Share

Chapter Six

Author: Dieny
last update Last Updated: 2024-02-26 18:22:51

Sobrang busog ko, halos lahat ng nasa lamesa kina tinikman ko pero si Diego halos hindi manlang ginalaw ang pagkain niya. Ang hinhin niya kumain, parang hindi lalaki. Hindi naman namin naubos lahat ng pagkain kaya pina-take out niya at pina-deliver niya sa bahay namin. I let him do it since binigyan ko siya ng pagkakataon magdesisyon sa sarili ko.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit na dumating ang hapon, oras na para umuwi at mag-asikaso. Kailangan kong pumasok sa club. Bumaling ako kay Judiel na hanggang ngayon kausap pa rin ang kaibigan niyang si Simon. Pinakilala niya ito sa akin kanina, siya ang may ari ng mamahaling restaurant. Mukhang matagal pa sila matapos at kung sabihin ko sa kanya na aalis ako at kailangan kong umuwi, he wouldn't let me. Kaya habang hindi pa siya nakatingin sa akin, mabilis akong lumabas ng restaurant. Tinitiyak na hindi niya ako makikita. Nang makalabas na ako sa restaurant, mabilis akong naglakad palabas ng mall. Malapit lang naman ang mall na ito sa amin at mabuti na lang talaga may dala akong pera kahit pamasahe lang. Sumakay agad ako sa tricycle. Sana naman pagkarating ko as bahay, wala si Diego dahil baka hinahanap niya na ako panigurado at magugulat na lang ako nauna na siyang makarating sa bahay namin.

Nang makababa ako, pumasok kaaagad ako sa bahay at dumiretso sa kwarto. Kinuha ko na ang bag ko at isang pares ng damit. "Nanay, papasok na po ako sa trabaho!" sigaw ko nang makalabas ulit ako ng kwarto. Lumabas siya mula sa kusina.

"Nakauwi ka na pala, aalis ka na agad. Kumusta ang lakad ninyo ni Diego?" Sunod-sunod niyang tanong. Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya.

"Oo Nanay, kailangan ko rin pumasok. Mabuti naman po ang lakad namin ni Diego, umuwi na rin siya sa kanila." Hindi ko muna sasabihin na may mga pagkain darating dito mamaya dahil sigurado akong papunta na rin iyon.

Tumango siya at ngumiti. "Mag-ingat ka," paaalala niya.

Sumakay na agad ako ng taxi at ilang oras lang din naman nakarating ako sa club. Alas singko pa kaya mamaya pa darating si Miss Pim, nauna ang iba kong kasama. Mukhang hindi rin nila alam ang usapan namin nila Miss Pim at mabuti na rin ang ganoon.

Marami namang mababait na kasama ko,si Felicia ang kilala kong pinakamabait na kaibigan ko sa club ngunit nagbago siya. Minsan talaga sa buhay, hindi natin namamalayan na ang dati mong kasundo sa kahit anong bagay o kahit saan kayo magpunta, pareho niyong gusto hanggang sa isang araw biglang mayroong isa sa inyo ang magbabago nang hindi mo malaman ang dahilan o kung bakit mas piniling magbago. It's okay to change sometimes basta ang pagbabago na iyon ay mabuti pero kung nagbago lang ang isang tao at ang kinalabasan ay malayo sa dati niyang ugali, naging masama ito. Malabong usapa na iyon. Pero sabagay, hindi naman natin maiiwasan na magbabago tayong lahat.

Nakapag-ayos na kaming lahat, tumingin ako sa salamin nang dumaan si Felicia sa likod ko sabay irap. Tiningnan ko lang siya ng walang reaction at nagpatuloy akong nag-ayos ng lipstick. Nang tatayo na sana ako biglang dumating si Mis Pim sa tabi ko at nagtatakang tumingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Ngumiti ako ng tipid. "Hindi ba binigyan na kita ng chance na makalabas sa buhay na ganito, what are you doing? Why are you here?" gigil niyang bulong sa akin. Hinawakan ko siya sa kamay para pakalmahin.

Alam kong magagalit siya sa akin, totoong hindi ko kaya ang ganitong trabaho pero dito ako nasanay at ayaw kong magpakasal. Kaya ko pa naman tiisin. "Hindi pa ako nakapag-isip ng maayos, Miss Pim. Kaya bumalik ako ngayong gabi, baka sakaling malaman ko kung ano ang magiging desisyon ko." Mahabang sabi ko. Huminga siya nang malalim.

"Sayang pero ikaw ang bahala. Bilisan mo na, ikaw ang huling sasayaw at nandito ka na rin naman. Ikaw na ang ibibigay ko sa sang customer, ayos lang ba?" Tumango ako.

"Nagsisimula na po ba ulit sa tunay na trabaho, hindi lang sasayaw?" tanong ko at tumango naman siya bago magpaalam.

Kung noong nakaraang buwan ay hindi kami nagpapagalaw ng mga customer na balak mag-rent ng babae dahil hanggang sayaw lang sa entablado ang nagagawa namin, ngayon mukhang mangyayari ulit na magpapabaad ng malaki para sa isang gabi. Since, I am the star of the club napagdesisyonan ni Miss Pim na mas malaki ang bayad sa akin, pero hindi naman malayo sa presyo ng iba kong kasamahan.

"Akala ko naman lumayas ka na." Bumaling ako kay Felicia nang lumapit siya sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil nawawalan ako ng oras sa kanya kung papatulan ko pa siya. "You shouldn't came here tonight, nawala na naman ang spot light sa akin dahil ang epal mo."

"Pwede mo namang sabihin kay Miss Pim na ikaw na lang ang gagawa, inggit na inggit ka sa akin. Wala naman akong ginagawa sa iyo at kung maka-inggit ka, mukhang pinahalata mo sa sarili mo na hindi mo ako kayang tapatan." Sumama ang mukha niya at galit na tumingin sa akin, sinamaan ko rin siya ng tingin.

Kung nagbago siya dahil naiinggit siya sa akin at sa tingin niya kinukuha ko ang para sa kanya, well kaya ko rin magbago ng pakikitungo sa kanya. I am not like some of the girls here in the club na hindi lumalaban sa kanya sa tuwing minamalditahan niya. "Malaki ka na, Fel. Grow up kapag may time ka, nagsasayang ka lang oras sa akin."

Umalis ako sa harap niya at binagga ko pa ang shoulder niya. Pumasok ako sa locker room at nilagay ang bag ko. Pero napansin kong sumunod siya sa akin. "Ang yabang mo pa rin talaga, hindi ka naman maganda para yabangan ako." Ngumisi ako sa kanya. Halatang bothered sa pasensya ko ang babaeng ito.

"Unang beses ko pa lang sasabihin sa'yo ito, Felicia. Hindi ka na gagaling kumpara sa akin kung patuloy mong ipaglaban iyang kainggitan mo. Sumayaw ka na, galingan mo ha. Malay mo makuha mo ang gusto mo." I touched her cheeks at lumas na ng locker room. Hindi ba talaga siya stress kakairita ng gabi ko lagi?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Binili Ako Ng Isang Bilyonaryo   109 - End

    “Daddy!” dahil sa narinig na sigaw, agad na nagmadaling pumasok sa loob ng bahay si Diego. “Why are you shouting?” tanong niya sa anak niya. Tumingin siya kay Janella na halatang nahihirapan, nanlaki ang mga mata ni Diego. “Damn it! Tumawag ka ng ambulance, manganganak na yata ang Mommy mo!” sigaw niya rin sa anak niya na nasa tabi lang ni Janella. Agad din namang ginawa ng anak niya, tumawag siya ng ambulance at ilang minuto ay dumating na. Ang bilis ng panahon, grade six na ang panganay nilang anak at ngayon ay manganganak na si Janella ulit. Kambal pa ang bago nilang anak.“Ikaw kasi! Kung hindi mo ako ginapang, hindi sana ako mahihirapan ng ganito! Ang sakit, Diego!” galit na sigaw ni Janella kay Diego nang pumasok na sila sa loob ng ambulance. Hinawakan lang ni Diego ang kamay ni Janella dahil hindi niya na rin alam ang gagawin, kanina ay nagdidilig lang siya ng halama sa kanilang garden nang biglang sumigaw ang anak nila. Hindi niya rin naman alam na ngayon ba mismong araw m

  • Binili Ako Ng Isang Bilyonaryo   108

    Two months later, mas maraming nangyari. Naging sila ni Sandy at Fred; hindi na rin naman nagulat ang mga kaibigan nila dahil matagal na nilang napapansin noon na nagkakabutihan sina Sandy at Fred ngunit ang nakakagulat sa kanilang lahat ay ikakasal na si Liah at Andrei. Hindi nila alam na may nangayari na pala sa pagitan nilang dalawa, nagulat na lang sina Janella, Sandy at Felicia na buntis si Liah. Pero hindi lang iyon ang nangyari, naging magkaibigan na rin ang mga kaibigan ni Diego at mga kaibigan ni Janella; naging maayos ang pagkakaibigan nilang lahat. Sa Dark Blood Organization naman ay bumaba na si Diego bilang leader ng organization, he trained his brother, Daniel to become a leader. Agad din naman natutunan ni Daniel ang pagiging leader at dinala niya ang mga tauhan niya noon sa organization para i-train ng mga tauhan ni Diego. Naging maayos naman ang sitwasyon ng organization dahil naging focus sila sa goal para sa organization. Mag-iisang taon na rin ang anak nina Diego

  • Binili Ako Ng Isang Bilyonaryo   107

    Today is the day of house blessings ng bahay nina Diego at Janella. Lahat ng kaibigan ni Janella at kamag-anak niya ay dumalo, ganoon din kay Diego. Para itong isang engrandeng event sa buhay nila. Ayaw man ni Janella na marami ang taong dadalo pero ang nag-plano ay ang magulang niya at ang ina ni Diego. Pinag-usapan nila kung sino ang iimbitahan. Dahil sa plano ay nagkasundo na ang ina ni Diego at ina ni Janella, sila ang nangunguna sa preperasyon. Wala rin namang nagawa si Janella dahil hindi rin naman siya pinatulong. Ang ginawa niya lang ay inimbita ang mga kaibigan niya sa club. Dumalo rin ang mga kaibigan ni Diego at ang girlfriends and asawa ng mga kaibigan niya, kung sino-sino ang mga nakilala ni Janella noong unang pagdalo niya ng party na kasama si Diego at nakilala ang mga kaibigan ni Diego, iyon din ang mga taong dumalo ngayon. Makikita ang pinagkaiba ng antas ng dalawang parties, ang mga kaibigan ni Janella ay nagkakatuwaan habang ang mga kaibigan ni Diego na mga babae

  • Binili Ako Ng Isang Bilyonaryo   106

    Bumuntonghininga si Diego habang nakatingin kay Janella. She is suggesting na sasama siya kay Diego para makita at makausap si Amara. "Sigurado ka ba talaga na sasama ka? I heard from Daniel that her situation and behavior are getting worse, wife." He looked at Janella, and said. Ngumiti naman sa kanya si Janella, hinawakan ang kamay ni Diego. "She is also a human, love. Kahit anong nangyari sa kanya, mayroon pa rin siyang pinagdaanan kagaya natin. She's your friend and I know na may malaki siyang kasalanan sa atin pero hindi iyon magiging dahilan para hayaan lang siya. Maybe we can help her," Janella explained. Dahil sa sinabi ni Janella, tumango na lang siya at hinayaan na sumama sa kanya si Janella. Dahil naisip niya na tama naman si Janella, ang isa makakatulong kay Amara ay taong makakausap niya. People think Amara become crazy, dinala siya sa mental hospital para magpagaling ngunit naging worse lang lalo. "Hindi na siya binibisita ng pamilya niya," sabi ng nurse na nagha-hand

  • Binili Ako Ng Isang Bilyonaryo   105

    Everything become smooth, naging maayos naman ang trato ng pamilya ni Janella kay Diego simula nang tumira si Diego sa bahay nila Janella, para na rin siya ang gumawa ng bahay na gusto ni Janella. Minsan ay binibisita si Diego ng kanyang mga kaibigan para lang asarin, naging masaya naman si Diego sa nangyari dahil kahit pagod siya gumawa ng bahay nawawala naman ang pagod niya sa tuwing nakikita niya ang kanyang anak at si Janella."Ang hot talaga ng asawa mo," bulong ni Sandy kay Janella.Nakalabas na rin sina Sandy, Liah at Felicia. Ngayon, sila naman ang bumisita kay Janella. Naging maayos ang relasyon nilang apat ulit, ang dating magka-away ay dahan-dahang ibinalik ang datibg pagkakaibigan.Pinagmasdan nilang nagtatrabaho si Diego, maya-maya ay may dumating na kotse. Lumaba sina Andrei, Angelo, Daniel at Fred. "May dumagdag pa na hot daddies," bulong din ni Felicia sabay tawa habang nakatingin sa mga bagong dating. "Magtigil nga kayo, kung gusto niyong magka-boyfriend, huwag kayo

  • Binili Ako Ng Isang Bilyonaryo   104

    Pagkatapos ng nangyari, maraming nagbago. Hindi pa rin nagigising si Felicia at si Liah. Malaki ang sugat na natamo nila dahil sa pagbaril ni Amara. Tatlong araw mula noong araw na nagkagulo ang lahat at sa tatlong araw na iyon, pinipilit pa rin ni Diego ang sarili niya na makausap si Janella. Kahit na lapitan niya lang ang anak nila ay hindi pumayag si Janella. Malaki pa rin ang galit ni Janella kay Diego ngunit hindi rin naman tumitigil si Diego para patawarin siya ni Janella. "Nasaan si Amara?" tanong ni Diego kay Andrei."Nasa kulungan na siya at sinisugurado namin na hindi na siya makakalabas kahit tulongan pa siya ng pamilya niya," sagot naman ni Andrei. Tumango lang si Diego at umupo sa kanyang swivel chair. "Kumusta kayo ni Janella?" tanong ni Andrei.Bumuntonghininga si Diego at tumingin saglit kay Andrei. "Hindi ko alam kung kailan niya ako kakausapin. Hanggang tingin lang ako sa kanilang dalawa ng anak ko. What should I do to make her feel na hindi ko ginusto ang nangyari

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status