Share

Kabanata 263

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-10-15 21:46:01

Tahimik lang kami buong biyahe. Gustuhin ko man magsalita, naiilang ako dahil sa nangyari. Ano ba kasing pumasok sa isip niya para gawin ‘yon? Nagseselos ba siya?

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa labas, pinipilit iwaglit sa isip ko ang halik na ‘yon.

“Did you bring your inhaler?” he finally broke the silence. Tumingin ako sa kanya. Nagtagpo sandali ang mga mata namin bago siya tumingin sa daan. “May dala ako.”

I was shocked. Huwag mong sabihin na may asthma rin siya?

Umayos ako ng upo. “M-May asthma ka rin? Kailan pa?”

“No,” he replied, his voice still cold. Mukhang galit pa rin siya pero gusto pa rin akong kausapin. “Bumili ako just in case wala kang dala.”

Napamaang sandali ang bibig ko. “W-Wala akong dala. Hindi naman siguro mausok ang pupuntahan natin?” I asked just to clarify. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Sumama lang ako para may kasama siya. And besides, kondisyon niya ‘to.

“Hindi,” tipid niyang sagot. “Just tell me when you need it.”

Tumango ako.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vivian Oren Quita
damihan mo naman ang pag updat A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 263

    Tahimik lang kami buong biyahe. Gustuhin ko man magsalita, naiilang ako dahil sa nangyari. Ano ba kasing pumasok sa isip niya para gawin ‘yon? Nagseselos ba siya?Napabuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa labas, pinipilit iwaglit sa isip ko ang halik na ‘yon.“Did you bring your inhaler?” he finally broke the silence. Tumingin ako sa kanya. Nagtagpo sandali ang mga mata namin bago siya tumingin sa daan. “May dala ako.”I was shocked. Huwag mong sabihin na may asthma rin siya?Umayos ako ng upo. “M-May asthma ka rin? Kailan pa?”“No,” he replied, his voice still cold. Mukhang galit pa rin siya pero gusto pa rin akong kausapin. “Bumili ako just in case wala kang dala.”Napamaang sandali ang bibig ko. “W-Wala akong dala. Hindi naman siguro mausok ang pupuntahan natin?” I asked just to clarify. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Sumama lang ako para may kasama siya. And besides, kondisyon niya ‘to.“Hindi,” tipid niyang sagot. “Just tell me when you need it.”Tumango ako.

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 262

    “Uy, narinig ko ‘yon,” bungad ni Ara sa tabi ko at mahina akong tinapik sa balikat. “Nandyan ka na pala, Arkin. Hindi halatang excited ‘no?” asar niya kaya sinamaan ko ng tingin.“Tumigil ka nga, Ara,” saway ko ngunit nginisihan lang niya ako. “Makakatikim ka talaga sa akin kapag hindi ka pa tumigil---”“So, go na? Date na kayo?”“Ara!” Umawang ang bibig ko at napasinghap nang marahan niya akong itulak dahilan para masalo ako ni Kael. “Tang-ina!” Napayakap ako sa leeg niya, amoy ang gel at pabango nito.“Opps, sorry. Napalakas yata.” At nagawa pa talagang bumungisngis ng babaeng ‘to. “Sadya ‘yon, te.”“Araaaaaa!”Humagalpak siya ng tawa at bumungisngis kalaunan. Naramdaman kong payakap na sa akin si Kael at bago pa ‘yon mangyari, mabilis akong tumuwid ng tayo.“So fast,” I heard him say. “Hindi pa nga nayayakap eh,” dagdag niya.Umismid ako. “Sinasabi mo dyan?”Tumaas ang kaliwang kilay niya. “Hindi ka man lang magso-sorry at magpapasalamat?” masungit niyang tanong ngunit may bahid na

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 261

    Napakurap ako ng ilang beses, trying to process what he just said. “A-anong sinabi mo?” “I said,” nilapit niya ang mukha niya sa akin, halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya, “be my date tomorrow.” “Teka, joke ba ‘to?” “Nope. Dead serious.” Tumikhim ako at umatras ng bahagya. “Wait lang. May event ba? Fiesta? Bakit ako pa? Bakit hindi na lang si Lexi? For sure sasama 'yon sa'yo." Ngumisi siya, the kind of grin na alam mong may binabalak. “Ikaw ang gusto kong makasama.” “Kael!” “Lira,” he trailed off. “It just a date. It won't hurt you. Besides, kondisyon lang naman 'to.” “Alam ko! Busy ako! Iba na lang!” “No,” bahagya siyang lumapit, tapos ibinaba ang mukha papantay sa akin. “I know you're mad at me. I should do something about it. So here I am, doing something.” “Ang kapal ng mukha mo, ah. ‘Yan ba ang something mo? Date? Dinaan mo pa talaga sa kondisyon, bwisit ka!” “Of course. That’s the best apology package there is—me.” Napanganga ako. “Wow. Just wow. Taas ng

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 260

    Tulala akong napatingin kay Kael nang marinig kong um-oo si ate at kapag daw hindi ko sinunod, uuwi siya kaya wala akong choice kundi sumunod na lang kahit ayoko.“O-Opo, ate. Sasabihan ko na lang po siya,” sabi ko at mabilis na nilihis ang tingin nang lumipat ang tingin sa akin ni Kael. “Pero paano kung hindi pumayag?”“Let me talk to him,” saad ni Ate Lylia, gustong maniguro na papaya si Kael. Wala na talaga akong takas. Sa ayaw at sa gusto ko, masusunod si ate. “Lira? Are you still there?”“Ah, opo, ate. Ibibinigay ko na po itong phone kay K-Kael,” hininaan ko ang pagsambit sa pangalan niya at baka marinig pa ng mga kasama namin although hindi ako sure kung alam na ba nila ang totoo nitong pangalan. Iniabot ko sa kanya ang phone. “Si ate, gusto kang kausapin.”Tinanggap niya ‘yon at lumayo. Habang nakikipag-usap siya, hindi ako makatagal ng tingin sa kanya. Hindi ba naman inaalis ang tingin sa akin tapos ang mas nakakainis, pangiti-ngiti pa siya, bwisit!Aliw na aliw? Kung sikmuraa

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 259

    Nang masigurado kong wala nang darating na customer, medyo ibinaba ko ang roll-up. Magsasara na rin ako maya-maya dahil lumalalim na ang gabi. Nagpaalam na rin sa akin ang kasama ko, so ako na lang ngayon. Hindi na sana ako pupunta sa kasiyahan nila Lexi pero pinuntahan ako ni Kaido at Ara na sumunod. Ang kj ko naman daw kung hindi ako sisipot. Syempre, nahiya ako. Ngayon, habang nakatayo ako rito sa may bukana ng pinto, para ayoko nang tumuloy. Masaya naman sila na wala ako. Pero napansin ko si Arkin na walang imik. Panay tikim lang siya doon sa hinanda ni Jessa na pulutan. Papasok na sana ako nang may lumapit. Si ramen boy. "Uy, ikaw pala. May kailangan ka pa? Open pa rin ang store. Pasok ka lang," kaswal kong sabi nang hindi kami mailang pareho. "Uh..." Napakamot siya ng buhok, halatang nag-aalinlangan sa sasabihin. Hindi rin makatingin ng diretso. "P-Pwede ko bang makuha number mo?" lakas-loob niyang tanong, still not looking at me. Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita kasi

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 258

    "May problema ba dito?" Napatingin ako kay Van nang tumabi siya sa akin sabay akbay. "Do you still have that cake?"Namilog sandali ang bibig ko. "Oh, iyong red velvet? Meron pa. Gusto mo?"He smiled. "Yeah, sure. Iyon nga ang kanina ko pa gustong itanong," aniya. "Pasok na tayo?" Lumipat ang tingin niya sa isa ko pang katabi. "Kaya mo naman na siguro 'yan, Arkin?"Imbes na sumagot ito, tumalikod na at pumunta sa mga kasama niya.Pinagsawalang kibo ko na lang at pumasok na sa loob. Hindi rin kami nagtagal pero no'ng makita nila ang kinakain ni Van, ayon, tumikim lahat maliban kay Kaido at Arkin na nag-uusap.Habang nagkakatuwaan sila, hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nila ngunit nang dumating si Lexi at halos yakapin ang leeg ni Arkin mula sa likod, agad akong nag-iwas ng tingin.Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. I'm not affected! Hindi lang ako sanay na makitang malapit sa babae si Kael kumpara noon na medyo distant siya."You okay?" si Ara nang tumabi sa a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status