Home / Romance / Binili Ako ng CEO / Chapter 80: Be it

Share

Chapter 80: Be it

Author: MeteorComets
last update Last Updated: 2022-10-06 20:49:28

Dinala ni Mr. Shein si Jelen kasama ni Carlitos pabalik sa Pinas. Siya na ang nag-asikaso sa lahat ng pangangailangan ng pamilya niya. Mas binigyan niya muna ng pansin si Jayden kesa kay Lorelay. Madalas niyang dinadalaw ang kapatid habang nakatoka minsan sa pagbabantay kay Carlitos lalo’t laging nasa hospital si Jelen para kay Jayden.

Ang ilan sa katulong niya ay pinatira niya kasama ni Jelen upang may magbantay kay Carlitos tuwing kailangan niya ring umalis. Nagkausap sila ni Jayden sa hospital. Gumanda ang relasyon nila ng kuya niya at paraan iyon para maibsan ang bigat na nararamdaman niya.

Gumanda rin ang kalagayan ni Jayden lalo’t ayos na sila ni Mr. Shein at kasama na niya ang mag-ina niya. Nagkakausap sila minsan ng silang dalawa lang at paraan iyon ng magkapatid para mabawi ang mga taon na nasayang nila.

Nakatutok din siya sa kaso ng kuya niya. Alam niyang oras na malaman ni Lorelay ang lahat, maaaring mawala ito sa kaniya kaya ginagawa niya ang lahat para mapabuti ang lagay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
BabygirL
im so sad for mr.shein ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Binili Ako ng CEO   AANB 3

    “Uy. Anong meron sa inyo ni sir Tim? Bakit nginitian ka niya?” tanong ni Molly nang maghugas kami ng plato.“Hindi ko rin alam.” Ang sabi ko. Ayoko na isalaysay iyong nangyari kanina madaling araw at baka mamaya e mapagalitan ako ni sir Rico at ma’am Rachelle.“Hindi ako naniniwala. Bakit bigla nalang lalabas si sir Tim sa lungga niya tapos ay ngingitian ka pa niya? Alam mo kanina, gulat na gulat kami pati na sina sir Rico at ma’am Rachelle nang kusang sumama si sir Tim sa breakfast nila.”Nabigla ako nang marinig iyon. Kasi kung gising lang ako kanina at nakita iyon ng personal, baka ay magulat rin ako ng husto.“Hindi ko talaga alam, Molly. Saka pwede ba, maghugas nalang tayo ng pinggan.” Sabi ko na gusto ng takasan itong pang-iintriga niya.Ngumuso siya pero sinunod naman ang sinabi ko na magfocus kami sa paghuhugas. Maya-maya pa, biglang lumapit si ma’am Rachelle sakin.“Pwede ba tayong mag-usap, Keesha?”Nagkatinginan muna kami ni Molly bago ako tumango kay ma’am Rachelle.Sinunda

  • Binili Ako ng CEO   AANB 2

    Halos hindi na ako makahinga ng maayos. Sa abot ng makakaya ko, pinilit ko siyang itulak palayo doon sa upuan na pinatungan niya.Habol habol ko ang hininga ko nang matagumpay ko siyang mapaalis sa upuan.“What are you doing?” naroon ang galit at inis sa mukha niya nang makita niya ako.“Sir, mali ito.” Sabi ko sa kaniya.“Ano bang pakialam mo?”Tumayo siya at pinagpag ang damit niyang nadumihan. Umakyat siya ulit sa upuan kaya tinulak ko na naman siya at agad kong pinatungan nang mapahiga siya sa lupa.“Get off me!”Hindi ako nakinig. Niyakap ko siya ng mahigpit para lang hindi siya makawala sakin. At habang nagpupumiglas siya, hindi ko na napigilan ang luha ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at umiyak hanggang sa naramdaman kong tumigil siya.Humagolgol ako at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkapit ko sa damit niya.Matapos ang ilang minuto kong pag-iyak, tumingin ako sa kaniya. Kita ko ang gulat sa mukha niya.“Why?”“Pakiusap sir, huwag niyo pong tapusin ang buhay mo. M-

  • Binili Ako ng CEO   AANB 1

    Isang buwan ang lumipas matapos no’ng insidente. Pumasok ako sa kwarto ni sir Tim at as usual, madilim na naman. Na para bang ayaw niyang mapasukan ng liwanag ang silid niya.Ang utos lang samin ni ma’am Rachelle ay ilagay ang pagkain sa mesa dito tabi ng kama at umalis na.Tatlo kaming maid ang salitan sa paghatid ng pagkain dito kay sir. Ako, si Maria at Molly. Pero ngayon, ako ang nakatoka magdala ng breakfast niya.Kapag hinahatid namin ang pagkain sa kwarto, madalas ay nakatalikod siya samin at tulog. Pero nagulat ako nang makitang gising siya ngayon at nakaupo sa kama pero nakatingin lang sa bandang bintana na hindi pa nabubuksan.Makikita mo pa rin ang labas dahil tinted ang window glass dito. Hindi nga lang nakakapasok ang sinag sa loob pag hindi binubuksan.Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita. Matamlay na matamlay siya ngayon at mas lalo pang humaba ang buhok niya sa katawan.Mas nagiging maputla na rin siya. Ayaw niya kasing kumain. Hindi siya kakain kung hindi iiyak ang mama

  • Binili Ako ng CEO   ALIPIN AKO NG BILYONARYO

    PROLOGUE“Tim is dead!” Labis ang pagluluksa ng lahat nang malaman nina ma’am Rachelle at sir Rico ang pagkamatay ng panganay nilang anak na si Timber Shein.Agad akong tumakbo sa kwarto ko at nagtago. Alam kong isa lamang akong maid pero may lihim ako na pagtingin kay sir Timber.Diyos ko! Sana ginawa ko ang lahat para pigilan siyang umalis kanina. Alam kong hindi siya okay. Alam kong nasasaktan pa rin siya ngayon.At kasalanan nila ito. Hindi ko sila mapapatawad. Pinatay nila si sir Tim.Napaluhod ako sa labis na sakit at napatingin sa altar at paluhod na naglalakad. “Kung totoong may Diyos, pakiusap huwag niyo sanang hayaan na may mangyaring masama kay sir Timber. Sana hindi totoong patay pa siya.”Timber Shein, ang pinakamabait na Shein na nakilala ko. Sa sobrang kabaitan niya, tini-take for granted na siya ng mga nakapalibot sa kaniya lalo na yung kaibigan niya na inahas ang fiancée niya. Siya na nga ang naloko, siya pa ang ginawang masama.Si Art ay kaibigan niya noong nag-aaral

  • Binili Ako ng CEO   BOOK 5

    Hello sa inyo. Nandito pa ba kayo? Sorry. Natagalan po ako. But yes, ipagpapatuloy natin ang book 5 but hindi po every day ang update ko.Makaka-absent po ako pero ipagpapatuloy ko na ang Shein sa abot ng aking makakaya. [Priority ko muna si Vida at Aris, then Merida at Aidan, mga other story ko]Sana e nandyan pa rin kayo nag-aabang dito lalo't medyo matagal na mula ng e completed ko to. Haha. So sino sa 3rd gen ang uunahin natin? Chares. May napili na ako. Sa anak tayo ni Rico at Rachelle na si Timber magsimula. Sana po support niyo...Also, explain ko lang bakit ngayon pa ang book 5 kung saan nagsawa na kayo maghintay. haha. Kasi guys, marami pa kasi process pinagdaanan bago na-approve ang wish ko e on going ito.Basta kasi completed na, kahit gusto ko e update, di na talaga pwede.Ngayon pa ako nakakuha ng permission na e-ongoing to kaya ngayon pa siya mapagpapatuloy.Anyway, iyon lang...Sana may maligaw pa ring kaluluwa dito. If oo, salamat sa mga naligaw. hehe

  • Binili Ako ng CEO   NOTE FOR 5TH BOOK

    Hello everyone, I don’t know kung may nakaabot sa chapter na ito dito banda e. Haha. As you see, iyong tatlong book e posted na as separate book pero dahil may ibang readers na hindi yun mahanap so I decided na isama ang apat na book dito.Naisip ko po na dagdagan pa ito ng isa pang book na hindi pa nababasa or hindi ko pa na post. Agree ba kayo na dagdagan ko pa? Story po ito ni Laris Shein.Hesitant akong ipagpatuloy siya kasi baka mamaya e wala palang nagbabasa na ng story na umabot hanggang dito. Haha. What do you think po? Dapat ko bang ipagpatuloy? Or hindi? Wait po ako sa reply niyo.Kapag umabot ito ng siguro 100 comments (chareng), ipagpapatuloy ko ang 5th book.SALAMAT PO. WAITING AKO SA REPLY NIYO LAHAT. (Sana meron. huhu)

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status