Share

Kabanata 0007

GABRIEL POV

Kanina pa ako nakatitig sa magandang mukha ni Carissa. Maraming gumugulo sa isip ko. Hindi ko akalain na virgin pa ito sa kadahilanan na nagising kami parehong walang saplot ng araw na iyun. Kung ganun walang physical na nangyari sa amin. Pero sino ang may pakana ng lahat. Bakit magkatabi kaming nagising ng umagang iyon na parehong walang saplot sa katawan.

Hindi ako nakauwi ng bahay nitong mga nakaraang araw dahil marami akong inaasikaso tungkol sa negosyo. Galing din ako sa business tour sa Europe at kakadating ko lang kanina. Alam kong iniisip ni Carissa na iniiwasan ko ito. Na galit ako dito.. Sabagay wala naman akong pakialam dito dahil sa pag-aakala ko na may mali itong nagawa sa amin ni Ara. Na pinikot niya ako..

Ilang beses na itong tumanggi na hindi niya kagagawan ang lahat. Na wala itong kasalanan. Nakaramdam ako ng guilty. Kung ganoon sino ang kay kasalanan sa mga nangyari sa amin.

Napahilamos ako sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa pagkakataon na ito. Aaminin ko na labis kong kinamuhian si Carissa dahil nasira ang relasyon namin ni Ara. Akala ko kasi pinikot ako nito, na ito ang may pakana ng lahat. Pero napatunayan ko ngayung gabi na wala itong kasalanan. Napaka-inosente nito.

Marahan kong hinaplos ang mukha nito. Hindi man lang ito nagising. Marahil masyado itong napagod sa ginawa namin kanina. Ngayun ko lang din napansin kung gaano ito kaganda. Napakaamo ng mukha nito. Lagi ko naman itong nakikita kapag binibisita ko dati si Ara kaya lang lagi itong nakatungo. Hindi din ito nakikipag-usap sa akin. Napapansin ko din na hindi sila closed ni Ara. Never kasing nababanggit ni Ara ang tungkol kay Carissa kapag magkasama kami. Napapansin ko din noon na laging masama ang tingin ni Ara sa kapatid nito pero hindi ko na lang iyon binigyan pansin. Ang mahalaga kasi sa akin noon ay si Ara lang. Wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid dito.

Kailangan ko sigurong pa-imbestigahan ang nangyari sa amin nung araw na iyun. Tuluyan na akong bumangon sa kama. Ikinumot ko ang comforter dito. Alam kong lalamigin ito dahil wala man lang itong ni isang saplot sa katawan. Gustuhin ko man na bihisan ito kaya lang nag-aalala ako at baka ito ay magising. Masyadong mahimbing na ang tulog nito.

Isinoot ko ang sarili kong damit at nilapitan ulit ito sa kama. Kinintalan ko ng magaan na halik sa noo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Parang may malaking bahagi ng puso ko ang biglang nakuha ni Carissa. Kung pwede nga lang na tabihan ko ito matulog magdamag. Kaya lang ay hindi pwede. Marami akong aasikasuhin at isa pa maaga akong pupunta ng opisina bukas. Ayaw kong maisturbo ang tulog nito. Baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko at maangkin ulit ito. Napangiti ako ng maalala ang nangyari sa amin kani-kanina lang. Ayaw ko na muna itong angkinin ulit kasi alam kong masyado itong napagod. At isa pa first time nito tiyak na sasakit ang katawan nito kinabukasan.

Sa kanya ko lang kasi naranasan na nag-enjoy ako sa sex. Hindi nakakasawa at alam kong hahanap-hanapin ng katawan ko ang nangyari sa amin kanina. Ewan ko ba sa kanya ko naranasan ang satisfaction pagdating sa Sex. Bonus na din siguro dahil virgin pa ito. Hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang dumaan sa akin. Kay Ara nga lang ako nagtagal. Masyado kasing malambing si Ara at napakagaling din nito sa kama. Aaminin ko na hindi ako ang nakauna dito. Pero no big deal sa akin iyon kasi alam kong mahirap na makahanap ng virgin na babae sa panahon ngayun. Hindi ko maintindihan kung bakit minadali ng pamilya ni Ara na ikasal kami ni Carissa samantalang ilang beses ng may nangyari sa amin ni Ara hindi naman sila nagdemand ng kasal ng ura-urada. Kaya naman ngayun ko lang naisip na may hindi magandang nangyayari.

Halos karamihan sa mga kababaihan ngayun ay hindi na masyadong pinahahalagahan ang virginity. Kaya naman nagulat ako kagabi ng maangkin kong virgin pa si Carissa. Malinis na babae si Carissa kaya dapat lang na bumawi ako dito..

Tuluyan nq akong lumabas na ng kwarto nito. Bumalik ako sa sarili kong silid at hinagilap ang aking cellphone. Agad kong tinawagan si Markku, isa sa mga kaibigan ko na maraming kakilala na imbestigador.. Oo papaimbestigahan ko ang pamilya ni Carissa. Matagal kong naging girlfriend si Ara pero hindi ko alam kung anong meron sa kanilang pamilya. Alam kong napakababaw ng aking dahilan pero gusto kong malaman ang lahat. Kung anong klaseng pamilya meron sina Ara at Carissa.

"Hello Gabriel?!! Rinig kong sagot ni Markku. Halata sa boses nito na naistorbo ko ito sa kung ano man ang ginagawa nito ngayun.

"May papaimbestigahan ako kaya ako napatawag". Derekta kung wika dito. Wala ng paligoy-ligoy pa. Alam kong sanay na din ang aking mga kaibigan sa ugali ko.

"Naman Bro.. Gabi na pwede ba bukas na lang.?..wika ni Markku sa kabilang linya. Halata sa boses nito ang hindi maisatinig na pagkainis sa akin.

" No....ayaw kong magsayang ng oras. Bakit bukas pa kung pwede naman umpisahan ngayun na. " Mariin kong sagot dito.

"Hayy naku.. Ano ba kasi yun? Sino ba iyung pa-imbestigahan mo?"naasar na sagot ni Markku

"Perez Family." maiiksi kong sagot

"Who?", I mean pamilya ba ng ex girlfriend mo na si Ara? Why... I mean kailangan mo ba talagang gawin ito?Hangang ngayon ba hindi mo pa rin matangap na hindi na kayo pwede dahil asawa mo na ang kapatid niya. " naguguluhan na tanong ni Markku.

" Walang nangyari sa amin ni Carissa ng gabing iyun at isa pa kilala mo ako ayaw na ayaw kong niloloko ako ng kahit sino.. . " sagot ko dito

" Whhhaaaaattttt?... I mean paano mo nasabi na wala. Diba iyun ang dahilan kaya bigla kayung ipinakasal? Nadungisan mo ang pagkababae ni Carissa kaya bigla kayung ikinasal Bro." sagot ni Markku

" Iyun din ang akala ko.... Untill...

" Until what?... Muling sagot ni Markku

" May nangyari sa amin kanina ni Carissa. " maiksi kong wika kay Markku

" Whats wrong with that.!!! . Normal lang iyan sa inyo dahil mag-asawa kayo

Dont tell me na kanina lang nasundan ang sex niyo after kayo ikinasal." natatawang sagot ni Markku.

"Yun nga eh. Naguguluhan ako kasi virgin pa siya kanina Bro. I mean kung may nangyari sa amin dapat hindi na siya birhen diba?" sagot ko dito

"Whoooowhattttt?....... Pero teka... Wow Bro....ikaw na talaga.. Ang swerte mo!!!.. Pero teka lang.. Paano nangyari iyon? . Diba sabi mo may nangyari sa inyo ng gabing iyun?" sagot na Markku

"Kaya nga gusto ko itong pa-imbestigahan. Kaya pala tudo tanggi si Carissa kasi talagang wala naman palang nangyari sa amin. Parang pareho lang kaming hinubaran at pinagtabi sa pagtulog." sagot ko.

"Kawawa naman pala si Carissa kung nagkataon Bro. Imagine halos isumpa mo siya iyon pala isa din siya sa biktima dito."sagot ni Markku

"Kaya nga gusto ko malaman ang katotohanan...gusto ko may resulta agad ang pinapagawa ko sa iyo." sagot ko Kay Markku

"Kailangan pa ba pa imbestigahan. I think mas mabilis kong tanungin na lang natin si Jonathan. Tiyak maraming nalalaman iyun tungkol sa buhay ni Carissa at sa pamilya nito. " sagot ni Markku.

Napakunot ang noo ko sa sagot ni Markku. Hindi ko makuha kung ano ang ibig sabihin nito. Kung bakit nasali sa usapan namin si Jonathan.

"Ano ibig mong sabihin.. Ano ang kinalaman ni Jonathan tungkol dito." sagot ko.

"Hay naku.. Ikaw talaga....hindi mo ba alam na magkaibigan si Carissa at nakababatang kapatid ni Jonathan na si Roxie.. Tiyak na marami yung alam tungkol sa nangyayari sa buhay ni Carissa. Libre pa ang makukuha mong impormasyon at isa pa sa loob ng isang araw malalaman mo agad ang totoo." mahabang sagot ni Markku.

" Paano mo naman nalaman iyon? " tanong ko dito. Hindi ko kasi alam ang tungkol dito. Sabagay wala naman akong pakialam sa bagay na iyon. Masyadong nakafocus angnl utak ko sa negosyo at wala na akong panahon pa sa ibang mga bagay.

"Syempre naman, lagi kong nakikita si Carissa sa bahay nila Roxie at Jonathan kapag tumatambay kami doon nila Alex. . Close friend yata sila at pareho ng School na pinapasukan. Ikaw kasi eh ilang beses ka namin niyayaya na mag-inuman sa bahay nila Jonathan lagi kang tumatanggi kaya ayan tuloy napag-iiwanan ka."mahabang sagot ni Markku.

Hindi ako nakaimik sa sinabi nito.

"Gandang-ganda nga ako diyan kay Carissa eh. Kaya lang napaka-aloof. Ayaw makihalubilo sa amin dagdagan pa ng kapatid ni Jonathan na napakamaldita." natatawang wika ni Markku.

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Markku. Hindi ko talaga alam ang mga bagay na iyun. Siguro tatawagan ko na lang si Jonathan bukas ng umaga. Masyado ng late at alam kong tulog na din ito.

Agad akong nagpaalam kay Markku

Sinabi ko na lang na gawin niya na lang ang pinapagawa ko dito. Maganda na iyong sigurado.

…...…...............

.................

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Kailangan kong umalis ng maaga dahil may meeting ako mamayang alas- siyete ng umaga. Nag aalalangan man pero dinaanan ko si Carissa sa kanyang kwarto. Gusto ko kasi makita ito bago umalis ng bahay. Ewan ko ba, bakit sa kalooban ko, gusto ko itong laging nakikita.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nito. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng makita kong tulog pa rin ito. Hindi na ako pumasok sa loob ng kwarto at isinara na lang ulit ito upang makaalis na. Baka kasi kapag pumasok pa ako ay magising ito.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakasulobong ko si Aling Marta. Binati ako nito ng magandang umaga na tinanguan ko lang naman..

"Magandang umaga Senyorito... Nakahanda na po ang almusal niyo sa dining." magalang na wika nito.

"Hindi na ako kakain Aling Marta. Nagmamadali ako ngayun." sagot ko dito at derecho ng lumabas ng Mansion. Agad akong pumunta sa aking sasakyan na nakahanda na at sumakay at pinasibad agad.

Pagdating sa opisina ay agad akong binati ng aking secretary na si Aron Mendres. Lalaki ang aking napiling secretary dahil ayaw kong maulit na ilang beses akong nilandi ng mga secretary na babae. Maraming babaeng secretary na ang dumaan sa akin. Ayaw kong haluan ng pleasure ang aking negosyo at iniiwasan kong magkaroon ng intimate na relasyon sa aking mga empleyado.

Wala naman akong naging problema kahit lalaki ang aking secretary. Masipag ito at mapagkakatiwalaan. Anak ito ng dati naming empleyado at maganda ang record nito sa aming kompanya.

Pinipilit kong magfocus sa aking trabaho kahit na sa tuwina ay laging pumapasok sa isip ko si Carissa. Hindi mawaglit sa aking isipan ang mga nangyari sa amin. Hindi maalis-alis sa aking balintataw ang maganda nitong mukha. Ang katawan nito na hinahanap-hanap ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Unang beses ko itong naramdaman. Hindi ko alam kung nagiguilty lang ba ako o ano.

Gusto kong marinig ang boses nito pero wala pala akong cellphone number nito. Kumusta na kaya siya ngayun. Kumain na ba ito? Ano kaya ang pinagkakaabalahan nito. Iniisip din kaya ako nito? Ahhh ano ba itong nangyayari sa akin.

Nang hindi na ako makatiis ay hinagilap ko ang aking cellphone. Tatawag ako sa landline ng mansion. Sigurado naman na may sasagot sa akin kasi nagkalat ang mga kasambahay sa loob ng mansion dahil oras ng paglilinis ngayun.

Agad akong nagdial. Wala pang limang ring ay may sumagot na sa kabilang linya. Agad kong kinumusta dito si Carissa.

"Senyorito hindi pa po lumalabas ng kwarto si Senyorita Carissa." magalang na sagot nito.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Bigla akong nag-alala. Alas-diyes na ng umaga pero tulog pa rin ba ito? Anong oras ba ang karaniwang gising nito? Wala akong idea kasi wala naman akong pakialam dito noon at hindi ko naman ito nakasama sa iisang bahay dahil pagkatapos ng kasal namin ay hindi na ako bumisita ng mansion liban lang kagabi kung saan may nangyari sa amin.

Aaminin ko na kaya pinasok ko ito sa kwarto upang pahirapan. Balak ko itong gawing sex slave. Kaya lang nagbago ang lahat ng malaman kong virgin pa ito. Na ako lang ang lalaki sa buhay nito.

"Mga anong oras ba siya karaniwang nagigising?" tanong ko dito.

"Maaga po siya lagi gumigising Senyorito pero ewan ko po ngayun bakit hindi pa siya bumababa." sagot nito.

"Pwede bang sabihin mo kay Aling Marta na icheck niya si Carissa sa kwarto?" utos ko dito. Bigla kasi akong nag-alala.

"Sige po Senyorito sasabihin ko sa kanya." sagot nito sa kabilang linya

"Sabihan mo si Aling Marta na tawagan niya ako pagkatapos niya tingnan si Carissa, maliwanag ba?" utos ko dito

"Masusunod po Senyorito." sagot nito. Agad kong pinindot ang end botton ng call sa cellphone. Salubong ang kilay na tumingin ako sa kawalan. Wala pang tatlumpong minuto ay tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko kung sino ang caller ay nakita ko na numero ito ng mansion. Agad ko itong sinagot at boses ni Aling Marta ang nasa kabilang linya. Agad kong tinanong dito kung kumusta si Carissa.

"Pasensiya na po Senyorito, ngayun lang ako nakapag - return call, inasikaso ko pa kasi si Senyorita Carissa ang taas po kasi ng lagnat." agad na wika ni Aling Marta.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Aling Marta. Agad akong nakaramdam ng matinding pag-aalala.

"Pero Senyorito pinakain na po namin siya at nakainom na din ng gamot. I monitor na lang po namin siya baka maya-maya bababa na din ang lagnat. " dagdag na wika ni Aling Marta.

"No Manang, papupuntahin ko diyan si Genie para matingnan ang lagay ni Carissa." Sagot ko dito. Si Genie ay first cousin ko. Kasing-edad ko lang ito at isang Doctor. Alam kong matitingnan niya ng maayos si Carissa. Anak ito ng Tito Delfin na kapatid ni Daddy.

" Sige po Senyorito.. Mas maigi nga po na matingnan ng Doctor si Senyorita." sang-ayon ni Manang Marta

"Sige hintayin niyo na lang diyan sa bahay.. At bantayan niyo si Carissa. Pauwi na din ako." wika ko kay Aling Marta.

Pagkatapos namin mag usap ni Aling Marta ay agad kong tinawagan si Genie para pumunta ng mansion. Buti na lang at agad na pumayag ito. Marahil ay hindi ito ganoon ka busy. Kakaalis lang daw nito ng bahay at dederecho na ito ng mansion.

Nang maibaba ko ang tawag ay agad kong tinawag ang aking Secretary.

"Cancel all may appointments today Mr. Mendres." agad kong wika dito

Kitang kita sa mukha nito ang hindi maisatinig na pagtataka. Marahil ay ito ang unang beses kong ginawa na mag cancel ng mga appointments at meeting. Alam kasi nito na pagdating sa trabaho ay istrikto ako.

"But Sir... May lunch meeting kayo ni Mr. Chua. Matagal na po silang nakaline-up para makakuha ng slot for appointment. Tumawag din sa akin ang secretary niya kanina para iremind ang meeting niyo mamaya." wika ng aking Secretary

Bumuntong hininga ako at tumitig kay Aron

"Sabihin mo na nagka-emergency ako. Basta bahala ka na mag alibi." wika dito sabay tayo at derechong lumabas ng opisina. Agad akong sumakay ng kotse at pinaharurot pauwi ng mansion.

"

Mga Comments (14874)
goodnovel comment avatar
Yangskie Talaoc
sna my libre ulit pra mkbsa at ipgptuloy ang nsimulang basahin
goodnovel comment avatar
Yangskie Talaoc
bka po pwd ipgptuloy
goodnovel comment avatar
danica vecida
nkakaexcite Ang story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status