Share

Chapter 3

Sabado, ito ang araw na pinakahihintay ni Zaira. Maaga siya gumising para paghandaan ang araw ng pagsasanay nila.

"Athena, tara na sa training room," sigaw ni Asher.

Sumunod sa kanya si Zaira papuntang training room.

Pagpasok nila sa training room, sinalubong sila ng lumilipad na dagger.

Yumuko si Asher saka gumulong sa sahig at dahil hindi agad nakakilos si Zaira, tinisod niya ang paa nito para matumba at makaiwas sa dagger.

"Very good," nakangiting sabi ni Mr. Lundberg nang makita ang mabilis na kilos ni Asher.

"Papa naman! Balak mo po ba kami patayin?" reklamo ni Zaira habang tumatayo.

Tumawa si Mr. Lundberg.

"Sinusubukan ko lang naman kung gaano kayo ka--" aniya habang lumalapit kay Zaira at akmang aakbay siya dito nang hawakan ni Zaira ang kamay niya saka pinatumba siya.

"...alerto."

"Hahaha. Mukhang kailangan niyo pa po magsanay sa pagiging alerto," tumatawang sabi ni Zaira.

Umiling si Mr. Lundberg saka tumayo. Nakatingin lang si Zaira sa kanya dahil baka may binabalak nanaman ito.

"Huli ka!" bulong ng isang lalaki kay Zaira sabay tutok ng dagger sa leeg niya.

"Mukhang kailangan mo pang magsanay kung paano maging alerto," sabi ni Mr. Lundberg.

Napasimangot si Zaira at saka siniko ang taong nasa likod niya. Napaatras ito dahil sa pag-iwas niya kaya nagawang makatakas ni Zaira. Pagharap niya dito, ningitian siya ni Max saka nagpeace sign.

"Kids, be ready. One on one physical combat ang gagawin natin ngayon. Ang maglalaban sina Max at Athena, at kayo naman Paris ni Hades."

Nagkatinginan sina Zaira at Max.

"Ikaw pala makakalaban ko," sabi ni Max.

"Humanda ka na matalo," tugon ni Zaira.

"Max at Athena, kayo unang maglalaban. Maglalaban kayo sa loob ng 30 minutes," sambit ni Mr. Lundberg.

Tumango sila Max saka pumosisyon sa gitna habang gumilid naman sila Mr. Lundberg..

"In count of 3 mag-uumpisa na kayo." sambit ni Mr. Lundberg habang hawak ang stopwatch

"1... 2... 3... Go!" bilang niya sabay pindot ng stopwatch.

Naunang umatake si Zaira kay Max; binigyan niya ito ng right kick. Subalit sinalo ito ni Max gamit ang braso niya sabay sipa. Mabilis na umatras si Zaira upang iwasan ko ito.

Sumuntok si Zaira at si Max naman ang naglalakad paatras habang sunod-sunod ang pag-atake ni Zaira.

Napasandal si Max sa pader at kinuha ni Zaira ang pagkakataon na yun para tamaan siya pero sinalo nito ang kanang kamao niya saka siya hinawakan sa kaliwang balikat saka siya sinandal sa pader.

'Anak ng tipaklong! Bakit ang bilis yata niya?' sa isip ni Zaira.

Lumayo si Max saka ngumisi. Ikinainis ito ni Zaira kaya tumakbo siya palapit kay Max para sugurin.

"Aray!" sigaw ni Zaira nang buhatin siya nito at ibagsak sa sahig.

"Okay ka lang?" tanong ni Max.

Sinamaan siya ng tingin ni Zaira.

Inabot ni Max ang kamay niya para tulungan itong makatayo. Kinuha ito agad ni Zaira at nang makatayo siya, mabilis niyang binalibag ito sa sahig.

"Quits na tayo," sambit ni Zaira at mabilis na lumayo kay Max.

Pagkatayo ni Max, muli silang nag-umpisang maglaban at walang gustong magpatalo sa kanila hanggang sa matapos ang oras.

"Stop! Pwede na kayo magpahinga. Maghanda na kayo Paris, Hades," sabi ni Mr. Lundberg.

Napahiga sa sahig ang dalawa dahil sa pagod, pareho silang pawis na pawis at hinihingal.

"Good job. Maganda ang pinakita niyo," sabi sa kanilang dalawa ni Mr. Lundberg habang nakangiti.

Napangiti si Zaira saka umupo, nawala lahat ng pagod niya dahil sa sinabi sa kanila ni Mr. Lundberg.

"Tumabi na kayo. Mag-uumpisa na sila Paris," sambit ni Mr. Lundberg saka tinulungan si Zaira na makatayo.

Sumunod sa kanila si Max at umupo sa tabi ni Zaira.

"Pumuwesto na kayong dalawa." sabi ni Mr. Lundberg kila Asher.

"Katulad kanina meron kayong 30 minutes," dugtong pa nito.

Tumango sila Asher.

"In 1... 2... 3... Go!"

Nag-umpisa nang maglaban ang dalawang makapatid. Pareho silang magaling sa pakikipaglaban subalit makikitang mas lamang si Liam dahil sa marami na itong karanasan.

"Athena," tawag ni Max sa kaibigan niya.

Napatingin ito sa kanya.

"Bakit?"

"Mawawala ako ng tatlong araw. May pupuntahan kami nila papa."

"Tatlong araw? Tagal naman!Kailan alis niyo?"

"Bukas."

"Ibig sabihin dalawang araw akong mag-isa," malungkot na sabi ni Zaira dahil sa linggo aalis din silang pamilya upang mamasyal.

"Wag ka nga sumimangot diyan. Papangit ka niyan."

"Ikaw kasi! Iiwan mo ko."

Pagdadrama ni Zaira kaya binatukan siya ni Max.

"OA mo! Tatlong araw lang kami doon, dalawang araw mo lang ako hindi makasama sa galaan. Iiwan agad?"

"Joke lang. Pasalubong ko ha? Gusto ko iba't ibang flavor ng Stick-o."

"Oo na! Mukha ka talagang Stick-o"

Kinurot ni Max ang ilong ni Zaira; madalas niya ito gawin tuwing nagigil siya sa kaibigan.

"Tawagan mo ko ha?" sabi ni Zaira.

Natawa ng mahina si Max saka sumagot.

"Opo."

"Good, pwede ka ng umalis ngayon."

"Grabe ka! Pinapalayas mo na ako agad, porket may pasalubong akong stick-o sayo pagbalik."

"Joke lang," sabi ni Zaira sabay tawa.

Ayaw niya talaga ito umalis dahil mamimiss niya ito at wala siyang kukulitin.

"Ikaw talaga!"

nakangiting sabi Max sabay kurot sa pisngi ko.

Napasimangot si Zaira dahil kanina ilong nito ang kinurot, ngayon naman pisngi niya.

Samantala napakunot ang noo ni Asher habang nakikipaglaban siya dahil sa lugi siya dito.

'Bakit siya pa nakalaban ko? Pwede naman si Max na lang,' reklamo niya sa isip niya habang tuloy pa rin sa pag-atake at pag-iwas.

Sinipa siya ni Liam pero yumuko si Asher para iwasan ito saka sumuntok nang makatayo, subalit uatras ito kaya mabilis na sumipa si Asher para maabot niya ito. Pinangharang naman ni Liam ang braso niya para protektahan ang mukha niya at mabilis na lumayo.

Nagkatinginan sila at parehong ngumisi sa isa't-isa bago muling maglaban.

Nagsuntukan at sipaan ang dalawa. Habang tumatagal bumibilis ang pag-atake sa isa't-isa.

"Okay, tama na yan!" sigaw ni Mr. Lundberg kaya tumigil na sila.

Lumapit ang kanilang ama kay Asher saka ito tinapik sa balikat.

"Good job Paris," aniya dahil si Paris lang ang sinasanay sa dalawa, tumutulong lang si Liam sa kanilang ama.

"Breaktime muna!" sambit ni Mr. Lundberg.

Pumunta si Asher kila Zaira at doon umupo.

"Ang galing mo kanina kuya," sabi ni Zaira sa kanya.

"Ako pa! Malakas yata ito," nakangiting sabi ni Asher.

"Pero mas magaling pa rin si Kuya Hades."

Nawala ang ngiti ni Asher na ikinatawa naman ni Zaira.

"Ang epic ng mukha mo kuya," aniya habang tumatawa.

Sinamaan siya ng tingin ni Asher kaya tumigil na ito sa pagtawa saka nagpeace sign.

Tinignan na lang ni Asher sina Mr. Lundberg at Liam na kasalukuyang seryosong nag-uusap. Napaisip siya bigla kung ano ppinag-uusapan ng dalawa dahil sa seryoso ang mukha nila.

Pagkatapos nila magpahinga muli silang nag-umpisa.

"Ituturo ko naman sa inyo ngayon ang iba pang paraan ng pakikipaglaban na walang gamit na weapon," sambit ni Mr. Lundberg.

Tumango-tango sila Zaira.

"Lagi niyong tatandaan na iwasan niyong matamaan sa sikmura, ulo, leeg at batok at sa iba pang parte ng katawan na pwede niyong maging kahinaan kapag natamaan," dugtong niya na muling ikinatango nila dahil madalas itong sabihin sa kanila.

"Kung hindi niyo na maiilagan ang atake, gamitin niyong pangprotekta ang nga braso, kamay at paa niyo. Pwede niyo din sabayan ang atake nila. Tulad ng ganito," paliwanag nito sabay nharap kay Liam.

Sumuntok si Liam subalit umupo ang kaniillang amat saka ito sumipa sa paa ni Liam, mabilis na tumambling patalikod si Liam para maiwasan ito.

Tumayo na si Mr. Lundberg at muling nagsalita.

"May mga atake din na pwede niyong gamitin para mawalan ng malay ang kalaban o gawing paralyze ang katawan nito."

Naging interesado si Zaira bigla dahil pakiramdam niya nakakatuwa iyong gamitin.

"Ituturo mo po ba yun?" tanong niya.

"Oo, ayun ang ituturo ko sa inyo ngayon."

Nag-umpisa na siyang magpaliwanag habang nagpapakita ng halimbawa. Sinabi rin nito ang mga parte ng katawan na dapat nilang tamaan.

Sinubukan itong gawin ni Zaira kay Max.

"Bakit naman ako?" tanong ni Max nang hindi ito makagalaw.

"Gusto ko lang. Teka! Papa, paano naman sila makakagalaw ulit?"

"Kailangan niyo lang ibalik sa dati ung dinislocate niyo."

Lumapit si Mr. Lundberg at may pinisil bandang leeg ni Max. Nang makagalaw na ito, napahawak siya sa leeg dahil sa sakit.

"Ang sakit nun ah!" aniya sabay tingin ng masama kay Zaira.

"Sinubukan ko lang kung gagana, tugon ni Zaira at nawala bigla ang ngiti niya nang may maramdaman siyang palapit sa likod niya.

Mabilis siyang umikot at sumipa subalit nakaiwas agad si Asher.

"Lakas ng pakiramdam ah," natatawang sabi ni Asher.

Bigla naman lumapit si Max kay Zaira kaya napatakbo ito bigla.

"Lagot ka sa akin kapag nahuli kita," sigaw ni Max habang hinahabol siya.

Nakihabol din si Asher habang tahimik naman silang pinapanood ni Mr. Lundberg dahl pagsasanay din iyon sa kanila.

Walang ibang nagawa si Zaira kundi tumakbo at umiwas. May pagkakataon na naabutan siya ni Asher kaya ginawa niya ang lahat para maprotektahan niya ang katawan niya. Umatake rin siya paminsan-minsan para makatakbo siya ulit.

"Tumigil na kayo, ayoko na!" sabi ni Zaira habang tinatakbuhan ang dalawa.

Hinihingal na siya dahil kanina pa siya pinagtutulungan ng dalawa.

"Gaganti pa ako," sagot ni Ken.

"Gusto ko muna subukan sayo yung tinuro ni papa," sabi naman ni Asher.

Tuloy lang sila sa habulan hanggaang sa bumukas ang pinto at pumasok si Mrs. Lundberg habang may dalang pagkain.

"Mama!" sigaw ni Zaira sabay tago sa likod nito.

Tumigil sila Max sa paghabol.

"Akala ko ba nagsasanay kayo? Bakit paarang naghahabulan kayo?" tanong ni Mrs. Lundberg habang nagtatakang tinignan ang tatlo.

"Nagsasanay po kami mama," tugon ni Asher sabay lapit kaya napatras si Zaira dahil sa takot na baka may binabalak ito.

"Magmiryenda muna kayo," sambit ni Mrs. Lundberg.

Napatingin si Zaira sa dala nito at napansin niyang may dala itong isang lalagyan ng stick-o.

"Stick-o!"sigaw nya sabay lapit para kuninito pero naunahan siya ni Asher.

"Gusto mo?" tanong ni Asher.

Tumango agad si Zaira na parang bata.

"O!"

Inabot ito ni Asher at agad na naningning ang mga mata ni Zaira subalit nang kukunin na niya ito, tumakbo bigla si Asher.

"Habulin mo ko!" sigaw nito sabay tawa upang asarin si Zaira.

"Kuya, akin na yan!" inis na sabi ni Zaira habang nakasimangot saka niya ito hinabol.

Dahil tutok ito sa stick-o niya, hindi niysa napansin si Max hanggang sa hilain siya nito at gumant.

Kamuntik nang matumba si Zaira nang hindi ito makagalaw, mabuti na lang sinalo siya agad ni Max.

"Okay na tayo, nakaganti na ako," nakangiting sabi ni Max.

"Bwisit ka!" inis na tugon ni Zaira.

Tumawa si Max saka ginawa ang ginawa sa kanya ni Mr. Lundberg para makagalaw ito.

Napahawak si Zaira sa leeg nang maramdaman niya ang sakit.

"Kawawa ka naman, sayo na ito," sabi ni Asher sabay abot ng stick-o.

Napatingin si Zaira sa kamay ni Asher nang mapansin niyang may hawak itong limang stick-o.

"Kumuha ka?"

tanong niya sabay tingin ng masama .

Pagdating sa stick-o madamot siya, ayaw niya namimigay at gusto niya sa kanya lang lahat ng stick-o sa lalagyan. Ganun siya kaadik sa stick-o.

Ningitian lang siya ni Asher saka kinain ang hawak na stick-o.

Lalong sumama ang tingin ni Zaira sa kanya at inis na kinuha ang lalagyan ng stick-o saka umupo para kumain.

Tumabi sa kanya si Asher pero hindi niya ito pinansin.

"Sorry na," sabi ni Asher para suyuin siya.

"...."

"Lagot ka! Galit yan," sabi ni Max para asarin si Asher.

Sinubukan siyang sipain ni Asher subalit mabilis ito umilag.

"Limang lang naman kinuha ko eh. Galit na siya agad?" sambit ni Asher.

Nagkasalubong ang kilay ni Zaira at lalong sumama ang loob dahil para sa kanya marami na ang stick-o. Bitin pa nga siya sa isang lalagyan.

"Athena," malambing na tawag sa kanya ni Asher pero hindi niya pa rin ito pinansin.

Tinuon lang niya ang atensyon niya sa pagkain ng stick-o.

"Uy! Sorry na," sabi ni Asher sabay kalabit.

"..."

"Sorry na. Papalitan ko na lang ng isang ganyan na stick-o."

Tinuro ni Asher ang hawak ni Zaira na lalagyan.

"Sabi mo yan ha? Walang bawian," nakangiting sabi ni Zaira dahil kanina pa niya hinihintay na sabihin niya iyon.

"Oo na. Para paraan lang?" tugon ni Asher nang mapansing naisahan siya.

"Ganun talaga," tumatawang sabi ni Zaira na masaya ulit.

Samantala, sa kalagitnaan ng pagsasanay nila Zaira. Tahimik lang silang pinapanood ni Mr. Lundberg.

Napabuntong hininga ito dahil alam niyang malapit na dumating ang araw na kinatakutan nila. Kahit anong tago nila darating ang araw na mahahanap sila. Kailanman hindi nila mababago ang nakatadhana kaya ang magagawa lang nila ay sanayin sila para maging malakas at maging handa sa darating na pagsubok sa kanila.

Nag-aalala niyang tinignan si Zaira dahil sa kanilang lahat siya ang mas mahihirapan. Lalo na malapit na dumating ang araw ng kaarawan niya.

"Bye Ken! Ingat ka sa pag-uwi," paalam ni Zaira sa matalik niyang kaibigan nang matapos sila sa pagsasanay.

Kinawayan niya ito na agad naman tinugunan ni Max nang kaway habang naglakad palayo.

Pumasok na sa loob ng bahay nila si Zaira at nagtungo sa kwarto niya para magpahinga dahil pagod na pagod siya.

"Athena," tawag sa kanya ni Mr. Lundberg bago pa siya makabalik ng kwarto niya.

"Po?" tugon ni Zaira sabay lingon dito.

"Sumunod ka sa akin. May ibibigay ako sayo."

Sumunod agad si Zaira ko papunta sa kwarto ng kanyang magulang.

Pagpasok nila, napatingin si Zaira sa painting na gustong gusto niyang tignan tuwing pupunta siya sa kwarto nila Mr. Lundberg; garden ito na may mga bulaklak na kulay puti, hindi niya alam kung anong bulaklak yun dahil rose, gumamela, sampaguita at santan lang ang alam niya

"Athena."

Napatingin siya kay Mr. Lundberg. May hawak itong isang box na maliit.

"Ano po yan?" tanong ni Zaira.

Ningitian siya nito saka binigay ang box na agad naman tinanggap ni Zaira.

"Buksan mo para sayo yan," sambit ng kanyang ama.

Binuksan ito ni Zaira at bumungad sa kanya ang isang kwintas na halatang luma na; kwintas ito na may pendant na cross at may iba't ibang kulay na gemstone.

Nagandahan si Zaira dito kaya kinuha niya ito sa box at tinitigan ng mabuti.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Mr. Lundberg.

"Opo papa," sagot niya kahit na hindi siya magsuot ng kwintas, nagustuhan niya ito na para bang inaakit siya ng kwintas.

"Akin na ilalagay ko sayo."

Binigay ito ni Zaira saka tumalikod para maisuot sa kanya ang kwintas. Pagkalagay nito sa leeg niya, bigla itong umilaw.

"Pa, bakit po umiilaw?" gulat na tanong ni Zaira.

Ningitian siya ni Mr. Lundberg.

"Tama nga ako. Ikaw ang nakatadhanang gumamit ng alter necklace ng lola mo."

"Kay lola po ito galing?"

"Oo anak, sabi niya ibigay ko daw yan sa anak ko na babae."

"Dapat po pala ingatan ko ito kasi galing kay lola. Papa, nasaan po si lola? Gusto ko po siyang makita."

Wala pang nakikila si Zaira ni isa sa mga kamag-anak nila kaya masaya siya nang mabanggit nito ang lola niya. Hindi nagkukwento ang kanyang magulang at wala naman siyang makitang pagkakataon na maitanong ito.

"Nasa malayong lugar siya anak. Pangako ko sayo kapag may oras ako dadalhin kita sa lola mo," sabi ni Mr. Lundberg dahil alam niyang sabik itong na may makilalang kamag-anak nila o pamilya.

"Promise po yan ha?!"

"Promise," sabi ni Mr. Lundberg sabay gulo ng buhok niya na katulad ng ginagawa ng mga kapatid niya. Namana yata nila ito sa kanilang ama.

"Sige po, salamat dito."

Tinaas ni Zaira ang pendant saka nagpaalam.

"Punta na po ako sa kwarto ko," aniya sabay halik sa pisngi ng kanyang ama bago lumabas.

Pagdating niya sa kwarto, naligo siya agad at nagbihis dahil amoy pawis na siya.

Umupo siya sa higaan niya saka kinuha ang stufftoy na binigay sa kanya kahapon ni Max, pinangalanan niya itong Kethen na nabuo niya sa pinagsamang pangalan nilang dalawa.

"Ilang araw ko hindi makakasama ang Papa Ken mo. Mamimiss ko siya," sabi ni Zaira dito

Tinuturing niya itong anak nilang dalawa ni Max kaya ganun na lang siya makipag-usap dito. Matagal na niya gusto si Max dahil kahit na parang lalaki siya kung manamit, pusong babae pa rin siya. Pero hanggang gusto lang ito at kung tatanungin niya kung mahal niya ito? Ang isasagot niya mahal niya lang ito bilang matalik na kaibigan.

Isang katok ang nagpaayos ng upo sa kanya. Binitawan niya si Kethen habang inaabangang bumukas ang pinto.

Sumilip si Liam sa pinto.

"Kakain na daw. Bumaba ka na," aniya.

Tumango si Zaira saka sumunod sa kanya at sila na lang dalawa ang wala kaya umupo na siya agad para makakain na sila.

"Ano gusto niyo gawin bukas?" tanong ni Mr. Lundberg habang kumakain sila.

"Picnic sa tabi ng dagat," tugon ni Zaira.

"Picnic na nga lang sa tabi pa ng dagat ang gusto?" sambit ni Asher.

"Eh! Yun ang gusto ko eh!"

"Gusto ko mamasyal sa kahit saan," sabi ni Asher.

Biglang may naalala si Zaira sa sinabi nito.

"Gusto ko po mag-ice skating," masayang sabi niya.

"Ikaw Hades?" tanong ni Mrs. Lundberg nang mapansing tahimik lang ito.

"Kayo pong bahala. Kahit saan okay lang sa akin," sagot ni Liam dahil kontento na siya na makasama sila.

"Okay. Gagawin natin lahat ng sinabi niyo bukas," sambit ni Mr. Lundberg na ikinatuwa ng dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status