Share

Chapter 5

Kabanata 5

 

 

Lumipas ang ilang araw na naging abala ako sa trabaho ko. Naghahanda na rin ako sa pag-uwi ko sa Pilipinas. Hindi ko alam kung magiging successful ba ang pag-uwi ko nang hindi nalalaman ng pamilya ko. Ilang taon na rin simula nang umalis ako roon kaya hindi naman masama kung babalik ako ulit. Isa pa ay ilang birthday na ako ni Daddy na hindi nakakapunta. 

 

"You can email me if you have any questions. My secretary will inform me about that," sabi ko sa medyo matandang foreigner na kausap ko. 

 

Nakatanggap na naman ako ng malaking project dito dahil may itatayong malaking building para sa bagong business doon. Ilang taon na akong nagtatrabaho bilang architect at sa ilang taon na lumipas mula nang mapadpad ako rito, pakiramdam ko mas naa-appreciate ang ginagawa ko. 

 

 

"Thank you so much, Architect Scott. I didn't expecy that you would accept this bog project. I know you have a lot of on-going projects and have the right to not accept this. I appreciate it!" sunod-sunod niyang sabi sa akin habang nakangiti. 

 

Ngumiti din ako sa kanya at tumango habang nagsasalita siya. 

 

"No worries, Mr. Williams. I'll assure you that my team and I will do our best to make this project," sagot ko pagkatapos ay muling ngumiti sa kanya. 

 

Wala talaga akong balak na tanggapin ang project na 'yon kahit na malaki ang offer na inaalok nila sa akin, pero dahil nanghingi ng favor sa akin ang isa sa mga celebrity na kaibigan ko rito ay tinagganp ko 'yon.

 

Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Mr. William dahil na-close deal na namin iyon, kaya naman umalis na rin siya. Nanatili ako sa restaurant dahil ayoko nang bumalik sa opisina ko. Wala namang masyadong tao roon kaya makakapagtrabaho ako. 

 

Binuksan ko na lang ang iPad ko para sagutin ang ilang message sa email ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagsasagot roon dahil masyadong marami iyon. Sinubukan ko ring kausapin ang lawyer ko sa Pilipinas dahil may message siya sa akin two days ago. Tinawagan ko siya kaagad dahil baka importante 'yon tungko sa annulment ng kasal ko. 

 

"Attorney! What's up? Are you buys?" Bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko. 

 

"Finally! Sinagot mo rin Mrs. Smith," sabi niya sa akin pagkatapos ay natawa.

 

Napairap naman ako dahil alam kong inaasar na naman niya ako. Si Attorney Abella ay mas matanda lang sa akin ng limang taon. Magkaibigan sila ni Sabrina at malaki ang tiwala ng pamilya ko sa kanya kaya naman umaasa ako na sa tulong niya ay tuluyan ko na akong makakawala sa asawa ko.

 

"I was just busy these past few days. So what's the news?" sagot at tanong ko sa kaniya.

 

"Yeah, you're always busy. But yeah! I just want to inform you that the other side is not taking this seriously. Hindi sila nagre-reply sa mga emails ko at nang makita ko ang lawyer ng asawa mo, sinabi lang niya sa akin na hindi siya tatanggap ng kahit ano galing sa'yo maliban na lang kung sasabihin ng amo niya," patuloy na pagkukuwento sa akin ni Attorney Abella. 

 

"What?! Seryoso ba sila?!" galit na tanong ko. 

 

Halos sumabog na naman ako sa galit, buti na lang naalala kong nasa restaurant ako at wala sa opisina ko. 

 

"Yup. That's why I also tried to reach out to your husband myself pero wala akong nakuhang balita sa mga sagot nila," sagot sa akin ni Attorney Abella. 

 

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at kahit gusto kong magwala roon, alam kong ako lang ang mapapahiya. Hindi lang ako basta architect dito dahil may influence na ako at kilala ako ng karamihan dito kaya naman pinili kong iligtas ang sarili sa kahihiyan. Hindi ako pwedeng magwala rito!

 

Huminga ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili bago muling magsalita.

 

"Thank you for the information, Attorney. Ako na ang bahala na makipag-usap sa kaniya," sabi ko. 

 

"Are you gonna talk to him personally? " tanong niya na para bang hindi makapaniwala. 

 

"It won't progress if I can't talk to him in person. I'll find him here. I have a hunch na nandito siya dahil nakita ko ang anino niya rito kagabi," sunod-sunod na sabi ko. 

 

Natawa si Attorney sa sinabi ko at kumbinsido siya sa gagawin ko. 

 

"I'll trust you, Lily. Just let me know kapag nahanap mo na at nakausap mo ang magaling mong asawa. Good luck!" sunod-sunod niyang sabi. 

 

Hindi nagtagal ang pag-uusap namin ni Attorney dahil in-end na namin ang tawag. Sasagot sana ako muli ng email pero nawalan ako ng gana. Isa pang nakakuha ng atensyon ko ay nang may nakita akong pamilyar na lalaki na pumasok sa restaurant.

 

Halos lahat ng babae sa loob ay nakuha ng atensyon niya. Naka-white long-sleeve siya at nakatupi ito hanggang siko niya. Nakabukas din ang dalawang butones niya at ang pang-ibaba niya ay itim na pantalon at itim na sapatos. 

 

"L-Liam?" Bulong ko nang makilala ko ito nang tuluyan.

 

Halos hindi ko na siya makilala dahil ang laki na ng pinagbago niya lalo na sa katawan at aura niya. Dalawang lalaki ang kausap niya at hindi ko sila kilala. Nagtatawanan sila nang magtama ang mga mata namin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. 

 

Ang ngiti sa labi niya kanina ay unti-unting nawala at halos mapahinto naman siya roon kaya naman hindi ko alam ang gagawin ko. Halos matuyo ang lalamunan ko, hindi ko alam kung dapat ba akong mag-iwas ng tingin o umalis agad. Alam kong nakilala niya ako dahil wala namang nagbago sa itsura ko. Hindi ko lang akalain na sa ganitong paraan kami magkikita ulit. 

 

Ngingiti at kakaway sana ako sa kaniya na para bang hindi ako umalis noon nang hindi nagpapaalam sa kanila pagkatapos ng ilang taon na lumipas pero agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Nagpatuloy siya sa paglalakad kasama ang dalawang kasama niya. Halos mapalunok naman ako roon dahil alam ko sa sarili na nagmukha akong tanga roon. Bakit ba nag-expect pa ako na babatiin niya ako? Napailing na lang tuloy ako at napabuntong hininga.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jovilyn Fuentes
sinu c liam??
goodnovel comment avatar
Missy F
sino si Liam?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status