Share

First Day

"Have you seen my jacket?" Peter asked.

Without uttering a word, I shook my head and he gets it. He left.

Senior High year is a few days away. Nag-aayos ako ng gamit ko ngayon dahil kalilipat lang namin ng bahay. 

Napagdesisyunan ng magulang namin na lumipat dahil isang taon nalang ay College na si Peter. They want him in a fancy school. At ang University for College na gusto ni Peter ay malapit dito sa bago naming nilipatan. 

I don't mind. Wala namang importante na hindi dapat iwanan doon sa luma naming bahay. I want to try a new school. Matagal ko ng gusto pero hindi ko naman masabi. Ngayon ay nangyayari na.

"Kakain na!" rinig kong sigaw ni Mama. 

Mabilis na nag-ayos ako ng sarili bago dumeretso sa hapag-kainan. They already hate me, I don't want them to hate me more. Kahit sa mga ganitong utos ay walang sali-salitang sumusunod ako. 

"Naka-enroll ka na, 'di ba?" 

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si Mama. I wasn't paying attention to what they were talking about a minute ago. Nasa isip ko ay siguradong natanong na niya ito kay Peter dahil lagi naman silang magkausap at hindi iyon palalagpasin ni Mama.  Kaya sa tanong niya na iyon ay ako ang sumagot.

"Opo," tahimik na pag sagot ko. 

Narinig kong naubo si Peter kaya bumaling ako sa kaniya. Mama didn't answered me, instead, she gave Peter a glass of water. Nang lingunin ko si Papa ay nakakunot ang noo nito sa akin. Nang makitang nakatingin ako ay nag-iwas agad siya at bumalik sa pagkain. That's when I realized that the question was really not for me. 

"Naka-enroll ka na?" Mama asked again. Nakatingin na kay Peter na kare-recover lang.

"Tapos na, Ma."

Kahit may namumuong tampo ay hindi ko nalang iyon pinansin. I continued eating. Nang matapos kami ay ako ang pinag-hugas ng mga pinagkainan. Ginawa ko naman. Ni-minsan ay hindi pumasok sa isip ko na inaalila nila ako. I'm their daughter and I am the youngest. It's normal to do what they ask me to do.

Tahimik lang akong naghuhugas ng plato. Everyone is busy doing their own business habang ako ay narito at naghuhugas. 

"Kanino itong sketchbook? Sketchbook ba ito? Kulay pula." I heard Mama.

My eyes widened when I realized what she's talking about. It is my sketchbook! Pagguhit nalang ang pinagkaka-abalahan ko. I love drawing and I am confident in that field. How come Mama doesn't know? I'm sure as hell Peter don't draw. He can't draw!

"Mama sa akin po iyan!" I shouted.

"Siya, itatapon ko na 'to!" she yelled.

Nanlaki pa lalo ang mga mata ko. I want to go to her para sabihin na sa akin iyon at pag mamay-ari ko iyong sketchbook pero alam kong mas magagalit sila kung iiwanan ko itong hugasin.

"Mama please! Sa akin po iyan!”

"Pakalat-kalat dito. Ayaw niyo kasing iimisin."

Kalilipat lamang namin at siguradong lilinisin ko pa lang iyon. Hindi pa ako tapos ayusin ang kwarto ko kaya naroon iyong sketchbook sa sala!

"Mama please po. Ako na ang mag-aayos niyan!" sigaw ko pa ulit.

"Wala na, naitapon ko na!"

Hearing that from her made my world crumbled. It is the feeling when a piece of you went missing. Pakiramdam ko ay nagunaw bigla ang mundo ko. Pinanghina ako ng narinig ko.

Making lines is the one I love doing the most.  All of my works ay naroon naka-drawing sa sketchbook. Iyon ang saksi sa passion ko sa pagguhit. Lahat ng naging inspirasyon ko at pinakagustong iguhit, mga pinag-aralan ko ng matagal ay naroon.

I felt my surroundings heated. Pakiramdam ko rin ay dumilim ang paligid. My grip on the plate that I am holding tightened. Walang kumukubli sa isipan ko kung hindi ang galit. Mariin kong pinikit ang mga mata ko, feeling the things around me. And the last thing I knew, the plate breaks into pieces.

Mabilis akong nagmulat dahil sa hapdi na naramdaman. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan ang mga kamay ko na ngayon ay puno ng dugo. How I did that, breaking the plate, is one thing I didn't know and didn't expected. H-how did I do it?

"Si Ara nagbabasag ng plato!" sumbong agad ni Peter.

I saw him rushed to the room where Mama is. Sigurado akong magsusumbong iyon. Hindi nagtagal ay lumabas siya mula sa kwarto kasunod si Mama na may nanggagalaiting mga mata.

"A-anong ginawa mo?!" Mama exclaimed angrily.

I glanced at my hands full of blood then back to her eyes, "I-im s-sorry."

"Sinasabi ko na nga ba!"

Lumapit si Mama sa akin at mabilis na hinila ang damit ko.

"Ano, nagagalit ka dahil itinapon ko ang sketchbook mo?" hinihila-hila niya ang damit ko at paulit-ulit naman akong nadadala.

My eyes watered in so much pain. Sa dami ng taon na lumipas ay naranasan ko na itong ganito. I'm just thankful despite their hatred to me, they didn't lay a hand on me. 

"Umalis ka sa harapan ko! Kung magdadabog ka lang ay umalis ka na."

Galing sa kamay niya na nakahawak sa akin ay tinulak niya ako. Mama don't have the strength kaya wala namang naging impact iyong pag tulak niya sa akin. Napaatras lamang ako.

"Umalis ka! Babasagin mo pa ang mga gamit ko, palamunin ka na nga."

With teary eyes, I started to run away out of the house. My clear sense of sight is not helping with the tears. Pero kahit anong labo ng paningin ko ay nagawa kong makalayo sa bahay. 

Their reason for hating me is vague. I never know and I never wanted to know the reason. Back then, kahit anong trato nila sa akin ay tinuturing ko pa rin silang isang pamilya. Kahit ano pa ang gawin nila ay iniisip ko kaming lahat na buo at masaya. 

But now, I am already seventeen. I may don't understand the reason, but it's all okay. Matagal ko na itong tanggap. Hindi lang ako nasanay. Ngayon ay sasanayin ko na. 

Kasabay ng pag patak ng luha ko ay ang pag hapdi rin ng mga mata ko. Kinusot ko iyon gamit ang kamay ko.  I looked at my hands. Puro dugo iyon. Pero nakakatakang wala akong sakit na maramdaman, kaunting kirot lamang.

Nang matapos ay naupo ako sa isang malaking bato at pinakiramdaman ang sarili. Sobrang init ng pakiramdam ko. I roamed around to see no wind and no breeze. Pero hindi ganito kainit ang dinadala ng araw sa normal na tao. 

I was thinking about what is happening until a vibration bombarded my chest. Nanlaki ang mata ko at bahagyang napaatras ang katawan. Sobrang bilis noon pero iba ang pakiramdam. Muntik na akong hindi makahinga. 

I gripped the shirt on my chest pero wala namang bagay ang naroon. Akala ko ay may tumusok. the feeling is like when you are shot by a bullet and it is the strongest bullet in the world. Ganoon kasakit ang pakiramdam. 

Nahiga ako sa may bato habang hawak-hawak pa rin ang dibdib. I slowly closed my eyes to somehow ease the pain. But nothing changed. Mas sumasakit. At habang mas sumasakit, mas bumibigat din ang talukap ng mga mata ko. And then the last thing I knew, I dozed off unconsciously. 

Days passed until it's the  first day of school. Mas naging mailap ang pakikitungo sa akin ni Mama. Si Papa naman ay gaya lang ng dati, walang pakialam. Noong hapon na iyon sa bato ay nagdire-diretso ang tulog ko. Gabi na nang maalimpungatan ako kaya umuwi na rin ako ng tahimik no'n. 

I'm excited for this day. Hindi dahil papasok sa bagong school. Kung hindi dahil ay mawawala ako sa bahay ng kalahating araw. I prefer to be somewhere else far from our house. Hindi naman ako puwedeng lumabas araw-araw dahil panibagong gulo iyon. Maaari nilang ibato sa akin na nagrerebelde na ako. At tsaka habang tumatagal din ay mas lumalakas ang pang-amoy ko pati pandinig. Sumasakit ang ulo ko kapag ganoon kaya mas pinipili kong manatili sa bahay.

"Sasakay ako, Ma." I heard Peter from the living room.

"Oh, heto. Baon mo na 'yan buong araw." I saw Mama gave him a money.

Naramdaman yata ni Mama na nakatingin ako kaya napatingin siya sa akin. I did not ask for a money. I'm fine without it. Kaya naman nang marinig ang sinabi niya ay hindi ko na masyadong dinibdib. 

"Wala na akong pera. Wala naman kayong naitutulong, paano ba tayo magkakapera n'yan?" Mama uttered. 

After eating our breakfast, Peter headed immediately to our new school. Lalabas na rin sana ako nang marinig si Mama.

"Ang mga pinagkainan!" 

Wala akong nagawa kung hindi ang mag hugas muna ng mga plato. My speed on doing the dishes is strange and weird. Madami ang hinugasan ko pero mabilis kong natapos. Hindi ko nga namalayan na natapos ko na. Para akong kumuha ng isang kutsara, tumulala, at nang makita ang hugasin ay tapos na lahat.  Ganoon kabilis.

Pinagpasalamat ko nalang ang tadhana dahil parang nakikisabay sa akin. After doing all the dishes, I straightly walked towards the house door. I didn't get to say my goodbye dahil hindi ko na nakita pa sina Mama. 

I put my mask on and my earphones. Walking is not boring. It is an exercise and a fun thing to do if you are into nature. Sa lagay ko lang ay mahirap. I don't want to hear things that's why I decided to walk while listening to music. Ayokong sumakit ang ulo ko dahil sa sari-saring amoy na naaamoy ko kaya pati mask ay sinuot ko na.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa school. The school isn't that big. It has a three huge buildings with five floors each. Mataas, pero hindi malaki. Pagpasok sa gate ay tinginan na agad ng ilan ang natanggap ko. I quickly took off my mask when I realized how weird it was. 

Natigil ako sa paglalakad nang maramdamang may papalapit. I turned to my right side when I felt a presence of woman there. And I was right. A woman with a long curly hair is all smile as she walks towards me.

"Hi, you are the new student?" 

I can smell her perfume so clear. Hindi iyon matapang pero sa lakas ng pang-amoy ko ay nagiging matapang iyon. I don't like the smell. It's triggering my nose.

I unintentionally covered my nose when I really can't bare the smell. The woman in front of me smiled so wide.

"You are new." 

Hindi na iyon tanong. Para bang alam na alam niya. The woman looked at me straightly in the eyes. Tuloy ay mas napagmasdan ko siya. Her eyes are almond colored brown. Straight hair, thick lips and a brown hair and it really look good on her.

"Anyway, I am the school council President and if you have any questions, I'm always free to answer it for you. Now, I was ordered to escort our new students to their respective class so, let's go?" 

I nodded. Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad. Maraming students ang napapatingin sa amin. Iyong mga tingin na parang nagtatanong…nanglalait. Nakakapagtaka tuloy. It’s like they don't even know what the word transferee is. Unang araw pa lang ng klase. Natural lang na may mga bago.

"You are in Victorious section." Tumigil kami sa tapat ng isang pinto kung saan may nakasulat na malaking Victorious. 

Seriously? They still do that? 

"Always remember what I said. If you have a problem, you can always look for me,” the President said, still smiling.

"And where can I find you?" 

"Oh, in the council office or find my room, Believer."

Gusto kong matawa sa mga section names nila rito. Pero mukhang wala namang nakakatawa para sa Student Council President kaya hindi ko nalang ginawa. Sa halip ay tinanguan ko nalang lahat ng sinabi niya.

"Good luck on your first day."

Pumasok na ako sa loob. The room is quiet. Hindi katulad noong mga naging kaklase ko noon na unang araw pa lang ay may nakatumba ng upuan. Are the students here belong exactly in the section base on their personality? Are these students victorious? Kaya ganito nalang sila katahimik. Then why am I here?

Tatlong upuan ang nakita kong bakante. One of it is in the front. The other is in the last row, sa may bintana at kita ang labas ng hall habang ang isang upuan ay nasa hulihan din pero nasa kabilang gilid kung saan naman puro puno ang makikita. I chose the seat on the latter.

My new classmates are staring at me as I take my every step towards the chair I have chosen. Kahit naiilang ay hindi ko sila pinansin. 

Wala pa kaming teacher kaya hindi ko na muna inalis ang earphones ko. Nakasilip lang ako sa bintana magdamag nang makaamoy ulit ako.

The smell is so good and so addicting. Hindi ko mawari kung pabango ba iyon o ano. Malapit ang amoy na 'yon. At nanggagaling sa labas ng bintana. I looked outside to find the owner of the smell. But I saw nothing. 

Hindi nawawala ang amoy hanggang sa dumating na ang teacher namin. I'm having the feeling of going outside to find the smell. Ganoon kalakas ang dating noon. 

I glanced outside the window once again. And this time, I saw a silhouette of a guy. Nang makita ay isang pigura ng lalaki ang nakita ko. He's wearing a white tee and a black slack, just right to know that he's also a student. Humihithit ito ng sigarilyo. I was looking at his side intently para mas malaman kung siya ba iyong naaamoy ko. 

Pero ganoon nalang ang gulat ko nang bigla itong lumingon. His blood shot eyes are now glaring at me. He is so serious and cold. Nakaramdam ako ng hirap sa paghinga. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status