Nginitian niya ako at kinawayan. "Hi, Love? Kamusta ka?"Napatakip ako ng bibig, hindi makapaniwala. "Hala! Kailan ka pa umuwi?" Sa tuwa ko, kinabig ko siya ng mahigpit na yakap. "Namiss kita, sobra! Bakit hindi ka nagsabi? Eh 'di sana nakapunta ako sa inyo!"Marahan niyang tinapik ang braso ko habang natatawa ng mahina. "Kahapon lang ako umuwi. Pumunta ako sa inyo, walang tao. Locked. Masukal na. Saan ka na ba nakatira ngayon? Kina Lira at Lylia?"Tumango-tango ako bago kumalas ng yakap. "Oo, matagal na.""Wala ka bang balak bumalik doon? Sayang bahay niyo," aniya, nakangiti ng matamis. "Takot ka 'no? Pwede naman kitang samahan doon.""Baliw! Ano na lang sasabihin nila? Mag-asawa tayo? Wag na. Masaya na ako kina Lira at Lylia."Lumawak ang ngiti, tipong naningkit ang mga mata. "Biro lang. Balita ko nga may anak na si Lylia. Si Lira? Meron na rin?" Sinulyapan niya ang kinaroroonan ng mga kasama ko. "Hindi yata nila ako nakilala. Ang sama ng tingin nila, oh, lalo na iyong isa. Boyfrien
Kanina pa ako inaasar ni Razen hanggang makarating kami ng isawan kung saan nagkakainan na ang mga kasama namin. Hindi man lang kami hinintay.Ito kasing kasama ko baliw! Umihi ba naman sa puno, buti madilim na at walang nakakita. Hindi na raw niya kayang pigilan kaya kahit ayaw ko, um-oo na lang kesa maihi siya sa pants niya.Ang nakakainis, tawang-tawa pa siya habang ako panay tingin kung may dadaan. Puro talaga kalokohan.At naalala ko nga rin, hindi namin natapos iyong pinapagawa sa amin ni Raze pero dahil nandito naman na siya, ihahabol na lang namin bukas. Hindi pa naman niya kukunin agad. Pinapatapos lang para releasing na lang problema. Naawa ako doon sa senior eh, mukhang nangangailangan."Ba't ang tahimik mo? Galit ka ba?" tanong ng katabi ko.Napansin niya yatang hindi ko siya kinikibo simula no'ng umihi siya ro'n sa puno pero ang totoo, hindi lang ako makapaniwala na napunta kami sa ganitong sitwasyon. Iyong tipong okay na kami.Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko a
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya."What?" Nagsalubong ang makapal niyang kilay. Napansin ko rin ang pagtaas-baba ng adam's apple niya. "Are going to stare at me like that? Palitan muna 'to. Ikaw naman ang may kasalanan."Lumukot ang noo ko. "Bakit ako? Ako ba ang nanuntok? Hindi ba ikaw?"Napahilamos siya ng mukha bago muling tumingin sa akin. "Hindi ko alam kung slow ka lang o wala talagang alam."Ngumuso ako. "Sakit mo magsalita, ah. Dami mo ngang kasalanan sa akin."He scoffed. "Ako pa talaga ngayon? Pinagtatabuyan mo 'ko tapos..."Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Tapos ano? Kaya ka ba galit na galit sa akin? Ikaw yata 'tong nagseselos, eh." Lakas loob na sabi ko at walang pag-aatubiling kinuha ang kamay niya. "Di na lang kasi aminin.""Ano naman kung nagseselos ako? May problema?" Pag-amin niya dahilan para matigilan ako. "Nanuntok na nga't lahat-lahat, hindi pa rin magets. Manhid ka lang talaga," bumubulong niyang dagdag. "Kulang na lang halikan ko para doon lang main
Imbes na sumunod sa kanya, tahimik akong umupo sa tabi niya. Nilakasan ko na lang talaga ang loob ko dahil pakiramdam ko bibigay ang tuhod ko sa pangangatog na baka singhalan niya ako at magkaroon na naman ng eksena na hindi ko inaasahan.Huminga ako nang malalim nang tangkain kong kunin sa tabi ng kamay niya ang stamp pero mabilis niya 'yon kinuha at nilagay sa kabilang side.Napapikit ako ng mariin, nagtitimpi at baka imbes na tulungan siya, masapak ko siya sa ka-dramahan niya."Akin na," kalmadong sabi ko. "Nasabi kong tutulungan kita 'di ba? Kaya ito na, tutulong na." Inangat ko ang tingin sa kanya at hindi nagpatinag sa dilim ng mukha niya habang nakatitig sa akin ng matalim.Hindi ako nagpakita ng takot. I just stared at him with the same intensity as his. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya sa kabila ng kabang nararamdaman ko."You really testing my patience huh?""Sumusunod lang ako sa sinabi ni Kapitan," sagot ko at mabilis kinuha ang stamp sa kabilang side niya."Love!" he
Naramdaman kong hinawakan ni Kael ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakangiti siya pero kay Razen na para bang nang-aasar. Hindi na ako magugulat kung madagdagan ang pasa niya sa mukha. Mahina akong napailing at nakangiting bumaling ng tingin kay Cassy na matamang nakatitig sa akin. "Saka ko na siya hahalikan kapag kami na," tugon ko at nilawakan ang ngiti. Tingin ko hindi niya nagustuhan ang sagot ko dahil nag-iba ang timpla ng mukha niya, na imbes na ngumiti, umismid. Hindi ako nagpakita ng anumang expression nang makita kong umirap siya sabay hatak kay Razen palayo. "Mauna na kami. Maglampungan na kayo dyan. Tss." "Okay." Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanila habang itong kasama ko, nakapatong na ang baba sa balikat ko. "Sweet nila 'no? Pero kung titingnan, mas sweet tayo. Selos kanina si Razen, eh, what more pa kaya kung hinalikan kita 'no?" Nahimigan ko ang tuwa sa kanyang boses. Amoy na amoy ko rin ang bango ng hininga niya. Tinapunan ko siya ng ti
Love's POV Mahina ko siyang tinampal sa braso nang ilapit niya ang mukha sa akin. "A-Ano naman kung magkakatrabaho kami? Wala namang magbabago," sabi ko at nilihis ang tingin. Mahina siyang tumawa. "Even your feelings?" "H-Hoy! Anong feelings ka dyan! W-Wala akong nararamdaman sa lalaking 'yon. Assumero 'to. Tara na nga at baka nauna na sila sa atin." "Sus, Love. I can tell. You don't have to deny it. Pero sige, kunwari wala akong alam. Pagseselosin ko na lang hanggang umamin na sa'yo," aniya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "A-Anong sinasabi mo dyan? Kung iniisip mong may nararamdaman siya sa akin, naku, imposible. Hindi mo ba narinig ang sinabi niya kanina? Wala siyang pakialam sa akin. May fianceè na siya. At saka wala rin naman akong feelings sa kanya kaya okay lang." Tumango-tango siya na para bang hindi kumbensido. Nakangisi pa 'yan siya, bwisit! "Alright. Alright. Sabi mo, eh." Inismiran ko nga. "Di ka tatahimik? Dagdagan ko 'yang pasa mo sa bibig nang tumahimik ka