Share

104

Pagkatapos ng nangyari, maraming nagbago. Hindi pa rin nagigising si Felicia at si Liah. Malaki ang sugat na natamo nila dahil sa pagbaril ni Amara. Tatlong araw mula noong araw na nagkagulo ang lahat at sa tatlong araw na iyon, pinipilit pa rin ni Diego ang sarili niya na makausap si Janella. Kahit na lapitan niya lang ang anak nila ay hindi pumayag si Janella. Malaki pa rin ang galit ni Janella kay Diego ngunit hindi rin naman tumitigil si Diego para patawarin siya ni Janella.

"Nasaan si Amara?" tanong ni Diego kay Andrei.

"Nasa kulungan na siya at sinisugurado namin na hindi na siya makakalabas kahit tulongan pa siya ng pamilya niya," sagot naman ni Andrei. Tumango lang si Diego at umupo sa kanyang swivel chair. "Kumusta kayo ni Janella?" tanong ni Andrei.

Bumuntonghininga si Diego at tumingin saglit kay Andrei. "Hindi ko alam kung kailan niya ako kakausapin. Hanggang tingin lang ako sa kanilang dalawa ng anak ko. What should I do to make her feel na hindi ko ginusto ang nangyari
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status