Share

Chapter 31

"Athena," tawag ni Liam sa kapatid nang mapansin niyang hindi ito mapakali habang kumakain.

Susubo si Zaira tapos titingin sa kung saan tapos susubo ulit kaya lahat silang nasa kasama niyang kumakain napapatingin sa kanya.

"Kanina ka pa hindi mapakali, may problema ba?" tanong ni Liam.

Binababa ni Zaira ang kutsara at tinidor niya sabay sulyap sa bintana bago magsalita.

"Kuya, ano kasi..."

Nakamot sa ulo si Zaira dahil hindi niya alam kung paano niya ba ipapaliwanag ang nararamdaman niya.

"...paki--"

"Master!" sigaw ni Vinz.

Lumipad siya papunta kay Liam habang si Zaira naman natulala sa fairy na bigla na lang sumulpot sa harapan nila.

Napansi ni Vinz ang titig niya kaya nilingon niya si Zaira.

"Kuya, fairy ba yang maliit na nasa harapan mo o tutubi?" tanong ni Zaira.

Tumawa ng walang tunog si Asher habang ngumiti naman si Liam.

"Hindi ako tutubi," inis na sabi ni Vinz sabay lapit kay Zaira.

"Fairy ako! Fairy! Saka hindi ako maliit, malaki ka lang," aniya habang nakatingin ng masama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status