ログインNext:“Tama si Warren, Mr. Castaneda. Dapat mong panagutan si YLena—”Itinaas ni Griffin ang palad para patigilin si Palma sa pagsasalita at mariing hinilot ang sumasakit na sentido. Hindi niya pinansin ang babae at diretsong lumapit kay Mr. Carnegel. “Nagkakamali po kayo ng inaakala. Wala hong nangyari sa amin ng anak ko. I just helped her—”“Walang nangyari?” putol ni Mr. Carnegel sa iba pa niyang sasabihin. “Sabihin mo nga sa akin, Griffin. Nandito kayo sa isang hotel. Isang babae at isang lalaki. Tapos sasabihin mo sa akin na walang nangyari?” Nanatiling seryoso ang mukha ni Griffin. He stood on his ground saying that he and YLena had nothing to do with each other. “Let’s talk outside,” malamig niyang tugon. Pilit niyang pinapakalma ang matanda pero ang mag-ina ay putak nang putak na tila inahing manok. “Will you two just shut up kung ayaw niyong pauwiin ko kayo?” naiinis na baling dito ni Mr. Carnegel. Nagpatiuna itong lumabas at agad namang sumunod si Griffin. Pumunta sila sa
Next:Dahil hindi pinakinggan ni YLena si Griffin ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga tungkol kay Armando. Wala siyang ideya sa pangamba na maaring ibigay nito basta ang mahalaga sa kanya ang ay makakuha ng ebidensya para tulungan si Ringo at mapanagot ito sa panloloko nito. Nasa isang club ngayon si YLena para magmanman dahil ayon sa kanyang impormasyon na nakalap ay ito raw ang isa sa pinakapaboritong club ni Armando. At ito ang isa sa may-ari ng naturang club kung saan dito rin ginagawa ang mga ilegal nitong transaksyon. Habang nasa trabaho ay ayaw niyang uminom kaya naman black ice tea ang kanyang in-order na umani ng mahinang tawa mula sa kalalakihang nasa tabi niya sa bar counter. Hindi niya pinansin ang mga ito kahit kanina pa ang mga ito nagbibigay ng inumin sa kanya para pansinin niya. “C’mon, Miss. Let me treat you to a drink. This is a club, after all. You came here to get drunk. Why order tea?” Nakataas ang isang kilay na nilingon ito ni YLena. “Why don’t you shut
Next:Ilang segundo ang lumipas bago makabawi mula sa pagkakatulala si YLena. Mabilis niyang itinaas ang dalawang kamay sa harapan saka mariing umiling at nagsalita upang basagin ang katahimikan sa loob ng opisina.“Ah! Pasensya na! Hindi ko gustong makinig. Nagkataon lang na nakabukas ang pinto…” Humina ang kanyang boses sa huling salitang kanyang binanggit nang magtagpo ang mata nila ni Griffin. Mabilis siyang tumalikod upang lumisan ngunit ang istriktang boses ni Sheena ang nagpatigil sa kilos niya. “Stop! At saan ka pupunta, huh, Miss YLena?” Huminto sa paglalakad si YLena at alanganin ang ngiti na hinarap si Sheena na ngayon ay matalim ang matang nakatingin sa kanya. Napakamot siya sa batok at sinagot ito. “Ah! Alam kong nakakaistorbo ako sa inyo kaya—”“Gusto mo ba talagang paniniwalaan ko ang sinasabi mo, YLena? Alam kong pinalano mo ang lahat ng ito kaya ‘wag ka nang magmaang-maangan na wala kang alam. Sino ang niloloko mo, hah?”YLena didn’t expect that Sheena would spout t
Next:“Bakit ka nandito? Hindi ba ang sabi mo ay puno ang schedule mo sa training at mga music festivals mo?” mababa ang tono ng boses na tanong ni Griffin kay Sheena habang patuloy sa pagbabasa ng papeles na kinuha niya sa sekretarya habang papasok sa opisina. Wala pang sampung minuto nang makarating siya sa opisina ay agad na siyang inistorbo ng bisita. It was Sheena. Matapos ang huli nilang pag-uusap, ang buong akala ni Griffin ay titigilan na siya nito, lalo pa at naging abala na ito matapos mai-feature sa V’eauty magazine. Pero hindi niya akalaing babalik ito ulit ngayon para ayain siyang manood ng movie.“I took a day off today dahil gusto kitang makita. You are always so busy these days that you have completely forgotten about me. Pumayag ka nang sumama sa akin na manood ng movie, please? Ngayong araw na ang last screening niyon at gusto kong isama ka para kahit papaano ay mag-relax ka naman at hindi lang puro trabaho.”Nanatili ang tingin ni Griffin sa
Next:Nang maibaba ni Wally ang telepono ay agad na pumasok sa loob ng opisina si YLena na labis na ikinagulat ng kanyang boss. “Miss Carnegel, bakit ka nandito?” Umangat ang isang kilay ni YLena nang makita ang pamumutla ng mukha nito na dahil nahuli niya itong may kausap lalo pa at binaggit ang pangalan niya. “Huwag ka nang magmaang-maangan pa, boss. Si Griffin Castaneda ba ang kausap mo?” Pumasok siya sa loob kahit walang pahintulot saka printeng umupo sa sofa saka nang-uusig ang matang tumingin kay Wally. Halos kasing-edad lang ito ng kanyang ama pero marahil sa stress sa trabaho ay mas marami nang puti sa buhok nito. Napakamot ito sa batok na naglakad patungo sa harapan niya. “Nagkakamali ka ng dinig, Miss YLena. Hindi ko kausap si Mr. Castaneda.”Umangat ang isang kilay ni YLena at nakakalokong ngumisi. “Boss, huwag ka nang magsinungaling. Narinig ko na hindi lang pangalan ni Mr. Castaneda ang binanggit niyo pati na rin pangalan ko. Sabihin niyo, boss. Si Griffin Castaneda
Next:Ang isa pang kondisyon ng kanyang ama para hindi siya matanggal sa trabaho ay kailangan niyang ayusin ang eskandalo niya. That was an easy task for YLena. May hinala siya na may tao sa likod ng eskandalong ito na gusto siyang sirain at kung hindi siya nagkakamali ay kasamahan din niya iyon sa trabaho. Kailangan niya munang makasiguro. Ang tulad nilang reporter ay kailangan ng ebidensya bago maging katotohanan ang hinala. Kinabukasan, bago bumalik sa opisina ay dinaanan niya muna si Ringo sa sangay ng ahensya ng gobyerno na kumukupkop sa taong walang masisilungan kung saan ito pansamantalang naninirahan. Naabutan niya itong masayang nakikipaglaro sa kabataang naroon at umaktong tila ama ng mga ito. He was showered and different from his looks yesterday when he was unkept. Nang makita siya nito ay sandali itong nagpaalam sa mga bata saka lumapit sa kanya. “Miss YLena, hindi mo sinabi na pupunta ka pala rito.”Ngumiti si YLena at nanatiling nakatutok ang mata sa mga batang nagpat







