Share

Chapter 53

Pagpasok ko sa kuwarto ay agad kong hinagis sa kama ang cellphone ko at saka humiga. Hindi ko alam, pero para bang pagod na pagod ako ngayon. Nag-drive lang naman ako papunta sa ospital. Iyon lang ang ginawa ko ngayong araw pero iba ang pagod na nararamdaamn ko. Nakatitig lang ako sa kisame habang nakapatong sa noo ang magkasalikop kong mga palad. Pilit inaaalam kung ano ang mali, kung bakit nagkaganoon? Bakit ang labo ni Stacy? Ano pa ba ang gusto niya? Bakit ayaw niya? Ang daming bakit, para na namang sasabog ang ulo ko dahil sa sakit.

Ano pa ba ang plano niya? Bakit hindi niya sabihin sa akin? Maayos na kami, pero iyon lang pala ang akala ko. Matindi ang pagpipigil ko sa kanya kanina, ang sabi ko ay huwag na lang siya magpunta sa shoot, kayang kaya ko naman na pirmahan na lang ang mga papel na kailangan niya. Para ano pa ba at naging direktor ako ng show kung hindi ko kayang agwin iyon, kung hindi ko man lang mapaboran ang taong mahal ko. Pero matigas nag ulo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status