Share

Kabanata 2: Best Friend

Shiro

After that incident, my mother refused to talk about it again. A part of me blames myself. Kung hindi sana ako lumabas ng kwarto at nagpakita ay hindi mangyayari ito. Siguro, kung maulit man ang pagkakataon na iyon ay hindi na ulit ako lalabas. Siguro hahayaan ko na lang sila na mag-usap at makikinig na lang ako sa mga tawanan nila.

Habang lumilipas ang araw ay patuloy ang pagbili sa akin ni mama ng libro. Ang sabi niya ay mura lang ang mga kuha niya rito dahil naging suki na rin siya ng tindahan na iyon. 

Weeks passed like a whirlwind. Habang lumilipas ang mga araw ay mas lumalapit ang araw ng pasukan dito. Gusto ko talagang mag-aral sa paaralan. Gusto ko talagang maranasan ang mga nababasa ko sa mga libro. Gusto ko talagang maging ordinaryong babae. I always imagined myself as a young teenage girl, wearing a school uniform, running as the President of the class—or being a valedictorian in our school. Pero ang lahat na iyon hanggang pangarap na lang.

Paano naman kasi ako magiging ordinaryo kung ganito ako?

What ifs are all over my mind and I couldn't stop thinking about that. May mga pagkakataon na aabutin ako ng madaling araw na gising dahil dito. Gusto kong maranasan ngunit natatakot ako na makutya. Gusto kong maranasan ngunit natatakot ako na katakutan.

All I want is to be accepted for what I am. I wanted to hear their laughter, not their scream. I wanted to see the bright smile on their faces while looking at me, not the scared look they always give.

A tear poured down my cheeks as I hugged my pillow tightly. Bakit ganito ako? Bakit ako pa? 

Nabalik ako sa aking balintataw nang may marinig akong katok na nanggagaling sa aking bintana at gayon na lang ang panlalaki ng aking mata nang makita ang batang babae noong nakaraang linggo.

What is she doing here?

She smiled at me and waved her hand. 

I swiftly dried my tears.

Dahan-dahan ay lumapit ako sa bintana ng aking kuwarto at pumatong sa upuan upang makaupo sa tabi ng bintana. I unlocked the windows and opened them. 

The strong and cold wind automatically embraced my whole body. I hugged myself and rubbed my hands together. Napakalamig dito, parang posible nang umulan ng nyebe.

"Hi!” She smiled.

I smiled, too. "Hi. what are you... doing here?" I asked.

Bahagya kong iniwas ang aking mga mata at pinanatili ang espasyo sa amin. Nahiya ako bigla nang makita siya nang malapitan. Napakaganda niya.

She slightly moved her body and sat beside me. Ang katawan ko ay  nakaharap sa bahay at ang katawan niya ang nakaharap sa labas. Opposite ang aming posisyon.

"I wanted to say sorry about my mother's behavior. She's sick and I think she forgot to drink her meds again. Sorry."

I pressed my lips together. “It's okay, hindi naman ako ang naapektuhan. Ang mama ko ang naapektuhan." 

A moment of silence. Hindi ko alam ang sasabihin, baka may sasabihin pa siya, kaya mas pinili ko na manahimik na lang. Pero, ilang minuto na ang nakalilipas pero nanatili pa rin siyang tahimik.

Hanggang sa malakas na hangin ang nakabasag ng katahimikan namin. Balot siya ng makapal na kasuotan kaya marahil ay hindi siya giniginaw pero ako ay lamig na lamig na lamig na. Tumawa sa akin. Napatitig ako rito. She has a round face and a white skin but not as white as mine. She has a perfect pink pouty lips and a grey eyes. Her hair was long and a bit wavy. She looks like a goddess living inside the book.

"Mukhang kailangan mo magsuot ng makapal na damit. Giniginaw ka na.”  Tinawanan niya pa ako. 

Nanlaki ang mata ko at tumango. Bumaba ako sa tinutuntungan ko at kumuha ng makapal na damit. Matapos masuot ay akmang babalik ako sa pwesto ng makita ko siya na nasa likuran ko na. 

My heart beats faster. I think I almost had a heart attack!

"G-ginulat mo naman ako!" Sigaw ko na ikinatawa niya.

“Mas'yado kang magugulatin! Easy ka lang, 'di naman ako masamang tao. Gusto ko lang talaga makipagkaibigan sa’yo.” Ngumiti ito sa akin at bahagyang tinagilid ang ulo.

Natigilan ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. My heart was filled with delight. Totoo ba talaga ang sinasabi niya? Or I am just imagining things? Buong buhay ko ay wala pang bata na gustong makipagkaibigan sa akin. Walang bata na nagsabi sa akin before ng mga ganoong kataga.

My eyes started to water as I buried my face in my hands. 

"Ay hala ka! Ayaw mo ba ako maging kaibigan?” gulat na saad niya. 

Umiling ako at humarap sa kaniya na at 'di na inabalang punasan ang aking luha. For the first time, I felt like I was floating in the clouds and my stomach was filled with butterflies. 

"N-ngayon lang… may nagsabing gusto akong maging kaibigan. Masaya lang ako," sabi ko.

Ngumiti ito sa akin at hinatak ako papunta sa aking kama at doon kami umupo. From my head, her hands glided over my hair. 

"Ang ganda-ganda mo. Ngayon lang ako naka-kita ng ganda na kagaya ng sa'yo, malamang sa susunod na pagdiriwang ay pwede kang italaga na pinakamaganda sa bayan natin."

She looks so fascinated about my hair. I think she’s the only person who likes my appearance except from my parents.

Sumimangot siya. "Sana mapalitan na si Everly, ang pangit-pangit naman ng ugali niyon."

"S-sino si Everly?"

“Si Everly… ’yong pinakamaganda raw kuno rito sa bayan natin. Pero 'di naman ako nagagandahan sa kaniya kasi ang pangit ng ugali niya." 

Her eyes brightened. "Ay, sa susunod na election! Sandali, pumapasok ka ba sa school? Baka pwede kang manalo."

Ang nakangiti kong mukha ay unti-unting nawala. Naalala ko na naman.

"I'm not allowed to go to school. My mother doesn't allow me. "

Nanlaki ang mata niya. "Ay bakit? Mahalaga ang pag-aaral at pagpasok sa paaralan! Dapat pumasok ka."

"Sa una ko kasing pinasukan ay na-bully ako saka isa pa... wala kaming sapat na pera." 

"Bully? ’Wag kang mag alala dahil nandito ako! Pera?" Nilinga niya ang kaniyang mata. "Ibenta natin ang mga libro mo!"

Nanlaki ang mata ko. "Hindi pwede! Binili ng mama ko ang lahat ng 'yan, baka magalit siya sa akin! " 

Mahina niyang pinalo ang balikat ko.

"Ibebenta naman natin ng katumbas ng dalawa sa presyo, 'di yan magagalit!" Tumayo ito at lumapit sa book shelves at kumuha ng dalawang libro. ‘Yong libro ko noong nasa unang bahay pa kami. "Ibebenta ko 'to, babalikan kita pag nabenta ko." 

"Teka ano..." natigilan ako nang maalala na hindi ko alam ang pangalan niya.

"My name is Liam, the top student of Blue Stone Academy.  Ang pambato sa bawat competition. Best in Science, Math, English, and History. I can recite the Periodic table with the numbers of atoms and their groups. I'm also a winner of the chest game and a Supreme Student Vice President. Any question?” 

Napatulala ako sa lahat ng sinabi niya. Is she for real? 

"Halos lahat ng title ay nasa 'yo na." Sabi ko.

She laughed. "Hindi ah! Ang title ng pinakamaganda ay na kay Everly pa. Pero ayos lang na 'di maganda, at least matalino. " 

Umakyat ito sa upuan at lumabas sa bintana na agad kong sinundan.

"Sigurado ka ba?"  Nag-aalalang tanong ko. Baka magalit sa akin si mama.

Nag-thumbs up siya sa akin. "Uuwian kita ng malaking pera para may pang-aral ka! Hintayin mo ang best friend mo.

I didn't manage to speak. Finally, someone called me as best friend. Someone is not afraid of me. And also, my best friend is a genius. Hindi ko mapigilan ang ngiti na kumakawala sa akin dahil sa tagpong iyon. 

Gosh, I didn’t know that this kind of happiness is so overwhelming. 

Mahigit ilang oras ang lumipas mula nang umalis si Liam. Mamayang alas-kwarto ay darating na si mama— alas-tres na pero wala pa rin si Liam.

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang nag-hihintay sa aking kwarto. Bakit ang tagal ni Liam? Napa’no na siya? Okay lang kaya siya? At ‘yong libro? Sana talaga hindi magalit sa akin si Mama.

Agad akong napabaling sa bintana nang marinig ko ang tatlong katok. Agad kong nakita ang masayang mukha ni Liam habang iwinawagayway ang perang papel—wala na ang isang libro, marahil ay nabenta niya na. Samantalang napakalaking ginhawa naman sa akin na makita siyang nakabalik agad. 

Dali-dali akong pumunta sa bintana upang papasukin siya.

"K-kumusta?" Mahina ngunit alam ko na dama ang excitement at takot sa boses ko. 

Agad siyang umupo sa kama ko. Feel at home na agad. Hingal na hingal pa siya na tila tinakbo niya ang malayong lugar.

"Nakalimutan ko." Malakas siyang tumawa. "Lahat ng bata dito kailangan pumasok sa Blue Stone, kaya kailangan mong pumasok." Inabot niya sa akin ang kulay asul na pera. "'Yan ang na-kita ko sa libro, tinakot-takot ko pa si President para bilhin ’yon."

Inabot ko ang pera at bahagya pang nanginginig ang kamay. I can’t believe that I am actually holding a piece of money! Hindi pa ako nakahahawak ng pera dahil hindi naman ako binibigyan ni mama—ngayon lang dahil kay Liam!

Ngumiti ako. "Maraming salamat. Pero anong ibig mong sabihin na kailangan na pumasok—"

"Ah, oo! Ano nga pala ang kapabilidad mo? " tanong niya na ikinataka ko.

"Kapabilidad?" What did she mean? 

“Like, hobby? Skills or talent?” I asked.

Umiling siya sa akin at bahagyang natawa, “No, silly, your powers? What is your ability?"

My forehead creased. I frowned. 

“A-ability? “ I asked once again. I am really confused right now.

She nodded. "Yes, lahat ng tao dito ay may kan'ya kan'yang abilidad. Hindi ka makapapasok dito kung wala." 

Hindi siya seryoso pero mukhang hindi rin naman siya nagbibiro.

Bigla dumagundong ang kaba sa dibdib ko kahit hindi ko alam ang dahilan. Para bang may hindi tama sa nangyayari o mangyayari pa lang. 

"Mukhang nagkakamali ka, w-wala akong gano’n." Usal ko. “I think you’ve mistaken—"

"Mayroon—"

"Wala!" Napatayo ako at lumayo sa kaniya. "Mga normal lang kayo 'di ba? Ako... ako ang hindi ordinaryo dahil sa anyo ko.”

Her face became serious, the joyful and cheerful Liam is gone.

"Walang normal dito, Shiro." Nanlaki ang mata ko.

"H-how did you know my name?"

The side of her lips go up. She smirked devilishly. "I'm a mind reader.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status