“Oh, so it's you, Neil Vargas,” kaswal na sabi ni Georgina nang makita kung sino ang lalaking naghihintay sa kanya. Nakarating siya sa Batangas bago mag-alas dose matapos takasan ang guwardiya sa mansyon ni Rhett. Walang ibang nakakaalam na umalis siya ng bahay kahit si Rhett. It was fortunate that her husband was not at home when she left. Hindi niya lang alam kung ano ang iisipin nito kung malaman na wala siya sa bahay pag-uwi nito. Ipinagkibit niya lang iyon ng balikat. Kung may mga bagay si Rhett na ayaw sabihin sa kanya, siguro ay patas lang na mayroon rin siyang itinitago lalo na sa ganitong propesyon niya. “Ako nga.” Malapad na ngumisi ang lalaki. “It's been a long time since we last saw each other, G. Mukhang tahimik at masaya na ang buhay mo ngayon, huh. Tinalikuran mo na ang mga kasamahan mong nagsasakripisyo pa rin para sa bulok niyong ahensya?”Hindi nag-iisa ang lalaki. Pagdating na pagdating pa lang niya sa abandonadong pier ay agad na siyang pinalibutan ng mga kasamah
“Kung wala rin lang ako makukuha sa ‘yo ay mabuti pang tapusin na natin ang lahat ng ito!” malakas na sigaw ni Georgina at mabilis na tumayo habang mahigpit na hawak ang dagger. Humarap siya sa kinaroroonan ni Neil pero napatda siya nang bumungad sa kanya at ilang kalalakihan na nakatutok sa kanya ang baril. She was stunned and remained rooted to the ground. Tama nga ang sinabi ni Rhett na hindi niya dapat maliitin ang pag-iisip ni Neil.Kasunod nang pagkapatda niya ay ang malakas na tawa ni Neil na para bang sinaniban ito ng demonyo. “Gulat ka, Georgina? Hindi ka makapaniwala na marami pa ang naghihintay sa ‘yo?” Kinalma ni Georgina ang sarili at pasimpleng inikot ang mata upang pagmasdan ang paligid at naghanap nang maaring mapagtaguan. Hindi niya kayang labanan ang mahigit sampung kalalakihan na ito na tanging punyal lang ang hawak. Mabilis na gumana ang utak niya at hindi sinagot ang nakakalokong boses ni Neil.“Huwag ka nang mag-isip pa, G. Wala ka nang takas. ANg suhestiyon ko
Nilakumos ni Georgina ang papel saka mapait na napatawa. “Ni hindi ka man lang makapaghintay na makalabas ako ng banyo?” Habang nasa biyahe pauwi ay halos isang box ng buko pie ang naubos niya kaya hindi siya nagugutom. Matapos tuyuin ang buhok ay nagpasya na siyang matulog. Dahil pagod nang nagdaang gabi ay lampas tanghalian na bago magising si Georgina. Nawala nga ang pagod niya pero napalitan naman iyon ng matinding gutom na tila sinisikmura siya kaya naman mabilis siyang bumangon at dumiretso sa banyo para magduwal. Pagkatapos noon ay nanghihina siyang napaupo sa gilid ng bathtub. Bigla niyang naalala at nanabik sa asawa dahil sa tuwing nagkakaroon siya ng morning sickness ay lagi itong nasa tabi niya at hinahagod ang likuran niya. She felt emotional right now, but the loud rumbling of her stomach distracted her. Kaya wala siyang nagawa kundi ang maghilamos at mag-tootbrush bago bumaba upang kumain ng almusal…este tanghalian.Nang makababa siya sa salas ay naabutan niya ang mag
Alam ni Georgina na darating ang panahon na malalaman ni Rhett na kasapi siya ng isang ahensya na tumatanggap ng misyon upang pumatay, pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa nito maaring malaman ang isa niyang katauhan na labis niyang tinatago.“Ako ang may kasalanan kung bakit umalis ako nang hindi nagpapaalam. I’m sorry, Rhett. Gusto ko lang na tulungan ka dahil ako ang dahilan kung bakit nagkaproblema ang kumpanya mo.” Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ni Rhett sa kabilang linya at nakaramdam ng matinding pagka-guilty si Georgina. “Kaya sumugod ka sa laban, gano’n? Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo? Georgina, naman! Papatayin mo ba talaga ako sa pag-aalala?” Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa narinig na galit sa boses ng asawa at lalo siyang nakaramdam ng pangongonsenya. “Rhett… I am safe,” mahina ang boses na pahayag niya. Bahagya siyang naguluhan kung paano nito nalaman na ganoon kadelikado ang ginawa niya. May pinadala ba itong tauhan para sun
“Damn it! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng Rhett na ‘yon!” Talak ni Vaia kay Tony dahil hindi pa rin mawala sa isip niya ang ginawa ni Rhett. Nasa opisina na sila at kahit ano ang gawin niya ay naiinis pa rin siya. “Sinabi ko na sa ‘yo na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. Bakit ba siya pa ang minahal ni Boss?” “Hindi ko alam. Kung gusto mo ay tanungin mo siya para ikaw ang mapagbuntunan niya.” Umupo siya sa upuan at nanghihinang sumandal. Nang maalala si Georgina ay marahas na bumuga ng hangin si Vaia. Sigurado siyang hindi lang basta-basta ang babaeng sumundo kay Rhett sa airport dahil may larawan kung saan magkayakap ang dalawa. Hindi rin basta-basta ang hitsura ng babae. Matangkad ito at katulad ng kanyang boss ay may magandang hubog ng katawan. Blonde ang buhok nito at kapag ngumingiti ay lalong lumulutang ang ganda. “Walanghiyang lalaki. Iniwan ang buntis na asawa sa bansa para makipagkita sa ibang babae?!” mahigpit na napahawak si Vaia s
Nanindig ang balahibo ni Jerome sa sinabi ni Vaia.Magkabilaan niya iying hinaplos nang marahas at pinandilatan ng mata ang dalaga. “Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo? Hindi ako pumunta rito para d’yan. Pumunta ako dahil may gusto akong itanong sa ‘yo!” Humalukipkip si Jerome at padabog na tumayo upang iwasan ang babae na ngayon ay halos idikit ang mukha sa kanya. Oo nga at nagpakita siya ng interes dito dahil nagustuhan niya ang pagiging maangas nito katulad ni Georgina. Nagustuhan niya rin ito dahil sa gandang angkin nito. Sa pagkakaalam ng binatilyo ay twenty-one years old pa lang ito pero magaling nang maghawak ng negosyo at nagdagdag points iyon para sa kanya. The amount of respect he has for this woman cannot be measured. Kaya naman kahit alam niyang halos dalawang taon ang pagitan ng edad nila at mas matanda ito sa kanya, ay hindi siya nahihiya na gustuhin ito. “C’mon then. Ano’ng itatanong mo?” Vaia sat on the single sofa seat which he just abandoned. Samantalang si Jerome
Noong una ay hindi alam ni Georgina kung ano ang mararamdaman nang marinig ang boses ng babae muka sa cellphone ni Rhett. Pero pagkaraan ay kumamig ang awra ng mukha niya habang naniningkit ang matang nakatingin sa cellphone ni Rizza na nakalatag sa palad nito. Kahit si Rizza ay nagulat at hindi makatingin nang diretso kay Georgina. “Who are you? Where’s my brother and why are you answering his phone?” pagkaraan ay tanong ni Rizza. Dahil hindi niya alam kung foreigner o hindi ang kasama ng kanyang kuya kaya nagsalita siya ng english. “Ikaw ba ‘to, Rizza?” Nagulat si Rizza nang biglang magsalita ng tagalog ang kausap at nagkatinginan sila ni Georgina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang talim sa mata. “Ako nga. Sino ka? Nasaan ang kapatid ko?” Rizza asked again. “Oh, natutulog pa ang kuya mo. May kailangan ka ba? Sasabihin ko sa kanya mamaya na tawagan ka. Mahimbing pa ang tulog, eh. Matahil ay… pagod.” Sinadya ng babae na lambingan ang huling salita nito. Nang tingna
“Mukhang hindi ka masaya na makita ako, Georgie? Dismayado ka ba dahil hindi isang gusgusing Charlotte ang nakita mo?” Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa loob ng villa ay sinalubong na sila ni Charlotte ng mapangutyang salita. Tumayo si Charlotte at humarang sa daraanan nila pero hindi nagpatinag si Georgina. Binangga niya ang balikat nito at dire-diretsong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina dahil nakaramdam siya ng gutom. Walang pinagbago ang disenyo ng villa pero hindi name-maintain ang ganda niyon dahil sa renovation. Wala na rin ang ibang katulong na nakasama niya noon pero ang mag-asawang tagapangalaga ng villa ay naroroon pa rin. Malaki na rin ang itinanda ng dalawa at hindi na ng mga ito nakilala si Georgina. Pero nginitian niya ang dalawa at nagmano sa mga ito na labis na ipinagtaka ng dalawa dahil ang pagkakakilala nila, karamihan sa taga Maynila ay hindi nagmamano katulad na lang ng anak ng boss nila na si Celeste. Kahit nga si Charlotte ay hindi gusto ng mga it
“Griffin?” Tawag ni Georgina sa anak nang makapasok sa loob ng banyo pero napahinto siya sa paglalakad nang makita ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair sa loob. Mukhang may hinihintay ito dahil panay ang tingin nito sa cubicle pero bakit hindi siya nito naririnig noong nagsalita siya sa labas?“Opps! Sorry! Tumawag ako sa labas pero walang sumasagot,” paghingi niya ng paumanhin saka agad itong tinalikuran nang hindi man lang tinitingnan ang mukha nito. Mabuti na lang sa unang cubicle na pinuntahan niya ay nasilip niya ang sapatos ni Griffin sa ilalim kaya agad niya iyong kinatok. “Griffin, lumabas ka na riyan!”Hindi naman nagmatigas si Griffin dahil agad nitong binuksan ang pinto at sumama sa kanya. Ito pa ang humila para mapabilis ang paglabas nila ng pinto. “Miss, sandali!” Saka lang nagkaroon ng reaksyon si Felix nang makita ang bagong pasok na babae na kinuha ang anak niya. Dahil nakaupo siya sa wheelchair ay nahirapan siyang habulin ito. “Daddy! Who are you talking to?”
“Mommy, Griffin wants to fly a kite. Bilhan mo ako please…”Nagising si Felix nang marinig ang mahihinang bulong ni Ollie habang katabi niya itong matulog. Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng bata pero nang inulit nito ang salita ay saka lang niya naintindihan. Pero si Griffin? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Itinukod niya ang ulo sa palad at pinagmasdan ang anak. Silang dalawa lang ang nasa kuwarto dahil nasa kabilang kuwarto natutulog si Olivia. “Mommy… I want you and Galya. And kuya Santino too…”Nangunot ang noo ni Felix at lalo pa iyong hindi maipinta nang marinig ang pangalang binanggit ni Ollie. Santino? Bakit pamilyar sa kanya ang pangalang iyon? Sa labis na pag-iisip ay sumakit ang ulo niya at ilang imahe ng bata na halos tatlong taong gulang ang sumagi sa kanyang isip. The images were so vivid that he could imagine the child’s face and feel his lovely smile. Hindi na siya nagtaka kung may kinalaman iyon sa nakaraan niya. He really wanted to k
***“Ollie! Why did you take so long to pick up your kite?”Isang estrangherong babae ang lumapit sa harapan ni Griffin at huminto sa harapan niya. Batay sa mukha nito ay mukhang galit ito. Agad na nabalot ng takot ang bata at akmang tatakbo pasunod sa kanyang mommy Georgina pero mabilis siyang pinigilan ng babae sa braso.“Saan ka pa pupunta, Ollie? Naghihintay na sa atin ang daddy mo,” muling saad ng estrangherong bababe na lalong nagpataka kay Griffin. Sinong daddy ang tinutukoy nito. He doesn’t have a daddy…“Bitiwan mo ako! Kailangan kong puntahan si mommy!” Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng babae pero malakas ito at hindi siya nabitawan. “Mommy is here! Saan ka pa ba pupuna? Huwag ka nang makulit at naghihintay na sa atin ang daddy mo.”Ngunit mariing umiling si Griffin. “No, you are not my mommy. No!” Patuloy siya sa pagpupumiglas at kahit nagsisigaw ay walang tumulong sa kanya hanggang kargahin siya ng estrangherong babae hanggang sa may dumating na lalaki na nakaupo sa wh
“Fuck! Damn it!” Olivia mumbled angrily as her fist became tighter and tighter. Bigo na naman siya na amuin si Rhett. Kahit wala na itong alaala sa nakaraan ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni isang beses ay hindi pa siya nito hinalikan at ang mas malala ay wala pang nangyayari sa kanila. Ang buong akala niya ay matitikman na niya ang lalaking mahal na mahal niya kapag gumaling na ito pero matigas pa ito sa bato. Ang gusto niya ay magkaroon sila ng sariling anak ni Rhett para tuluyan na itong mapasakanya at ang anak nito kay Georgina ay itatapon niya. Kaso, inabot na ng limang taon ang pagsasama nila ay wala pa ring nangyayari!Isang oras ang lumipas bago lumabas ng banyo si Rhett. Nakadamit na ito dahil nag-insist siya na iwan iyon sa loob para hindi na ito mahirapan. Agad itong nilapitan ni Olivia at pinangaralan. “Felix, mag-asawa na tayo. Kung ano man ang imperfection mo sa katawan ay kaya ko iyang tanggapin. But why didn’t
Next:“Felix, we’re here!” Malakas na tawag ni Olivia sa asawang si Felix pagkapasok nila sa presidential suite ng hotel na tinutuluyan nila habang nasa Pilipinas. Nang hindi sumagot ang asawa ay binalewala niya iyon at inisip na baka natutulog sa kuwarto. Magkahiwalay ang kuwarto saka ang living room kaya nang makita na wala roon si Felix ay hinayaan niyang mag-isang maglaro si Ollie saka dumiretso sa loob ng kuwarto. Tama nga ang hinala niyang naroon ang asawa pero mali siya dahil hindi ito natutulog. Nakatanaw lang ito sa labas ng bintana at tila tulala habang may malalim na iniisip. “Felix, what are you doing?”Hindi lumingon ang lalaki at nanatili sa pagkakatingin sa labas ng bintanang salamin. Madilim na kahit kakatapos pa lang ng takip-silim at ang nagkikislapang ilaw galing sa karatig na gusali at mula sa trapiko sa kalsada ay nagre-reflect sa kanyang mata. Pero ang tanging nararamdaman niya ay kahungkagan ng damdamin. Tila may kulang. At habang nakatitig sa labas ng bintana
Tuluyang napahinto sa paglalakad si Georgina at napatingin na lamang kay olivia habang pilit nitong pinapatahan ang batang karga na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Hindi siya nito napansin. Ang ipinagtataka niya ay bakit kahit iyak na iyak ang bata ay nakasuot pa rin ito ng mask. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nakita ng babae at nagtagpo ang mga mata nila. Nagulat pa ang babae nang makita siya nito pero agad iyong nawala at napalitan ng ngiti bagama’t pansin ni Georgina ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ng bata na ngayon ay nakatayo na sa tabi nito. Bumaba ang tingin niya sa batang lalaki at bumilis ang tahip ng puso. Kasing tangkad ito ni Griffin, ang pangalawang anak niya. “Georgina!” biglang tawag ni Olivia sa pangalan niya kaya iniwas niya ang tingin sa bata at inilipat kay Olivia na may pekeng ngiti sa labi. “Hindi ko akalaing sa pagbabalik namin sa Pilipinas ay ikaw agad ang una kong makikita. Mukhang tinadhana talaga tayo, do you agre
“Hindi ko sinasabing ang isang babaeng kagaya mo ay naiintindihan kung ano ang nangyayari sa kumpanya. Ano ba ang alam ng isang probinsyanang katulad mo?” Ang unang kumontra kay Georgina ay isang matandang lalaki na puro puti na ang buhok. Mukhang ito ang lider ng oposisyon sa pamamalakad ni Rhett. “Kung nawawala pa ang asawa asawa mo, na hindi naman namin alam kung kailan babalik, dapat lang na kailangan mong mamili ng bagong presidente sa isa sa aming shareholders. Wala kang ni singkong duling na porsyento sa kumpanyang ito kaya ano ang karapatan mong umupo diyan sa upuan ng presidente?” The old man snorted and huffed after talking for so long. Mahinang napatawa si Georgina at nanatili sa relax na pagkakasandal sa upuan. “Walang karapatan, huh? Kung wala kang objection na si Rhett ang presidente ng kumpanyang ito well, I’ll tell you what. Asawa ako ng presidente at may-ari ng kumpanyang ito. Habang wala ang asawa ko ay ako ang mamalakad sa kumpanya niya.”Isa na namang shareholder
Five years later:Bago pumunta sa shareholders meeting ay nakipagkita muna si Georgina kay Rick. Nasa mansyon ng mga ito ang kaibigan kasama ang asawa nitong si Dr. Lacsamana na noong nakaraang buwan lang nila nailigtas mula sa kamay ng RDS. Kakabalik lang ng dalawa sa Maynila galing sa isla Thalassina dahil doon nagpapagaling ang kaibigan. May tama ito sa tiyan at mabuti naman malayo daw sa bituka nito kaya mabilis itong gumaling. Nitong nakaraang tatlong taon ay sumasama si Georgina sa mga misyon ng CSS basta bandang Africa ang trabaho nila at nagbabakasakaling masulyapan si Rhett. Tatlong taon na ang nakararaan mula nang umalis ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Ang huling impormasyon na nakuha nila ay nakapasok ito sa teritoryo ni Mr. Tai at kitang-kita rin nila kung paano ito hinagupit ni Mr. Tai ng latigo. May suot na maliit na camera si Rhett sa butones ng polo nito at iyon ang ginamit ni Rick upang ma-hack nila ang network sa mansyon ni Mr. Tai ngunit mat
Dalawang araw ang lumipas matapos ang nangyaring pagkawala ni Gaele at hanggang ngayon ay malumbay pa rin si Georgina. Nakalabas na sila ng ospital at nagpapagaling sa bahay. Kahit labis siyang nasaktan sa pagkawala ng anak ay kailangan pa rin niyang magpakatatag para kay Galya at Griffin. Kahit mag-iisang buwan pa lang ang dalawa ay tila ramdam na ng mga ito ang pagkawala ng kapatid lalo na sa gabi na silang dalawa lang ang magkatabing matulog. Malakas ang paniniwala ni Georgina kay Rhett na maibabalik nito ang panganay nila. Kung aabutin man iyon nang matagal ay maghihintay siya. “Rhett…” mahinang tawag ni Georgina sa asawa habang nakahiga sa kama at nagpapaantok. Kakapatulog lang niya sa dalawang sanggol na nasa loob lang din ng kuwarto at nakalagay sa malaking crib. Dahil wala na siyang tiwala na mapahiwalay siya sa mga anak niya ay sa kuwarto nila ni Rhett pinalagay ang crib para bantay-sarado niya ang dalawa. “Hmm?” sagot ni Rhett. Mula nang malaman nito ang tungkol sa pagkaw