Share

kabanata 3: Tres

Shiro 

The side of her lips go up. She smirked devilishly. "I'm a mind reader.”

"Y-you got to be—" I was interrupted when I heard my mother's furious voice. I automatically looked at my back.

"What is she doing here, Shiro? I told you not to let anyone in!” she said in a very furious tone. 

Napatayo si Liam at tumabi sa akin. Mas lalo akong natakot nang maglakad ang ina kong papalapit sa pwesto namin. Using my peripheral vision, I saw Liam remained calm. Can't she feel the tension or is she just not really scared? 

My heart beats again and I felt my body getting cold. 

"It's my fault, Mrs. Taranza—"

"I'm not talking to you." She averted her eyes from me. "We will talk, Shiro,” she said and eyed at me. "I'll make some snacks for your visitor."

I took a deep breath and sighed in relief when she stepped out of my room. Nakahinga ako nang maluwag ngunit hindi pa rin nawawala ang takot ko. I felt my knees getting weak.

Hinarap ko si Liam na ngayon ay tila nagulat pa rin sa nangyari.

"Your mom was a bit scary yet mysterious... I can't read her mind. It's like there's a barrier, a strong barrier na naghaharang—" I cut her off, throwing her a glare.

"You know what? Stop this nonsense capabilities you were talking about. That's not true nor even exist!" I said; half shouted.

Natahimik si Liam dahil doon. Mabilis at malalim ang aking paghinga dahil sa pinaghalong inis at takot mula kanina. Gusto kong mag-sorry. pero huwag muna ngayon, naiinis pa ako. Hindi ko naman gustong magalit.

Nakita ko ang pasimpleng ngiti na kumawala sa kaniyang labi. Hindi ko ito pinansin at inayos na ang kwarto bago kami tuluyang lumabas. Naabutan ko sa kusina ang aking mga magulang.

Si Mama ay naghahanda ng snacks at si Papa naman ay umiinom ng tubig. May pinag-uusapan sila ngunit sa sobrang lapit nila sa isa't-isa ay mistulang nagbubulungan na lang sila kaya hindi ko marinig.

"Ako rin, 'di ko marinig ang pinag-uusapan nila,” rinig kong sabi ni Liam. 

Kumunot ang noo ko. Binabasa niya ang isip ko? Pero paa—aist, nevermind na nga lang.

When we reached the table, Liam sat in the vacant seat beside mine. 

"May kaibigan ka na pala, 'nak. Mabuti naman at mayroon ka ng kaibigan." Napangiti ako sa sinabi ng papa ko. Nabawasan ng kaunti ang takot ko.  "Kumain ka lang, Hija. ‘Wag kang mahihiya."

Liam smiled softly. "Thank you po sa pagkain."

Nang balingan ko ang aking ina ay walang emosyon ang kaniyang mukha. Hindi ko tuloy mahinuha kung masaya ba siya na nagkaroon na ako ng kaibigan o baka galit pa rin siya. Katabi siya ni papa sa lamesa at nananatiling nasa plato ang kaniyang tingin.

Muntik ko ng makalimutan. Mag-uusap pala kami mamaya. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at gumapang ang takot sa buong katawam. I don't know why, but I feel so scared.

"How old are you, Hija?" tanong ni papa. 

"I'm seventeen years old. Just call me Liam, Mr. Taranza. " 

Nagpatuloy ako sa pagkain. Sinulyapan ko ulit si Mama ngunit nakatuon pa rin ang mga mata niya sa kaniyang kinakain. I averted my eyes from my father and Liam, who were comfortably chatting.

I shook my head to get rid of all my thoughts. Ako lang yata ang nag-iisip ng hindi maganda ngayon. 

"Same lang pala kayo ng anak kong si Shiro." Bumaling sa akin si papa. "Anak, kamusta ka naman dito habang wala kami?" 

 I gulped. "I'm fine papa. I read a lot of books while waiting for both of you and... Liam is here. Kaya hindi ako nabagot." 

He slowly nodded his head. 

"Anyways…” Napabaling ako kay Liam. "Mr. and Mrs. Taranza—" my mother cut her off.

"Just call us Tito and Tita... you're our daughter's friend after all." Banayad lang ang pagbigkas ni mama. Hindi mababakasan ng galit pero nakapagparamdam naman sa akin ng takot.

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Mama. Hindi ko akalain na papayag siyang tawagin ni Liam na tita. Siguro nga talaga ay nag-o-overthink lang ako kanina. Hindi naman talaga galit si mama.

 Pero kanina kasi…

Ngumiti si Liam. "Tito and Tita, bilang parte ng Supreme Student Government ng academy, require ang lahat ng bata na pumasok sa school and no one is exempted." 

My eyes widened as I looked at her with a confused and inquiring stare. Napabaling ako kay mama ng maramdaman ang mga titig niya sa akin. She raised her eyebrow at me, waiting for answers.

"Ahh hmmm..." I tried to utter some words. 

"Kung hindi po makapapasok si Shiro ay baka puntahan—"

Lumipat ang tingin ni mama kay Liam. "Sino ang nagsabi na hindi ko siya papapasukin?" Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng aking ina. Does she mean na mag-aaral ako sa school? "I know the rules here..."

Pumalakpak si Liam. "Great! Dont worry, Tito and Tita kung sakali man na may mang-bully kay shiro ay ako ha ang bahala, I'm the SSG Vice President after all. " pagmamayabang nito. 

My father chuckled. "So... you will gonna use your power?"

"Yes, Tito, sometimes using your power once in a lifetime wasn't bad at all. Para saan pa ang posisyon na mayro’n ako kung hindi ko gagamitin sa oras ng pangangailangan?"

I can see that my father was really amazed with her. His eyes were twinkling and full of amazement... that I never saw every time he looked at me. 

Hindi naglaon ay napagpasiyahan na ni Liam na umuwi sa kanila, tumulong ako sa pagligpit ng kinainan namin. Tahimik pa rin si Mama at si Papa naman ay nasa sala habang nagbabasa ng diyaryo. 

 

Ilang beses kong sinubukan na magsalita at kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko kanina na papayagan niya ako ngunit dama ko pa rin ang kaba sa aking dibdib.

"Mama, papasok na po ako sa kwarto—"

"Mag-uusap pa tayo." 

Napayuko ako. Tinuro niya ang silya at inutos na maupo ako roon, na agad ko namang ginawa. Umupo rin siya sa harapan ko. 

Mula sa sala ay pumasok ang aking ama sa kusina at tumabi kay mama. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang bahagya dahil nandito si papa ngayon, kung sakali man na magalit si mama ay nasisigurado ko na mapapakalma niya si mama.

"Ayaw ko na pumasok ka sa school," diretsong saad niya.

Tumango ako at napalunok na lang. "Okay lang po—"

"'Di pa ako tapos…" bumuntonghininga siya at napasintido. 

“Ayaw ko na pumasok ka, pero wala akong magagawa kung ito ang batas dito. Nakausap ko ang head, provided nila lahat ng mga kailangan mo. Ang gagawin mo na lang ay ang mag-aral nang mabuti at makapasok sa top 10 ngayon sa unang semester. Kapag hindi ka nakapasok ay kailangan natin magbayad sa susunod na semester.”

Tumango ako. I wanted to giggled but It is too early to celebrate. I bit my bottom lip to prevent myself from smiling. 

Bigla naman nagsalita si papa. "Alam kong kaya mo, anak. ‘Wag kang ma-pressure. May tiwala kami sa iyo.”

Nag-angat ako ng tingin. Nagsimulang mamasa ang mga mata ko habang nakatingin sa mga magulang ko. 

"T-thank you po..." 

Umalis ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila upang mayakap sila. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mga luha ko. Dahil ba sa makapapasok na ako sa school o dahil sa sinabi ni papa na may tiwala siya sa akin? Hindi ko na alam. 

My heart feels like going to burst because of overflowing happiness. 

I looked at them and wipe my one tears. "Pangako, gagalingan ko po. Makapapasok ako sa top 10.”

*** 

Kinabukasan ay nagpunta ulit sa bahay si Liam. This time, nagpaalam siya na isama ako sa labas. Ang akala ko nga ay hindi ako papayagan ng magulang ko, pero nagulat ako nang walang kurap-kurap na pumayag sila. Hindi pa rin naman nagbago ang pakikitungo ni Mama— tahimik siya at walang kibo. Si Papa naman ang ganadong-ganado na pumayag sa pagsama ko kay Liam. 

Suot ang sweater ko ay sabay kaming lumabas sa bahay ni Liam. Parehas pa kaming naka-beani, itim ang kaniya at pula sa akin, angat na angat ang kulay dahil sa kaputian ko habang ang aking buhok ay nakaladlad. Puti rin ang kulay ng aking sweater at kayumanggi ang pang-ibabang pants. 

Napapatigil pa ang mga tao at napapatingin sa akin habang naglalakad kami. Dahil sa nahihiya ako ay nanatiling nasa baba nakatitig ang mga mata ko. Sa ilang linggo mula ng makarating kami dito ay hindi ako lumalabas, kaya siguro gayon na lang ang pagtataka nang makita ako. 

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila, baka mamaya ay kinukutya na nila ako.

I held Liam's hands as tightly as I could. I lifted my gaze to her when she squeezed my hand and I caught her smiling at me, telling me not to be nervous. I smiled back and nodded my head.

"Nandito na tayo.” Napaangat ako ng tingin sa hinintuan naming store ni Liam. 

“Bookstore?” pagbasa ko sa nakasulat "A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Liam.

Instead of answering my question, she dragged me inside the store. I was amazed when I saw a lot of books and high bookshelves. Maayos ang pagkakalagay at nakasalansan nang mabuti. Hinawakan ko pa ang kalapit na shelf at dinama ang bawat libro na madampian ng aking balat.

My lips parted in awe. Napakabango. Ang daming libro—as in sobrang dami! This is my dream: a house full of books!

“Tulo mo lumalaway,” napabaling ako sa boses lalaki na tila nang-aasar. "Hi, bago ka?" Biglang tanong nito.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natuod ako habang nakatingin sa maganda niyang ngiti at malinis na itsura niya. Hindi naman ito ang unang beses na makakita ako ng lalaki na kasing edad ko, pero iba ang dating niya. Plantsado ang tela ng kaniyang damit, maayos ang buhok kahit mabuhaghag at bagsak, at higit sa lahat ay mukha siyang masiyahin dahil sa kaniyang makinang na kulay kapeng mata.

Ang linis niya, ang ayos, ang bango. Nakaka-turn on.

"Nariyan ka pala, President!" Napalingon kami kay Liam. 

“Oh, nagkita na pala kayo ni Shiro? S'ya ‘yong kinukwento ko sa'yo kahapon, ’yong bagong lipat dito.”

Dahan-dahan na tumango ang lalaki at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napatuwid ako ng tayo, nahiya ako bigla sa ayos ko. Dalawang beses na lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa hiya at kaba. Paano kung hindi niya rin magustuhan ang itsura ko?

"Hi, again. I'm Tres, the SSG president of Blue Stone Academy. Nice to meet you, Shiro.” Naglahad siya ng kamay sa akin at ngumiti.

Tinitigan ko ang kaniyng kamay at nagdedebate ang isip ko kung tatanggapin ko ba o hindi. Sa huli, dahan-dahan kong inabot ang kaniyang kamay at nakipagkamay rin.

"I'm… I’m Shiro," pagpapakilala ko ng aking sarili at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"What's your ability?" I frowned because of his question. That ability again. I couldn’t help it but to roll my eyes.

 "Hindi mo alam?"

Umiling ako. "Wala akong ganon... ano bang sinasabi mo?"

"You're so mysterious. I can't... I can't see your past. All I can see is a white wall and—" Agad ko binawi ang kamay ko dahil sa takot. 

Tumabi sa kaniya si Liam. "I can't read what's on your mind, either. Kahapon naman nababasa ko pa," saad niya na mas lalong nakapagpagulo sa akin.

Hindi pa pala siya tapos sa biro niya. Pati ang lalaking ito ay dinamay niya pa.

"Tigilan n'yo nga ako. Hindi ako nagbibiro," sabi ko.

"We're not joking, Shiro. Totoong may abilidad kami na gano'n. I can read minds while Tres can see the past," sabi ni Liam na nakaragdag sa kaguluhan ng isip ko 

"You're one of a kind, Shiro," saad ni Tres.

"Shiro..." he uttered. "White in Japanese. Shiro, as white as milk. So beautiful yet mysterious, you caught my attention from the moment I laid my eyes on you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status