HATING-GABI NA SUBALIT hindi pa rin makatulog si Vivienne. Patuloy pa rin ang ulan sa pagragasa mula sa kalangitan at sinasabayan iyon nang walang humpay na pagkulog at pagkidlat. Malakas din ang ihip ng hangin at nagsasayawan ang mga puno at halaman sa labas. Nawalan na rin ng kuryente at mabuti na lang ay may backup silang supply ng kuryente mula sa generator.
Nakatayo si Vivienne sa harap ng bintana habang sinusubukang sumagap ng signal. Ilang oras na rin simula nang mawala ang signal at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin iyon bumabalik. Hindi na niya tuloy alam kung ano na ba ang lagay ni Kairos ng mga oras na ito. Lubusan na siyang nag-aalala sa asawa niya. At sa gitna nang pag-aalala, bigla niyang narinig ang pag-awang ng pinto. Dali-dali niya iyong hinarap at umaasa siyang si Kairos ang makikita subalit nadismaya si Vivienne nang makita si Rogue. “What are you doing here?” tanong niya sa lalaki. Nakapamulsang pumasok si Rogue sa labas. “Hindi mo pa rin ba makontak ang asawa mo?” “Wala pa ring signal, hinihintay ko ngang bumalik. But I think matutulog na lang ako kaysa hintayin pa. For sure nasa maayos namang kalagayan si Kairos. Ayoko sanang i-gaslight ang sarili ko, but I think I need to.” “He's fine, for sure.” “And how can you say that?” Diretsong tumingin si Rogue sa kaniya. “Nasa duty siya, sigurado naman na nasa station siya. Besides, kung uuwi siya, hindi rin siya makakauwi. The flood is too high to pass through. If I were him, I’d back off.” Tumango si Vivienne bago lumapit sa kama. “Matutulog na ako, Ros—” “I'm sorry, Vivi.” “I said stop calling me Vivi. That was my nickname when we were together, but now that we’re not, you have no right to call me that,” walang emosyong turan ni Vivienne. “I'm sorry, Vivienne. I'm sorry kung kailangan umabot sa ganito. We were happy naman before, ‘di ba? Just because of a dámn video, you believe that I cheated on you when, in fact, I did not.” Lumunok si Vivienne. “Ito na naman ba tayo, Ross? Ganito na naman ba tayo? My God, it's been three years, hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Red flag iyong ipinakita mo sa video. That's also micro-cheating. The way Celeste touched you, how she rested her head on your shoulder, and your careless attitude towards her actions—these are all signs of cheating behavior. Hindi mo man lang ba inisip ng mga panahong iyon na kasal ka? Na may uuwian ka pang asawa?” Hindi na napigilan ni Vivienne ang emosyon niya. Tumulo na ang ilang butil ng luha sa mga mata niya habang matamang nakatingin sa direksyon ni Rogue. “Vivi—” “Stop, huwag kang lalapit sa akin,” pigil niya kay Rogue nang akmang maglalakad na ito palapit sa kaniya. “Vivienne, kailan ka ba makikinig sa akin? I wasn't cheating on you at that time. It's just that Celeste and I are very close. Besides, it's my mom's birthda—” “Birthday ng mommy mo pero hindi ka man lang nag-atubiling imbitahan ako? Yes, Ross, alam ko ang sitwasyon. Ayaw sa akin ng mommy mo, pero hindi ibig-sabihin noon ay kailangan mo na akong baliwalain. Ni hindi mo ako sinabihan na aalis kayo ng mga bata, so anong in-e-expect mong magiging reaksyon ko? Matuwa? I am your wife, Ross. Pero… pero pakiramdam ko noon, hindi mo man lang ipinaramdam sa akin ang pagiging asawa mo. Mas ipinaramdam mo sa akin na wala akong kuwenta. Alam mo, nagsisisi ako na nagpakasal ako sa isang katulad mo!” Tumango si Rogue. “Vivienne, hindi ako magsasawang sabihin sa iyo na hindi kita niloko. Mahal kita, mahal na mahal kita bilang asawa ko. I even married you because I love you. But I understand how you feel, and… I'm sorry for being an unfaithful husba—” Hindi pa man natatapos si Rogue sa pagsasalita nang biglang umiyak si Thalia mula sa kabilang silid. Bumaba si Vivienne sa kama at dali-daling nagtungo sa silid ng kaniyang anak. At napa-awang na lang siya nang makitang nasa lapag na ito habang yakap-yakap ang sariling mga tuhod at patuloy pa rin sa pag-iyak. “I'm here, baby. I'm here.” Niyakap niya si Thalia. “What happened, baby? Don't worry, mommy's here. Hindi kita iiwan.” “Mommy, I have a nightmare,” umiiyak na sambit ni Thalia habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya. “What is that, baby?” “Mommy, I saw a man… he… he told me he's my father, but… but there's also another man, holding a gún—just like daddy's. Then… then he shot the man who told me he's my father.” “Shhh, it's just a nightmare, okay? Huwag mo nang isipin iyan. Walang katotohanan iyan.” “I'm scared, mommy.” “I know, baby. That's why mommy's here. Hindi kita iiwan, okay?” Tumango si Thalia. Inalo ni Vivienne ang anak at nang bumalik na ito sa pagkakatulog, marahan niya itong inilapag sa kama nito. Inayos niya ang magulo nitong buhok at siniil ng halik ang noo nito. “How old is she?” mayamaya pa'y tanong ng isang tinig mula sa hindi kalayuan. Mula sa pinto, nakita niya si Rogue. Nakatayo ito roon habang nakasandal sa hamba. “Three…” “Nabuntis ka agad nang mag-divorce tayo?” seryoso ngunit kalmadong tanong ni Rogue. “Kairos came into my life a month after we divorced,” tugon ni Vivienne bago tumayo. “He came into my life and helped me move on,” dagdag niya pa bago lumabas ng silid. “Ganoon ba ako kadaling palitan, Vivienne? You made Kairos your rebound.” Humarap si Vivienne kay Rogue, seryoso ang mukha niya. “You’re right. I made him my rebound. He helped me cope with the pain I was dealing with. He supported me, and made me realize that you’re nothing. Dahil doon, minahal ko siya.” Inangat ni Vivienne ang kamay niya kung saan nakalagay ang wedding ring niya. “And I even married him,” aniya pa bago tuluyang bumalik sa silid nilang mag-asawa. Ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob nang itulak siya ni Rogue sa pader at ikinulong siya nito gamit ang mga braso nito. Tinitigan siya nito sa kaniyang mga mata bago walang pagdadalawang-isip na sinunggaban ang mga labi niya. “Mommy? Daddy? What are you doing?” Mabilis na itinulak ni Vivienne si Rogue at binalingan ang nagsalita. At napa-awang siya nang makita si Leander, takang-taka habang nakasulyap sa kanilang dalawa ni Rogue.“ARE YOU OKAY, Vivienne?” nag-aalalang tanong ni Rogue sa kaniya.Mabilis na tumango si Vivienne. “Yes, kahit hindi.”“Is there any problem, Vivienne? Tell me.”Bumuntong-hininga si Vivienne. “Kung may problema man ako, I think labas ka na roon.”Maglalakad na sana palayo si Vivienne nang mabilis siyang pigilan ni Rogue sa pamamagitan nang paghawak nito ng braso niya. Pagalit iyong binawi ni Vivienne bago masamang tingin ang ipinukol sa lalaki.“Ano bang kailangan mo, Rogue? Puwede bang lumayo ka na sa akin? Puwede bang kahit ngayon lang ay bigyan mo ako nang kapayapaan? Ang dami-dami ng nangyayari sa buhay ko, Rogue. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Nawala na sa akin ang lahat. As in lahat. Tapos ngayon, may sakit pa si Thalia. She was diagnosed with leukemia, Rogue. Kaya nakikiusap ako sa iyo, layuan mo na ak—”“Tutulungan kita, Vivienne. How much do you need? I can give it to you. Just tell me.”Pinakatitigan ni Vivienne ang mga mata ni Rogue. Inisip niya ang sinabi nito.
PAKIRAMDAM NI VIVIENNE ay pinagsakluban siya ng langit at lupa nang malaman niyang mayroong leukemia si Thalia. Nang marinig iyon mula sa mama niya, halos ilang oras siyang tulala bago siya tuluyang bumalik sa sarili niya.Ngunit akala ni Vivienne ay iyon lamang ang magiging dagok sa buhay niya subalit nagkamali siya nang malaman niya na kinuha ni Kairos ang lahat ng pera niya. Ni piso ay wala itong itinira sa bangko niya. At ang mas masakit, kinuha nito ang insurance niya na sana'y para sa pamilya niya. Milyong-milyon ang nawala kay Vivienne—at gusto na lang niyang mawala sa tuwing iniisip niya iyon. Ang bahay naman niya, dahil bigo siyang mabayaran ang mortgage niya, na-foreclose na iyon—ibig-sabihin, kinuha na ng bangko ang karapatan sa bahay niya at ibebenta iyon upang maibalik sa kanila ang natitirang balanse ng mortgage.Masakit kay Vivienne ang mga nangyari. Nawala na lang bigla ang lahat-lahat sa kaniya dahil lang sa isang taong pinagkatiwalaan niya. Hindi niya inaasahan na it
PALIBAN NA SANA si Vivienne sa kabilang kalsada nang biglang dumating ang humahangos na sasakyan. Muntikan na siya nitong mahagip at mabuti na lang ay nakaiwas siya agad. Pero ang sasakyan, dire-diretso hanggang sa sumadsad iyon sa poste kaya naman nagasgas iyon.Pagkahinto ng kotse, lumabas doon ang isang babae at tiningnan ang estado ng kaniyang sasakyan. At doon ay bumakas agad ang galit nito nang makitang napinsala ang sasakyan niya. Humarap ito kay Vivienne, at matalim na tingin ang ipinukol nito bago ito naglakad palapit.“You scratched my car!” hiyaw ng babae kay Vivienne at walang pagdadalawang-isip na sinampal siya.Sa gulat ni Vivienne, napaatras siya bago sinapo ang pisnging sinampal ng antipatikang babae.“Alam mo ba kung gaano kamahal ang kotseng iyon tapos magagasgas lang nang dahil sa iyo?! Baka kahit ipagbili mo iyang katawan mo, hindi mo kayang bayaran ang kotse ko! Tanga ka!” bulyaw ng babae sa kaniya.“Bakit mo sinisisi sa akin ang hindi mo pagiging maingat? Liliban
THREE MONTHS AGO, Dr. Gilbert Santos informed Rogue that the corpse wasn't actually Vivienne—it was another woman. Upon learning this, Rogue began searching for his ex-wife. He even hired numerous men to help find Vivienne, but months later, they still failed to locate her. Napag-alaman din ni Rogue kay Dr. Gilbert na plano ni Kairos ang lahat. Kairos threatened him kaya napilitan itong gawin ang kagustuhan nito—na sabihin sa kanila na ang bangkay ay si Vivienne, pero ang totoo ay hindi. At ilang buwan na rin ang nakakalipas nang biglang maglaho na parang bula si Kairos. Umalis ito, at hindi na nagpakita pa. Hindi nagkamali si Rogue sa pagdududa niya kay Kairos. Una pa lang, there’s something really off about that man kaya hindi siya naniwala sa mga sinasabi nito—na wala itong alam sa nangyari kay Vivienne. That man is a criminal, and he needs to be imprisoned for harming Vivienne. But the big question is… where is Vivienne now? “Bro, malalim na naman ang iniisip mo,” mayamaya pa'y
HABANG MASAYA ANG mga kaibigan ni Rogue sa loob ng villa, nasa labas siya—nakaupo sa duyan habang hawak ang isang bote ng beer. Nakatingala siya sa kalangitang punong-puno ng mga bituin habang malalim ang iniisip.Hating-gabi na pero maririnig pa rin ang mga malalakas na boses ng mga kaibigan niya sa loob. Naghahalakhakan sila habang si Rogue ay may sariling mundo. Bachelor party pala ng isa sa mga kaibigan ni Rogue, si Ashton na ikakasal na sa isang linggo. Nandito silang magkakaibigan ngayon sa private villa ni Ashton upang ipagdiwang ang huling gabi ni Ashton na kasama sila bago ito pumasok sa buhay may asawa lalo pa't buntis na rin ang fiancee nito.Nagpakawala ng hangin sa bibig si Rogue bago sumimsim sa kaniyang beer at ibinalik ang atensyon sa kalangitan.“Why are you here alone, Rogue?” mayamaya pa'y tanong ng isang tinig.Tiningnan ni Rogue kung sino iyon at umayos siya nang pagkakaupo sa duyan nang makita si Carter. May hawak din itong beer. Naglakad si Carter palapit sa kan
“NERISSA!” ISANG MALAKAS na sigaw ang awtomatikong nagpatayo sa kinahihigaang papag ni Nerissa.Dali-dali siyang lumabas ng kubo at napamulagat siya nang bumungad si Alfonso sa kaniya—ang kaniyang nobyo—na duguan ang braso at basang-basang pa ang buong katawan nito.“Diyos ko! Anong nangyari sa iyo, Alfonso?” nag-aalalang tanong ni Nerissa sa nobyo bago ito inakay papasok sa kanilang munting kubo.Marahang inupo ni Nerissa si Alfonso sa papag at kumuha ng malinis na tela bago iyon inilapat sa sugat nito. Patuloy pa rin ang pagtagas ng dugo sa sugat nito kaya nilapatan na niya iyon ng presyon ng sa gayon ay bahagyang tumigil ang paglabas ng dugo kapagkuwan ay kumuha siya ng tuwalya at ipinatong iyon sa balikat nito.“Nahulog ako sa bangka habang nangingisda tapos tumama itong braso ko sa matulis na bato,” paliwanag ni Alfonso.“Eh, bakit ka naman kasi nahulog? Iyan ka na naman, hindi ka na naman nag-iingat. Noong nakaraang buwan, nakipagbasagan ka ng mukha, tapos ngayon, iyang braso mo