Share

Who

It's my first day in school but I couldn't focus. The eye to eye with a stranger a while ago brought a different feeling. Tuloy ay sa buong paunang klase ay wala akong naintindihan. Buti na nga lang ay puro pagkilanlan lang ang nangyari.

We are at our third subject teacher when a woman interrupted the class. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya sa may pintuan. Her hair is long black hair and her skin is fair as a paper. She looks so beautiful but her face and expression is as cold as snow. 

"Yes, Miss?" asked by our teacher.

"I'm sorry. I'm late,” the woman said without any humor and sincerity.

Tahimik lang na nakamasid ang mga kaklase ko. Nang lingunin ko ang teacher ay parang nawalan din ito ng sasabihin. She eventually cleared her throat and gestured the woman to come in. It made me think that the woman is an old student. Our teacher seems to know her. 

"Come in,” pumasok naman iyong babae. "Since it's the first day of class, I wiill let you in. But this isn't tolerable if it happened again, understood class?"

Everyone agreed. Pinagmasdan ko iyong babae. Naupo siya sa kabilang dulo, kahelera kung nasaan ako. Her cold attitude and silent treatment to others is getting my interest.

"We have a transferee here?" the teacher asked after reading a piece of paper.

Automatically, everyone's head turned to me. Nang bumaling ako sa guro ay nakatingin na rin ito sa akin. She smiled at me.

"Come in front, hija." 

She's a teacher, I said to myself. Wala akong nagawa kun’di ang tumayo at pumunta nga sa harapan. 

"Introduce yourself so everyone would know their new classmate." 

I sighed heavily, "My name is Ara." 

I don't know what to say next. I turned to our teacher to say that I'm done without actually uttering a word. Pero hindi niya yata nakuha.

"Sige pa, hija."

Huminga pa muli ako ng malalim.

"You can call me Ara. We just moved in days ago near here so-" natigil ako sa pagsasalita nang may maamoy na panibago.

Wala sa sariling napatingin ako sa late na student. Her forehead is creased all together na parang may inaalam sa akin habang pinakikinggan ako. Nang makitang nakatingin ako ay nag-iwas ito agad ng tingin. The smell also faded. 

Suminghot ulit ako dahil gusto ko iyong amoy. Hindi kaya sa kaniya iyon at siya iyong naaamoy ko kanina pa? Was it her pefume? Kung pabango niya iyon, ano 'yon at bakit sobrang naaadik ang pang-amoy ko.

"Hija?"

Nabalik lang ako sa wisyo nang marinig ang teacher ko. Hindi ko alam kung nakakailang beses na ba siya sa pagtawag sa akin. Basta no'ng huli niyang tawag ay naramdaman ko ang paggalaw niya sa gilid ko at akmang lalapit kaya umiwas ako. 

I immediately turned to her and gave out a light smile, "That's all po."

Hindi pa man siya nakaksagot ay dumeretso na ako sa upuan ko. I gave the girl a last glance bago ako tuluyang naupo. She was looking at me. Para bang pinapasok niya ang kaloob-looban ko at doon naghahanap ng sagot.

Pang-apat na subject na noong tumunog ng malakas ang bell hudyat na break time na. All of my classmates stood up and approached their friends bago sila sabay-sabay na lumabas. 

I sighed heavily. Dinampot ko muli ang cellphone at pinalsak sa tenga ang earphones bago mag-isang lumabas. I'm not expecting to meet Peter here. Pero maliit lang ang school. Hindi ko alam kung ilan ang canteen kaya siguradong magkikita kami. 

I don't know where the canteen is. Sinundan ko lang ang mga naglalakarang estudyante hanggang sa makarating ako roon. Pumila ako para maka-order. I looked at the menu that is placed at the top and memorized the orders I want. Nagutom ako bigla nang makitang may karne. I love meat and I don't know why.

"Anong sa'yo?" asked the lady.

Sasabihin ko na sana ang order ko nang mapakiramdaman ang bulsa na walang laman kung hindi cellphone. Napapikit ako sa inis. I looked at the canteen lady and smiled at her shyly. Mukha kasi itong pagod na at dahil sa pagod ay ano mang oras puwedeng magalit. 

"I-im sorry, 'wag na lang pala." 

"Nag sayang ka lang ng oras sa pila," yugon niya.

Hindi malakas ang boses niya pero siguradong dinig iyon ng mga nasa malapit. Dahil nang makatalikod ako ay nakita ko iyong mga kasunod ko sa pila na mahinang nagtatawanan. 

Kumulo ang tiyan ko dahil sa gutom as soon as I got out the canteen. I now wish to see Peter so that I could borrow even a little. Pero ilang minuto nalang ay matatapos na ang break at hindi ko pa nakikita kahit ang anino manlang niya.

I sat at the bench to ease my crumbling stomach at nakinig na lang ng music.

"Hey!" napatayo ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko.

The President laughed, "I'm sorry, I didn't mean to startle you. Kanina pa kita tinatawag, hindi mo pala ako naririnig." she glanced at the earphones I am now holding.

"B-bakit?"

"I just want to ask if you're lost? Hindi mo ba makita ang canteen, bakit ka narito?" she roamed her eyes around. Napagaya rin ako.

We are at the back of my building. Madamo roon pero madumi. Mabuti na nga lang at may bench dahil puwede iyong tambayan. Wala masyadong estudyante rito. Siguro kasi dahil ito ang ikatatlong building. Ang pinakahuli. I could guess that the two other buildings has benches like these too. Siguro ay naroon ang mga estudyante ngayon.

"You want me to show you the way?"

Mabilis akong umiling, "Hindi na, alam ko naman. I was there."

"Oh," her mouth circled, "Tapos ka na mag break?"

No. I answered mentally. I don't want to embarrass myself. 

"Yes," sagot ko sa kaniya. 

"Okay," she nodded. "Are you free? Do you want me to give you a tour around?"

Wala naman akong gagawin. I actually like the idea, but I was planning to do it myself. Not with someone. But it looks like the School Council President knows all the way, then I'll agree.

"Okay,"

"Cool, let's go!" she said merrily.

Nag punta kami sa unang building. Nagulat ako dahil akala ko pagkapasok ay mga room na agad ang bubungad. But there is a huge hall. A ball can be done here! That's how huge it is. 

"This is the main hall. Sa buildings bumawi ang school. Plus, the heads want our gym and hall covered kaya rito ginawa sa loob. Though, we have a mini gym outside.” She chuckled.

Tumango ako. The hall is so daring. Pakiramdam ko ay nasa isang palasyo ako ngayon. Ang buong lugar ay naghahalo sa kulay gold and white. Everything is plourished and polished.

"Sa second floor and second hall. Mostly, doon ginaganap kapag may events. The next three floors are classrooms,” dagdag impormasyon niya pa.

"Hall din ang first floor ng second building, naroon din ang library. The rest are classrooms, pati na rin sa building niyo, puro classrooms na lang." 

Ang canteen ay located sa ibaba malapit sa gym na wala sa loob ng building. They also have a parking space pero nasa labas na iyon ng school. Kung titignan mo ay ang liit lang talaga nitong school. Pero kapag napasok mo ang lahat ay hindi mo aakalain ang mga makikita mo sa loob. 

"Kung gusto mo isa-isahin, puwede nating gawin after class. That is if you're free." 

Napaisip ako. I don't want to go home yet. Kung mag tanong man sila Mama ay sasabihin kong assignment ang ginawa ko. 

"Sige, I'm free. Besides, I want to remember it all for my stay here so I won't be looking for you."

Tumawa siya ng malakas bago inabot sa akin ang kamay.

"My name is Enid."

I smiled and took her offering hand for a hand shake.

"Call me Ara."

"It's nice to meet you Ara."

It feels...different. So this is the feeling of having friend. I feel happy and delighted. This is the first time I introduced myself to someone together with a hand shake. It feels innovate, but I'm really glad.

"Can I have your phone number?" she suddenly asked.

Without hesitation, I gave her my phone number.

"Alright, see you after class."

"See you."

Then we headed our rooms. I can't get the smile away from my lips. Is she now my friend? Why am I acting so weird. I feel so excited. Bigla tuloy lumamig ang pakiramdam ko. And that coldness sent a convenient feeling. Puro init ang nararamdaman ko noon. Is it because I'm happy?

Doon din pumasok sa isip ko ang pag-iiba ng mga nararamdaman ko. Even my different senses. I don't know if a normal human is also feeling the way I'm feeling. Kung may nakakaranas din ng nangyayari sa akin. Noon ay wala akong pakialam. Ngayon ay parang gusto ko na ng mga sagot.

Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha nang bigla akong matigilan dahil sa amoy noon. Ang kanang kamay ko ay kaamoy noong nakakaadik na amoy na gustong-gusto ko. I feel my eyes heated as I smell my hand. Saan nanggaling ito? Nang ma-realize ang ginagawa ay mabilis kong nilayo ang kamay sa mukha ko.

I suddenly feel bothered. What if Enid found out and freak out? She will never like to be friends with me anymore. Nagiging maayos na ang buhay ko. With Enid as my first friend, masasabi kong kahit papaano may kaunting kulay sa maitim kong mundo. I want to change. And I want the best of me for the best future.

Excited ako nang matapos ang buong klase. Papalabas ako ng room nang makasabay ko iyong kaklase namin na late kanina.

Hindi niya yata ramdam na kasabay niya ako dahil dere-deretso lang ang lakad niya at sa gitna lang siya mismo nakatingin. 

I was about to stop from walking para siya ang unang makalabas sa pinto dahil mukhang hindi niya ako napapansin nang bigla siyang tumigil at tumingin sa akin.

"Go ahead.”

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Akala ko ay hindi niya ako napapansin! But she knows na nasa likuran niya lang ako kanina pa. 

Nagkatitigan kami. Kung paano niya ako tinitigan kanina ay ganoon din ngayon. Nakakunot ang mga noo niya na parang ito na iyong tyansa na mapasok ang kalooban ko pero hindi magawa. My brows shot up. Maya-maya pa ay bumalik na siya sa dati niyang hitsura. Iyong walang emosyon.

"You won't go?" tanong niya.

Walang sali-salita ay lumabas ako. Ganoon na lamang ang gulat ko na naman nang mamataan si Enid sa labas ng room.

"There you are!" 

"What are you doing here?" I asked.

"To see you, duh? May usapan tayo, 'di ba?" 

Napatingin ako sa kaklase ko na nakatayo lang sa harap namin ni Enid. It was weird and awkward because she's still looking at me. Parang hindi siya kumukurap at talagang nakatingin lang sa akin.

"Argh! Go away, Lily." biglang sinabi Enid. Nang tignan ko siya ay doon ito nakatingin sa kaklase ko.

"And you?" Lily, as Enid called her, asked.

Sobrang naguluhan ako sa dalawa. They know each other and I didn't know!

Pinaikot ni Enid ang mga kamay niya sa braso ko. Napasinghap ako nang maamoy ang napakatapang niya na namang pabango. Bumaling ako sa ibang direksyon para maiwasan ang amoy. I don't want to be rude by pushing her hands off me. But I can't get with the smell.

"You see, I have a friend to tour around,” Enid said.

"Whatever." balik na tugon ni Lily.

My classmate, Lily, started to walk away from us. Probably, to go home already. Iikot pa kami ni Enid kaya hindi pa ako makakauwi.

Enid rolled her eyes, "That brat." 

I was curious with her relationship with Lily. I can't imagine them being close to each other despite their opposite attitude. Enid is cheerful and talkative. She's approachable, or maybe that is given because she is a school council, and a President. While, Lily, on the other hand, is cold. No humor, nothing at all.

Umuna nang lumakad si Enid habang ako naman ay pasunod na sana nang matigilan dahil sa amoy na naman. Mabilis kong nahanap kung saan nagmumula iyon kaya lumingon ako sa may gilid ko. I saw Lily. With a guy. My eyes widened when I familiarized him! Siya iyong nakita ko sa labas ng bintana. 

Lily is with him and two other guys. I saw Lily said something to him and then he suddenly turned where I'm standing. Habang nakatitig siya sa akin ay mas lalong tumatapang ang amoy. At habang mas tumatapang iyon ay mas nagugustuhan ko. 

Who owns that smell? Is it you?

He then smirked at me.  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status