko pagkatapos ay napairap pa.
"Yeah. Hindi rin ako naniniwala. So what if magkita kayong dalawa rito? Ano'ng gagawin mo?" tanong naman sa akin ni Stella.
Napahinto naman ako sandali at hindi na naman nakapagsalita pero napataas na lang ang noo ko at nagkibit ng balikat.
"Edi haharapin ko siya at ako mismo ang magbibigay sa kaniya ng mga documents para sa annulment naming dalawa," mayabang na sabi ko.
"Wow! Kaya mo? Tumatapang ka na yata?" mapang-asar na tanong sa akin ni Stella.
Inirapan ko na lang siya at hindi na muling nagsalita dahil kahit ako ay may duda ako sa sarili ko. Nararamdaman ko naman na kaya ko na siyang harapin at kausapin dahil hindi na ako ang Lily na nakilala nila noon. I've change a lot and I became a better. Masasabi ko na talaga sa sarili ko na isa akong strong and independent woman and no one can change that anymore.
Sobrang dami kong napagdaanan sa buhay. Dumating ako sa point na talagang na-disappoint ko ang mga taong sobrang mahahalaga sa akin. Dumating din ako sa point na nawalan na ako ng pag-asa para sa sarili ko, para sa buhay na ibinigay sa akin ng mga magulang ko. Halos mawala ako sa sarili nang mawalan ako ng anak. Nawala siya sa akin nang hindi ko man lang nakikita at nahahawakan.
Sa mga sandaling oras na naghihintay ako sa pagdating ni Cristiano ay siyang paglaban ko naman sa antok at pagod ko. Wala pa akong halos pahinga dahil iyon din ang araw na pag-uwi ko mula sa America. Mas nananaig naman ang kaba at takot ko kaya kahit na ano'ng bigat ng talukap ng mga mata ko ay hindi ko 'yon maipikit. Mahigit kalahating oras na ang lumipas at sigurado akong malapit na si Cristiano. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at muling sumilip sa bintana. Hindi pa rin umaalis ang mga lalaking nakabantay roon kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Hindi ba sila napapagod or inaantok man lang? Napailing na lang ako roon at napairap. Sana lang ay sapat ang mga dinalang tauhan ni Cristiano dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Mike. Ilang sandali pa akong nakatayo roon nang maramdaman kong nag-vibrate ang watch na nasa bulsa ko kaya naman dali-dali kong kinuha 'yon para tignan. Tumatawag doon si Cristiano kaya hindi ko na pinatagal pang sagutin 'yon dahil sa kaba na kanina ko p
"Matagal naman na tayong hiwalay simula nang mawala ang baby natin. So, bakit ayaw mo pa akong pakawalan?" tanong ko sa kaniya.May bahid ng luha sa gilid ng mga mata ko pero agad kong itiningin 'yon sa itaas para hindi magtuloy ang pagluha. Sinabi ko sa sarili ko na hiindi na ako iiyak muli sa harapan niya."I-I don't want us to separate. Patawarin mo na ako, Lily. Tatanggapin ko ang lahat 'wag mo lang akong hiwalayan," sagot niya sa akin at mas lalong humigpit ang yakap niya.Napahawaj ako sa braso niya para ilayo siya sa pagkakayakap sa akin pero masyado siyang malakas kaysa sa akin. "Bitiwan mo na ako," sabi ko sa kaniya.Naramdaman ko naman ang paghugot nang malalim niyang hininga bago ako tuluyang hiniwalayan sa pagkakayakap pero nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang ginawa."W-What are you doing?" nauutal kong tanong sa kaniya.Napatingin ako sa paligid namin at laking pasasalamat ko dahil walang tao roon. Lumuhod siya at humawak sa kamay ko."Don't leave me. Please," his v
[After Flashback: Continuation of chapter 8] *** "I-I'm so sorry to hear that, Lily. Kung alam ko lang na gano'n ang pinagdaanan mo," sabi sa akin ni Liam. Pinalis ko ang mga luha ko at agad na ininom ang alak na nasa harapan ko. Hindi ko akalain na sa ilang taon ang lumipas ay muli akong mapapaiyak. That was very diffucult for me to move on. Matapos kong magpatulong kay Ate na dalhin ako sa ibang bansa na walang makakaalam ay nagsimula akong kalimutan ang lahat ng mga nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan na maalala 'yon minsan. "Mali ang ginawa sa'yo ni Kuya pero napatawad mo na ba siya? Are you ready to face him again?" tanong sa akin ni Liam. Natawa ako at napailing dahil kaya ko naman na talagang humarap kay Cristiano. May kaonting takot lang talaga akong nararamdaman dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon naming dalawa kapag nagkita kaming muli. Basta ang tanging gusto ko lang ngayon ay ma-annul ang kasal naming dalawa kaya naman hindi ko maiwasang magalit sa t
Walang kahit na sino ang makakapagsabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Nawalan lang naman ako ng anak at dahil 'yon sa pananakit sa akin ni Cristiano. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako lumaban sa kaniya ay sana hindi iyon nangyari. Kung nag-stay na lang sana ako sa kwartong 'yon at indahin ang pananakit niya sa akin.Tulala lang ako habang naka-upo sa hospital bed. Kanina pa ako iyak nang iyak doon at paminsan-minsan ay hihinto ako kapag napagod. Hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay nawala ang hinihintay kong anak. Hindi ko man lang siya nahawakan, nakita, at kahit kailan hindi ko na siya makikitang lalaki pa kasama ako."Eat this so you can get some strength. Tinawagan ko na si Sabrina," sabi ni Cristiano.Hindi siya umalis sa tabi ko kanina pa kahit na nakailang beses na akong pagtaboy sa kaniya. Mas lalo akong naiyak dahil naalala ko ang mga magulang at kapatid namin na sabik na sabik sa pagdating ng magiging anak ko p
"Bakit sa akin mo ibinabalik ang mga salitang dapat sa'yo? You're the who's cheating here at hindi ako!" dagdag na sabi ko sa kaniya.Siya naman talaga ang nanloloko sa aming dalawa at hindi ako. Binalikan niya ang ex niya kinikita niya ito ng patago. Niloloko nila kami ng asawa ni Francine."So, bumabawi ka nga? You're doing this to shame me?! Ang kapal ng mukha mo! Pinakasalan lang kita dahil nabigla ako at dahil sa batang dinadala mo! I agree to marry a girl but nothing like you!" patuloy niya.Pinalis ko ang mga luha ko at umiling sa mga sinasabi niya. Kahit isa ay walang katotohanan doon dahil ang pagloloko ay ang bagay hinding-hindi ko kayang gawin dahil alam ko ang pakiramdam no'n. "Hindi ako bumabawi. Hindi kita niloloko-""Stop lying!" sigaw niya dahilan nang pagkahinto ko sa pagsasalita."Alam mong gusto ka ni Liam kaya ka sumasama sa kaniya! Sana pala sa kaniya ka na lang nagpakasal! Nagpakipot ka pa no'ng una pero gusto mo rin pala!" sunod-sunod niyang sabi sa akin.Halos
"I'm his brother. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kaniya," sabi ni Liam sa bodyguard ko. Napailing naman ako dahil baka magalit lalo sa akin si Cristiano pero ayaw ko namang makulong dito sa loob ng bahay lalo na at karapatan kong lumabas. "Mapapagalitan po ako, Sir. Baka mawalan pa ako ng trabaho," sagot nito kay Liam. "Ako ang bahala sa'yo. Tatawagan ko rin si Cristiano para sabihin na ako ang kasama ng asawa niya. May tiwala siya sa akin," patuloy na pagpupumilit ni Liam. Ilang minuto rin kaming nakipag-usap sa bodyguard ko hanggang sa nakumbinsi namin ito at nakalabas nga ako. "Bakit ayaw kang palabasin ng bahay ni Cristiano?" tanong sa akin ni Liam. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong paalisin. Nag-isip na lang tuloy ako ng ibang dahilan para masagot ko ang tanong ni Liam. "Ah, he just want me to rest. Ayaw niya munang umalis-alis ako para raw hindi ako mapagod," palusot na sabi ko. "Don't worry. Ako na ang ba