“No. Magkapatid tayo sa ama at ina, Georgie. Pero may pagkakataon lang talaga na may nakakita sa ating ina na lumabas ng isang hotel kasama ang ibang lalaki.”“Hah! At naniwala ka naman? Mr. Farrington, matatawag mo ang sarili mo na anak ng aking ina kung sa hindi napapatunayang bagay ay naniniwala ka?” Tumayo siya sa kama saka itinuro ang pinto. “Pagod na ako at gusto kong magpahinga. Kung hindi mo mamasamain ay matutulog muna ako dito sa kuwarto,” pagtataboy niya. Kaagad a tumango si Fredrick at hindi pinansin ang galit niya. “Oo naman, Georgie. This room is yours. Anytime ay pwede kang matulog dito.” Pagkatapos niyon ay lumabas si Fredrick at hinayaan na mag-isa sa kuwarto si Georgina. Hindi pa rin mawala-wala ang inis ni Georgina nang umalis si Fredrick. “Huh! Ano’ng ebidensya? Gusto niyo lang gawaan ng kuwento ang aking ina para siraan niyo siya sa pamilyang ito!” Kahit sinabi niya kay Fredrick na pagod siya ay nawala ang kanyang antok dahil sa galit. Kaya naman napagpasyahan
Kinagabihan, iniwan ni Georgina si Santino kay Nolan na inatasan ni Fredrick na magbantay sa labas ng kuwarto dahil ayaw nitong may umistorbo sa pamamahinga niya. Hindi niya alam kung bakit nasa pamamahay pa rin ng Farrington ang lalaki kahit weekends naman. Ganito ba talaga kasipag ang mga kalalakihang negosyante? Kahit ang asawa niya ay abala kahit araw ng sabado. Well, sigurado naman siyang wala itong ibang inaasikaso.Nang makababa siya sa hapagkainan kasama ang kasambahay na sumundo sa kanya ay halos kumpleto na ang buong pamilya. Kahit ang walang kuwenta niyang ama ay naroon din. Lihim siyang napaismid. What a happy family! Kung titingnan ay lumalabas na siya ang sampid sa pamamahay na iyon. Kung hindi lang niya alam na isa rin siyang Farrington ay masasabi niyang isa talaga siyang sampid sa sarili niyang pamamahay. Georgina suddenly felt down. Kahit saang pamilya ay sampid siya. Kahit sa pamilya Lucindo ay hindi niya ramdam na may pamilya siya. Matinding hirap ang pinagdaanan
Isang salita ni Fredrick ay tumigil sa pagsasalita ang lahat, lalo na sina Celeste at Charlotte. Bigla namang tumayo ang dalaga at nagpaalam. “Sandali lang, kuya. Nakalimutan kong uminom ng gamot ko, kaya pala medyo iba ang pakiramdam ko.” Hindi pa man nakasagot si Fredrick ay tumalikod na ito. Sa mansyon ng Farrington, bukod kay Lolo Mio ay mas may kapangyarihan ang salita ni Fredrick keysa sa ama nito na tila laging walang pakialam sa lahat. Ngumisi si Georgina. Alam niya sa banyo ang tungo ni Celeste at hindi iinom ng gamot tulad ng idinahilan nito. Kung tama ang hinala niya na may inilagay ang mga ito sa inumin para mapahamak siya ay maapektuhan din niyon si Celeste dahil mas marami ang ininom nito. “Ahm… excuse me rin po. Kailangan ko lang pumunta sa banyo,” biglang pagpapaalam niya. Gusto niyang sundan si Celeste para kumpirmahin ang hinala niya. “Sure, iha,” kaagad na sang-ayon ni Lola Andrea. Simula pa lang ay malamlam at puno nang pangungulila ang tingin nito.“Mag-ingat
“Tita Charlotte, sana lang ay walang may ibang inilagay sa juice na ininom ni Jerome dahil kapag mayroon man, ay hindi ko mapapalampas ang pagkakamaling ito.” Lahat ng tingin ay nalipat kay Fredrick nang magsalita ito. Kahit si Georgina ay napamangha sa una pero nang maalala kung gaano ito nagpapalakas upang mapatawad niya ay naiintindihan na niya kung bakit. He wants to ne on her good side. “Fredrick, iho. Ano’ng sinasabi mo? Of course, wala akong ibang inilagay. Kita mo naman pati si Georgina at Celeste ay uminom ng juice, hindi ba? Pero wala namang nangyari sa kanila.” Tila takot na takot na sagot ni Charlotte. Naningkit ang mata ni Fredrick sa sagot nito. Sa pagkaalala niya ay pilit na pinapainom ni Charlotte si Georgina kanina ng juice pero hindi nito ininom lahat. Maayos lang kaya ang lagay nito? At bakit walang nangyari kay Celeste? Hinanap ng mata niya ang kapatid pero wala na ito at hindi niya mahagilap. Ang hindi niya alam ay tinawagan nito ang kasambahay para itapon laha
Tatlong oras ang lumipas at lumabas na ang resulta ng tests pero hindi pa rin nagigising si Jerome. Nailipat na ito sa private ward at nalagyan ng IV fluids kaya kahit papaano ay bahagya nang nagkaroon ng kulay ang mukha nito. Dahil gustong hintayin ni Georgina ang resulta ay naghintay siya kahit pa inaantok na siya. Mabuti na lang at bago pa tuluyang bumigat ang talukap ng mata niya ay pumasok na ang doktor sa ward para basahin sa kanila ang resulta. Malaki ang private ward na kinaroroonan ni Jerome kaya kahit madaming tao sa loob ay hindi iyon masikip. May maliit na salas kung saan sila nakaupo habang nasa likuran nila ang kama ni Jerome. “Sandali, doc. Bago mo sabihin sa amin ang resulta ay gusto ko munang mangako ang babaeng ito na lumuhod sa paanan ng aking ina kapag lumabas na negatibo ang resulta,” agad na pigil ni Celeste nang akmang babasahin na ng doktor ang resulta. Ang doktor na tumitingin kay Jerome ang siya ring kaharap nila ngayon. Biglang natahimik ang lahat sa sina
“May problema ba, Georgie?” Nilingon ni Georgina si Rhett. Nakayakap ito mula sa kanyang likuran habang nakapatong ang baba sa kanyang balikat. Nasa koridor sila sa second floor na medyo kalayuan sa labas ng ward ni Jerome at nagmamasid sa bawat ambulansyang dumarating. Kakatapos lang nilang dalawang kumain, si Georgina lang talaga ang kumain dahil nagugutom na naman siya, at naisipan nilang tumambay muna. “Lahat ba ng mga lalaking nangangabit ay talagang makakapal ang mukha pero sila pa ang may ganang umarte na biktima?” “Bakit mo naman nasabi ‘yan? Dahil ba sa ama mo?” Tumango si Georgina. Bago sila lumabas sa ward ni Jerome kanina ay nakita niya ang ama kanina na hindi kinikibo ang asawa nito. Napag-isip-isip niya na baka karma nga ito dahil kahit may-asawa ito ay naghanap pa rin ng iba. Hindi niya ito kayang tingnan nang matagal dahil naiisip niya ang kalagayan nilang mag-ina noong ipinagtabuyan sila ng mga ito dahil lang sa maling akusasyon. “Kayong mga kalalakihan, hindi ba
“Kuya, naniniwala ka sa babaeng ‘yan? Paano ka nakakasiguro na resulta ko ang hawak niya, ‘di ba at binigay ko na sa ‘yo ang resulta ng tests ko?”Kahit subukan ni Celeste na magpaliwanag ay hindi siya pinakinggan ni Fredrick. Ilang beses na siyang na-disappoint sa ginawa nito. Bawat salitang binibitawan ng bibig nito ay pinagdududahan na niya. Kaya pala iba ang ekspresyon ng mukha nito kanina habang iniabot sa kanya ang resulta dahil tinanggal pala nito ang huling page ng resulta nito. ang nakita niya sa papel ay normal ang resulta ng lahat ng tests ni Celeste, ibig sabihin niyon ay normal din ang matris nito at hindi naapektuhan ng saffron. Malinaw pang nakalagay doon na healthy ang matris nito at kayang mag-conceive ng bata. Ibig sabihin ay niloko siya nito pati na rin si Rhett sa loob ng ilang taon para lang makuha ang loob ng huli? How despicable could Celeste be? Dahil lang sa isang lalaki ay naging manloloko at sinungaling ito. “How could you?” mahinahon pang tanong niya at
Next:“Kuya…” Kahit napuno ng luha ang mukha ni Celeste ay hindi ito kinaawaan ni Fredrick. Bagkus ang kanyang mga mata ay lumipat kay Georgina at malamlam itong tinitigan. “I remember now. You were that kid who worked for us in the hacienda.” Biglang pumiyok ang boses niya kaya huminto siya sa pagsasalita. Georgina, his sister, suffered hardships when she was young. Ngayon alam na niya kung gaano kahirap ang naging kabataan nito. And the worst things is, hinayaan niya itong magtrabaho sa sarili nilang lupain! Kung alam niya lang. Kung alam niya lang na si Georgina ang kapatid niyang hinahanap noon pa man ay hindi sana niya ito hinayaang magdusa. She was right in his grasp, but he didn't get hold of her. “Ako nga,” mapait na sagot ni Georgina. Ngayon ay sumagi sa isip niya na nagpakahirap siyang magtrabaho sa sarili nilang hacienda. Noong bata pa sila nina Vaia at Tony ay naninilbihan sila sa mansion ng mga Malvar sa probinsya na kinalakhan niya. Kinse anyos siya noon kaya naman
“Griffin?” Tawag ni Georgina sa anak nang makapasok sa loob ng banyo pero napahinto siya sa paglalakad nang makita ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair sa loob. Mukhang may hinihintay ito dahil panay ang tingin nito sa cubicle pero bakit hindi siya nito naririnig noong nagsalita siya sa labas?“Opps! Sorry! Tumawag ako sa labas pero walang sumasagot,” paghingi niya ng paumanhin saka agad itong tinalikuran nang hindi man lang tinitingnan ang mukha nito. Mabuti na lang sa unang cubicle na pinuntahan niya ay nasilip niya ang sapatos ni Griffin sa ilalim kaya agad niya iyong kinatok. “Griffin, lumabas ka na riyan!”Hindi naman nagmatigas si Griffin dahil agad nitong binuksan ang pinto at sumama sa kanya. Ito pa ang humila para mapabilis ang paglabas nila ng pinto. “Miss, sandali!” Saka lang nagkaroon ng reaksyon si Felix nang makita ang bagong pasok na babae na kinuha ang anak niya. Dahil nakaupo siya sa wheelchair ay nahirapan siyang habulin ito. “Daddy! Who are you talking to?”
“Mommy, Griffin wants to fly a kite. Bilhan mo ako please…”Nagising si Felix nang marinig ang mahihinang bulong ni Ollie habang katabi niya itong matulog. Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng bata pero nang inulit nito ang salita ay saka lang niya naintindihan. Pero si Griffin? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Itinukod niya ang ulo sa palad at pinagmasdan ang anak. Silang dalawa lang ang nasa kuwarto dahil nasa kabilang kuwarto natutulog si Olivia. “Mommy… I want you and Galya. And kuya Santino too…”Nangunot ang noo ni Felix at lalo pa iyong hindi maipinta nang marinig ang pangalang binanggit ni Ollie. Santino? Bakit pamilyar sa kanya ang pangalang iyon? Sa labis na pag-iisip ay sumakit ang ulo niya at ilang imahe ng bata na halos tatlong taong gulang ang sumagi sa kanyang isip. The images were so vivid that he could imagine the child’s face and feel his lovely smile. Hindi na siya nagtaka kung may kinalaman iyon sa nakaraan niya. He really wanted to k
***“Ollie! Why did you take so long to pick up your kite?”Isang estrangherong babae ang lumapit sa harapan ni Griffin at huminto sa harapan niya. Batay sa mukha nito ay mukhang galit ito. Agad na nabalot ng takot ang bata at akmang tatakbo pasunod sa kanyang mommy Georgina pero mabilis siyang pinigilan ng babae sa braso.“Saan ka pa pupunta, Ollie? Naghihintay na sa atin ang daddy mo,” muling saad ng estrangherong bababe na lalong nagpataka kay Griffin. Sinong daddy ang tinutukoy nito. He doesn’t have a daddy…“Bitiwan mo ako! Kailangan kong puntahan si mommy!” Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng babae pero malakas ito at hindi siya nabitawan. “Mommy is here! Saan ka pa ba pupuna? Huwag ka nang makulit at naghihintay na sa atin ang daddy mo.”Ngunit mariing umiling si Griffin. “No, you are not my mommy. No!” Patuloy siya sa pagpupumiglas at kahit nagsisigaw ay walang tumulong sa kanya hanggang kargahin siya ng estrangherong babae hanggang sa may dumating na lalaki na nakaupo sa wh
“Fuck! Damn it!” Olivia mumbled angrily as her fist became tighter and tighter. Bigo na naman siya na amuin si Rhett. Kahit wala na itong alaala sa nakaraan ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni isang beses ay hindi pa siya nito hinalikan at ang mas malala ay wala pang nangyayari sa kanila. Ang buong akala niya ay matitikman na niya ang lalaking mahal na mahal niya kapag gumaling na ito pero matigas pa ito sa bato. Ang gusto niya ay magkaroon sila ng sariling anak ni Rhett para tuluyan na itong mapasakanya at ang anak nito kay Georgina ay itatapon niya. Kaso, inabot na ng limang taon ang pagsasama nila ay wala pa ring nangyayari!Isang oras ang lumipas bago lumabas ng banyo si Rhett. Nakadamit na ito dahil nag-insist siya na iwan iyon sa loob para hindi na ito mahirapan. Agad itong nilapitan ni Olivia at pinangaralan. “Felix, mag-asawa na tayo. Kung ano man ang imperfection mo sa katawan ay kaya ko iyang tanggapin. But why didn’t
Next:“Felix, we’re here!” Malakas na tawag ni Olivia sa asawang si Felix pagkapasok nila sa presidential suite ng hotel na tinutuluyan nila habang nasa Pilipinas. Nang hindi sumagot ang asawa ay binalewala niya iyon at inisip na baka natutulog sa kuwarto. Magkahiwalay ang kuwarto saka ang living room kaya nang makita na wala roon si Felix ay hinayaan niyang mag-isang maglaro si Ollie saka dumiretso sa loob ng kuwarto. Tama nga ang hinala niyang naroon ang asawa pero mali siya dahil hindi ito natutulog. Nakatanaw lang ito sa labas ng bintana at tila tulala habang may malalim na iniisip. “Felix, what are you doing?”Hindi lumingon ang lalaki at nanatili sa pagkakatingin sa labas ng bintanang salamin. Madilim na kahit kakatapos pa lang ng takip-silim at ang nagkikislapang ilaw galing sa karatig na gusali at mula sa trapiko sa kalsada ay nagre-reflect sa kanyang mata. Pero ang tanging nararamdaman niya ay kahungkagan ng damdamin. Tila may kulang. At habang nakatitig sa labas ng bintana
Tuluyang napahinto sa paglalakad si Georgina at napatingin na lamang kay olivia habang pilit nitong pinapatahan ang batang karga na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Hindi siya nito napansin. Ang ipinagtataka niya ay bakit kahit iyak na iyak ang bata ay nakasuot pa rin ito ng mask. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nakita ng babae at nagtagpo ang mga mata nila. Nagulat pa ang babae nang makita siya nito pero agad iyong nawala at napalitan ng ngiti bagama’t pansin ni Georgina ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ng bata na ngayon ay nakatayo na sa tabi nito. Bumaba ang tingin niya sa batang lalaki at bumilis ang tahip ng puso. Kasing tangkad ito ni Griffin, ang pangalawang anak niya. “Georgina!” biglang tawag ni Olivia sa pangalan niya kaya iniwas niya ang tingin sa bata at inilipat kay Olivia na may pekeng ngiti sa labi. “Hindi ko akalaing sa pagbabalik namin sa Pilipinas ay ikaw agad ang una kong makikita. Mukhang tinadhana talaga tayo, do you agre
“Hindi ko sinasabing ang isang babaeng kagaya mo ay naiintindihan kung ano ang nangyayari sa kumpanya. Ano ba ang alam ng isang probinsyanang katulad mo?” Ang unang kumontra kay Georgina ay isang matandang lalaki na puro puti na ang buhok. Mukhang ito ang lider ng oposisyon sa pamamalakad ni Rhett. “Kung nawawala pa ang asawa asawa mo, na hindi naman namin alam kung kailan babalik, dapat lang na kailangan mong mamili ng bagong presidente sa isa sa aming shareholders. Wala kang ni singkong duling na porsyento sa kumpanyang ito kaya ano ang karapatan mong umupo diyan sa upuan ng presidente?” The old man snorted and huffed after talking for so long. Mahinang napatawa si Georgina at nanatili sa relax na pagkakasandal sa upuan. “Walang karapatan, huh? Kung wala kang objection na si Rhett ang presidente ng kumpanyang ito well, I’ll tell you what. Asawa ako ng presidente at may-ari ng kumpanyang ito. Habang wala ang asawa ko ay ako ang mamalakad sa kumpanya niya.”Isa na namang shareholder
Five years later:Bago pumunta sa shareholders meeting ay nakipagkita muna si Georgina kay Rick. Nasa mansyon ng mga ito ang kaibigan kasama ang asawa nitong si Dr. Lacsamana na noong nakaraang buwan lang nila nailigtas mula sa kamay ng RDS. Kakabalik lang ng dalawa sa Maynila galing sa isla Thalassina dahil doon nagpapagaling ang kaibigan. May tama ito sa tiyan at mabuti naman malayo daw sa bituka nito kaya mabilis itong gumaling. Nitong nakaraang tatlong taon ay sumasama si Georgina sa mga misyon ng CSS basta bandang Africa ang trabaho nila at nagbabakasakaling masulyapan si Rhett. Tatlong taon na ang nakararaan mula nang umalis ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Ang huling impormasyon na nakuha nila ay nakapasok ito sa teritoryo ni Mr. Tai at kitang-kita rin nila kung paano ito hinagupit ni Mr. Tai ng latigo. May suot na maliit na camera si Rhett sa butones ng polo nito at iyon ang ginamit ni Rick upang ma-hack nila ang network sa mansyon ni Mr. Tai ngunit mat
Dalawang araw ang lumipas matapos ang nangyaring pagkawala ni Gaele at hanggang ngayon ay malumbay pa rin si Georgina. Nakalabas na sila ng ospital at nagpapagaling sa bahay. Kahit labis siyang nasaktan sa pagkawala ng anak ay kailangan pa rin niyang magpakatatag para kay Galya at Griffin. Kahit mag-iisang buwan pa lang ang dalawa ay tila ramdam na ng mga ito ang pagkawala ng kapatid lalo na sa gabi na silang dalawa lang ang magkatabing matulog. Malakas ang paniniwala ni Georgina kay Rhett na maibabalik nito ang panganay nila. Kung aabutin man iyon nang matagal ay maghihintay siya. “Rhett…” mahinang tawag ni Georgina sa asawa habang nakahiga sa kama at nagpapaantok. Kakapatulog lang niya sa dalawang sanggol na nasa loob lang din ng kuwarto at nakalagay sa malaking crib. Dahil wala na siyang tiwala na mapahiwalay siya sa mga anak niya ay sa kuwarto nila ni Rhett pinalagay ang crib para bantay-sarado niya ang dalawa. “Hmm?” sagot ni Rhett. Mula nang malaman nito ang tungkol sa pagkaw