Share

Chapter 137

“Aalis na kami bukas ng maagang maaga pagkatapos ay hindi ka man lang magpunta rito ngayon. Hindi mo man lang ako dalawin bago kami magpunta sa Batangas. Kahapon pa tayo hindi nagkikita, pagkatapos ay baka abutin raw kami ng limang araw doon sa resort.” Kausap ko ngayon si Richard ngayon sa telepono.

Sa totoo lang ay kanina pa akong inis na inis sa kanya. Dati rati ay pagkatapos ng pre-production meeting niya ng tanghali ay dumidiretso na siyang makipagkita sa akin. Pero kanina ay iba. Ang buong akala ko ay maghapon kaming magkasama ngayong araw dahil wala nga siyang meeting dahil cancelled naman ang shoot ng teleserye, pero mali pala ako ng akala. Pagkagising niya ay nagmamadali na siyang nag-prepare dahil may last minute meeting pa raw para sa raket nila bukas. At ngayon nga ay nandoon pa rin daw siya sa network.

“Kumain ka na ba? Baka sa sobrang busy mo diyan ay nakalimutan mo na ang kumain ha.” Kahit naman naiinis ako sa boyfri

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status