[After Flashback: Continuation of chapter 8] *** "I-I'm so sorry to hear that, Lily. Kung alam ko lang na gano'n ang pinagdaanan mo," sabi sa akin ni Liam. Pinalis ko ang mga luha ko at agad na ininom ang alak na nasa harapan ko. Hindi ko akalain na sa ilang taon ang lumipas ay muli akong mapapaiyak. That was very diffucult for me to move on. Matapos kong magpatulong kay Ate na dalhin ako sa ibang bansa na walang makakaalam ay nagsimula akong kalimutan ang lahat ng mga nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan na maalala 'yon minsan. "Mali ang ginawa sa'yo ni Kuya pero napatawad mo na ba siya? Are you ready to face him again?" tanong sa akin ni Liam. Natawa ako at napailing dahil kaya ko naman na talagang humarap kay Cristiano. May kaonting takot lang talaga akong nararamdaman dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon naming dalawa kapag nagkita kaming muli. Basta ang tanging gusto ko lang ngayon ay ma-annul ang kasal naming dalawa kaya naman hindi ko maiwasang magalit sa t
"Matagal naman na tayong hiwalay simula nang mawala ang baby natin. So, bakit ayaw mo pa akong pakawalan?" tanong ko sa kaniya.May bahid ng luha sa gilid ng mga mata ko pero agad kong itiningin 'yon sa itaas para hindi magtuloy ang pagluha. Sinabi ko sa sarili ko na hiindi na ako iiyak muli sa harapan niya."I-I don't want us to separate. Patawarin mo na ako, Lily. Tatanggapin ko ang lahat 'wag mo lang akong hiwalayan," sagot niya sa akin at mas lalong humigpit ang yakap niya.Napahawaj ako sa braso niya para ilayo siya sa pagkakayakap sa akin pero masyado siyang malakas kaysa sa akin. "Bitiwan mo na ako," sabi ko sa kaniya.Naramdaman ko naman ang paghugot nang malalim niyang hininga bago ako tuluyang hiniwalayan sa pagkakayakap pero nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang ginawa."W-What are you doing?" nauutal kong tanong sa kaniya.Napatingin ako sa paligid namin at laking pasasalamat ko dahil walang tao roon. Lumuhod siya at humawak sa kamay ko."Don't leave me. Please," his v
Sa mga sandaling oras na naghihintay ako sa pagdating ni Cristiano ay siyang paglaban ko naman sa antok at pagod ko. Wala pa akong halos pahinga dahil iyon din ang araw na pag-uwi ko mula sa America. Mas nananaig naman ang kaba at takot ko kaya kahit na ano'ng bigat ng talukap ng mga mata ko ay hindi ko 'yon maipikit. Mahigit kalahating oras na ang lumipas at sigurado akong malapit na si Cristiano. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at muling sumilip sa bintana. Hindi pa rin umaalis ang mga lalaking nakabantay roon kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Hindi ba sila napapagod or inaantok man lang? Napailing na lang ako roon at napairap. Sana lang ay sapat ang mga dinalang tauhan ni Cristiano dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Mike. Ilang sandali pa akong nakatayo roon nang maramdaman kong nag-vibrate ang watch na nasa bulsa ko kaya naman dali-dali kong kinuha 'yon para tignan. Tumatawag doon si Cristiano kaya hindi ko na pinatagal pang sagutin 'yon dahil sa kaba na kanina ko p
Halos sumabog sa init ang mukha ko nang mabasa ko ang isang sulat sa harapan ko. Halos manginig ang kamay ko sa galit at halos malukot ko iyon dahil sa pagkakahawak ko. "This is not what I need!" sigaw ko pagkatapos ay pinunit-punit iyon. Mabilis ang paghinga ko at sobrang galit ang nararamdaman ko. Ikinalat ko ang punit-punit na papel sa loob ng opisina ko at agad kong dinampot ang isang bote ng wine glass doon. Ayaw kong masira nang tuluyan ang araw ko dahil may dinner ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko rito. Huminga ako nang malalim at sumimsim sa wine na hawak ko pero sa tuwing naaalala ko ang sulat na nabasa ko ay nag-iinit ang bait ko. "Lets try it in another day, Lily. Baka busy lang talaga-" "Busy?! Ang sabihin niya, ayaw niya lang talagang matanggap ang mga papel na ipinadala ko para sa kaniya!" sigaw ko nang putulin ko sa pagsasalita ang kaibigan kong si Stella. Ang kapal ng mukha niya! How could he do that do me? Hindi ako makapaniwala na susulatan niya lang ako sa
Hindi ko alam kung nakailang shots na ako pero hindi pa naman ganoong kalakas ang tama sa akin ng alak. Halos wala nga akong maramdaman na hilo or init sa katawan pero ang iba kong mga kasama ay hilo na at nakailang paalam na rin na gagamit ng comfort room. "Lily!" tawag sa akin ni Stella na galing sa crowd habang tumatawa at may dalang dalawang cocktail drinks. "Try this!" dagdag na sabi niya nang makalapit siya sa akin at inaabot ang isang cocktail sa akin. Hindi ako mahilig sa mga gano'n kaya naman agad akong umiling pero mas umiling sa akin si Stella at pilit na inilalagay sa kamay ko. Mukhang may tama na siya dahil sa alak kaya naman napairap na lang ako sa kaniya. "It's just a cocktail! Try mo lang. Ngayon lang naman e," pamimilit na sabi niya sa akin. "Kung ano-ano na lang ang pinapa-inom mo sa akin, Stella!" pagrereklamo ko sa kaniya pero kinuha ko rin ang cocktail drink sa kaniya. "No. Sige na sabay tayong inumin 'to," sabi niya at nakipag-cheers pa sa akin. Wala naman
"Are you alright?" tanong sa akin ni Saint nang makaalis kami sa dance floor. Nakabalik na kami ngayon sa table namin at nakita kong naroon na rin si Marcus at Caroline kasama ang iba pa naming mga kaibigan. "Hey! Where have you been?" tanong naman kaagad sa akin ni Caroline nang makita niya kaming naroon na. Humugot naman ako ng malalim na hininga bago siya sagutin. "Sa dance floor," sagot ko pagkatapos ay kay Saint naman ako bumaling. "I'm alright, Saint. Thank you. Ikaw ayos ka lang ba?" sagot at tanong ko naman sa kaniya. "Yeah of course. Sa'yo ako nag-aalala. Nasaktan ka ba?" muling pagtatanong niya sa akin. Napahugot akong muli ng hininga at napatango sa kaniya. Naupo sa bakanteng upuan doon habang ang mga kaibigan ko ay abala sa kani-kanilang ginagawa roon. Sumunod naman sa akin si Saint. "Yeah don't worry about me, Saint. Ayos na ako. Lasing lang si Mike kaya gano'n ang naging reaksyon," sabi ko pagkatapos ay itinawa na lang ang inis na nararamdaman dahil sa nangyari.
Tulala ako kinabukasan dahil sa totoo lang ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kagabi lalo na nang makita ko si Andrew. Paano nga kung nandito rin ang magaling kong asawa? Handa na ba talaga akong makipagkita muli sa kaniya? "Ate, coffee?" pag-aalok sa akin ni Mitzy ng kape. Nasa veranda nila ako ngayong umaga at doon ko napiling magmuni-muni dahil maaga akong nagising kahit na masakit pa ang ulo ko. "Thanks, Mitz! Si Stella?" tanong ko sa kaniya. Inabot naman niya muna sa akin ang tinimpla niyang iced coffee bago sumagot sa akin. "She's still sleeping. Halatang sobrang dami na nainom niya kagabi," sagot nito sa akin pagkatapoas ay bahagyang natawa. Natawa rin ako at napatango dahil marami ngang nainom ang babaeng iyon. Balak ko na rin sanang umalis dito kanina pa nang magising ako kaya lang ay alam kong matagal na ulit kami magkikita ni Stella dahil parehas kaming magiging busy na naman sa kaniya-kaniya naming trabaho. Kailangan ko rin siyang makausap dahil hindi k
Kabanata 5 Lumipas ang ilang araw na naging abala ako sa trabaho ko. Naghahanda na rin ako sa pag-uwi ko sa Pilipinas. Hindi ko alam kung magiging successful ba ang pag-uwi ko nang hindi nalalaman ng pamilya ko. Ilang taon na rin simula nang umalis ako roon kaya hindi naman masama kung babalik ako ulit. Isa pa ay ilang birthday na ako ni Daddy na hindi nakakapunta. "You can email me if you have any questions. My secretary will inform me about that," sabi ko sa medyo matandang foreigner na kausap ko. Nakatanggap na naman ako ng malaking project dito dahil may itatayong malaking building para sa bagong business doon. Ilang taon na akong nagtatrabaho bilang architect at sa ilang taon na lumipas mula nang mapadpad ako rito, pakiramdam ko mas naa-appreciate ang ginagawa ko. "Thank you so much, Architect Scott. I didn't expecy that you would accept this bog project. I know you have a lot of on-going projects and have the right to not accept this. I appreciate it!" sunod-sunod niy