“Kung wala rin lang ako makukuha sa ‘yo ay mabuti pang tapusin na natin ang lahat ng ito!” malakas na sigaw ni Georgina at mabilis na tumayo habang mahigpit na hawak ang dagger. Humarap siya sa kinaroroonan ni Neil pero napatda siya nang bumungad sa kanya at ilang kalalakihan na nakatutok sa kanya ang baril. She was stunned and remained rooted to the ground. Tama nga ang sinabi ni Rhett na hindi niya dapat maliitin ang pag-iisip ni Neil.Kasunod nang pagkapatda niya ay ang malakas na tawa ni Neil na para bang sinaniban ito ng demonyo. “Gulat ka, Georgina? Hindi ka makapaniwala na marami pa ang naghihintay sa ‘yo?” Kinalma ni Georgina ang sarili at pasimpleng inikot ang mata upang pagmasdan ang paligid at naghanap nang maaring mapagtaguan. Hindi niya kayang labanan ang mahigit sampung kalalakihan na ito na tanging punyal lang ang hawak. Mabilis na gumana ang utak niya at hindi sinagot ang nakakalokong boses ni Neil.“Huwag ka nang mag-isip pa, G. Wala ka nang takas. ANg suhestiyon ko
Nilakumos ni Georgina ang papel saka mapait na napatawa. “Ni hindi ka man lang makapaghintay na makalabas ako ng banyo?” Habang nasa biyahe pauwi ay halos isang box ng buko pie ang naubos niya kaya hindi siya nagugutom. Matapos tuyuin ang buhok ay nagpasya na siyang matulog. Dahil pagod nang nagdaang gabi ay lampas tanghalian na bago magising si Georgina. Nawala nga ang pagod niya pero napalitan naman iyon ng matinding gutom na tila sinisikmura siya kaya naman mabilis siyang bumangon at dumiretso sa banyo para magduwal. Pagkatapos noon ay nanghihina siyang napaupo sa gilid ng bathtub. Bigla niyang naalala at nanabik sa asawa dahil sa tuwing nagkakaroon siya ng morning sickness ay lagi itong nasa tabi niya at hinahagod ang likuran niya. She felt emotional right now, but the loud rumbling of her stomach distracted her. Kaya wala siyang nagawa kundi ang maghilamos at mag-tootbrush bago bumaba upang kumain ng almusal…este tanghalian.Nang makababa siya sa salas ay naabutan niya ang mag
Alam ni Georgina na darating ang panahon na malalaman ni Rhett na kasapi siya ng isang ahensya na tumatanggap ng misyon upang pumatay, pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa nito maaring malaman ang isa niyang katauhan na labis niyang tinatago.“Ako ang may kasalanan kung bakit umalis ako nang hindi nagpapaalam. I’m sorry, Rhett. Gusto ko lang na tulungan ka dahil ako ang dahilan kung bakit nagkaproblema ang kumpanya mo.” Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ni Rhett sa kabilang linya at nakaramdam ng matinding pagka-guilty si Georgina. “Kaya sumugod ka sa laban, gano’n? Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo? Georgina, naman! Papatayin mo ba talaga ako sa pag-aalala?” Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa narinig na galit sa boses ng asawa at lalo siyang nakaramdam ng pangongonsenya. “Rhett… I am safe,” mahina ang boses na pahayag niya. Bahagya siyang naguluhan kung paano nito nalaman na ganoon kadelikado ang ginawa niya. May pinadala ba itong tauhan para sun
“Damn it! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng Rhett na ‘yon!” Talak ni Vaia kay Tony dahil hindi pa rin mawala sa isip niya ang ginawa ni Rhett. Nasa opisina na sila at kahit ano ang gawin niya ay naiinis pa rin siya. “Sinabi ko na sa ‘yo na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. Bakit ba siya pa ang minahal ni Boss?” “Hindi ko alam. Kung gusto mo ay tanungin mo siya para ikaw ang mapagbuntunan niya.” Umupo siya sa upuan at nanghihinang sumandal. Nang maalala si Georgina ay marahas na bumuga ng hangin si Vaia. Sigurado siyang hindi lang basta-basta ang babaeng sumundo kay Rhett sa airport dahil may larawan kung saan magkayakap ang dalawa. Hindi rin basta-basta ang hitsura ng babae. Matangkad ito at katulad ng kanyang boss ay may magandang hubog ng katawan. Blonde ang buhok nito at kapag ngumingiti ay lalong lumulutang ang ganda. “Walanghiyang lalaki. Iniwan ang buntis na asawa sa bansa para makipagkita sa ibang babae?!” mahigpit na napahawak si Vaia s
Nanindig ang balahibo ni Jerome sa sinabi ni Vaia.Magkabilaan niya iying hinaplos nang marahas at pinandilatan ng mata ang dalaga. “Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo? Hindi ako pumunta rito para d’yan. Pumunta ako dahil may gusto akong itanong sa ‘yo!” Humalukipkip si Jerome at padabog na tumayo upang iwasan ang babae na ngayon ay halos idikit ang mukha sa kanya. Oo nga at nagpakita siya ng interes dito dahil nagustuhan niya ang pagiging maangas nito katulad ni Georgina. Nagustuhan niya rin ito dahil sa gandang angkin nito. Sa pagkakaalam ng binatilyo ay twenty-one years old pa lang ito pero magaling nang maghawak ng negosyo at nagdagdag points iyon para sa kanya. The amount of respect he has for this woman cannot be measured. Kaya naman kahit alam niyang halos dalawang taon ang pagitan ng edad nila at mas matanda ito sa kanya, ay hindi siya nahihiya na gustuhin ito. “C’mon then. Ano’ng itatanong mo?” Vaia sat on the single sofa seat which he just abandoned. Samantalang si Jerome
Noong una ay hindi alam ni Georgina kung ano ang mararamdaman nang marinig ang boses ng babae muka sa cellphone ni Rhett. Pero pagkaraan ay kumamig ang awra ng mukha niya habang naniningkit ang matang nakatingin sa cellphone ni Rizza na nakalatag sa palad nito. Kahit si Rizza ay nagulat at hindi makatingin nang diretso kay Georgina. “Who are you? Where’s my brother and why are you answering his phone?” pagkaraan ay tanong ni Rizza. Dahil hindi niya alam kung foreigner o hindi ang kasama ng kanyang kuya kaya nagsalita siya ng english. “Ikaw ba ‘to, Rizza?” Nagulat si Rizza nang biglang magsalita ng tagalog ang kausap at nagkatinginan sila ni Georgina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang talim sa mata. “Ako nga. Sino ka? Nasaan ang kapatid ko?” Rizza asked again. “Oh, natutulog pa ang kuya mo. May kailangan ka ba? Sasabihin ko sa kanya mamaya na tawagan ka. Mahimbing pa ang tulog, eh. Matahil ay… pagod.” Sinadya ng babae na lambingan ang huling salita nito. Nang tingna
“Mukhang hindi ka masaya na makita ako, Georgie? Dismayado ka ba dahil hindi isang gusgusing Charlotte ang nakita mo?” Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa loob ng villa ay sinalubong na sila ni Charlotte ng mapangutyang salita. Tumayo si Charlotte at humarang sa daraanan nila pero hindi nagpatinag si Georgina. Binangga niya ang balikat nito at dire-diretsong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina dahil nakaramdam siya ng gutom. Walang pinagbago ang disenyo ng villa pero hindi name-maintain ang ganda niyon dahil sa renovation. Wala na rin ang ibang katulong na nakasama niya noon pero ang mag-asawang tagapangalaga ng villa ay naroroon pa rin. Malaki na rin ang itinanda ng dalawa at hindi na ng mga ito nakilala si Georgina. Pero nginitian niya ang dalawa at nagmano sa mga ito na labis na ipinagtaka ng dalawa dahil ang pagkakakilala nila, karamihan sa taga Maynila ay hindi nagmamano katulad na lang ng anak ng boss nila na si Celeste. Kahit nga si Charlotte ay hindi gusto ng mga it
Next:“Just stop beating around the bush and tell me directly, Rick. Ano ang koneksyon ng asawa ko sa Red Dragon?” nanghihinang tanong ni Georgina. Nakaupo siya sa rocking chair at pinagmamasdan ang papalubog na araw sa likod ng isang isla. Kung hindi siya nagkakamali, ang islang iyon ay pagmamay-ari ng mga Farrington at doon naka-settle ang kanilang azucarera. Habang nililibot ni Georgina ang mata ay nahagip ng kanyang tingin ang kabilang hacienda. Ang hacienda ng mga Castaneda. sa boundary ng dalawang hacienda na ito ang lugar kung saan niya unang nakita si Rhett at doon niya inalagaan ang asawa noong nagkasakit ito. Doon din malapit sa lugar na iyon ang maliit nilang kubo na pinagpahingaan kasama nina Vaia at Tony. She wanted to go to that place. She wanted to reminisce about all the memories from her past. Gusto niyang alalahanin muli ang hirap na naranasan niya noong bata pa siya para hindi siya makalimot na paghigantian ang mga taong naging dahilan ng kamiserablihan ng buhay n
Next:“Rhett!?” Gulat na sambit ni Georgina nang akita ang mukha ng lalaking nakaupo sa wheelchair. Ang kalmadong mukha niya ay biglang nabasag at natulala siya sa kinatatayuan at hindi makakilos. Nakaawang lang ang kanyang labi at kahit may gustong sabihin ay walang salitang lumabas sa kanyang bibig. It was then that Fredrick pulled her inside with movement as fast as lightning, hiding her from Rhett’s sight. Pagkapasok sa loob ay mabilis na isinara ni Fredrick ang pinto na kahit si Jerome ay nagulat sa ginawa nito. “Let me go, Mr. Farrington! I saw him! It was Rhett!” Hysterikal na sigaw ni Georgina at nagpumiglas para makawala sa pagkakahawak ni Fredrick pero mahigpit siya nitong hawak. Habang si Jerome ay nakabantay sa pinto baka sakaling makalabas siya. “No. Calm down, Georgie. Calm down!” Fredrick tightened his hold against her as he led Georgina to sit on the sofa. “Calm down? Paano ako kakalma, kuya?” Hindi na pansin ni Georgina kung ano ang salitang lumabas sa bibig niya
“You are so wet, Vaia ,” ulit pa ni Jerome sabay pasok ng isa pang daliri at dinamdam ang mainit at mamasa-masa niyang looban.Vaia wanted to retort. Gusto niya itong itulak dahil hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi nito na wala itong girlfriend pero darang na darang na siya sa mga labi nito na walang tigil sa kakahalik sa kanya. Lalo pa at siasabayan nito ng ulos ng daliri ang bawat hagod nito ng labi. Vaia was wearing a fitted above-the-knee maroon dress and Jerome had easy access to her insides. Naibaba na rin nito ang strap ng suot niyang damit at dahil nipple pads lang ang suot niya ay nakalantad na rin sa harapan nito ang malusog niyang dibdib. “Vaia, wala akong ibang babae sa ibang bansa at lalong wala akong ibang babae dito. I lied and said mean things to you. I know I am an idiot for saying that, but I really miss you.” Walang masabi si Vaia kundi hawakan ng dalawang palad ang ulo ni Jerome at siya na mismo ang humalik dito. Ang klase ng halik na puno ng pananabik. Je
“Incredible. The little puppy has grown up into a big, bad wolf.”Nang marinig ang sinabi ni Tony ay napaismid si Vaia at iniwas ang tingin kay Jerome. “Tsk!” kaagad na kontra niya. Ipinatong niya ang cognac glass sa mataas na round table saka muling nagsalita. “It’s not cute at all. Kinuha niya ang clutch saka nagpaalam rito. “I’m going to the bathroom.”May banyo sa loob ng banquet room sa pinakalikod kung saan malayo sa mesa at ilang metro pa ang lalakbayin ni Vaia para makarating. Sa dami ng taong nakakilala sa kanya bilang presidente ng Geo’s Group ay ilang tao rin ang humarang sa kanya para makipag-usap kaya lalo siyang nahilo. Pinagbigyan lang niya sandali ang mga ito saka lang nakahinga nang maluwag nang makapasok nang tuluyan sa banyo. Naghuhugas na siya ng kamay nang biglang may pumasok sa loob pero hindi niya ito pinansin. But when she heard the click that the door was being locked, she finally raised her head and looked at the person in the reflection of the mirror. It wa
“Hindi ganun si mommy. Kahit mag-isa lang siya sa pagpapalaki sa amin ay mabait siyang tao.”Lihim na napangiti si Felix. Napakabibo ng batang kaharap niya. “Mukhang mabait nga ang mommy mo ayon sa pagkaka-describe mo. She also looks like a strong woman. What is your mommy’s work?” Sa pangalawang beses na nakita ni Felix ang babae ay lalo siyang humahanga rito lalo na sa personalidad nito na kahit isang batang limang taong gulang lang ang mag-de-describe ay magugustuhan mo na. “My mom? She is the CEO of my dad's company. She helps my dad run it while he is not there.”Napamata si Felix sa bata. Sino ang mag-aakala na ang babaeng iyon, sa bata nitong edad ay isa nang CEO ng kumpanya? Pero… “Hindi ba ang sabi mo ay wala kang daddy?”Napanguso ang bata sa sinabi niya. “Uncle, the way you said that you are saying that my dad is gone? No. He has been missing since the day I was born. But I don’t resent him though. Ang sabi ni mommy ay may dahilan kung bakit siya wala.”Napailing si Felix
“Griffin?” Tawag ni Georgina sa anak nang makapasok sa loob ng banyo pero napahinto siya sa paglalakad nang makita ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair sa loob. Mukhang may hinihintay ito dahil panay ang tingin nito sa cubicle pero bakit hindi siya nito naririnig noong nagsalita siya sa labas?“Opps! Sorry! Tumawag ako sa labas pero walang sumasagot,” paghingi niya ng paumanhin saka agad itong tinalikuran nang hindi man lang tinitingnan ang mukha nito. Mabuti na lang sa unang cubicle na pinuntahan niya ay nasilip niya ang sapatos ni Griffin sa ilalim kaya agad niya iyong kinatok. “Griffin, lumabas ka na riyan!”Hindi naman nagmatigas si Griffin dahil agad nitong binuksan ang pinto at sumama sa kanya. Ito pa ang humila para mapabilis ang paglabas nila ng pinto. “Miss, sandali!” Saka lang nagkaroon ng reaksyon si Felix nang makita ang bagong pasok na babae na kinuha ang anak niya. Dahil nakaupo siya sa wheelchair ay nahirapan siyang habulin ito. “Daddy! Who are you talking to?”
“Mommy, Griffin wants to fly a kite. Bilhan mo ako please…”Nagising si Felix nang marinig ang mahihinang bulong ni Ollie habang katabi niya itong matulog. Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng bata pero nang inulit nito ang salita ay saka lang niya naintindihan. Pero si Griffin? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Itinukod niya ang ulo sa palad at pinagmasdan ang anak. Silang dalawa lang ang nasa kuwarto dahil nasa kabilang kuwarto natutulog si Olivia. “Mommy… I want you and Galya. And kuya Santino too…”Nangunot ang noo ni Felix at lalo pa iyong hindi maipinta nang marinig ang pangalang binanggit ni Ollie. Santino? Bakit pamilyar sa kanya ang pangalang iyon? Sa labis na pag-iisip ay sumakit ang ulo niya at ilang imahe ng bata na halos tatlong taong gulang ang sumagi sa kanyang isip. The images were so vivid that he could imagine the child’s face and feel his lovely smile. Hindi na siya nagtaka kung may kinalaman iyon sa nakaraan niya. He really wanted to k
***“Ollie! Why did you take so long to pick up your kite?”Isang estrangherong babae ang lumapit sa harapan ni Griffin at huminto sa harapan niya. Batay sa mukha nito ay mukhang galit ito. Agad na nabalot ng takot ang bata at akmang tatakbo pasunod sa kanyang mommy Georgina pero mabilis siyang pinigilan ng babae sa braso.“Saan ka pa pupunta, Ollie? Naghihintay na sa atin ang daddy mo,” muling saad ng estrangherong bababe na lalong nagpataka kay Griffin. Sinong daddy ang tinutukoy nito. He doesn’t have a daddy…“Bitiwan mo ako! Kailangan kong puntahan si mommy!” Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng babae pero malakas ito at hindi siya nabitawan. “Mommy is here! Saan ka pa ba pupuna? Huwag ka nang makulit at naghihintay na sa atin ang daddy mo.”Ngunit mariing umiling si Griffin. “No, you are not my mommy. No!” Patuloy siya sa pagpupumiglas at kahit nagsisigaw ay walang tumulong sa kanya hanggang kargahin siya ng estrangherong babae hanggang sa may dumating na lalaki na nakaupo sa wh
“Fuck! Damn it!” Olivia mumbled angrily as her fist became tighter and tighter. Bigo na naman siya na amuin si Rhett. Kahit wala na itong alaala sa nakaraan ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni isang beses ay hindi pa siya nito hinalikan at ang mas malala ay wala pang nangyayari sa kanila. Ang buong akala niya ay matitikman na niya ang lalaking mahal na mahal niya kapag gumaling na ito pero matigas pa ito sa bato. Ang gusto niya ay magkaroon sila ng sariling anak ni Rhett para tuluyan na itong mapasakanya at ang anak nito kay Georgina ay itatapon niya. Kaso, inabot na ng limang taon ang pagsasama nila ay wala pa ring nangyayari!Isang oras ang lumipas bago lumabas ng banyo si Rhett. Nakadamit na ito dahil nag-insist siya na iwan iyon sa loob para hindi na ito mahirapan. Agad itong nilapitan ni Olivia at pinangaralan. “Felix, mag-asawa na tayo. Kung ano man ang imperfection mo sa katawan ay kaya ko iyang tanggapin. But why didn’t
Next:“Felix, we’re here!” Malakas na tawag ni Olivia sa asawang si Felix pagkapasok nila sa presidential suite ng hotel na tinutuluyan nila habang nasa Pilipinas. Nang hindi sumagot ang asawa ay binalewala niya iyon at inisip na baka natutulog sa kuwarto. Magkahiwalay ang kuwarto saka ang living room kaya nang makita na wala roon si Felix ay hinayaan niyang mag-isang maglaro si Ollie saka dumiretso sa loob ng kuwarto. Tama nga ang hinala niyang naroon ang asawa pero mali siya dahil hindi ito natutulog. Nakatanaw lang ito sa labas ng bintana at tila tulala habang may malalim na iniisip. “Felix, what are you doing?”Hindi lumingon ang lalaki at nanatili sa pagkakatingin sa labas ng bintanang salamin. Madilim na kahit kakatapos pa lang ng takip-silim at ang nagkikislapang ilaw galing sa karatig na gusali at mula sa trapiko sa kalsada ay nagre-reflect sa kanyang mata. Pero ang tanging nararamdaman niya ay kahungkagan ng damdamin. Tila may kulang. At habang nakatitig sa labas ng bintana