
Halinghing (SPG)
Irene Ang is just trying to survive in life. Mag-isa sa buhay, walang pamilya, at halos magkanda kuba na sa kakatrabaho para lang hindi siya masigawan o mapagalitan ng boss niyang perfectionist.
Pero hindi lang trabaho ang nagpapahirap sa kanya.
Pagkatapos ng ilang taon ng pagpapakatanga at pagtitiis, nahuli niya ang kasintahan na may ibang babae. Sa mismong party na siya pa ang nag-organize.
Ngunit sa gitna ng gulo ng buhay niya… nariyan siya.
Ang boss niyang si Tirso Gotiangco, a CEO. Billionaire. Ruthless. Director. Cold. Calculated. Intimidating. Name it. Isang taong walang pakialam sa nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa kanya, basta productive ka, may silbi ka. Kung pumalpak ka, maririnig mo talaga sa kanya ang masasakit na salita.
At para sa kanya, si Irene ay isang liability. Mahina. Hindi bagay sa mundong ginagalawan nila.
Hindi sila magkasundo. Hindi talaga.
Pero sa bawat gabing magkasama sila dahil sa overtime, sa presentations, sa mga elevator na bigla na lang sisikip kapag nandoon sila… may unti-unting nagbabago.
Natutong tumayo si Irene para sa sarili niya laban sa mga nambubully sa kanya sa trabaho. At si Tirso? Baka hindi talaga ganun katigas at kadilim ang puso niya.
He’s powerful, dangerous, and untouchable. Habang si Irene, sugatan, binabalewala ng iba, at pilit na lang binubuo ang sarili.
Until one mistake changes everything. One night. One almost-kiss. One career move that could destroy them both.
Nangako si Irene sa sarili niya na hindi na siya muling iibig.
Pero paano kung ang lalaking kinaiinisan niya… ang siya ring lalaban nang patayan para protektahan siya?
“She’s under my wing now. If you want her gone, you’ll have to go through me first.”
Read
Chapter: Kabanata 18Tahimik ang buong condo. Hindi tulad kagabi na halos hindi na ako makahinga sa sobrang bigat ng tensyon, ngayon mas kalmado. Ang tanging naririnig ko lang sa ngayon ay mahinang pag-flip ng mga pahina mula sa kinasasandalan kong sofa. Tirso was sitting comfortably on the sofa, relaxed. With his simple gray shirt and dark pants, wearing glasses and holding a book, he looked so damn hot and smart. Mukha siyang absorbed sa binabasa niya to the point na hindi na niya ako pinapansin. But who cares? Busy din ako! Nakaupo ako sa lapag, nakaset-up ang laptop, naka-glasses dahil antok na ang mata ko, pero kailangan kong tapusin ‘tong slides para bukas. Presentation na sa clients, at alam ko, hindi puwedeng half-baked output lalo na’t bigatin ang mga kliyente. Focus, Irene, bulong ko sa sarili habang nagtitipa. Nag-mu-multitask ako, pag napapagod, lilipat ng browser para manood ng random videos, tapos balik ulit sa gawaing hindi matapos-tapos. Ilang beses ko nang sinabihan ang sarili ko na o
Last Updated: 2025-09-17
Chapter: Kabanata 17Katahimikan ulit ang bumalot sa loob ng kwarto pagkatapos niyang sabihin ‘yon. Pink closet? Pink bathrobe? Ano ‘to, scripted set-up? Pinapamukha sa akin na, “this is your new home, Irene." Nakakainis kasi parang wala akong choice. Tumayo na lang ako at naglakad papunta sa closet na tinutukoy niya. Pagbukas ko, napanganga ako. Diyos ko, kompleto. Mga damit pambahay, office attire, pati underwear. Halos malaglag ang panga ko sa gulat. “A-Ano ‘to?!” halos mapasigaw ako. Napatingin ako sa kanya na abala pa rin sa pag-aayos ng necktie niya. “Nag-stock ka na?" Hindi makapaniwalang bulalas ko. Nilingon niya ako, seryosong tinitigan. “I told you. You’ll be staying here. You’ll need clothes, toiletries, everything. It’s called preparation.” Napakurap-kurap ako. “Preparation? Boss, hindi mo ako anak para ihanda lahat ng gamit ko! Hindi rin kita..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang magsalubong ang kilay niya, ang talim pa ng tingin sa akin. Lumapit siya, diretso sa harap ko. His ey
Last Updated: 2025-09-15
Chapter: Kabanata 16Katahimikan ang namayani pagkatapos niyang sabihin 'yon. Pakiramdam ko bumigat ang tensyon sa pagitan namin. Hindi na rin ako makatingin ng maayos sa salamin kaya umalis na lang ako.Sometimes, I just don't get him. Kung mahirap i-solve ang math, mas masarap siyang intindihin. Mas gusto kong pagalitan na lang niya ako kesa bigla-bigla siyang magseseryoso tapos magsasabi ng kung ano na hindi naman niya masagot ng maayos.Mixed signal enjoyer? Maybe. I actually don't understand what he was trying to say a while ago. Power over him? Nababaliw na ba siya? Siya 'tong kumokontrol sa akin tapos ngayon, ako naman?Huminga ako ng malalim at lumapit sa glass wall kung saan kita ang kalawakan ng syudad. For a moment, nawala iyong bigat sa dibdib ko nang makita ko ang city lights. Ang ganda pala mula rito.Hindi ako kumibo nang maramdaman ko ang presensya niya mula sa likod ko."Nag-order na ako ng pagkain," malumanay niyang sabi. "Kumain ka. Kung gusto mong maligo at matulog, doon ka sa kwarto k
Last Updated: 2025-09-10
Chapter: Kabanata 15Tahimik sa loob ng kotse. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat kong paghinga at ang regular na tik-tak ng turn signal sa dashboard. Hawak pa rin niya ang kamay ko, mahigpit pero hindi masakit, at hindi ko alam kung gusto kong kumawala o magpasalamat na lang dahil dumating siya.But still, it puzzled me. Puno siya ng misteryo.“Bitawan mo ako,” mahinang sambit ko, halos pabulong.Umiling siya. “Not until we arrive at my place and make sure you're safe.”“Safe?” Natawa ako ng mahina, puno ng sarkasmo. “Paano ako magiging safe kung ikaw mismo ang dahilan ng takot ko? Hindi mo ba nakikita? Hindi ako makahinga sa presensya mo, Tirso.”Nag-iba ang ekspresyon niya. Hindi ko alam kung nasaktan ba siya o nainis sa sinabi ko, at piniling hindi magsalita. Sa halip, mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin.Nagtuloy-tuloy ang biyahe. Tahimik lang siya habang nagmamaneho, walang musika, walang ibang tunog maliban sa makina ng sasakyan.I don't know where we going. Napansin ko ang malal
Last Updated: 2025-09-09
Chapter: Kabanata 14“T-Tirso…” mahina kong usal, nanginginig ang labi. Dire-diretso ang mga mata niya sa akin, tila sinisilip ang kaluluwa ko. Hindi niya agad binitiwan ang kamay ko, para bang pinaparamdam niya na ligtas na ako, na wala pwedeng manakit sa akin. Pero sa totoo lang, mas lalo akong natakot. Dahil kung siya nga ang nagbayad ng renta ko, kung siya rin ang dahilan kung bakit parang mino-monitor ang bawat galaw ko… ano ba talaga ang motibo niya? Buong akala ko kanina, nakauwi na siya. Bumalik pala siya para sundan ako. “Bakit ka nandito?” pilit kong tanong. Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya sa direksyo na pinanggalingan ng van, saka ibinalik ang tingin sa akin. “Sinundan kita.” “Ha?” halos mapaatras ako, pero hawak pa rin niya ang kamay ko kaya hindi ako makalayo. “Bakit?” Mariin niya akong tinitigan. “You think I’d let you walk into danger alone? Akala mo hindi ko alam? Akala mo hindi ko maalala? Irene, you’re not safe. Hindi lang pera ang habol nila. If I didn’t step in,
Last Updated: 2025-09-06
Chapter: Kabanata 13"Hija, ayos ka lang ba? Ano 'yang dala mo?" Napamulat ako pagkarinig sa boses, si Manang Juliet. Pumihit ako paharap sa kanya. "Po? Ah, wala po. Damit lang po. Siya nga po pala, bukas ko na lang po ibibigay 'yong bayad ko sa rent." "Naku, wag na hija, bayad na." Kumunot ang noo ko. "Ha? Bayad na? Sinong nagbayad?" takang tanong ko. Wala akong maalala na nagbayad ako sa kanya. Oo, nasa point na ako na makakalimutin ako pero tandang-tanda ko na hindi pa ako nakakapagbayad ng rent sa kanya kaya sinong nagbayad? Imposible naman na... "Sino?" mahinang usal ko, naguguluhan. "Iyong naghatid sa'yo. Hindi ba't boss mo 'yon? Nagulat nga ako dahil kilala niya ako. Kinuwento mo ba ako sa kanya?" Napamaang ang bibig ko. "P-Po? Hindi naman. Ba't naman po kita ikukuwento sa kanya?" Humalukipkip siya. "Aba malay ko! Siguro pinagchi-chimis mo 'ko sa kanya dahil sinisingil kita ng renta." "Hala! Hindi po, ah!" depensa ko at umiling. "Hindi ko po gawain iyon. Kilala niyo naman po ako. Pwede ko
Last Updated: 2025-09-03

Bilyonaryong Kapitan (SPG)
Laking probinsya si Lylia at maagang naulila kasama ang kapatid niyang may malubhang sakit. Dahil sa hirap ng buhay, namulat siya sa realidad at kinailangan dumiskarte para sa kapatid at sa pang araw-araw nilang gastusin kaya naman naisipan niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan.
Ngunit matapos niyang madiskubre na si Raze—na kapitan ng barangay nila ang pinagkakautangan ng mga namayapa niyang magulang ay napilitan siyang tanggapin ang deal nito at 'yon ay makasal sila bilang kabayaran sa kalahating utang niya kung hindi ay ipapa-demolish ng kapitan ang bahay pati ang karinderya nila na siyang pinagkukunan nila ng hanapbuhay.
Lingid sa kaalaman ng lahat, bukod sa pagiging mag-asawa nila, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay para bayaran ang natitira pa nitong utang sa kapitan.
Kilala si Raze bilang kuripot at mahigpit na kapitan sa Barangay Abueña. Strikto siya pagdating sa pag-implementa at pag-apruba ng mga proyekto lalo na sa paggamit ng pondo sa barangay. Matagal siyang nawala sa lugar pero namo-monitor pa rin niya ang nangyayari sa barangay. Ang hindi alam ng iba, isa pala siyang sekretong bilyonaryo na nagmamay-ari ng airlines, hotels at resorts sa Pilipinas na tanging mga may dugông maharlika ang in-accomodate.
Nang bumalik siya, sa sabungan niya unang nakita ang babaeng sa larawan lamang niya nasilayan—si Lylia, ang babaeng nagkakautang sa kanya at doon nabuo ang mapaglaro niyang plano at 'yon ay pilitin itong pakasalan siya.
Posible kayang mauwi sa totohanan ang deal nila o isa sa kanila ang madudurôg at uuwing luhaan?
Read
Chapter: Kabanata 252Kinakabahan akong nakatayo sa harap ng office library niya. Magpapaalam sana ako kung pwede maglibot-libot sa lugar at baka may bawal na puntahan kaya maigi na 'yong magpaalam. Pag-angat ng kamay ko para sana kumatok nang biglang bumukas ang pintuan. Napaatras ako at agad na ibinaba ang kamay. "Uh..." hindi matuloy-tuloy na sabi ko, nakalimutan ang dapat sabihin. "P-Pwede bang maglibot sa lugar?" Hindi siya umimik. Sumandal lang siya sa frame ng pinto at humalukipkip na tumingin sa akin. "Sinong kasama mong maglilibot? Ikaw lang?" tanong niya. Tumango ako. "Oo sana. Balak ko maghanap ng ilog para maligo." "Maligo? Ba't hindi ka sumabay sa mga kasama mo? Sa pool? May shower naman sa kwarto niyo," dere-deritso niyang sabi na nagpayuko sa akin. "Don't tell me... bawal din?" Dahan-dahan akong tumango. "Nangangati katawan ko," nahihiyang pag-amin ko. "Hindi naman sa maarte pero—" "Samahan na kita." Mabilis akong napatingin sa kanya. "H-Hindi na. Kaya ko naman. Saka maliligo ako."
Last Updated: 2025-09-29
Chapter: Kabanata 251"A-Anong nangyari?" bungad ko nang imulat ko ang mga mata, napahawak sa sentido dahil sa sakit ng ulo. "N-Nasaan ako?" "Finally! Gising na rin!" Si Ara na agad tumabi sa akin. "Oh, inom ka muna nito nang mawala 'yang hangover mo. Grabe ka naman kasi 'te." Tinanggap ko ang binigay niya, uminom pero napangiwi nang malasahan ko. "Lemon with honey?" takang tanong ko pagkatapos kong inumin lahat. Tumango siya at inagaw 'yon sa akin. "Yes, mahal na prinsesa." Inilibot ko ang tingin sa lugar. Wala kami sa amin. Ibang lugar 'to. Hindi ako pamilyar. Mabundok—teka, nasa kalagitnaan kami ng kakahuyan? Mansyon? Nahilot ko ang noo at napapikit ng mariin. "N-Nasaan ba tayo? Ang mga kasama natin?" "Sa mansyon ni Arkin. Teh, ang yaman pala no'ng tanod na 'yon. Akalain mo may resort tapos mansyon. No wonder lakas manglibre. Tinalo pa si Van," binulong niya ang huling sinabi. "Nalula ako teh. Pero mas nagulat ako sa ginawa mo kagabi. Matapos mo kasing halikan si Arkin, sumuka ka. Like what the he
Last Updated: 2025-09-28
Chapter: Kabanata 250Ilang oras na silang nagk-kwentuhan, nagkantahan na rin pero ito ako, kain pa rin nang kain. Iyon lang yata ang ambag ko dito, ang kumain. Nawala na yata sa isip nila ang rides. Bahala sila. Hindi naman nila ako kinakausap, maski si Van dahil siya ngayon ang nag-gigitara, alangan naman na abalahin ko pa. Kanina kasi, inasar nila na sample daw since alam ni Jessa at Ara na marunong siyang tumugtog. Ayaw na sana niya dahil wala raw akong kausap pero ako na ang pumilit at baka masabihan pa akong masyadong pa-baby, eh ayoko no'n. Habang patuloy ang kantahan, lumiban ako dahil pakiramdam ko masusuka ako. Ang dami ko yatang nakain. Halo-halo na. Dali-dali akong pumunta sa madilim na parte sa may puno at doon na nilabas ang sama ng loob. Masakit din ang tyan ko kaya hindi ko mapigilan mapangiwi. Ayan, kain pa ng kung anu-ano. Napakapit ako ng mahigpit sa puno at muling sumuka. Nang wala nang maisuka, pupunasan ko na sana ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko nang may maglahad ng ti
Last Updated: 2025-09-27
Chapter: Kabanata 249Lira's POV "Uy, ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik." Kalabit sa akin ni Ara. "Kanina mo pa pinaglalaruan 'yang pagkain mo. Di mo bet? Sabihan mo si Van oh." Umiling ako. "Huwag na. Paubos na 'to," tanggi ko at napatingin kay Van nang sumilip siya sa amin. "Gusto mo ba? I mean, I can order again if you want. Pansin ko rin na kanina mo pa pinaglalaruan 'yang pagkain mo. Ubusin ko na lang?" Marahas akong umiling. "Hindi na. Kaya kong ubusin. May iniisip lang." "Oh, iyong tanod ba?" biglang tanong niya. Tumungo si Ara at sumulyap sa akin. "Hm, parang 'yon nga," dagdag nito. "May nakaraan kayo?" Hilaw akong ngumiti. "Wala. May kamukha lang siya na kilala ko noon," sagot ko at pinagtuunan ng pansin ang kinakain. "Kumain na kayo. Huwag niyo 'kong pansinin." "Akala ko sasabihin mo huwag niyo kong tadtadin ng tanong." Tumawa si Ara at napapailing na kumuha ng barbecue. Pagkatapos kong ubusin ang pagkain, inisang lagok ko ang kape na medyo malamig na. Sandali akong napatingin
Last Updated: 2025-09-26
Chapter: Kabanata 248Third Person POV Hindi nagpatinag si Lira at nakipagsukatan ng tingin kay Arkin. Kahit maingay, kahit ang daming tao, sa kinaroroonan nila nakulong ang tensyon. The smell of grilled food, the laughter of kids, and the colorful rides all blurred out in the background. She couldn’t take her eyes off him. Blonde hair catching the neon light, sharp eyes locked on her. Everything about him screamed Kael, but at the same time… hindi na siya ang Kael na kilala niya noon. “Arkin?” halos pabulong na tawag ni Lira, nagbabakasakaling sagutin siya nito. He didn’t answer right away. Instead, he toyed with the crown-shaped keychain, letting it dangle between his fingers before suddenly clenching it tight. Then his voice came, low and cold. “You. You are the problem.” Bahagyang nagulat si Lira. “B-Bakit? A-Ano bang ginawa ko?” Bago pa ito makasagot, dumating na sina Van, Jessa, Ara, at pati na rin ang grupo ni Lexi. May dala silang trays of food, tumatawa pa habang naglalakad, walang a
Last Updated: 2025-09-25
Chapter: Kabanata 247"Lira?" Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Van. "What's happening here? Did he hurt you?" The man scoffed. "Hurt her? Nakita mo ba ang nangyari?" he said coldly, eyes never leaving me. Isang lalaki ang dumating at umakbay kay K-Kael. Hindi ako sigurado kung siya nga ba pero may kutob ako na siya talaga 'tong lalaki na kaharap ko. Bumigat ang tensyon. May ilang lumapit para maki-chismis pero napansin kong bumaba ang tingin ni Kael sa kung saan nakapulupot ang kamay ni Van, sa baywang ko. Napalunok ako. "H-Hindi," sagot ko at nag-iwas ng tingin nang magtama ulit ang mata namin. "H-He saved me. Muntik na akong masagasaan ng traysikel kanina." "Ayon naman pala!" sabat ng kasama niya. "Oh, sorry," si Van. "Thank you for saving her. Hindi ka naman nasaktan, Lira? Galos? O ano?" puno ng pag-aalalang wika nito. Mahina akong umiling. "Ayos lang ako. M-Mabilis naman niya akong nahatak palayo. S-Salamat." Hindi makatingin na sabi ko. "Anong meron? Pasensya na! Napasarap kain n
Last Updated: 2025-09-24

Chain Me, Author (SPG)
International bestselling author Keaton Alcaraz is a global phenomenon, his image plastered everywhere, yet his face remains a mystery. Wala pang nakakakita sa mukha niya maliban sa pamilya, iilang kamag-anak at manager niya. His only desire is to write and create a masterpiece despite being a billionaire, however, his anxiety stems from the unwanted attention from his work. Ngunit ano nga ba ang totoong pagkatao niya at tila may pinagtataguan ito?
Samantala, maagang naulila si Maricar Godezano at dumanas ng matinding pagpapahirap sa piling ng kanyang tiyahin. Nang muntik na siyang gahasîn sa kamay ng asawa ng tiya, palihim itong tumakas sa kanila.
Dahil sa pangangailangan, kung saan-saan siya namasukan na trabaho, ngunit sa kasipagan nito ay madalas siyang pinag-iinitan ng mga nakakasama niya, kaya't napipilitan siyang lumipat-lipat ng trabaho.
Nang pasuko na siya sa paghahanap ng trabaho, halos lumundag sa tuwa si Maricar nang alukin siya ng isang matandang babae bilang kasambahay. Sa desperasyon at pag-asang mabuhay, tinanggap niya ito nang walang pag-aatubili.
Ngunit habang patagal nang patagal ang pagsasama nila ng kanyang amo, pakiramdam ni Mari palaging nakamasid sa kanya ang lalaki at nahuhuling nakatingin sa kanya hanggang sa isang umaga, nagising na lang siyang katabi ang binata, walang saplôt sa katawan at naka-ibabaw sa kanya.
Paano kung magbunga ang nangyari sa kanila? Paninindigan kaya siya ng binata o iiwan?
Read
Chapter: Kabanata 52Tahimik akong pumasok sa kotse, ramdam ang panlalamig ng batok ko at bilis ng tibôk ng puso ko. Nang tuluyan na akong makaupo, sinara ko ang pinto at bahagyang napatingin sa salamin at agad na nagbawi nang tingin nang magtama ang mata namin ni Keaton. Hindi ko maiwasang mapamurá sa aking isipan. Ang lamig ng mga mata niya, parang galit o baka ako lang 'tong nag-aassume? Kinalma ko ang sarili at yumuko nanh hindi na magtama ang tingin namin. Kung kanina sa bahay, nakikipagbangayan ako sa kanya, ngayon parang... hindi ko na magawa. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya, kinakabahan lang. Eh kasi sabi ba naman na hintayin ko sila pero ako itong pasaway, tumakas. Muntik pa akong abutan no'ng mga lalaki sa daan. Mas nakakatakot 'yon at tingin ko 'yon ang ikinagagalit niya. Humugot ako ng malalim na paghinga at pinagdaop ang palad. Kalma lang, Mari. Hindi siya mangangain. Tingin lang 'yan, hindi nakakamatay. Pero hindi eh, tumatagos, katulad ngayon. Hindi ko alam kung sa daan ba si
Last Updated: 2025-09-14
Chapter: Kabanata 51"Oh, kamusta kayong dalawa dyan? Baka magbangayan na naman kayo, ah." Si Aling Lolita nang mapansing naiinis na naman ako kay Keaton. "Siya kasi 'Nay! Ilang beses ko nang tinuruan tapos pinaglalaruan lang niya! Tuloy naanod 'yong isang tabo," sumbong ko at binaling ulit ang tingin kay K. "May pa-volunteer pa siyang nalalaman. Di naman marunong. Palitan mo 'yon!" Natawa siya, iyong tipong tawang nang iinis. "Anong nakakatawa? Lunurin kita dyan, eh," inis kong sabi at winisikan siya ng tubig. "Maligo ka na nga!" "Ilang tabo ba ang gusto mo? Nadulas nga sa kamay ko. Anong gagawin ko? Hindi ako marunong lumangoy. Dapat ikaw na lang humabol," natatawa pa niyang sagot. "Sorry na." Umismid ako. "Tuwang-tuwa ka pa talaga? At bakit ako ang hahabol? Ako ba ang may kagagawan kaya naanod?" Nahagip ng mata kong ngumuso siya. "Hindi ko naman sinasadya. Nagso-sorry na nga rin," parinig niya. Tinapunan ko siya ng tingin at pinanliitan ng mata. "May sinasabi ka?" "Sabi ko sorry na." "Tss. Pa-
Last Updated: 2025-08-22
Chapter: Kabanata 50Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin kong titig na titig siya sa akin. "A-Anong sabay ka dyan! Mauna ka na. Mamaya na ako. Magsasampay pa ako sa labas," dahilan ko pero naalala ko, halos naipasok ko pala kagabi ang mga nilabhan."May pasok ka pa 'di ba? Ihahatid na rin kita." Napalunok ako sa sinabi niya."Oo nga naman, Mari. Dadaanan yata namin 'yong training center na pinapasukan mo," segunda naman ni Khalil. "Sama ka na sa amin. Hindi ka naman bago sa amin."Mahina akong umiling. "H-Hindi na. Baka hindi rin ako pumasok ngayon. Walang kasama si Shaun.""Ano pala ako anak? Hayop?" singit ni Aling Lolita dahilan upang matawa ang dalawa."Aling Lolita naman, eh!" tawang-tawang wika ni Khalil, rinig na rinig sa buong bahay. "Sorry, sorry! May natutulog pala.""Joker ka pala, Aling Lolita," si Keaton na naramdaman kong lumapit sa akin.Pakiramdam ko nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa presensya niya sa likod ko."Hayaan mong magpahinga siya rito kasama si Aling Lolita." Sunod-sun
Last Updated: 2025-08-21
Chapter: Kabanata 49"Shaun?" Nginitian niya ako pero halatang napilitan lang lalo na no'ng makita niya kung sino ang nasa likuran ko. "May nangyari ba?" Nilapitan ko siya. Mukhang pagod, eh. Maski ang mga mata. Parang pasan ang buong mundo. "Bakit ganyan ang itsura mo—" napasinghap ako nang salubungin niya ako ng yakap. Naantala ang kamay ko sa ere bago siya niyakap pabalik at hinagod ang kanyang likod. "Hindi ako nakatulog ng maayos," mahinang sagot niya. "Nanaginip na naman ako. Paggising ko, basang-basa ako ng pawis. I was screaming your name, pero naalala ko, wala ka na pala doon." Sumbong niya at hinigpitan lalo ang pagkakayap sa akin. Kaya pala napasugod siya rito. Napabuntong hininga ako. Ito 'yong dahilan bakit hindi ako makaalis-alis noon sa condo niya. Lagi siyang nananaginip ng masama. May time na natutulog ako sa lapag para lang samahan siya pero hanggang doon lang. He respects me as a woman. Never niya akong pinagtangkaan. "Gusto mo bang matulog ako doon ngayon?" tanong ko. "No!" bos
Last Updated: 2025-08-08
Chapter: Kabanata 48"Anong nangyayari rito?" Mabilis akong napatingin kay Aling Lolita na may dalang dustpan at walis tingting. Mukhang katatapos lang niyang magwalis sa labas, sa may likod ng bahay. "Siya po!" Tinuro ko si Keaton at sinamaan ng tingin. "Tingnan niyo po ang itsura niya. Akala mo maganda ang katawan." Pero ang totoo, maganda talaga ang katawan niya. Iyong tipong sakto tapos may balahibo pababa doon sa pinakatatago niya. "Hindi ba? Halos maglaway ka nga, eh." Natatawang sabat niya. Malaki-laki ang mga mata kong pumihit paharap sa kanya. "Kapal din ng mukha mo 'no? Ako maglalaway dyan? Payat mo nga, eh." Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip na bumaling kay Nay Lolita. "Pagsabihan niyo nga po 'yan. Akala mo nasa pamamahay kung makapagsuot ng boxer." "May abs naman ako. May maipagmamalaki rin. Kahit kilatisin mo pa. Bakit hindi mo tingnan at suriin?" Panghahamon niya at bahagyang napaatras nang ilapit niya ang sarili sa akin hawak ang sandok. "Oh, ano?" Nagsalubong ang kilay ko
Last Updated: 2025-08-07
Chapter: Kabanata 47“Patunayan mo.” Yun lang ang nasabi ko bago muling pumasok sa loob ng bahay dala ang ibang natuyong sinampay. Wala si Khalil at mukhang sa likod dumaan. Saan kaya 'yon pumunta? Bumuntong-hininga ako at sinimulang tipunin ang mga tuyong sinampay na hindi ko pa natutupi kanina. Paulit-ulit sa isip ko ang mga nangyari, lalo na ang mga salitang binitawan niya, na parang ang dali-daling sabihin, pero ako, ilang taon ko pa ring dinadala ang bigat no’n. Chance? Madaling magbigay pero mahirap paniwalaan kung minsan. Sa puntong 'to, 'di na ako naniniwala sa salita lang. Gusto kong makita na nagbago talaga siya. Narinig kong lumangitngit ang pinto kaya nilingon ko agad. Si Khalil kasunod si Keaton na tahimik lang na pumasok. “Dito na lang tayo matulog sa sala?" tanong ni Khalil at napakamot ng buhok. "Hindi tayo kasya sa kwarto saka okay lang. Hindi naman kami maarte." Sabay tawa ng mahina. Tumango lang ako. "Kung ayos lang sa inyo, walang problema sa akin. Ako, sanay naman ako sa
Last Updated: 2025-08-02

The Billionaire Captain's Bride (English Version)
Lylia, who grew up in the province, was orphaned at a young age and left to care for her seriously ill sibling. The hardships of life forced her to mature quickly and become resourceful to support her sister and cover their daily expenses. This led her to open a small eatery near the local cockfighting arena.
However, after discovering that Raze, their district captain, was the creditor of her deceased parents, she was forced to accept his deal, to marry him as payment for half of the debt. If she refused, the captain would demolish their house and eatery, their only source of income.
Unknown to everyone, Lylia would also serve as a housemaid to pay off the remaining debt to the captain.
Raze was known as a stingy and strict captain in the district of Abueña. He was uncompromising when it came to implementing and approving projects, especially regarding the use of district funds. He had been away from the area for a long time but still monitored what was happening in the district. What others didn't know was that he was secretly a billionaire who owned airlines, hotels, and resorts in the Philippines that exclusively catered to royalty.
Upon his return, he first saw the woman he had only seen in a picture—Lylia, the woman who owed him money—at the cockfighting arena. That's where his mischievous plan was formed, to force her to marry him.
Is it possible that their deal will turn into a genuine relationship, or will one of them end up heartbroken and in tears?
Read
Chapter: Chapter 14I turned to the voice behind him. It was Ashel. Sometimes I wonder, is he Raze’s boyfriend or something? Why is he always butting in? “Stay out of this, Ashel. Know your place.” I saw Ashel’s eyes widen at Raze’s sharp words. He clearly didn’t see that coming. “Tch. Suit yourself.” He huffed and walked away. Raze sighed, massaging his temple in frustration. “If you’re done, I’ll get back to work.” I said flatly. I was about to turn away when he caught my hand. “My dad made me handle something for the company,” he explained. “He wouldn’t let me leave until it was done. And my phone... Nicole hid it. That’s why I couldn’t call or text to let you know I’d be gone for a while. She still hasn’t returned it, so I just came here.” So all this time, he actually wanted to call? But Nicole got in the way? That makes sense… but that doesn’t mean I should forgive him right away. “If you’re still not convinced, Keano is here too, he can vouch for me.” I suddenly felt bad when I saw the e
Last Updated: 2025-08-03
Chapter: Chapter 13I gently put down the bucket of water I was carrying and glanced toward the man currently serving the customers.What is he doing here?“Sis, look who's here,” my sister whispered beside me. “I was surprised to see him serving. I thought you told him to, but by the look on your face, you’re just as shocked as I am.”It’s been days, and this is the first time I’ve seen him again.I thought he ghosted me. But seeing him here, serving people in our eatery… maybe he didn’t. Maybe he had a reason for not showing up. But if he didn’t, then maybe it’s better if I just stay away from him.I guess I’ll just wait for him to tell me when I’m meeting his parents.It’s not healthy for me to overthink when there’s really nothing going on between us. W-We’re just doing a deal, that’s all.I shook my head hard, remembering what happened between us the past few days. We just got carried away. That’s all it was.Love wrapped her hands around my arms, making me look at her. “You’re staring too hard. It’
Last Updated: 2025-08-03
Chapter: Chapter 12"Why can't you look at me?" I could sense the amusement in his voice. "Come closer, Lyl, don't just stand there.""I'm going to get dressed and eat. Lira is waiting for me," I said and headed to the closet."What about me?"I ignored him approaching me and continued looking for clothes."Aren't you going to feed me?"I paused for a moment and swallowed hard when I felt him rubbing his member against my backside. He's really teasing me this time. My body is heating up again because of what he's doing.I gasped softly when he cupped both of my breasts and gently squeezed their tips."C-Captain, my sister is waiting," I reminded him, but here I am, letting him do what he wants. "Can it wait until after we eat?"I turned to face him and was surprised when he greeted me with a passionate kiss.My mouth fell open when he lifted my left thigh and rubbed his manhood against the entrance of my womanhood.I wrapped my arms around his neck and responded to his dizzyingly delicious kiss. I moved
Last Updated: 2025-06-25
Chapter: Chapter 11"R-Raze," I gasped when he suddenly scooped me up in his arms. He looked up at me while continuing to lick the top of my breast. "W-Where are you taking me?"I held onto his nape tightly and let him squeeze my behind."To a place where I can taste you," he said hoarsely and carefully laid me down on the floor where a large container blocked us from view. "I'll spread your legs," he murmured.I suddenly felt shy when he stared down there. It felt like he was examining its appearance."W-Why? D-Does it look bad? D-Didn't you like my clam?"He looked at me and shook his head. "No, darling, that's not it. Your clam just made me hungry, that's why I was staring." He explained and then knelt between my legs. "It looks delicious. Wet. Red. So good to eat and explore."I swallowed hard at the way he said it, so I spread my legs even wider so he could see my glistening slit.His mouth fell open when I myself slipped off my panties. He cursed a few times when I displayed it in front of him."I-
Last Updated: 2025-06-25
Chapter: Chapter 10"Okay," I agreed. "What time? So I can close my small restaurant early." "I'll inform you. I have your number anyway." I frowned. Number? He has my number? But I don't remember giving it to him. "Don't ask." He looked away as if embarrassed. He must have noticed me thinking. "I got your number from someone." Someone? Who is he referring to? "Just don't ask anymore." He continued washing clothes without looking at me. I laughed when I noticed his ears turning red. The village captain blushes too. He looks cute. "Lyl... don't laugh at me." I laughed even more when he hid his face in the clothes he was washing. I wanted to ask where he got my number, but I'll find out eventually. While I was watching him looking embarrassed, I noticed a wound on the back of his hand, so I quickly looked for the wound near his head. He stopped when I suddenly took his hand and examined the wound on his head. "W-Why? Is there dirt on my face?" I shook my head. "Doesn't it hurt?" I lifted his han
Last Updated: 2025-06-25
Chapter: Chapter 9I dropped the shirt I was scrubbing and hugged myself. “D-Don’t look,” I whispered. “S-Stay right there. Just put the soap down, but don’t look.” I was wearing a white see-through shirt, and my nîpples were clearly visible—he probably noticed, which was why he came in so quickly. To make matters worse, I was spread open, so he most likely saw my inner thighs too. Good thing I didn’t take off my pánty, or he would’ve seen the most hidden treasure of the East. I folded my legs tightly and looked away. I shot him a glare when I heard him chuckle softly. “Earlier, yes, I looked. But not now. I-I didn’t see anything, I promise.” There was a hint of hesitation in his voice. He’s lying. He saw something but doesn’t want to admit it—or maybe he’s just making excuses because he knows I’m embarrassed. But please… not the inner part of my thighs! That would be so humiliating! “Are you messing with me? W-Who even told you to bring that here?” I grabbed a bedsheet from the laundry basket an
Last Updated: 2025-06-24